watch now

Author Topic: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?  (Read 6022 times)

m_lim

  • Guest
if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« on: August 30, 2011, 09:31:52 pm »
we have a family business and i am the eldest. i'm 26.

ang father ko gusto na kami na mag manage ng business.  pero next year pa ggraduate ang sister ko.

may kabit ang father ko and lately, panay nalang ang kabit ang kinakampihan. may tatlong anak sila. 19,15 and 13 years old.

to make the long story short, pinag iisipan ko ng umalis nalang (i'm getting married narin) dahil araw araw nalang sumisikip ang dibdib ko pag nakikita ko yung kabit at mga ginagawa niya.

example: pag dating sa amin, walang pera palagi (kasi, may pinapagawang warehouse ang reason)pero pag dating sa kabila, kaka abroad lang ng g*ga kasama ang friend (feeling dalaga!).

kung kayo nasa position ko, anong gagawin niyo?

hahayaan nalang yung business (pera!) na kabit ang makinabang pero hindi na araw araw sumasama ang loob mo.

OR

tiisin ang sama ng loob (na hindi mo alam anong ending-- baka mamaya bokya din pala makuha namin!) pag aralan ang business pero deep inside, everyday kang pinapatay ang feeling.


iluvescadasport

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #1 on: August 30, 2011, 09:40:28 pm »
This is my opinion. I came from a family na family business is very important. Ever since bata, lagi sinasabi important ang fam biz etc etc. Hanggang high school ganun. Kapag college, my parents don't encourage me or deadma lang sa mga college activities ko. ang gusto nila, after college classes, uuwi ako para tumulong sa family business.

Ngayon, 26 na ako (yes, same age! but unfortunately, single pa ako). sa family business ako ngayon. NApansin ko lang this year, na hindi ko type sa family business namin. IT's because hindi ako yun tipong "leader". if someone asks me to help out, ok lang. pero yun tipong ako magtake over, hindi ko talaga feel (because it's not my interest and because of the d*mn BIR and Customs).

Ngayon, hindi ako makalipat ng ibang work din, kasi hindi ko naman alam kung ano gusto kong gawin kasi puro family business nasa utak ko because I want to make my parents happy. Right now, I feel like crap. NAdedepress ako sa family business namin. Everyday, I think of doing something else.

If ayaw mo talaga sa family business niyo, don't pursue it. If you want, try mo ng 2 years ganun. Pero if ayaw mo talaga, don't force yourself. Ikaw lang talo in the end. You'll feel depressed and you won't be happy. But, for example lang, you can't find any other job, stick to the fam biz kasi at least doon, you can make money out of it.

imnuttz

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #2 on: August 30, 2011, 09:46:42 pm »
sis, mukhang may alam ka na naman sa business. kung ako di nalang ako aasa sa pera from our family business plus yung sama ng loob pa na gawa ng kabit ng daddy. since ikakasal na rin ako, gamitin ko nalang yung knowledge ko for my own business. may side effects kasi yan yung pagtitimpi mo ng sama ng loob tapos araw araw pang nadadagdagan. either ma apektuhan health mo or something. yaan ko nalang ang tatay ko, gusto nya yun e! pag dumating ang araw na bumagsak sya walang dapat ibang sisihin kundi sya lang. san nga pala si mother mo?

m_lim

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #3 on: August 30, 2011, 10:09:28 pm »
iluvescadasport- pareho pala tayo ng situation sis. ako honestly, hindi ko type ang business namin pero i am very willing to learn the business.

aminin ko, dahil lang sa isang reason-- mabilis kasi kumita ng pera dito. PERO the fact na nandiyan ang bruha na araw araw naninikip ang dibdib ko, gustuhin ko man deadmahin dahil sa totoo lang, gusto ko ng mawalan ng pakialam sa tatay ko dahil buhay niya yan. pero ang sakit lang talaga sa loob na araw araw kong nakikita!


imnuttz- ang mother ko, 20 yrs na silang hiwalay at minsan nalang kami nagkikita, lumaki kami sa father ko.


on the other hand, pwede ko rin totally pag aralan ang business at mag take over na kami ng sister ko (para mag retire na ang father namin at isama na ang kabit kung saan man nila gusto pumunta!)--- but this means magtitiis ako for another 2-3years.

Cheesecak3

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #4 on: August 31, 2011, 12:55:30 am »
sis maganda siguro kung pag aralan mo muna ang business. Wag mong pansinin si kabit kasi malamang nag eenjoy sya kapag nabibwisit ka sa kanya kasi alam nya na masosolo nya ang pera. As much as possible galingan mong i-manage ang business para magtiwala ang tatay mo at ikaw na ang manage ng business.

Goodluck!!

rianne_mallows

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #5 on: August 31, 2011, 01:28:01 am »
IMO.. ibenta ang business then use it to start your own.. syempre dapat hindi alam ni father kasi for sure makikialam yun haha.. sama ko ba? why?

family business niyo.. nasa name ng parents mo.. kahit ikaw maghirap jan kapag na deads si father mo hahatian mo mga step-bro/sis mo.. lugi kayo ng real sis mo..

second.. since si father mo ang talagang may-ari.. may say siya sa pera that goes in.. mas nakakainis na yung pera na pinaghirapan mo makikita mo si kabit ang nageenjoy

third, kung sarili mo business, wala na habol si father at step bro and sis mo sa pera mo.. ni hindi nila makikita kung magkano income mo.. wala din si lecheng kabit na magpapastress sayo..   

ang problema lang, kung yung klase ng business niyo hindi ganun kadali ibenta




health.gal

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #6 on: August 31, 2011, 11:42:24 am »
on the other hand, pwede ko rin totally pag aralan ang business at mag take over na kami ng sister ko (para mag retire na ang father namin at isama na ang kabit kung saan man nila gusto pumunta!)--- but this means magtitiis ako for another 2-3years.
sis, how's the business doing now? if its good, and profitable sa lahat ng aspects, kung ako ikaw, then magtitiis ako. 2-3 years is not that long for me, WAG lang mapunta sa kabit ang pinaghirapan ng father ko. but, make sure na ipatransfer mo na majority (if not all) of the stock ownership sa name mo at ng kapatid mo, at walang stock ownership yung kabit. for me kasi, its not really about owning the business itself, pero yung mapatunayan sa kabit na kayo ang legal heirs, at sa inyo dapat yun. hope I don't sound so bitter.

m_lim

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #7 on: August 31, 2011, 11:55:56 am »
thanks girls.

@rianne_mallows- hindi puede ibenta ang business because ang father ko ang pinakamalaki ang share.

@healthgal- siguro nga wala akong choice sa ngayon kung hindi mag tiis and at the same time pag aralan ang business.

nakakagigil lang kasi "ginigipit" ako ng father ko ngayon (na hindi naman niya ginagawa before). hindi ko alam kung isang factor na mag aasawa na ako (kaya feeling niya iiwan na siya) OR talagang kinukulam na talaga ng bruha.

tama rin sinabi ni rianne_mallow-- imagine, kahit anong pagsisikap ko sa ngayon, si kabit ang nakikinabang. puro pasarap!

juana_antonia

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #8 on: August 31, 2011, 11:57:28 am »
If I were you since you've mentioned na profitable ang business niyo, don't give it up.  If hindi ikaw ang mag-manage niyan, who will?  Si kabit? No way!  I say tiisin mo yan, and higpitan ang paglabas ng funds.

juana_antonia

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #9 on: August 31, 2011, 12:00:02 pm »
If si kabit nagpapasarap, you deserve that even more.  Kaya hala sige gastos!!! Swerte naman niya no.

m_lim

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #10 on: August 31, 2011, 12:04:28 pm »
^thanks for the encouragement sis Juana.

gusto ko man gumastos eh, palaging drama nga ng father ko. walang pera! (maski nakikita ko meron. nakikita ko pasok ng pera sa business eh) kaya mas nakakagigil nga dahil alam mong meron pero pag dating sayo, wala. pag dating sa kabila, panay panay ang gastos!

i don't know. minsan kasi nakakapagod narin makipaglaban mag isa. both my parents have their own issues kasi tapos kaming mga anak ang tinatamaan ng mga kalokohan nila!

gusto ko lang maging peaceful at happy ang buhay ko lalo na mag start na ako ng sarili kong pamilya.

iluvescadasport

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #11 on: September 01, 2011, 06:09:33 pm »
Or, why not learn about the business (but take up a hobby wherein you can pour out all your stress and anger like boxing!) for 2-3 years, then start a business on your own? During that 2-3years, build up relationship with the customers and suppliers para at least pwede mo sila "ligawan" to support your biz when you open your own na?

Out of curiosity lang, ano business niyo?

m_lim

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #12 on: September 02, 2011, 12:29:03 am »
^Hi. i "tried" to open my own. in fact, ready for operation na nga. kaso ang father ko palagi akong pinupukpok na bakit pa daw magtatayo eh ayan, established na blah blah blah.

in short, nilalagay niya ako sa position na wala akong choice kung hindi mag take over. pero at the same time, hindi niya mapalayas yang kabit sa office. (shempre wala na siyang alalay-- kasama sa koche pauwi, tiga buhay ng bag, etc etc.)

i think sa options ko now, the best na magtiis muna ako for several years then let's see kung mag retire na nga siya soon. ayaw ko na magsayang ng another 10 years of my life na everyday kong makikita yang kabit! (baka magkasakit na ako sa puso)

by the way, ang business namin ay retail wholesale of lifting and industrial tools. kaya ako nahihirapan kasi kailangan ng technical knowledge dito.

kutingkulilit

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #13 on: September 02, 2011, 01:00:23 am »
^few questions lang sis...

was that the same business you're trying to put up? or iba yung business mo sa business ng dad mo?

you mentioned din na gusto ng father mo, kayo nalang ng sis mo mag-manage ng business, pero through that business parin ba nya kukunin yung spendings nya para sa ibang anak nya and kabit?

m_lim

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #14 on: September 02, 2011, 08:13:51 am »
^yes, same line.

and yes, sa business pa rin kukunin lahat ng pang gastos niya. of course, sa kanya pa rin yon. ang sabi niya ha-- pag nag retire siya, bigyan nalang daw siya ng salary then bahala na kami. ewan ko lang kung talagang mangyari yan soon!

kasi pag wala na siya sa office, wala na rin ang kabit! shempre kung saan siya, sunod lang si kabit para companion niya.

rianne_mallows

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #15 on: September 02, 2011, 09:45:44 am »
^if i were you.. id tell my dad to transfer the biz under my name.. or 50-50 kami ng real sis ko before i take over.. otherwise bahala na siya sa business niya..

mas gugustuhin ko magstart sa wala kesa makita ko yung pinaghirapan ko iba nakikinabang.. but that's just me :P

whitelady17

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #16 on: September 02, 2011, 09:58:19 am »
sis, I think you have naman the power to demand, since pinipilit ka namang mag take over sa business diba, he should also be willing to give in to your demands, otherwise huwag mo munang i take over, para alam ng dad mo na you are deadly serious about it.

1. taasan ang shares ninyong magkapatid. majority na dapat nasa inyo kung ikaw na mag take over at mag manage.

2. Since lagi rin naman palang nasa office ang bruha, why not i- employ mo sa company, under mo, or sa ibang department na maghihirap siya, in a sense na hindi na siya basta basta makaka access sa company money.

3. Ask your dad na ikaw na ang maging sole signatory sa lahat ng money transactions ng business ninyo, in that way ma momonitor mo ang labas pasok ng money, plus hindi na basta basta makaka kuha dad mo, and kabit niya.

Kapag ayaw niya, magmatigas ka muna, gusto ka niya pagtrabahuin tapos ang ligaya nasa kanila. Magdusa rin sila.

sugarpop

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #17 on: September 02, 2011, 11:23:43 am »
Sis, make sure your dad's assets are in his name. Also, if you can, make sure he gets an insurance policy na kayong legal children ang beneficiaries.

As for work, ay sis, move on. Kasi especially you're married, you don't want to bring the stress home to your husband. Lalo na I am sure you'll be trying for a baby. Mahirap yung stressed and inis when you want to conceive.

if ever, what are your other options ba for work? does hubby to be have a biz?

kutingkulilit

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #18 on: September 02, 2011, 11:26:09 am »
tama si sis whitelady17 and sis rianne_mallows...  wag kang papayag na yung pinagpaguran mo eh yung kabit lang ang makikinabang. dapat malinaw sa hatian ng kita.

kung ok naman kausap ang daddy mo at sinabi naman nya na bibigyan nalang siya ng "salary", then i suggest you accept the offer. pero kung alam mo na magulo kausap dad mo pagdating sa money matters,  kung ako nasa position mo di ko tatanggapin ang offer. in the long run baka yan pa lalo ika-sira nyo, malakas ang evil forces ng pera sis e.


m_lim

  • Guest
Re: if you were in my shoes, anong gagawin niyo?
« Reply #19 on: September 02, 2011, 11:38:28 am »
thanks girls!

i can't ask my father to put the business under my name lang. ang plano niya sa future, lahat kami magkakapatid (2 kami ng sis ko and 3 na anak ng kabit) magtulungan kami lahat para pagpatuloy ang business.

pag dating sa half siblings ko, wala naman ako sama ng loob dahil sa amin lumaki yung dalawa(yes! tinambak sa bahay namin at buhay dalaga ang g*ga-- sa kanya naiwan yung bunso at ginagamit niya ngayon para magsipsip sa father ko)

PLUS! an uncle is also included sa hatian. ang story kasi, when my father established this business, kinuha niya ang kapatid niya to help him. so may konting share din siya kahit papano. (this is fine with me)

what are my other option pag dating sa work? my husband to be is currently employed sa isang multi national company. may mga offers na siya to work abroad (honestly, gustong gusto ko na umalis dito sa Manila kahit mag start from scratch. para lang makaiwas na sa lahat ng drama. kasi even my mom nga may issue rin. but i can't-- dahil alam ko tuwang tuwa ang kabit pati narin ibang relatives namin dahil wala ng kaagaw sa pera!)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close