watch now

Author Topic: Caramoan *Thread 2*  (Read 55613 times)

shegothim

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #200 on: August 04, 2013, 11:55:41 am »
sa akin ok naman ang west pen. mababait naman ang mga staff at guide nila. sa food na handa nila average lang. may masarap at may so-so lang. ok naman ang rooms nila. dati kasama pa sa package namin ang souvenir shirt. so bawas na iyon sa gagastusin ko dahil madalas bumibili ako ng souvenir shirt sa pinupuntahan ko. nagreklamo nga lang pala ako nung umakyat kami dun sa hill na may mama mary sa taas kasi iba ang bayad sa entrance at guide. iba kasi ang guide paakyat. though nabawi naman namin iyong entrance fee doon pero iyong guide fee hindi na kasi di naman daw nila guide iyong kasama namin paakyat.

jasta01

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #201 on: August 04, 2013, 06:50:51 pm »
hi .. sorry late reply ..

anyway as she said, oks naman average lang talaga ang mga foods at yung tshirt hindi kasama sa package so we paid it pa.. yung guide naman paakyat sa hill nagbigay lang kami ng 100 .. un lang..

oks ang service, mababait ang tao samin (siguro kasi tapat lang ng bahay ng tito ko yung west penn) so nagpakilala ako at kilala nila yung tito ko.. heheh..) malinis ang room, pwede kayo mag request ng everyday cleaning, changing of beds sheets and towels etc., hot and cold shower, pool, wifi, cable tv and bar. pero kami kasi bumili lang sa labas ng alak tapos pinalagay na lang namin sa ref nila which is ok for them .. 

for me .. 8 out of 10 ang rate ko sa west penn. . magiging 10 lang siguro kung masarap ang food .. 2 points sakin ang food :D

jelliebean28

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #202 on: January 31, 2014, 03:14:54 am »
Going here with officemates in March! Cant waaaaaiiittt!!!!!! :)

avane

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #203 on: February 01, 2014, 07:18:21 am »
hay malas lang talaga when we went there naturingang summer month pa pero may bagyo, kumusta naman. didn't get to enjoy nasa loob lang kami ng bahay na nirent the entire 3 days kaya sana i can go back. kung pwede lang kontratahin ang weather na wag panira.

Yamski

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #204 on: February 02, 2014, 01:11:23 am »
Hmmm.. this is 4 years ago pa pero I really want to share pa rin my experience. Dapat sa west pen kami tutuloy ng officemates ko, team outing namin to. Pagdating namin dun, hindi namin alam ano nangyari. Biglang walang available yata na room for us. Joy (male) yung pangalan ng contact namin. So he had to move us to another accommodation. Bahay lang talaga sya. As in nandun pa yung picture frame nung mga mayari ng bahay. Pati toothpaste sa cr. Sa sobrang inis ng mga boss ko nagreklamo talaga kami. Hanggang umabot pa sa police station. Anyway, good thing may available rooms pa sa la casa roa. It's really a good place since matino kausap yung mga tao. Sana nga sila na lang kinuha namin una pa lang since pag sa kanila ka pala kumuha ng package, mas maganda yung boat tapos pati yung packed meals kasama. And masarap sila magluto. Basta, overall we enjoyed our caramoan outing dahil sa la casa roa. 'Not sure lang how they are now.

Eggpudding

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #205 on: February 06, 2014, 06:47:01 pm »
Pupunta din kami dito ng hs friends ko sa April! Kaso wala pa kaming IT. Wala padin accomodation. Prob pa dahil ang ETA namin sa Naga ay 1025am. Kaya no way n makakaabot kami sa boat pa caramoan. Nasa how much naba ang boat doon? Yung West Pen ba nasa city din tulad ng Rex? Ano ano yung mga beach front resorts na affordable ang price? 3d2n plan namin. Tapos mga 7-8pax kami. Baka may marereco kayo sisses na murang boatman?

TIA sa mga sasagot! :)

iyhan18

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #206 on: March 14, 2014, 04:28:15 pm »
What are other beach front resorts in Caramoan aside from Hacienda Lahuy, Lingating Resort, and Isla Soledad? If wala, alin sa tatlo yung pinaka okay? :) Thanks!

shinta

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #207 on: March 28, 2014, 05:34:10 pm »
planning to go to caramoan on may. balak ko i-avail yung package ng tugawe cove resort na 19k all-in. or wait a little longer kasi mas madami silang promo starting june.

any feedback sa tugawe? masarap ba food, may wifi?


jenny_syngkit

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #208 on: March 28, 2014, 09:21:54 pm »
^we're going to Tugawe also this July. Ilang days yung 19k sis? we got their promo rate na around Php3500 per night inclusive of breakfast.

We'll be landing in Virac coz it's nearer compared to Naga.

shinta

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #209 on: March 28, 2014, 09:32:13 pm »
^3d2n lang sis, full board meals, island hopping (4 to 6 islands), massage, boat transfers. everything good for two. iniisip ko nga din kung mas makakamura dun sa ibang promo. meron silang 40% off on room rates and book 3 nights (get the 3rd night for only P1) starting june. kaya lang no idea ako sa price ng pagkain and island hopping rates nila sa resort.

Gusto ko nga din via Virac, kasi mas malapit. Pero baka Naga yung route namin, may aasikasuhin kasi nanay ko dun tsaka mahal ng regular fare to Virac. But if I can get promo tickets, baka Virac papunta tapos Naga na lang pabalik.

meimei

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #210 on: March 30, 2014, 06:13:10 pm »
^wow sis, ok na yang 19K for two persons for 3D/2N given na summer ang travel date ninyo and including full-board meals... nainggit naman ako, sana maka-tiyempo din ako ng ganyan next year. :)

ayionick

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #211 on: April 09, 2014, 10:57:26 pm »
anyone here going to Caramoan ng April 11-15?

bleudskymd

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #212 on: April 10, 2014, 07:01:21 pm »
We'll be in Caramoan between Apr 17-19. My nakausap na si hubby, and has already arranged for our accomodations (fan room), food, boat ride, island hopping - worth P8200 per person. Can't wait!

emily2008

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #213 on: April 11, 2014, 07:41:49 am »
Hi!! will be there on apr 17 - 19, our package is 3300 per pax, 10 kami, ang inclusion nya -pick up at naga, 3d2n a/c room at paniman, full board meals, 2 days boat service for island hopping inc floating cottage at manlawi

bleudskymd

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #214 on: April 15, 2014, 12:55:45 pm »
Hello sisses!

Is it true umuulan ngayon sa Caramoan? :(

iyahko

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #215 on: April 16, 2014, 07:05:28 pm »
Hi Gtalkers!

by July punta din kme ng Caramoan kasama family ko. nakita ko sa Trip advisor yung Crazy Coconut lodge, then nag inquire ako. mura lang 3000 lang siningil sa amin for 6 adults tapos yung 2 bata eh free na. 3n4d yun. kasama na island tour at inland tour. kaso sa fb lang sila available. wala pa silang site. mabilis naman sila magreply. excited na!

Eggpudding

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #216 on: April 22, 2014, 10:17:49 am »
What are other beach front resorts in Caramoan aside from Hacienda Lahuy, Lingating Resort, and Isla Soledad? If wala, alin sa tatlo yung pinaka okay? :) Thanks!

Hi Sis!

Sa Hacienda Lahuy lang ako makakapag comment. haha! Galing kami doon last April 12-14. Sobrang okay ang stay namin doon kasi solo namin yung resort, kami lang guest. XD Kinuha namin yung package nila na 3D2N, 10Pax kami, nasa 2800 kami per head. Inclusive yun ng 3 cottages na accommodation (fan room), 6Meals ( lunch, dinner, breakfast, lunch, dinner, breakfast) at 6 na islands sa island hopping, tsaka pala yung boat transfers from Guijalo to Hacienda Lahuy and Vice versa.

Sobrang highly reco sila! Hindi ka magugutom, laging ang food nila eh may meat, veggie at fish. Parang naging buffet style na sya kasi refill sila ng refill (nung unang day kasi namin pag dating namin gutom na gutom kami haha!) Then okay ang beach nila unlike sa Paniman ata. Ayun! gusto ko bumalik doon! haha! worth it!

If you need their contact numbers PM mo nalang ako. =D

Sa mga Naga bound, may reco din ako na Taxi driver, sobrang honest sa pag price, di ka tatagain. Parang siya yung naging driver namin sa buong trip namin sa Naga/Caramoan. =)

ann08

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #217 on: May 17, 2014, 01:24:00 am »
Ok din po ba mag DIY sa caramoan? 2 lang po kasi kami. :)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #218 on: May 27, 2014, 09:52:24 am »
Ok din po ba mag DIY sa caramoan? 2 lang po kasi kami. :)

oo naman sis kami nga marami DIY lang kasama pa namin yung 3 kids ko :) kayo pa 2 lang mas madali heheh... kung hindi naman issue sayo ang budget much better :) pero kung issue ang budget inquire ka for island hopping mahal kasi ang rent ng boat makisabay nalang kayo sa iba :)

meimei

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #219 on: June 01, 2014, 12:22:37 am »
we stayed at Gota Village, kumuha na lang ako ng package sa kanila since wala ng time mag-research... natuwa din ako sa lunch na sinetup nila sa Hunongan Cove, nung time na yun kami lang ni bf ang tao sa cove tska yung boatman.

sis, swimmable ba ang beachfront ng Gota Village. I went to their website kasi and na-confuse ako. magkaiba ang accommodation na "Gota Village" and "Hunongan Cove", right? seems like pareho lang ng owners kaya they're in the same website: http://www.caramoanislands.com/#/accommodation-rates/

i'm just asking kasi may nabasa ako na hindi swimmable ang beach sa "Hunongan Cove" kasi marami daw jellyfish. eh gusto sana namin ay beachfront accommodation na swimmable ang beach. so i just want to ask sana kung swimmable ang beach sa Gota. thanks!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close