Hi sisses, salamat sa lahat ng sumagot sa mga tanong ko. We just came back from Cambodia and surely nakatulong lahat ng posts ninyo. Sayang nga lang we didn't have a chance to tour the country.
We landed at HCMC, Vietnam around 12:30AM. Hindi na kami naghotel, we just stayed sa waiting area sa labas ng arrival area. Ang masasabi ko lang very safe ang lugar. Kami na lang 2 ng cousin ko natira sa area and some maintenance staff and a guard. Of course may discomfort sa pagtulog coz nahiya kaming humiga sa chairs but then nakatulog pa rin kahit papaano. At 6AM nagtataka kami coz wala pang mga cabs sa pila yun pala ang sched daw ng cabs dun 8AM pa. Buti na lang may isang cab na magpipick-up and he offered na ihatid kami sa lugar na maraming cabs. Well, we paid 2USD for that, nakipagtawaran pa si kuya. hehe. Nagpapalit pa kami ng USD30, rate is 1 USD = 20,000. before kami lumabas ng airport.
Hirap na hirap kami makipag-communicate sa taxi driver coz they can barely understand English. Ang sinasabi namin Mekong Express, ang tagal bago niya nagets although kampante naman kami coz naghahand-signal siya ng OK, meaning relax lang makikita natin. Tapos siguro mga after ilang minutes na kakatanong niya sa ibang drivers on the way, tinuro kami sa bus station ng SAPACO. So ako naman sabi ko no choice na rin kami coz we have to catch the 7AM trip. We paid almost 100,000 Dong sa fare. Nung nag-inquire kami sa SAPACO, 1 seat na lang available. Buti na lang nagtanong kami dun sa staff kung saan ang Mekong Express and kalapit lang pala. Dikit dikit lang halos ang mga bus offices/station dun sa area. Luckily, we were able to grab the last 2 seats sa Mekong Express.
Very comfortable ang ride namin kahit pa na sa last seat kami. Pansin lang namin nung papunta at pabalik, huli tinatawag sa immigration yung mga Philippine passport holders. No big deal naman coz aantayin naman ng bus. Nakarating kami after 7 hrs siguro coz of the stops sa borders (1 palabas ng Vietnam, 1 papasok ng Cambodia) then restaurant. Yung pupuntahan naming lugar fortunately dun mismo ang station ng Mekong Express, sa Sisowath Quay.
Pagdating namin sa station nagpapahatid kami sa Velkommen Backpackers coz dun kami magsstay (sa centro yun ng Sisowath), si manong tuktuk driver umoo naman. Nagulat na lang ako dinala kami dun sa plaza na maraming kalapati and sa Royal Palace. At that point talaga init na init na ako at gusto ko na magpahinga so tinarayan ko na si manong tuktuk, sabi ko TOUR TOMORROW, TODAY REST HOTEL. Inis na inis ako coz di pala niya alam yung hotel at gusto na kami pababain, tinuturo na lang yung way. So sabi ko, BRING US. DRIVE. Ayun after ilang ikot, nakarating rin kami. Sinisingil kami ng 3USD. Tinawaran ko ng 2USD, pumayag naman.
Yung hostel namin we got at 5USD/per night/per head. Double deck bed with pillow, blanket and towel, fan room sya. Decent naman coz bago yung room. Ang di lang namin ma-take is yung amoy, amoy kulob sya. Di rin naman kami dun natulog coz nag-stay kami sa apartment ng isang friend na dinalaw namin dun. Ang maganda lang dun is yung location niya nasa sentro, mababait din mga staff and may wifi sa bar kung saan lagi kami tumatambay to connect coz ang magaling na Globe telecom after a day pa inactivate ang roaming namin. Buti na lang dala ko ipad ko kaya nakatawag pa rin ako sa Pinas to update my folks.
So ayan ang aming Cambodia adventure. On my way back may nakatabi akong Pinay na taga UN. Sobrang natakam ako sa kultura ng Cambodia and I promised to be back to visit Siam Reap, Killing Fields, Royal Palace, then suggest din niya is pumunta sa Sokha Beach.
My discoveries: mataas ang tingin ng mga Cambodians sa Pinoy. Most Pinoy workers there are teachers, engineers, entertainers (singers sa band), and mga padala ng gobyerno or NGO's.
- Pwedeng tumawad sa pamasahe sa moto or tuktuk, meals sa carinderia
- Ang daming Lexus! Status symbol daw yung sa mga Cambodian, sa dami nang nakita ko (parang Fortuner at Montero sa dami sa kalsada ng Pinas) naisip ko na ang daming rich dun.
Tips: On way back to Vietnam, pwede na bumaba sa Maximart yata yun para malapit na lang sa airport. Nasa almost 50,000 Dong na lang binayaran namin.
If you want night life sa Phnom Penh stay sa hotels along Sisowath Quay, sa Riverside. Malapit din sa mga pasyalan dun like Royal Palace and yun ngang plaza na parang Milan (because of kalapati). Lol!
1 USD = 4,000 Riels. Pag nagbayad ka ng riels mas actual conversion ang ichacharge sayo. Pag dollars binayad mo, ang sukli sayo riels na ang conversion 1USD=4,000 riels.