watch now

Author Topic: Caramoan *Thread 2*  (Read 55396 times)

matetreyes

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #20 on: September 17, 2011, 08:45:36 pm »
sis for me mahal ang 3.5k na 2 days island hopping. kasi when i was trying to come up with a diy tour, i contacted kuya ramil, i think isa sa sisses natin dito sya ang hire na boat di ko lang maalala kung sino. 3k lang sa kanya 2 days island hopping.

in the end nagdecide na din ako mag-package na lang kasi example:

2 nights @ Villa Julianna (cheapest I got so far) - 750*2 =1500
boat for 2 days - 3000
traqnsfers pa from port to inn and from inn to port (yung isang entry point to the islands). medyo malaki din yun kasi nangongontrata daw madalas.
food (2 lunch, 2 breakfast, 2 dinner) = say P100 each meal, so that's 600 * 2 dahil 2 kami= 1,200
syempre sasama mo din sa budget yung food ng boatmen.


so i decided na kumuha na lang ng package sa villa julianna at 3.5k each for 2 pax. from port to inn to island hopping wala na problema. =)


shegothim

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #21 on: September 18, 2011, 07:14:03 am »
thanks sis matet, may contact number ka ba ni kuya ramil? si kuya ramil din pala ang nacontact ko. tumaas na ang rate nya  ;D

kung package kasi kami nasa 500-800 pesos ang difference vs diy kami. 4 kasi kaming magkakasama sa tour. kaya lang iyong isang kasama ko parang sanay sa package tour kaya medyo nagiisip isip din ako kung sasama pa ako o hindi na. kulang na rin kasi ang budget ko kung magpapackage tour ako. problem ko rin kasi iyong food pero pumayag naman iyong boatman na nakausap ko na magpapaluto kami sa kanila ng kanin at papaihaw ng ulam.
« Last Edit: September 18, 2011, 09:14:44 am by shegothim »

matetreyes

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #22 on: September 18, 2011, 01:11:07 pm »
ah kung si kuya ramil yan, tawaran mo ng 3k kasi yung una din nyang bigay parang 3+ din eh pero tinawaran ko ng 3k. ako na nagsabi na 3k, hehhehe. tapos pumayag naman sya

shegothim

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #23 on: September 18, 2011, 08:26:31 pm »
thanks sis.

mukhang naka-set na sa mind ng kaofficemate kong magpackage kaya ayun nag-give in na ako. medyo di sanay sa diy ang kasama ko at baka masisi ako kung magkaproblema. next time na lang siguro ako mag-diy doon pag kasama ko na mga travel friends ko.

shegothim

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #24 on: September 25, 2011, 08:26:20 pm »
just got back from my caramoan trip. ang saya kahit super haba at nakakapagod ang byahe. maganda rin pala dun. though konti lang ang isda sa mga snorkeling site na pinuntahan namin eh nag-enjoy pa rin ako sa paglangoy langoy. ang ganda rin ng mga islands at mukha nga syang coron.

ang saya kasi nakapanik ako sa cliff sa matukad at nakita ko iyong lagoon. maganda rin ang sand bar ng manlawi atsaka iyong isang sandbar na pinagdalhan sa amin ng tour guide namin c/o west peninsula villas. ok ang rooms sa westpen. ok din ang food sa breakfast lang kami nakulangan kasi rice egg at hotdog or corned beef lang ang food. pero iyong lunch at dinner panalo na sa dami. di namin naubos ang food sa kabusugan. mababait din mga staff nila specially kuya joffrey na tour guide namin.


matetreyes

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #25 on: September 26, 2011, 08:00:31 am »
wow sis tapos ka na magcaramoan! ang bilis! photos please!. nakapunta ba kayo ng gota village?

shegothim

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #26 on: September 26, 2011, 08:34:15 am »
hindi sis though open ngayon ang mga island dahil walang survivor na nagshoshoot. iyan ang sabi ng mga staff ng west peninsula kasi sa kanila nagstay ang mga staff ng survivor. dito din daw tumitira iyong mga contestants bago ang magsimula ang survivor at bago sila matanggal.

matetreyes

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #27 on: September 26, 2011, 09:03:59 am »
nakalagay nga din sa website nila open na ulet to public. musta ang weather dun sis?

nagstay pa ba kayo sa camsur o direcho caramoan kayo?

shegothim

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #28 on: September 26, 2011, 12:04:32 pm »
ok ang weather though umambon sandali nung nasa sabitang laiya kami pero sandali lang.

deretso na kami sis ng caramoan. pwede palang mag bus deretso dun. raymond bus ang bumabyahe pero ordinary bus at 15 hours daw ang byahe from manila.

shegothim

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #29 on: October 02, 2011, 11:24:16 am »
eto na ang buong kwento ng trip namin.

umalis kami ng pasay (via philtranco bus) ng 830pm. wala pang 4am nasa naga na kami. ang bilis ng bus kasi di humihinto sa mga pumaparang pasahero sa highway. may sariling cr din ang sinakyan naming bus 750 ang pamasahe papunta.

pagdating ng naga di namin alam kung san sasakay kaya kumain muna kami ng agahan tapos bumalik kami sa terminal para maghanap ng masasakyan. medyo na-off ako sa mga tao dun kasi imbes na sagutin ka kung san ka pwedeng sumakay inaalok lang nila iyong bus na minamaneho nila. so mega comment ako habang naglalakad na ano ba ang mga tao dun di masyadong tourist friendly (init ulo ko.. hehe) buti pa sa (mention ng lugar) mega effort sa pagtulong ang mga locals. may nakarinig ata ng sinabi ko so tinuro naman nya sa amin kung saan sasakay.

sumakay kami ng bus na dadaan ng goa, 55 pesos ang pamasahe. 1 hour and 15 minutes nasa goa na kami then sumakay kami ng jeep papuntang sabang. 22 pesos naman ang pamasahe mula goa hanggang sabang. pagdating ng sabang kumain ulit kami sa karinderya doon kasi maaga naman kaming nakarating ng sabang. pagkakain namin dumeretso na kami sa bangkang babyahe papuntang caramoan.

isa at kalahating oras ang binyahe namin mula sabang hanggang guijalo 120 naman ang pamasahe (plus 10 pesos sa wooden bridge sa sabang). pagdating ng guijalo sinundo na kami ng staff ng west peninsula villas. nakakatawa kasi iba ang pangalan ko sa email at iyon ang hinahanap nilang pangalan. eh kami lang ang bisita ng araw na iyon kaya alam na rin naming kami ang hinahanap nila.

pagdating sa west pen tinuro na sa amin ang room namin at pinakilala sa magiging tour guide namin, si kuya joeffrey. maganda ang room namin at malinis. doon din nagstay ang mga staff ng survivor pag may shooting, luckily di namin sila kasabay at kami palang ang guest sa resort. pagkatapos naming magpahinga at magpalit ng damit, naglunch na kami. masarap din ang pagkain na hinain nila for lunch.

1230pm nagsimula na ang aming tour. sa bikal port kami pumunta para sumakay sa bangka ng west pen.una naming pinuntahan ang matukad island. ang ganda ng isla at sobrang fine ng sand doon. umakyat din kami sa cliff para makita ang lagoon. natakot ako nung una pero syempre dahil gusto kong maexplore lahat go pa rin ako sa pag-akyat. mas matutulis ang limestone sa el nido at saka mas mataas at mas matagal akyatin. pero matarik din ang aakyatin din at kailangan din ng ingat sa pag-akyat. ang ganda ng view sa taas sayang lang at may puno na nakatabing. kukunan ko sana ng picture iyong view ng matukad.

sumunod naming pinuntahan ay ang lajos island. ang ganda din dito. then pumunta kami sa cagmalinad, honunagan cove at minalagos island. nagsnorkeling rin kami malapit cagmalinad. maganda din ang corals doon pero konti lang ang isda. wala rin kasi kaming dalang tinapay kaya konti lang ang lumalapit na isda.

2nd day namin, una naming pinuntahan iyong bugtong sandbar. natuwa mga kasama ko kasi mukhang unang beses nilang makakita ng sandbar. ako din natuwa kasi mahilig ako sa sandbar. ang ganda doon kaya lang ang bilis maghigh tide. maganda rin sa butong island kaya lang di na namin pinuntahan kita lang namin mula sa sandbar.

sunod naming pinuntahan ang cotivas island. maganda din doon. sabi ni kuya boatman at kuya joeffrey si FMG daw ang may-ari ng cotivas. merong isang cottage na pwedeng pagpahingahan ng mga bisita.

sandali lang din kaming nagpahinga sa cotivas at pumunta na kami sa manlawi sandbar. ang laki nyang sandbar, parang white sand sa camiguin. dito na rin kami naglunch at nagrent kami ng cottage. kami ang nagbayad para sa cottage kasi sabi ni kuya joeffrey di daw kasama ang rent sa cottage sa package. 100 ang bayad namin. floating cottage ang kinuha namin. nung naglulunch na kami medyo nakaangat na kami dahil high tide na. panalo ulit ang lunch namin at nabusog kami. bumili rin pala kami ng buko. 20 pesos each ang tinda. pagkakain ng tanghalian nagswimming swimming din kami sa manlawi.

pagkaswimming bumyahe ulit kami at pinuntahan ang snorkeling site. mas maganda ito kesa sa unang araw na pinuntahan namin. mas marami ring isda dito. pagkatapos naming magsnorkeling medyo kumulimlim na at nagsimula nang umambon. hanggang sa makarating kami sa sabitang-laya umambon pa rin. ok lang din at iyong waterproof cam ko na lang ang dinala namin. ganda rin ng island na ito. may mga rock formation at mukhang palawan din.

huli naming pinuntahan ang mt. carmel kung san nandoon iyong imahe ni mama mary. ang taas ng inakyat namin at malayo-layo rin ang nilakad namin mula port hanggang jump off point. para ring sa mt. tapyas ng coron. dati daw 700+ steps paakyat pero ngayon 500+ na lang ang aakyatin. as usual napagod ako sa pag-akyat pero worth it naman dahil maganda naman ang view sa taas. 15 pesos nga pala ang entrance dito at donation na lang ang bayad sa tour guide. siningil namin sa west peninsula ang binayad naming entrance.

mag-gagabi na kaming natapos sa pagtotour, nakakapagod pero nag-enjoy kaming lahat. dahil na rin sa pagod ubos na ubos ang aming masarap na dinner.

kinaumagahan, inayos na namin gamit namin. pagkaayos nag-agahan na kami. masarap naman ang agahan namin pero bitin dahil one cup lang ang rice, 1 egg at hotdog or corned beef lang ang ulam.

may free souvenir t-shirt din na binigay ang west peninsula villas pero hanapin mo ito sa staff pag magbabayad ka na. di kasi alam ng staff kung meron o walang souvenir na dapat ibigay. tinext pa nya ata ang may-ari bago binigay sa amin. maganda naman ang tshirt na binigay nila.

bago umuwi dumaan muna kami sa simbahan at sa souvenir store na pagmamay-ari rin ng west peninsula.

nagroro kami pauwi dahil mag-10am na. pero kung nagmamadali ka wag kang magroro dahil mas matagal dito. 200 ang binayad namin for aircon accomodation. nung una nagrereklamo ako kasi sayang ang 50 pesos pero kinalaunan oks na rin dahil nakatulog naman ako sa upuan ko. mas komportable ang upuan sa aircon accom kesa sa non-air (syempre.. hehe).

3pm na kami nakarating ng naga. kumain muna kami sa chowking sa sm at pagkatapos ay naghiwahiwalay na kami ng mga kasama ko kasi pupunta pa akong daraga para dalawin ang tita at mga pinsan ko.

ok ang tour namin pero mas magastos ang package tour. next time kung babalik ako mag-diy na lang ako kasi malaki ang difference sa package (kung madami akong kasama). marami rin namang pwedeng kainang karinderya doon kaya di rin mahirap mag-DIY. pero ok din naman ang package tour sa west peninsula kaya lang for a budget traveller like me mas gusto ko iyong makakamura plus maeenjoy ko ang lugar.

matetreyes

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #30 on: October 11, 2011, 07:35:26 pm »
just got back from caramoan! ganda. pang survivor nga! saka as in kami lang ang nagtour sa mga isla. wala kaming ibang kasabay kaya super solo lahat ng spot. ang laki ng sandbar ng manlawi!

eeatrice

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #31 on: November 03, 2011, 02:12:53 pm »
sa mga nag-avail ng tour packages papost naman ng link ng agency/tour guide
salamat :)

AkishaSabine

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #32 on: November 04, 2011, 10:41:37 pm »
kami sa villa julianna inn kami nakakuha ng package P3.5k/pax min of 2 pax. google mo na lang sis. si kuya roger yung may-ari nun

OD

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #33 on: November 09, 2011, 01:07:16 am »
is anyone brewing plans for a trip here on December? I was hoping to make a beach escape/islands tour before the year ends. Pambawi from what I missed to do last summer and the summer before that and the scorching summer prior to last year's ad infinitum, ad nauseam :D but all joking aside, I'm really open to joining a group who'll explore the area for the first time. Mas ok sana kung DIY tour.

tinapay

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #34 on: February 10, 2012, 11:30:26 pm »
sis tinapay hindi yun, may nabasa kasi ako sa first thread na maliit na boat at malakas na alon for 2hours??? ganun pa din ba ngayon? thanks

ito pa yung small boat? http://www.flickr.com/photos/29421855@N07/5490557203/in/set-72157626179111620



late reply, hehe. yes sis, i think ganyan nga ang boat. pero di naman nakakatakot. for me ha.

Trempot

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #35 on: March 26, 2012, 12:00:22 am »
hubby and i are planning to go to Caramoan this Labor Day weekend. hopefully okay naman ang rates and hindi pa fully booked :)

beautyandcurves

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #36 on: March 27, 2012, 12:33:49 am »
Hi meron po ba kayong computations ng expenses sa caramoan?

kiaramae_0403

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #37 on: April 12, 2012, 12:42:47 pm »
We will visit Caramoan this May kahit na may shooting ang survivor, sana mag enjoy kame  :) Excited na ako  ;)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #38 on: April 17, 2012, 04:54:07 pm »
sis [textspeak!] ang punta mo? kami din nagbabalak =)

beforeiturn25

  • Guest
Re: Caramoan *Thread 2*
« Reply #39 on: April 18, 2012, 12:26:15 pm »
Kami din punta ng May, 18-20 balak namin. Mas okay ba ang DIY?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close