watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 6*  (Read 83161 times)

toodee

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #60 on: September 12, 2011, 09:25:17 am »
Finally we booked our strings na, photobooth and got the freebies from K by cunanan! =)

Super thankful kasi my mom and sister went to SMX super early and kahit na we booked bob nicolas ahead of time (months before the wedding fair), nakakuha pa kami ng discount! =)

YAY! =)

Next is light and sounds, invites and hmua na lang! =)

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #61 on: September 12, 2011, 10:07:37 am »
sis michiness – baligtad tayo. Ako naman tapos ko na yung The Fierce Wife. Ang heavy ng drama na yun. Pero super ganda rin. Naka-ilang iyak ako dun ha. Hehe. Wala masyado twist unlike sa Pure Love, pero yung story niya kasi eh parang possible talaga mangyari sa totoong buhay.

sis kiz_me1109 – yes sis, pwede naman maghulog ng mga payments eh. But be sure to make prior arrangements sa mga suppliers mo para well accounted yung mga bayad ninyo.

sis riaenvodka – 112K rate ng Palacio de Maynila for venue alone. Mahal siya kung venue lang, pero meron din silang packages na kasama na caterer. If you want a copy, pm mo sa akin email add mo. Wait, bakit kayo magba-backout? Try considering other venues. Ang RMC? Saan ulit Church mo sis? Sorry memory gap lang.

sis patchi2012 – don’t worry sis, unsearchable din email add ko sa FB. Dami rin akong tinataguan. Haha. Glad to be your friend na rin sa FB!  ;)

sis juice406 – naku sis, condolences po sa kanila. I’ll pray for them. Nakakalungkot naman yun, sobra. Wait lang sis, bakit “for justice”? May foul play ba na nangyari?  :(

Wow, congrats sis toodee!

Hello everyone!

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #62 on: September 12, 2011, 10:23:15 am »
hi sis healthgal...ang church is sa san agustin...ewan ko sis, nakakalito na kasi, ang hirap pala....to think na stage 1 palang eto....

meandmyhoney

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #63 on: September 12, 2011, 10:26:15 am »
PART 6 na . pa join.

torn ako between pong nui or val. pero ok din package ni ms cheryl, hirap din pumili  :(

blushing.margarita

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #64 on: September 12, 2011, 10:32:51 am »
sis healthgal-tama sis, pasaway talaga! dadaan nga sana ko sa smx kahapon, kaso lang tianamad na ko kasi nabadtrip talaga ko dahil ang aga-aga yun yung balitang nakarating sakin.  >:(

michiness-thanks sis! hindi naman sa masama ugali ko kaya ko nagagalit, pero kasi yung lola ni h2b inoperahan last week, sa kanilang magkakapatid si h2b lang ang nagbigay. tapos eto na, after a week hhirit sila na magpapaayos daw sila ng bahay? oh dba talaga namang nakikisabay? 7 months na lang kasi before our wedding, worry ko baka di kami umabot sa budget namin dahil sa mga ganyan ng future in-laws ko. nakikisabay kasi sila eh. pwede namang una-una lang.  >:(

mga sis, kunin ko email ad nyo thru pm ha. add ko kayo sa fb.  ;)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #65 on: September 12, 2011, 10:39:33 am »
Hello hello! :) Leave pa din ako ngayon. Nawala ang fever, gumravacious naman ang ubo. Di ako halos nakatulog dahil dito. Tsaka mejo masakit na yung likod ko. Mukhang di na ito simpleng tonsilitis. I'm afraid bronchitis na. Huhuhu... Kaya punta kami later sa specialista na talaga to check my condition. 

Sis kiz_me, IMO keriboom boom if mag-paylalu ka na ng additional 20% sa mga suppliers. Para less hassle na din sa mismong event diba. ;) 

Honga sis vincris eh. Sana nameet na din namin kayo. Baka sabay pa tayo nun pauwing Cavite. hehe.

Hi sis martiella! Isang kembot lang pala yung wedding natin. Feb 11 naman kami. hehe.

Sis riaenvodka, keriboom boom lang yan. Don't lose hope. hehe. At least diba, mas madaming option jan sa Metro. Imagine how hard it would be sa mga provinces. Talagang limited ang options. Gow, kaya yan. hehe. Tsaka btw, IMO, mas okay ang service ng Hizon's kesa sa Josiah's. At di rin naman nagkakalayo ng rates. ;) Given na may mas malaki kaming budget, we'll be getting Hizon's. Nagkataon lang na di talaga pasok sa banga. LOL. Pero teka, whyness ever ka naman gusto magbackout?

Sis hitgirl, si Hazel Icasiano ang HMUA ko. Weee... Super happy talaga ako sa result nung trial makeup namin. Pati si h2b. I've had trial makeup sa mga prospects namin before, pero dito lang sa work ni hazel sobrang namesmerized ang aking h2b. LOL. So kahit mejo lumagpas ng konti ito sa alloted budget namin, non negotiable na ito kay h2b. Gow na daw talaga. Plus, she's super bubbly. Cool. And she's a fellow Cavitena din. ;)

Sis health.gal, nai-add ko na si sis patchi sa ating group sa FB. hehe. 

Sis chelle_peachy, kita mo nga naman, small world. LOL. College friends kami nun. Palagi kami sa bahay nila nago-overnight pag may project. hehe. ;)

Sis juice, awww... Sadness ever naman yung kwento mo. :( Count my prayers for them. 

Sis qtpurple, what are you waiting for? Gow at magbook na. LOL. Parang upuan lang na sine-save eh no? hehe. Parang free lang. 

Sis toodee, congrats sa mga accomplishments! 

Hi sis meandmyhoney! Sino po ba sila? Churi naman. Baka mamahaling supplier yan kaya di ko kilala. LOL.

Sis blushing_margarita, haaayyss... Ang hirap talaga icontrol yang ganyang mga situations. Minsan, kahit pilitin kong intindihin na lang, "it hurts you know" pa rin. Feeling ko kasi minsan, parang gustong sulitin yung time na di pa married yung jowa ko. LOL. Pero erase erase erase kasi syempre, wala pa din akong karapatan dahil di pa ako asawa. Let's just try to understand na lang. Kahit masakit. ;)

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #66 on: September 12, 2011, 11:08:22 am »
alam nyo mga sisses, i feel like backing out, tutal dp palang naman ang naaayos, diba?
kesa naman magtuloy tuloy ang planning....hay mga sisses.....i really dont feel good about it...


bakit naman sis? for me follow your heart... baka simpleng miscommunication lang na pwede pag usapan kasi sayang... me prob ba kayo ni h2b? or suppliers?

sis michiness get well... ganyan talaga ang sakit nAg eevolve :( baby ko nga tapos na mag antibiotics at eto na naman me ubo na naman... see the doctor immediately.
« Last Edit: September 12, 2011, 11:15:31 am by chelle_peachy0524 »

patchi2012

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #67 on: September 12, 2011, 11:17:26 am »
@ sis blushing.margarita ano ba naman yan, na nanadya ba sila sis?,tawa muna sis, kasi parang sinisira talaga nila mood mo e, tsaka kahit magpa ayos man sila ng bahay, siguro naman may budget sila, at di na dapat nila obligahin anak nila right?, knowing na may pinag iiponan kayo, kunting konswelo nalang sana, plus, talk to your h2b, na if pwede pass muna sya re money matters sa fam nya

@ sis qtpurple thank you pala sa pag add sa fb, resourceful ka talaga na hanap mo ko a,,

@ sis michiness hopefully maging ok ka na, baka due to infection yang cough mo,.,

re fb thank you sa nag add at sa nag accept po,.,dumadami friends ko,,, ;D

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #68 on: September 12, 2011, 11:20:21 am »
hehe sis mitch sayang talaga sana nakasama ka namin umuwe sa cavite ng gabi na hehe.. sabi namin nung una ni h2b 6 uwe na kame.. ng mameet namin sila sis blueflame medjo nag enjoy kame hehe tapos nagkayakagan kumain sabi ko kay h2b sama na kami para matagal namin makasama sila hehe sabi ko until 7pm kami umuwe hehe kain muna kame..tapos ng kakain na kame ayun nawili kame nakauwe kame pass 8 na ata mga 8:30 at nakasakay kame 9 na wahaha.. pero oks lang masaya naman sayang di tayo nagkakitaan..

mga sis sana masundan EB natin sana po 2nd wik ng saturday or last wik ng saturday hehe para makasama po ako.. at sana po sa malapit2 kame hehe kasi sa bundok pa po kasi kame hehe.. mahirap umuwe..

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #69 on: September 12, 2011, 11:29:08 am »
Sis chelle, sis patchi, tenchuness! :) Eto, getting ready na. Papacheckup na sa isang espesyalista. At hopefully, keriboom boom ng pumasok sa work bukas. Super tambak na trabaho ko. Walang ibang gagawa kundi ako. Huhuhuhu...

Sis vincris, honga, sa Indang ka ba umuuwi? Super layo na nga nyan compared sa amin sa Imus. hehe. Sana nga magka-EB ulit. At tohmoh, every Saturday din, available kami ni h2b.

toodee

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #70 on: September 12, 2011, 12:16:25 pm »
to those who went sa bridal fair, ano ano mga napabook ninyo?

Sana nga I was there yesteraday para nakapagpabook na din kami for invites. hahah =)


carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #71 on: September 12, 2011, 12:30:30 pm »
maraming salamat po sa lahat ng mga bumati!!!

o kayo naman ang magbilang!!! saka na ang suppliers' rating baka hindi ko pa matapos today eh.. :)

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #72 on: September 12, 2011, 12:54:59 pm »
sis toodee » congrats sa accomplishments ..

sis michiness » pagaling ka! tama sis .. unti unti na to .. ::) dahil surebol na rin alis ni h2b kaya dapat before siya umalis maipabook na namin yun church at venue .. the rest solo flight na ako .. ???

sis patchi2012 » nyahaha! naghagilap ako sa wall/friendlist ng ibang sisses natin .. aun! na-bull's eye ko account mo .. hehe! buti na lang may patchi yun profile pic mo .. hihi!  ;D

sis blushing.margarita » thanks for adding me sis! aww! sis sabihan mo na lang si h2b na kausapin parent's nya .. siguro naman makapag antay ang bahay nila .. na unahin muna mga gastosin nyo then abot abot na lang siya paunti unti ..

sis riaenvodka » aww! bakit naman sis?! well hindi naman maiiwasan mga ganyan prob e .. pero make sure na maaayos nyo agad .. be strong sis! don't be weak .. dapat masanay ka na kasi di maiiwasan mga mis understanding .. kaya mo yan sis! ako nga ni isa walang pang naibobook .. then by early next month babye na kay h2b kaya solo drama ko for wedding preps ..

sis vincris16 » thanks sa pagsagot sa mga q's ko kanina sa fb .. hehe!

hello to all sisses! hi sis chelle_peachy0524 » wave

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #73 on: September 12, 2011, 01:17:45 pm »
uu sis mich sa indang pa me. kaya sana next EB eh hanggang MOA lang ulit ako para naman kahit gabihin until pas 8 eh keri pa hehe..

sis qtpurple04 oks lang yun hehe..

sis carmi congrats MRS. kana hehe..

saya nga mag EB  sayang nga lang medjo kokonti lang nameet ko..

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #74 on: September 12, 2011, 01:45:38 pm »
sis michiness, maliban sa nalilito na ako sa lahat, feeling ko, parang baka hindi pa ako ready talaga sumuong sa ganito, tapos pag may mga misunderstanding pa, talagang, mas tumbling mga sis..
sa totoo lang sis, gusto ng h2b mag la castellana, kaya lang summer kasi yun, baka sobrang init at hindi comfortable yung place

sis [textspeak!], thank you sis ha...talagang ang hirap pala. siguro, dala lang ng stress at kakaisip, plus na rin siguro yung work ko, kaya eto, feeling ko, im so weak, buti nalang at may gt sisses ako kaya nailalabas ko ang mga nararamdaman ko....

sis, help me nalang po, mag survey ako sa venue..

yung pergola, mukhang wala ng chance because of limited space...kung naging malaki lang to, i really love the place and the ambiance, feeling ko, eto na yung venue ko...

we are choosing now bet la castellana at palasyo de maynila at baka rin maconsider na ang 1esplanade, pero lahat tentative pa, since, wala akong makitang perfect for me

blushing.margarita

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #75 on: September 12, 2011, 02:10:41 pm »
thanks sis michiness, patchi2012 and qtpurple04! paguusapan talaga namin ni h2b ng mabuti ang issue na 'to. tsk tsk.

sisses, okay lang ba kung medyo magkalayo yung church and reception? say 1 hour drive? actually yung reception na dapat pipiliin namin, malapit lang sa church. kaso lang may nadiscover ako na place na malapit dito samin, and super nagandahan ako and talagang may "this is it" feeling"! worry ko baka hindi pumayag yung mga oldies kasi malayo nga, and for sure sasabihin nila na ang layo ng place di na lang sila pupunta. mga ganun. pero kasi gusto ko talaga dun. waaaaaaaaaaahhhh....  :-\

juice406

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #76 on: September 12, 2011, 03:11:05 pm »
health.gal nahold-up kasi yung mag-asawa. isang bala lang 2 silang tinamaan. kaya ayun..

thanks mga sis sa prayers and hi sa inyong lahat! *waves*

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #77 on: September 12, 2011, 03:19:12 pm »
wooah! parang page 2 lang to kagabi ah! ang bilis!

kamusta EB ng mga sisses kahapon? hope you enjoyed it as much as we do last saturday.  :)

health.gal - maraming salamat sa pagpost ng nicks + wedding dates + real names sa BF. at least medyo nagkakakilala na tayo. super big help!

carmichael18 - kamusta na Mrs. Vidallon! ang ganda-ganda mo teh!

qtpurple04 - goodluck sa pagbo-book ng church! re kumpil- go na kayo sis sa san miguel church inside malacanang. sunday 1015am ang confirmation dun. makukuha nyo na rin certificate right after the ceremony.

vincris16 - naku! wag ng isispin ang iced tea & chicken. keri lang yun sis! we're glad you enjoyed our company! for sure mas enjoy tayong lahat pag may one major, major EB na tayo  ;)

michiness - isang malaking check talaga with your pink and red ballpen ang kumpil. matutuloy na ang kasal! yahoo!  ;D

kiz_me1109 - sis, pwede ka ba namin maging choreographer sa first dance namin? re payments, ask your suppliers sis kung pwede magbigay na kayo kahit paunti-unti. im sure papayag naman sila, i think di naman sila tatanggi sa pera noh?

riaenvodka - congrats for booking hizon's! yan ang first choice namin ni h2b kaso di kaya ng budget. hehe! bet ko la castellana. nag-ocular kami dun ni h2b, ang ganda. pati yun room na gagamitin ng bride! may mist fan naman dun sis di ba? tska mapuno naman sa loob so feeling ko di naman ganun kainit. i think la castellana is around 40-50k. pero teka, teka, teka... why back out sis? i feel you sis! i had the same feeling at first. di namin alam kung paano magsisimula, di ko alam kung ano gusto ko. di namin sure kung go na ba talaga kami sa pag-aasawa... we love each other pero alam mo yung feeling na urong-sulong kayo sa decision na parang wag muna tapos mamaya nyan excited na naman kayo. ang gulo talaga!  :o pero you will pass through that phase, i'm super sure! just always communicate with your h2b kung ano gusto mo. compromise lang sis!  ;)

toodee - congratulations sa booking sis!

chelle_peachy0524 - did you contact rockin' duo sis?

juice406 - OMG! sad naman ng nangyari  sa kanila sis! hinoldup na nga, binaril pa?! nahuli ba mga holdup-ers?  :( maybe during the ceremony or reception you can offer a minute of silence for the kids' mother. we'll pray for their family too sis.

blushing.margarita - i feel you sis! sa family din ni h2b may ganyang issue. though si kuya lang naman nya ang nakakapagpa-badtrip sa akin. feeling ko talaga di ko makakasundo yun! grrr! nagpapalpitate ako pag naalala ko conversation nila ni h2b. isa pang ggrrrrrr! regarding your venue - ang layo naman nun sis! baka umuwi na guests nyo instead na sa reception dumiretso.

re sukob - i personally don't believe in sukob. si bebe nman, nun napanood ang movie na sukob, ayun, naniwala sya kay kris aquino! hahaha! my lola (nanay ng mama ko) past away mid 2010, it was one of the factors kung bakit di rin natuloy civil wed namin ni bebe last january.but when i talked to my lola sa father side about it, sabi na naman sa akin "ay! di na uso ang sukob! sana itinuloy nyo na ang kasal." tumbling kami kasi mga oldies talaga ang kino-consider namin sa mga pamahiin na ganyan. so, i therefore conclude na fad lang ang sukobaccording to my lola! hahaha!

salamat sa mga nag-add sa akin sa FB! hugs to everyone!

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #78 on: September 12, 2011, 04:32:08 pm »
^regarding sa kumpil sis .. ano ba need na baptismal anong anotation dapat for confirmation or for marriage? kasi wedding namin kun sakali dec 2012 pa naman e .. gusto ko na rin asikasuhin para less stress din .. kesa hintayin ko pa bumalik ng pinas si h2b next year ..

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #79 on: September 12, 2011, 05:20:59 pm »
graaabeh! ang dadaldal nyo! ilang araw lang ako nawala, 4 pages na agad sa bagong bahay!

salamat sis health.gal sa add sa fb... :)

kamusta naman ang EB nyo nung weekend. sunday na nga kami nakapunta sa fair.

lurker mode ulet dahil, midshift na, may isang doc na dumating pa, tapos may shoot kami dito sa ofc para sa avp namin. oh diba...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close