watch now

Author Topic: Cambodia Thread 2  (Read 118074 times)

southpaw

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #60 on: October 16, 2011, 01:30:18 am »
^thanks for the info, sis!

Your mnl-kl-sr plane tickets are, I assume, the regular price of the tickets kaya medyo mahal.

Frozen Toes

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #61 on: October 17, 2011, 09:11:04 am »
Hi, may nakatry na ba magtake ng bus from Suvarnabhumi Airport (Bangkok) to Siem Reap? Nabasa kasi namin sa Wikipedia na meron daw buses sa airport that can take us directly to Siem Reap.

papemelroti

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #62 on: October 18, 2011, 06:46:00 pm »
^thanks for the info, sis!

Your mnl-kl-sr plane tickets are, I assume, the regular price of the tickets kaya medyo mahal.

actually its already discounted estimated on the higher side actual would be 9000-10000. mnl-kl is 50% off and kl to sr is maybe 35% off. air asia doesnt do seat sales to sr often coz the plane is usually full.


phurple0515

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #63 on: October 23, 2011, 05:54:42 pm »
^ yong flight na nakuha namin for the weekend trip namin ni hubby was RM256 balikan na yon and inclusive of taxes, that we have availed nong RM1 na sale last Feb.

hubby wants to go back there for volunteer program na sa sunod kasi kawawa nga yong mga batang nagtitinda don sa loob ng mga temples.  Pero in fairness, ang gagaling nilang mag-English.  There was this little girl who asked me pa nga to play with her tictac toe e.  now I know why Angelina Jolie has a soft spot to Cambodian children din.

Swerte namin kasi the whole 3 days andon kami (Friday to this morning, we're back in KL na) hindi umulan.  Eh sabi ng tuktuk driver/guide namin e lagi umuulan sa hapon.  Tapos ang AngkorWat din nirerenovate yong Bakan temples niya so me nakaharang na green na tela or plastic ba yon sa harap.  Pero ok na rin kasi masaya. 

Tama rin yon iba, mas maganda Angkor Thom kesa AngkorWat.  Ang ganda ng preservation ng mga forests nila don, ang lalaki ng mga puno.  Si hubby naman, he enjoyed Bantay Srei more than the other temples.

And of course, lahat ng mga sisses dito, tama sa night market.  Ang sarap mamili di expected na ang dami namin mapapamili ni hubby at nagrequest pa siya na balikan namin yong market sa 2nd night namin don!

yby2476

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #64 on: October 23, 2011, 07:57:22 pm »
so you're back na pala sis...o diba ang sarap mag-night market...:-)  ako love ko yung buong angkor complex...umakyat ba kayo dun sa, teka di ko na matandaan, basta yung isang templo na makitid yung stairs, yung paupo or pagapang ka aakyat...malapit siya dun sa mga buddha na naca-carved? aigoo, kaloka kami dun...pero ang sarap pag nasa taas ka na...:-)

barefoot_taka

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #65 on: October 23, 2011, 08:43:10 pm »
^ may temple nga kami na di inakyat kasi ang kitid sobra ng mga steps. that was day 1. nung second day namin na sunset na we climbed the stairs at sayang ang magandang view eh. buwis buhay moment  ::) haha! yun nga lang i forgot the names of these 2 temples

phurple0515

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #66 on: October 23, 2011, 09:04:22 pm »
yong angkorwat lang naman nakita ko na makitid paakyat pero lahat inakyat namin.  ok nga kasi sabi ng tuktuk driver namin, everyday ng hapon umuulan, pero etong weekend na stay namin don, ang ganda ng panahon.  natuwa talaga kami.  sarap.  babalik kami don para puntahan yong mga temples outside siam reap na di namin napuntahan like yong isang me falls.  malayo pa raw yon sa bantay srei e.  plus, para rin siguro magbigay ng something sa mga bata na andon :)

yby2476

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #67 on: October 23, 2011, 09:46:17 pm »
sis maliban pa yung sa angkor [textspeak!]...diba nilagyan nila ng hagdanan yung steps na makitid? kasi parang may nahulog dati daw dun...dun di kami umakyat kasi kasikatan ng araw nung dumating kami sa angkor eh...at masyadong mataas, ayaw ng mga kasama ko...pero meron kaming pinuntahan na isang temple pa, i guess malapit sa bayon yata yun...kasi dun, talagang gumapang kami paakyat eh, tapos nung bumaba naman kami, paupo...and ang nakakaloka pa, may nakasabay kami na matandang babae, as in tipong mga feeling namin mga around 80s na, walang reklamo siyang bumaba, ginaya nga namin yung way ng pagbaba niya...:-) paupo...:-)

regarding sa mga bata, karamihan sa kanila diba, biktima ng mga land mines? di ko makakalimutan yung nag-aalok sila ng pamaypay and mga hats, at sumigaw ng $1...:-) tapos, nakakaloka yung mga kasama namin, kasi marami kaming sobrang food nun, binigay namin sa kanila, pero sabi namin, $1...:-)

barefoot_taka

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #68 on: October 24, 2011, 01:37:33 am »
nung june nakaclose yung stairs dun sa angkor w-a-t kasi nga daw may nahulog daw dun. so bawal ng umakyat dun. don't know if open na yun today. yung sinasabi ko na di namin inakyat pinuntahan namin yun after angkor thom eh...yung inakyat naman namin nung second day famous for sunset shots..will try to find out nga the names of these temples.

barefoot_taka

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #69 on: October 24, 2011, 02:15:17 am »
i looked through hubby's fb kaya now i know the temple we didn't climb nung first day namin dun was ta keo. and the temple that we climbed kahit na buwis buhay na was pre rup ..

phurple0515

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #70 on: October 24, 2011, 09:28:26 am »
sis yby, sa angkorWat na mataas na temple (Bakon) mismo yong may matarik na paakyat.  di na namin inakyat kasi ang daming bumababa.  ang daming tao don.  nilayan na nila ng maayos na hawakan yong ginawa nilang stairs bukod don sa hagdang bato.

di na kami nagpunta ng sunset kasi nga baka umulan ng hapon kasi laging naguuulan ng around sunset time daw.  ok lang naman.  then some little temples dinaanan na rin lang namin pero di na namin nilapitan. 

tama nga lang na 2 days maiikot mo na ang angkor complex.

yby2476

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #71 on: October 24, 2011, 10:48:26 am »
yes mga sisses yung mataas na temple sa angkor [textspeak!], yun may nilagayan nila ng hagdanan at ang haba ng pila sa pag-akyat yun yung nakita ko rin sa 1001 places to see before you die na walang hagdanan dati...as in, pag umakyat ka dun, pagapang, then may na-accident nga, kaya nilagyan na nila ng hagdanan...pero di nga namin na-try, kasi ang init at ang haba ng pila nun...

yung inakyat nga namin, either after ng angkor thom or yung angkor bayoun, ganun ba ang spelling, basta mataas yun, at matarik...may video kami nun eh...pag sa video, parang di naman matarik tingnan, pero aigoo talaga yun...

kami 1 araw lang namin inukot yung angkor complex...di lang kami umabot sa sunset lang nga...kasi umulan na yata nung bandang hapon...

ang isa pang gusto kong temple dun eh yung tomb raider scenes...:-) ang ganda dun no? lalo na yung mga malalaking puno...:-)

next time na babalik ako ng cambodia, gusto ko naman i-explore ang phnom phen...

phurple0515

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #72 on: October 24, 2011, 10:58:11 am »
^ sa ta phrom yon sis yong me malaking puno, if i am not mistaken.  si hubby ang gusto niya yong bantay srei.  di na rin namin napuntahan yong temple na may falls.  next time daw sabi ni hubby kasi gusto rin niya balikan yon.  ganon din kami malamang, 1 day lang sa SR tapos PP naman.

nong papunta kami ng sunrise sa AngkorWat, me mga tuktuk na pinatabi ng pulis.  madami naman kami at lahat nga foreigners.  me nagawa ata violation yong isa kasi kaya lahat na pinara nong pulis (mayabang nga e).  Pero naka-uniform kasi driver namin tapos me papers naman siya so di na siya tinanong nong pulis na mainit na ulo don sa isang hinuli niya.  di ko na rin alam ano nangyari don.

tapos nong papunta kami bantay srei, na-flat pa kami.  buti na lang malapit sa vulcanizing shop yong area.  bugbog na bugbog din kasi tuktuk sa 1 day namin lalo nat maraming lubak sa angkor complex.  me isang kotse nga na nag-cause na ng traffic kasi lumubog siya sa putik.  kaya kami sa tuktuk, bababa kami pag me lubak tapos lakarin nalang namin.  me isa nga na hinila ni hubby yong tuktuk (nakasakay pa ko non at yong driver) kasi para maalis sa lubak.  adventure, heheh!

yby2476

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #73 on: October 24, 2011, 09:43:06 pm »
^:-) umuulan ba nun? or katatapos lang ng ulan sis phurple? kami kasi, wala naman ganyan na adventure...smooth-sailing yung ride namin...ang naalala ko lang, umulan nung nasa hotel na kami...as in sobrang lakas nun...parang lakas ng mga ulan din natin...kaya tuwang-tuwa kami at nakauwi na kami...:-) kundi basang-sisiw kami talaga...

may mga parts lang talaga sa mga angkor complex na under renovation no? yung tito na kasama namin kasi, architect kaya explain-explain pa siya habang nandun kami, kasi yung ginagawang renovation sa angkor, eh parang katulad din ng ginagawang mga renovation sa intramuros, nasa conservation of historical sites kasi yung dad ng kasama namin eh...kaya tuwang-tuwa siya sa angkor...:-)

phurple0515

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #74 on: October 24, 2011, 11:09:29 pm »
umulan the day before na dumating kami, the whole time na andon kami, di siya umulan.

ang galing nga ng restorations na ginagawa nila (esp. bantay srey) and yong pag-alaga nila sa paligid.  ang daming nakakalat na mga street sweepers.  malinis siya, nakakatuwa.  And friendly ang mga tao don, mas magagaling pa mag-English kesa sa mga andito sa kinakaroonan ko ngayon heheh.

yby2476

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #75 on: October 25, 2011, 08:31:04 am »
^i agree sis...di rin kami nahirapan nung nasa cambodia kami...mababait yung mga tao, kahit medyo makukulit ang mga tuktuk drivers...:-)

phurple0515

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #76 on: October 25, 2011, 09:11:36 am »
i really want to go back there.  Sa PP ba meron Starbucks? hehe.  kasi gusto ko magumpisa ng collection sana e wala naman pala starbucks sa SR.

kasi di ba parang province ang SR, wala gaano shops na maayos pero ok na rin kasi feel ko ang probinsya, nakakamiss :)

i miss it there na.  nong tinitignan ko mga pictures namin, nakakatuwa talaga. 

Frozen Toes

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #77 on: October 25, 2011, 09:50:57 am »
Excited for Siem Reap. We'll catch the 8AM bus from the Suvarnabhumi Airport papuntang border. Yung mga nababasa ko kasi dito, 5AM yung bus/train na kinukuha. So kung 8AM kami alis from Suvarnabhumi, mga 1PM siguro nasa border na kami no?

Di ko carry ang 5AM na bus/train kasi 11:30PM ang dating namin ng Bangkok the night before. Check in kami somewhere near the airport to rest a bit before going to Siem Reap.

yby2476

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #78 on: October 25, 2011, 10:45:38 am »
naku sis phurple, parang di ko napansin na may starbucks sa cambodia...:-) sa vietnam, alam ko meron, pero konti lang kasi mas malakas yung highlands ba yun na cafe nila...

sis frozen, 5 hrs lang ang biyahe from thailand to border ng cambodia? ano yun, mismong siem reap ka na ba? or PP muna?

phurple0515

  • Guest
Re: Cambodia Thread 2
« Reply #79 on: October 25, 2011, 11:11:01 am »
^ wala ngang Starbucks sa SR sis.  Parang me nabasa ako na sa PP meron ata.  Ang nakita ko nga lang na food joint e KFC, malapit sa Lucky Plaza.

Napansin ko rin, sa mga menu nila, kunyari nakalagay na fried chicken with vegetable, akala mo piniritong manok, yon pala, ginisa ang 'fried' nila don, hehe.  Pero ok na rin, malasa, yong isang ulam na order, pang - 2 tao na e. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close