watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 6*  (Read 83149 times)

hitgirl00

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #180 on: September 15, 2011, 01:11:49 am »
hi sisses! sorry lurker mode muna. super busy kasi with work, we have a big project coming up kasi.
happy to read all is doing well with their preps :)

re moon: hindi rin ako mapamahiin, in fact di ko lam na may something with the moon heheh but i tried to look into the site posted and we're 99% visibility lol

re marriage docs: thanks for posting info on docs sisses! need instructions kasi how to get one. clueless ako on these things :)

re ukay find: haha guilty on this! love ukay as well, pero more on bags ang hanap ko minsan :D

blueflame: i agree sis, super same boat din kami ni h2b. mas mahirap magdecision tuloy. re choir or strings, naku ang gulo ata nung kausap mo sis. baka you need to check with another supplier para may back up plan ka. re STD, I used to like #1 but it looked like a business event compared to #3. so #3 ako :)

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #181 on: September 15, 2011, 05:22:04 am »
thanks for helping me out sa STD namin!  :) si h2b kasi walang ka-art-art sa katawan so kayo na lang daw ang tanungin ko. mukhang trip ko rin palitan ang monogram namin. hehe! :D di ako nakapasok! haha! 8pm na yata ako nakatulog eh 1130 pasok ko. hay! jittiers na ba to or sadyang tinamad lang ako?! hahaha! la pa naman akong absent since the year started. 

katrinac - looks like tama pagkakagawa nya sis. just make sure na enough yun laki ng bawat loop para kasya kayo ni h2b. sabi, standard daw is 3-4 ft each loop. boutonnieres ba yung maliit sis? kung boutonnieres, woohoo! i love crystals! yun sa akin na kay moh, tapos na daw nya kaso di ko pa nakikita. yun unang gawa ko kasi konti lang ang crystals so parang wala lang. dinagdagan daw nya para gumanda. you can show your friend my wedding cord pics para sample nya.  ;) re yur throwaway bouquet - tama ka sis! baka masugatan nga ang sasalo, medyo masakit yan dahil mabigat yun materials mo. pagawa ka na lang  ysabela.  ;)

chelle_peachy0524 - yes sis! call center po ako nagwowork in APAC sa loob ng araneta center. Happy anniversary to you and you lovey dovey!  :-*


health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #182 on: September 15, 2011, 06:42:29 am »
Good day everyone!

Ang lupet nito…. Halos 4 pages ang binack read ko. LOL! Kasalanan ito ng boss ko at hindi siya umalis sa tabi ko whole day yesterday at ng PLDT kasi sira ang phone ko kagabi! Grrr for PLDT.

sis red143
– IMO, okay lang kahit maaga ang prenup. Kami nga, malamang 7-9 months before our wedding date ang prenup. So March – May 2012 prenup tapos wedding will be on December 2012 pa. Dun lang kasi available si H2B. Next na uwi na niya eh 2 months before the wedding, so kakapusin na sa time. Pero wala pa kaming storyline. Haha.
– Re your choice of caterers, pinaka bet ko dun si K by Cunanan (if budget is not an issue). Pagdating sa setup kasi, sila pinakagusto ko sa mga nabanggit mo. I cannot comment on food kasi hindi pa ako nakakapag FT sa kanila, pero I talked to one supplier before (secret muna kung sino, LOL) at ang nirerecommend niya na caterer sa amin ay si K. pero hindi pa kami decided kung kanino kami due to budget constraints.

sis ninaceline
- napansin ko lang, bakit ka “watched”? pa-share naman reason ng admin (I might be doing the same, hindi ko lang alam)
- re ring and Bible bearers, okay lang kahit girls. Wala naman rules on that eh. Tapos kung ayaw ng best man ninyo magspeech, wag niyo na pilitin, carry na yun kahit hindi siya magsalita. May mga tao talaga na may fear sa pagsasalita sa harap ng maraming tao. Hehe.
- sis, may question pala ako sa pag-uwi ni H2B mo at sa wedding date ninyo. Kaya na ba yung papers ayusin in less than a month? Catholic ceremony ba kayo? If yes, kasi I’ve read somewhere else na may mga Churches na 1 month daw ang marriage banns, sa inyo ba, ilang days? Wala rin kasi dito si H2B eh.
- stylist ka pala sis, walang bayad kamo? Then, isa na rin ako sa pipila sa iyo for styling ha. Hehe. TIA.

sis juice406, cind3r3lla, ninaceline, blueflame, and vincris16 – inform niyo lang kami if you need any help with the preps ha. Kayo kasi mauuna sa ating lahat. Odiva…parang memorize ko wedding dates niyo. Hindi ha, tinignan ko lang kodigo ni sis blueflame. Hehe.

sis vincris
- okay lang yun kahit may curfew kayo sa time. Hindi naman talaga big adjustment para sa amin. Nung nag divi trip once, maaga kami nun.
- same tayo, gusto ko na ng new work pero hindi ko afford ngayon dahil sa wedding preps. Maluwang kasi dito eh (may pagka flexi time ako ng konti)

sis ez4gotten – naku, ikaw naman nagkasakit ngayon. How are you na? Get well soon.

sis mafiapenguins, pipila na rin ako sa hihingi ng help sa iyo. Kami naman, storyboard sana. Kahit after your wedding na. Hihi. TIA.

sis patchi2012 – para sa winter ninyo, pwede rin kayo mag shoot sa Star City, dun sa may snow (as suggested by sis mafiapenguins).

sis riaenvodka – you’re welcome. Muah!

Hi sis serendipity02 – nice to see you here.

sis michiness, talagang Work Mode: ON?! Don’t forget na mag Work Mode: PAUSE from time to time ha. Mas mahirap mabinat.

sis chelle_peachy0524
– anuvayan, the last time I greeted you was advanced, ngayon naman late, haha. Belated Happy Anniv ulit.
– thanks for sharing the link re moon calendar

sis princessrio – thanks for your reminder about being very keen on the docs.

sis blueflame
– wala pa reply friend ko re PNR. Sabi sa iyo, 48 years magreply yun eh. Hehe. Will let you know pag nagsabi na siya ng details.
– re damit for your e-session, aside from ukay, try niyo rin i-consider mag rent? Hindi ko alam kung mas affordable ito, pero try niyo na rin mag inquire. Maraming choices sa Camp Suki sa E.Rod (though I’m not sure kung open pa sila ngayon).
– re STD, kakaiba naman ata ako, mas gusto ko pa rin si #1 than #3. Maganda rin sana yung #3, kaso, feeling ko parang mukha na siyang invitation kasi parang masyado nang marmi yung elements, unlike #1, very vibrant, fresh, and modern yung dating. Go for what the majority says, opinion ko lang ito. Hehe.

sis blushing.margarita – ang alam ko si sis blueflame yung nakapag inquire na sa mga ceiling drapes supplier. iPm mo na lang din siya. Saan pala venue niyo?

sis katrinac
– Ms. U mode pa rin ba? Hehe. Dapat 1st placer or Ms. U tayo eh, noh?
– Re GT 2012 group sa FB, hindi mo ma-search? Why kaya? Ako nase-search ko now lang. Sis try mo din sa left side ng page mo, under groups, wala rin ba dun?

Hello po sa lahat ng beautiful brides.  ;)
« Last Edit: September 15, 2011, 06:46:04 am by health.gal »

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #183 on: September 15, 2011, 08:06:08 am »
^ i'm looking for an abstract pattern na pwede gamitin for STD and invitation. since wala naman kaming theme, anything goes for all the decors & stationaries.

re PNR - i found their number on line sis, tawagan ko na lang sila later to inquire. salamat!

share ko na lang sa mga gustong mag-DIY ng invitations, STDs, etc. i founf a website na maraming patterns na pwede natin magamit - http://www.123rf.com/clipart-vector/background.html. dahil dyan, di na naman ako mapakali sa paghahanap ng design! hahaha!

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #184 on: September 15, 2011, 08:47:58 am »
mawnin' mawnin...

sorry, as usual, quick breeze through lang...

sis di,  bet ang number 3 std. full name talaga?  ;D

sis juice, no prob dear :)

sis health.gal, sure... kelan ulet wedding mo? just let me know what you need.

sa mga may utang akong mood boards, pa PM na lang po ng color motif, theme, feel, or any idea you may have, and wedding date, para masave ko sa email. promise, makakalimutan ko yan.

also update out wedblog with some events happening this weekend. baka may mga naghahanap pa jan ng venue and caterer. check nyo na lang po :)

ako'y mangangampanya lang muna. 4 more days before they tally the winner... at humabol pa ang cake toppers namin na gawa ni h2b. The Cake Guins need your vote. Pa-like naman please ng picture namin sa Before I Do page. Like nyo muna yung page nila tapos like nyo yung photo. here's the link to the photo:
https://www.facebook.com/media/set/?set=o.197694146925057&type=1#!/photo.php?fbid=2000504936354&set=o.197694146925057&type=1&theater

if ever you get lost, sila yung first picture sa photos of before I do Bridal Fair album... pashare na rin mga sis. Salami!

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #185 on: September 15, 2011, 08:57:46 am »
hello sa lahat nga mga sisses ko....grabe, very active talaga tayo....

sis katrinac, maganda nga ang crystal bouquet, naiimagine ko na. regarding sa hagis...pwedeng wag mo ng ihagis, may mga iba kasi na para manalo yung babae, may mga palaro nalang sila ngayon. bihira nalang yung mga naghahagis at plan ko rin magpalaro nalang instead na ihagis...

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #186 on: September 15, 2011, 09:04:09 am »
mafia - hahaha! oo nga noh?! yun mga sample kasi online usually full name. pero maiiba ulit yan! hay! nagiging indecisive na naman ako... wala ng time!  :D

question po - san nakakabili ng paper doilies? yun malalaki na pwede sa cake tower. and may alam ba kayo na gumagawa ng cake topper? yun mura lang, max 1k for a couple na?

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #187 on: September 15, 2011, 09:22:14 am »
Hi everyone! :) Good morning!Haba na agad ng back read ah. Daan muna ako dito bago ulit gumulong sa work.

Hi sis riaenvodka, honga eh. Gravacious to the next levelacious ang work. Kung ano ang iniwan, yun pa rin ang aking hinaharap today kaya patong patong na. :( Natawa naman ako dun sa Friday the 13th na, hindi pa full moon.Wag mo na yun isipin dear. Have faith. ;)

Sis patchi, LOL! Natawa naman ako sa may feathers feathers pa. Syempre mabango din yung tinta nun. hehe.

Sis chelle, hehe. Tenchu. Eto, baon baon ko lahat ng meds.:) Di pa rin magaling ang ubo. Huhuhuhu... Keribels lang yang change of dates. Basta ifinalize nyo na so you could book your suppliers na. :) Ano ba ibig sabihin nung moon visibility sis? Sa amin 88%. hehe...Anyways, happy anniversary sa inyo ni h2b! :)

Hi sis ninaceline!At wow, stylist ka pala. Pwede rin ba akong magpa-consult? LOL. Di pa kami nakakaisip ng outfit para sa prenup photoshoot eh. hehe.

Sis red, kung sa pinakamakakatipid, i think Tamayo's ang cheapest sa tatlo. Okay din ang service at masarap ang food. Pero kung sa set-up, winner yung k at passion cooks. Di pa kami nag-food tasting sa kanila eh. Pero when I inquired, mas mabilis magreply si Ms. Maja of passion Cooks. Pwede ring mag-customize ng menu according to your alloted budget. Sadly, di talaga swak sa banga yung prices nila kaya hanggang pangarap ko na lang sila lahat. hehe...

Sis blueflame, LOL. Grabe nga yung difflam. Pagkatapos ko mag-gargle, parang nawawala yung dila ko. LOL. Namamanhid. Ukay ukay ba kamo? Wala ako masyado alam, pero if mapadaan kayo sa Tagaytay minsan, meron dun malaking malaking ukay ukay shop na magaganda yung mga items. Sa may Olivarez lang. :) Re STDs, ay panalo at waging wagi yung #3! Re doilies, i dunno. hehe... Re cake toppers, yung mga pinost namin dati na cake suppliers, siguro naman tumatanggap sila kahit topper lang. :) Fondant ba ang likey like mo?

Sis vincris, agree sa bridal shower. :) Kaya lang pala, pag 1st week ng Jan, malamang busyness ever na ang Jan 2012 brides nyan.

Sis ez4gotten, buti naman at wala ka ng lagnat. Parehas tayo ngayon, kakahol kahol. hehe... Get well soon sa atin.

Hi sis juice ans sis mafia! :)

Thanks sis princessrio for the very helpful post re docs. :)

Hi sis katrinac!Uy wag naman sana. Nawili ka naman sa pagaalaga ni h2b mo. hehe. Go na sa crystal bouquet sis!Kung saan ka happy, gow lang ng gow. Ito yung nakapost sa FB diba? Winner!

Sis health.gal, tohmoh! Ang haba din ng binackread ko ngayon. hehe. Don't worry, nag-pause naman ako yesterday. Gorabels kami ng mga officemates sa Manila Pen. 35th Anniversary nila tapos P35 lang yung palabok, halo-halo, at schueblig. O diba! Ang bongga ng dinner namin, sa Manila Pen pa.

*Flying kisses* sa lahat ng mga sisses! Work Mode: ON.

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #188 on: September 15, 2011, 10:09:26 am »
di, sa cooks exchange sa megamall alam ko merong mga doilies. tapos meron din sa baker's depot ata yun sa robinsons, basta malapit yun sa supermarket na bilihan ng mga stuff for baking. re cake toppers, check mo sa gourdo's... pwede rin kay h2b  ;D ask ko kung how much - baka nga isama na namin sya sa line namin by next year, pero aminals lang muna, mahirap kasi pag human eh.

nangangampanya pa rin mga sis - give the Guins a chance... :)

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #189 on: September 15, 2011, 10:30:47 am »
^ thank you sis! i'll visit those stores this weekend! uber talented naman ni other penguin! sana makaya na rin nya yun parang caricature, ganun kasi gusto ko. kaso ang mahal! 2500 per head! grrr!

michiness - yup, fondant na carrot flavor. baka mag-hearts and bells na lang ako. 1 just need a small cake for slicing, mga 6x3 siguro. la kasing carrot flavor sa goldilocks or red ribbon.

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #190 on: September 15, 2011, 10:34:06 am »
^ actually kaya, pero mahal talaga yung ganun kasi mahirap magsculpt ng human, lalo na kung madetails. ask mo kaya sa mini-me...

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #191 on: September 15, 2011, 10:38:55 am »
sis michiness, oo nga eh, hindi ko na iniisip yun. basta go lang and with God's grace, magiging ok ang lahat.....

ang galing talaga ni sis mafia, very artistic..

wave ako sa mga sis natin na kahit sobrang busy sa work at sa wedding preps, grace under pressure pa rin..nakakabilib kayo...

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #192 on: September 15, 2011, 11:02:53 am »
char sis ria... char big time!  ::) tee hee!, salamat lang  ::)

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #193 on: September 15, 2011, 11:05:31 am »
sis katrinac - ganda nga ng crystal bouquet.

sis mafiapenguins - uber tagal pa, sa December 2012 pa wedding namin *crossing fingers*. pero mga march ko siguro kailangan ang story board. no idea pa kasi kami ni H2B sa storyline ng prenup eh. kukulitin na lang kita after ng wedding mo. by the way, ni-like ko na rin yung page. ganda ha. gawa saan yung topper niyo? sa plaster of paris ba or clay? galing ng kamay mo.

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #194 on: September 15, 2011, 11:11:34 am »
^ tenchu... hindi ako gumawa nun, si h2b... pagdating sa mga ganyan, hanggang pintura lang ako, may sariling pagiisip ang mga kamay ko sa pagkkorte ng kung ano ano. paper mache lang yun sis na may polytuff, kaya magaan lang sa cake. :) re your storyboard, basta let me know lang dear. alam mo naman email ko diba :)

aiyayil

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #195 on: September 15, 2011, 11:56:41 am »
hay! 10 pages of backread :) mas ok na ito kaysa naman dati na parang parts 1-4 yung nibackread ko. haha!

as usual, nawala na naman ako ng lumipat..

anyhoo

sis serendipity02: ako po ay antipolo bride din. la huerta estate ang venue ng aming christian wedding :) i am thinking of getting simply delicious as our caterer kaya lang hindi pa sumasagot sa mga email ko kung may new packages sila e..

caterer: feedback naman po sa simply delicious o.. :) TIA

sis blueflame: ako bet ko yung STD 1 & 3. sa baker's depot may doilies, mura lang :)

mukhang magpapacivil wedding kami early next year.. pero we will wait pa after the wedding ng december to 'consummate' the wedding. hehe! kasi kailangan sa migration application namin na spouse e, hindi pala pwede ang fiance lang.. ngaragan lang talaga ang 2011-2012 sa akin. hahaha!

aiyayil

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #196 on: September 15, 2011, 12:25:30 pm »
ihabol ko lang.. nalimutan ko ishare..

nagpunta din kami sa fair last weekend pero early bird kami kasi h2b has choir practice in the afternoon. literal na andun na kami pagbukas pa lang. hehe

di ba i have this 'issue' na mukhang hindi bagay yung e.ring dun sa wedding ring namin? so one of our goal was to talk to our wedding ring supplier, vgem, about it. may nisuggest sila na parang may curve or slot yung e.ring ko sa wedding ring. mukha namang ok so nagpaquote kami kasi malamang-lamang may dagdag yun. aba! 7k+ yung additional kasi dadagdagan daw yung width ng gold pero parang ako naman, so? e di ba nga uukitan nyo naman yung ring? so parang yung idadagdag nyo, tatanggalin nyo rin.. pero yun daw talaga.. so sabi namin we will think about it muna.

magkaibang kamay na lang kasi. haha! sa kaliwa yung wedding ring, sa kanan yung e.ring.

pero naisip din namin na ano kaya kung ang ipaayos namin is the e.ring? tutal kilala naman ni h2b yung gumawa ng e.ring ko at for sure na mura lang yun..

kaya yun, magpapaquote din kami naman ng e.ring. kung san mas mura, dun kami :)

patchi2012

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #197 on: September 15, 2011, 01:21:56 pm »
hello mga dear,...
naku a half day na di ako maka online, dami na kagad updates,..
at napaka busy nyo mga sis, since wala naman akong update, magbabasa nalang muna ako sa mga post nyo,

@ sis health.gal o di ba meron na tayong sytlist,,thanks to sis ninaceline..re prenup, sa mga amusement kasi sis daming tao e, hiya kami,, tsaka pwede naman daw pala na e infrared yung pics, pwede din punta nalang kami sa may mga pine trees,,hehe, kaso nakita ko lang na a bit malapit is sa tagaytay e, like sa caleruega, e dun din church namin, or tagaytay highlands kaso di ko pa napuntahan ang mga yan,..kita ko lang sa pics

@ sis katrinac, type ko din yang crystal bouquet, plan ko din sana dati yung sa buotonnieres nung nag plan kami na theme ng wedding namin is laces and crystals, may nakita kasi ako na diy website kaso naisip ko, ayaw na namin mag theme plus our florist qoute us 15k, so yuko na magpaka hirap pa sa diy,,hehe, at instead na maka tipid kasi pag mag diy e kung e convert ko yung prices ng materials sobrang mahal,,.,at ganda ng ginawa mo sis,

@ sis michi yung feather, pang tickle yan sa mga di mag agree na beautiful lahat,,,lol

i told h2b bout the moon visibility, sabi ko new moon sa wedding natin, sabay sagot nya na, buti nga yun, new moon as in bagong buhay, bagong kabanata,.,sagot ko naman can't you get it, 0% of moon visibility yun, sagot nya, kahit eclipse pa,,lol,mga lalaki talaga walang paki,..

good day sa lahat,.,

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #198 on: September 15, 2011, 02:14:15 pm »
aiyayil - salamat sis! dun na lang ako siguro bibili. sana meron sila ng hanap kong size.

mafia - naalala kita dito sa pic na to  ;D - http://us.123rf.com/400wm/400/400/pinipin/pinipin1107/pinipin110700019/9996119-wedding-penguins.jpg

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #199 on: September 15, 2011, 02:37:27 pm »
sis blueflame, as in yung kamukha nyo ba talaga na topper ang gusto mo?

sis mafia liked it! at talaga namang i super like. galing ni h2b mo. ;)

sis michi, yep kahol to the max, nakamanhid nga ng bibig ang difflam. lol. pero difflam candy na lang ako ngayon tapos bactidol, mas kaya ng powers ko.

dumaan lang din before magstrat magwork. pinag-oot ako ng boss ko until tom. ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close