watch now

Author Topic: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?  (Read 28743 times)

sexytabachung

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #80 on: October 15, 2012, 10:57:42 pm »
^^stormy, we tried na f21 sa panganay ko, ok siya if hand wash.. Aabot naman ng mga 7 to 10 washes. Haha. If machine wash siguro, swerte na Kung abutin ng 5 washes. Medyo maliit rin size ng f21 pr Baka talagang chubby Lang yung anak ko  :)

Lisa, me too, namamahalan ako sa Gymboree.. Never ata ako bumili nito.. Puro gift Lang sa mga anak ko.. Na-try mo na ba children's place? Mura rin doon and ok rin naman quality. Maganda yung holiday collection nila last year, Ewan ko Lang yung ngayong year. I have a question, since you always shop in UK, expensive ba talaga mga clothes ng kids sa debenhams? Dito kasi, OA yung price!  pero pag quality naman pag uusapan, mapapabili talaga ako, pikit mata na Lang. I love their dress, lalo yung may mga beadworks, sequins, etc. Also, yung fit niya is perfect sa anak kong mataba  ;)

We shopped last weekend for some clothes, Napansin ko, magaganda design ngayon ni gingersnaps and periwinkle. Unlike before na parang may mabili na Lang yung anak ko. Kahit Hindi ganun kaganda.. But now, nagustuhan ko talaga.. Yun nga Lang ang problema ko sa periwinkle and gingersnaps, marami kaming neighbors and relatives na doon rin bumibili. As much as possible kasi, mas gusto ko na Wala halos kapareho ng damit yung anak ko na malapit samin..

clueless

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #81 on: October 15, 2012, 11:15:34 pm »
^ sis, isang beses pa lang ako nag UK, early this year and it was a business trip. Haha. Personally, namahalan ako sa regular price ng debenhams, m&s pati mothercare. Haha. Pero sale price super ok.

Nung nandon ako, halos araw araw nasa mall ako kasi tapat lang ng apartment ko. Wala akong nakita sa debenhams at sa m&s na napa-wow talaga ako. Kaya wala akong nabili. Mas may nabili ako sa mothercare kasi nag-sale pero hindi super sale. Tsaka sa gap at h&m. Sa primark hindi din wow pero dahil super mura, sige na nga. Haha.

I like peppermint din kung local ang paguusan. But i will only buy pag-sale. Sa big & small minsan may nice dresses din sila.

Yup, na-try ko na childrens place. Na-try ko na din mag order once pero nacancel order ko ewan kung bakit. Try ko ulit nyan pag madaming choices. Kokonti ang choices online ngayon.

I recently boight some stuff from target - just on you by carters and cirko. Natry ko na mga ito dati pero bigay lang. Ngayon bumili ako ng madami. Hehe. Ito yung box na nasa kuya ko na nabanggit ko sayo.

mominhighheels

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #82 on: October 16, 2012, 12:05:24 am »
oshkosh, guess, mossimo, gingersnaps, periwinkle and mothercare. pinakalike ko sa mothercare kase meron silang pack of three chuchu. iyon yung mga gamit ng son ko sa bahay kase kahit mas mura nice pa rin ang tela. :)

khriseeee

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #83 on: October 16, 2012, 02:05:51 am »
^ either that or malaki lang talaga ang mothercare. Hehe.

Zara din medyo weird ang sizing for me. May nabili akong jeans don minsang sale. 18-24m size pero malaki pa. Eh yung tank top na suot niya today na hand me down from her cousin, zara din 3-4y pero kasya na.  :-\

I noticed that too, mothercare sizes seem to run big. Imagine my baby is turning 8 months this October and she is wearing the 0-3 and 3-6 month onesies and sleepsuits! But then again my pedia said my daughter is a little on the petite side.....I only have 9-12 month sizes next, I may need to buy the 6-9 month size since she's so small  :(

clueless

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #84 on: October 16, 2012, 02:23:14 am »
^ i think it's because of their wide range of sizes. They have early baby then tiny baby then new baby then tsaka pa lang 0-3m, 3-6m and so on. Even new baby was big on my daughter when she was born. We should have started with tin baby but there weren't very many choices here in that size. She's 23m old now but can still wear 12-18m from mothercare.

Grayce

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #85 on: October 16, 2012, 03:19:59 am »
^^mothercare frogsuits are really big. cant say the same with their pj's tho. but im happy with their frog suits :)

re: H&M maybe it depends on the style. yung sa baby ko the sizes are quite big (for button down polos and shirts) and to think that my son is on the big side.

thansher01

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #86 on: October 19, 2012, 11:42:48 am »
For my son, I regularly shop sa Gap (tops & bottoms) and Ralph Lauren (tops). nagtake advantage ako pag major holiday sale sa US.. very addicting din kasi magonline shopping. I rarely (as in minsan) lang ako bumili dito sa pinas. nung hindi pa ako nagoonline shopping,  suki kami ng Gingersnaps. doon lang ako bumili lang clothings ng son ko.

sardonyx

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #87 on: October 20, 2012, 07:41:07 pm »
@Grayce:  yung mga carter's na binebenta from online shops dito ay overruns din?  mura na kasi at $14 for the 5pc pack onesies, free shipping pa.  marami din good buys doon sa singapore motherhood forum na mga carter's at other brands. internet shopping lang ako lagi kasi super convenient at mura pa. :)

chofontanilla

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #88 on: October 20, 2012, 07:55:16 pm »
Hirap kami makahanap ng magandang polo at polo shirt sa 1y.o baby ko, para kasing pare pareho designs. Eh sa sm north at trinoma lang kami nakakapamili, taga bulacan pa kasi kami.

sachism

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #89 on: October 20, 2012, 09:12:41 pm »
Sa mothercare sis na try mo na? Baby boy ba? Mas madami talaga kasi choices for baby girls. Pag nagka baby boy ako baka halos pare pareho din.  ;D

Madami din sa carter's. i think sa loob ng oshkosh meron.

clueless

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #90 on: October 20, 2012, 10:53:54 pm »
^^ try also sa gap. Konti lang din naman talaga options for boys. Tee, polo, pique polo and pants, shorts.

marose17

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #91 on: October 20, 2012, 11:09:14 pm »
Hirap kami makahanap ng magandang polo at polo shirt sa 1y.o baby ko, para kasing pare pareho designs. Eh sa sm north at trinoma lang kami nakakapamili, taga bulacan pa kasi kami.

For polos, check out Periwinkle, OshKosh, Kiddos by Rustan's, Gap, Ralph Lauren, Children's Place and Knuckleheads (I love their kinda rockstar/hippie-ish but still classic designs).

For polo shirts, I love Ralph Lauren.  Okay na din ang Gap, Carter's and Children's Place.  Sometimes, Gingersnaps has really nice and vintage-looking designs.
« Last Edit: October 20, 2012, 11:11:32 pm by marose17 »

Grayce

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #92 on: October 21, 2012, 03:04:27 pm »
sardonyx: yung iba yes but there are some na feeling ko fake na galing china lang. ingat with online shopping here ha, meron ako recently nabili na "gap" PJ's, jusko d ko kinaya yung print nya, fake na fake tapos yung parang paper sa loob ng pack nakadikit sa printing, buti nalang binigyan  naman ako ng refund nung seller when i showed her the pics nung printing and the smudges rin mismo. kaya lesson learned rin sakin na iwasan mag online shopping dito after that experience. mas gusto ko kasi talaga na nakikita yung item mismo.

sardonyx

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #93 on: October 21, 2012, 05:17:19 pm »
^  ganun ba. Thank God so far, magaganda mga nabili ko except for the waterproof sheet.  pero parang expected ko naman yun, kasi mura lang.  yun nga ang disadvantage with online shopping, na di nakikita ang mga items personally.  kung overruns nga yung ibang nabili ko, oks lang kasi matibay naman sila. may carter's sleepsuit with bib na retail price at USD 17.50,  SGD 8.50 lang ang bili ko, free shipping pa! Ralph Lauren polo shirt romper retail price at USD 27.50, SGD 7.50 lang kasi nakasale daw, free shipping din. :)

i agree with mothercare sizing being too big.  yung 6-9mos. sleepsuits, parang for 9-12 mos or 12-18mos ba. di pa pwede masuot ng baby ko who's almost turning 6 mos.
« Last Edit: October 21, 2012, 05:52:07 pm by sardonyx »

chofontanilla

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #94 on: October 21, 2012, 06:30:13 pm »
Thanks sa mga suggestion. Saang mall ba may mga ganyang shop? Or online lang kayo bumibili?

j27

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #95 on: October 21, 2012, 07:09:38 pm »
nung nasa pinas kami puro gingersnaps din damit ng mga anak ko. tsaka periwinkle, barbie, sanrio. pag minsan sa gap, baby guess, guess kids, kami namimili.

nung andito na kami sa dubai. dumami ang brands, kasi ito ang palaging nagsesale ng malaki.

for bunso:
mothercare
babyshop
M&S
H&M
GAP
sanrio

for ate:
F21
M&S
H&M
GAP
sanrio
aeropostale
american eagle
splash
new yorker
jennyfer
stradivarius
bershka

Grayce

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #96 on: October 22, 2012, 12:07:15 am »
^^^uy san yung RL? ;D if you have a chance to go to baby expo sa singapore expo, dami dun. mas mura ng konti sa online sellers and atleast pwede mo rin makita :) napansin ko lang, yung ibang carters na nabili ko sa expo, yung snaps ambilis masira nung iba :( but the others are ok naman. I'm generally happy with carters kasi kahit na 17mos na baby ko kasya parin yung 9mos since nagststretch kasi. si mothercare naman dito ampangit na magsale. sa pinas ok sila magsale e. dito since last year wala na yung mga 50% off eh when i was still pregnant madalas ko sila makita magsale ng ganun or even lower pa

j27

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #97 on: October 22, 2012, 04:10:42 pm »
^dito maganda mag sale ang mothercare. 60-70% off pa pag minsan, dun ako namamakyaw. kasi yung mga tshirt nila pag naka sale, tig Dh10 lang (P110) maganda na. pampasalubong na din sa mga pamangkin.

nakabili pa nga ako ng 2pack tights ng anak ko, nagulat ako nung binayaran ko na, Dh5 lang (P60).

yan ang madalas na binibili ko sa mothercare, tights, leggings, long sleeves, tshirt.

H&M din dito last na nagsale sila, nakabili ako damit ng mga anak ko, tig Dh10-20 lang din, kaya pakyaw nanaman kami.

sardonyx

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #98 on: October 22, 2012, 04:57:38 pm »
^^ i bought the RL from Finders Keepers sa fb.  I think you were the one who gave me the link. ;D  nasa clearance sale album yun.  yung NEXT sleepsuit din niya, good buy na. :) bakit sa mga baby fairs na napuntahan ko, wala akong nakitang good buys na mga panglakad na damit.  o baka wrong timing lang.   papuntahin ko si hubby sa baby fair next week, nasa pinas kasi kami ni baby ngayon.  naghahanap kami ng high chair. oops, OT na. hehe

yung carter's onesies na nabili ko sa expo, nasuot pa from newborn till now, SGD 2 each lang yun.  yung sleepsuits from mothercare, nabili ko yun at 50% off early this year sa sale nila. 

« Last Edit: October 22, 2012, 05:01:58 pm by sardonyx »

Grayce

  • Guest
Re: Ano pinaka gusto nyong outfit ng kids nyo?at san kayo madalas bumili?
« Reply #99 on: October 23, 2012, 02:17:55 am »
^^generally speaking ok naman talaga magsale dyan sa dubai even if it's not DSF or DSS. even with adults section ng H&M i can normally score 10AED tops at their Deira City Centre branch. sa MOE naman madalas ako tumingin ng pang kids before for pasalubongs for my cousins.

^yung mothercare outlet sa KKH lang so far ang nakikitaan ko ng magandang sale, san branch ka nakakita ng sleepsuits na naka 50% off? I need to replace na kasi yung mga ibang gamit dito na pj's, nagiging winnie the pooh na kasi itsura ng anak ko na nakalabas ang tummy LOL ;D teka macheck nga yun hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close