watch now

Author Topic: slimming/diet pills 7  (Read 353871 times)

astarte

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #160 on: May 27, 2013, 03:51:30 pm »
hi mga sis!  :D hindi pa ako nagba backread ng posts pero share ko lang yung mga na-try ko.. nung younger years ko (college days) 1st slimming capsules na ginamit ko "ionamin" i don't know if anyone remembers about that brand which eventually got phased out na rin.. in 2 weeks time ang payat ko na mukhang addict nga lang.. yung eyebags and cheekbones sobrang halata.. bumibili ako nun everytime may padating na special occasion hehe..

2nd one is "bangkok pills" pero 2 weeks pa lang nag-stop na ako kasi kinabahan din ako sa sobrang palpitation and hard breathing.. effective oo pero student pa lang ako nun so takot maconfine walang pambayad lol..

3rd one maybe 2 or 3 years back pinagsabay ko yung "fashion slimming coffee + ballerina 7 day miracle capsules" 1 week lang nakita ko na ang results pero nasobrahan yata ako kasi afaik once a day lang dapat pero nag take yata ako ng 2 or 3 times.. plus nagta-take pa ko ng regular coffee so ang ending na-dehydrate ako then feeling ko magco-collapse ako lahat ramdam ko na e.. palpitation, hard breathing, anxiety.. pero kasalanan ko yun kasi hindi ako sumunod sa tamang dosage.. ang ending 2 weeks ako na-confine ayan na nga hehe..

this year nag-try ako ng usana nutrimeal.. from 72 kgs i was down to 68 kgs for only 1 week kasi career mode ginawa ko sa reset program na 5 or 7 days yata yun  NO SOLID AT ALL ang hirap haha breakfast lunch dinner shake lang.. ang solid lang na take ko nun yung vitamins/supplements with the package.. 1 month ko lang ginamit then kahit satisfied naman ako sa results hindi carry ng budget e so wala na hehe..

next week try ko ang pretty model.. binili ko dyan sa pinas.. overseas ako ngayon so hopefully effective sa akin and kaya ng katawan ko ang side effects.. i gained so much weight na naman nakaupo lang kasi lage sa harap ng PC walang exercise haizt!  :-[ sorry ang haba na pala ng kwento ko  ;D

nikita27

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #161 on: May 28, 2013, 08:36:05 am »
Hi mga sis nabawasan ako ng 5lbs in just 2 days. I'm still on diet now and hopefully magtuloy tuloy ang pagbabawas ko ng timabang.im not taking slimming pills kasi nabalik Lang naman eh at nadoble pako. I hope this end of month makapagbawas ako ng 10lbs.

queenmarie

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #162 on: May 29, 2013, 01:55:21 pm »
Hi mga sis nabawasan ako ng 5lbs in just 2 days. I'm still on diet now and hopefully magtuloy tuloy ang pagbabawas ko ng timabang.im not taking slimming pills kasi nabalik Lang naman eh at nadoble pako. I hope this end of month makapagbawas ako ng 10lbs.

Anung diet yan sis? hehe

Super dilemma ang peg ko ngayon dahil sa Slimina. I want to switch kasi ayaw ng headache dahil sa school at constipated? (every 2 days ako maglabas ng burden) 3 days na ko stop sa Slimina kasi may menstruation ako dumadagdag kasi yung headache at cramps haha
« Last Edit: May 29, 2013, 01:58:25 pm by queenmarie »

felmitz

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #163 on: May 30, 2013, 11:44:28 pm »
may online shops po ba na nagbebenta ng rapidly slimming? gusto ko itry eh..  :)

minnienigb

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #164 on: May 31, 2013, 12:53:29 pm »
sissies, ano po bang maganda diet pills na pwede isabay sa iv gluta? nag iiv gluta kasi ako. had a bad exprience kasi with hokkaido slimming pills last year :( hindi siguro meant for me ang hokkaido :( napasubo lang ako sa hokkaido kasi yung friend ko from 120lbs to 100lbs. seriously! kaya nahikayat talaga ako...tumaba kasi ako ng bongga last year, umabot ako ng 111lbs so i decided to take hokkaido...yung feeling laging uhaw kaya more inom talaga ng water. tapos nung ikaw 3rd day ko na, hindi ako nag lunch...3pm na ako bumangon sa kama tapos pag tayo ko, more hilo na ako tapos hindi nkop makahinga talaga. naninigas na yung kamay ko tska super lamig ko na..sumigaw nko, tapos sinugod na ako ni boyfie sa emergency room. sobrang d ako makahinga tapos ginagalaw galaw ko yung arms ko kasi feeling ko pag dko ginalaw, maninigas na siya sobra. tsaka parang walang pumapasok na oxygen sa utak ko kasi hindi makapag circulate yung blood ng maayos kaya iniikot ikot ko yung dalawang kamay ko.

nakakatawa nga daw akong tignan sabi ng boyfie ko kaso siympre hindi nya pinapakita kasi worried na worried din siya at that time. tapos pag dating pa namin sa markini valley, sobrang daming tao!!! tapos tong si boyfie eh nahihiya pa atang kumalabit ng nurse doon...aba eh dko na kinaya, lumapit nako sa reception tapos sumigaw nako sabi ko "excuse me po! hindi nko makahinga! naninigas na yung kamay ko!"  ayun ni assisst na nila agad agad...tinurukan nila akong ng pampakalma. grabe lang yung experience iyak ako ng iyak akala ko ma tetegi bum na ako. sabi ko nga sa isip ko "shiyet! wag naman! ang pangit lang ng ikakamatay ko nakakahiya dahil sa slimming pills pa" pag uwi namin sa bahay..sorry ako ng sorry kay boyfie talaga. akala ko talaga katapusan ko na :-\

after nun parang tinuloy ko na lang yung pag inom ng madaming madaming water.......tapos dun ako pumayat, sa water diet mga sissies. in two weeks, 4lbs agad yung nawala tapos pababa ng pababa until maging 100lbs na lang ako. hanggang ngayon i see to it na i drink at least 2 liters of water everyday...pero ewan lang ngayon ha, parang dna ako pumapayat. haha! nasanay na siguro yung body ko sa water. idk. ngayon kasi parang naglalaro sa 103-107lbs. nakakainis nga! parang ngayon 103 tapos bukas 105 tapos next day 104 tapos next day ulit 107 tapos balik sa 105 tapos 103 ulit. nakakaloka paiba iba... pero last year talaga bongga tlaga pinayat ko dahil sa water diet. no colored drinks pa rin ako til now...super minsan lang ako mag milk tea, frapp, etc. pag nag ka ayaan lang talaga.

everytime napapainom ako ng colored drinks, binbawian ko din sa water agad. try nyo mga sissies water diet. 2 glasses in the morning tapos 2 glasses din before meals tapos 1 glass after meal. tapos before mag sleep 2 glasses din. wiwi ka nga lang ng wiwi as in. pero keri lang yun long as pumapayat diba?  :)

nag aask ako sissies ng effective diet pills kasi feeling ko lang hindi na tumatalab si water diet sakin. hindi na kasi bumabalik sa 100lbs yung weight ko. baka kelangan kong mangaliwa muna tapos balik na lang ulit kay water diet..ganun daw kasi yun..pag nasasanay na, nawawalan na ng effect. pero I can attest talaga na super effective ang water diet. give it a try lang mga sissies.
« Last Edit: May 31, 2013, 01:00:32 pm by minnienigb »

queenmarie

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #165 on: June 05, 2013, 10:01:29 am »
nag aask ako sissies ng effective diet pills kasi feeling ko lang hindi na tumatalab si water diet sakin. hindi na kasi bumabalik sa 100lbs yung weight ko. baka kelangan kong mangaliwa muna tapos balik na lang ulit kay water diet..ganun daw kasi yun..pag nasasanay na, nawawalan na ng effect. pero I can attest talaga na super effective ang water diet. give it a try lang mga sissies.

hi sis grabe yung nangyari sayo pero siguro kung effective sayo yung water diet try mo na lang din yung bfad approve na meds noh? may gusto nga ako itry ngayon yung commercial ni richard yap yung c-lium for detox and cleasing daw sya pero ginagamit ng iba sa weight loss :)

candacena

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #166 on: June 06, 2013, 01:00:24 am »
^^ oonga grave yung nangyari sayo sis ha..kaya ayaw ko pills e.. Water diet? Pano po yung water diet? May calorie counting din po ba kasama? Thanks

babyboo.0326

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #167 on: June 07, 2013, 01:15:16 am »
uy, grabe naman yun! kakatakot! hindi kaya you were dehydrated din or may ingredients na hindi pabor sa system mo?

anyway, ako naman, nasa ministop ako kanina. while i was looking at what to buy, biglang parang feeling ko lumulutang ako. yung feeling na nasa loob ka ng elevator? i thought babagsak ako e, natakot tuloy ako..  :-\ gamit ko is yung pearl whitening detoxifying slimming capsule (extra from japan nakalagay sa taas ng container)

PrincessInBlack

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #168 on: June 07, 2013, 02:52:08 am »
May nabibilhan pa ba ng mySlim na drinks? Totoo bang ni-pull out na to sa 7-11?

alice_alice

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #169 on: June 07, 2013, 11:37:46 am »
Saan ba makakabili ng maggie? Un kasi gamit ng kaofficemate ko wow naman ang bewang talagang ang liit

At pwede ba diretso na magmyslim na capsules ayaw ko kasi magpoopoo lage

Escapaira

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #170 on: June 07, 2013, 11:55:27 am »
May nabibilhan pa ba ng mySlim na drinks? Totoo bang ni-pull out na to sa 7-11?


Wala ng Myslim sa mga 7/11 stores kung gusto mo bumili ng powder juice pede umorder sa facebook fan page nila.

Date nagtry ako ng hokkaido pills pumayat ako pero hirap akong makatulog at lagi akong nagpapiltate tpos tinitigyawat na din.

minnienigb

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #171 on: June 09, 2013, 07:36:49 pm »
^^for those who were asking bout water diet, pwede din mag calorie track everyday. I downloaded an app before; myfitnesspal. Ok siya. At first, kain pa rin ako ng kain as in rice pa rin every meal basta laging may water. Pero eventually, humina na rin ako sa food.half rice na lang ako palagi tska i always eat using a small plate para na ti trick ko yung sarili ko na marami na yung food sa plate ko :p it also helps :) See to it na you drink at least 2 liters of water everday tska may timing din yung pag inom. You'll know naman if dehydrated ka na, pag color apple juice yung pee mo. It should always be clear para ibig sabihin hydrated na hydrated ka. Hope this answers all your questions, sissies :)

koalaa

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #172 on: June 15, 2013, 03:20:50 pm »
Hi sisters! Do you know where i can buy maggie pills? TIA

VannyVanvan

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #173 on: June 19, 2013, 09:39:34 pm »
Hi everyone. Ive been using diet pills to get my old body back. Ang hirap once you stop taking them coz your weight will double. At the moment lumaki ako coz of my work narin. I plan to take stronger diet pills again but I don't know which one to take. Bangkok pills really worked for me but the side effect was not really nice at all. What diet pills do you guys suggest? Strong ones.

babyboo.0326

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #174 on: June 19, 2013, 11:57:00 pm »
anyone who has used pretty model slimming capsule?

felmitz

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #175 on: June 20, 2013, 12:12:18 am »
karamihan talaga ng mga slimming pills may rebound, palpitation, dizziness.. kaya hindi nako lumilingon sa mga slimming pills..

vainmom

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #176 on: June 20, 2013, 01:19:06 am »
i tried pearl white capsule and took it for a year..pumayat talaga me at pumuti..no palpitations or dizziness. yun lang grabe depression sa umpisa lang mga first 3 months. now im trying L-carnitine and green tea pero parang mas lalo me naka-feel ng gutom, as in always

VannyVanvan

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #177 on: June 20, 2013, 08:13:46 am »
^ Im taking Pearl white at the moment. Hindi siya malakas but may time na no appetite may time na may appetite naman ako. Im taking it twice a day. I hope when I finish 1 bottle may onting weightloss ako.

astarte

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #178 on: June 20, 2013, 11:41:33 am »
babyboo.0326 sis ako yan ang iniinom ko ngayon.. pretty model slimming capsules yung green and yellow capsules.. umorder ako sa facebook lang pero gtalker din siya sa pagkaka alam ko..

june 1 ang 1st day ko.. weigh in 69 kgs (sa clinic malapit sa bahay ko at sa bahay pa ako nag weigh para sure na same result) hehe..

so june 20th na ngayon.. 65 kgs ako.. palpitation wala halos.. gutom and cravings minsan meron minsan wala.. dami ko na din kasi nainom years back.. di bale balitaan kita ulit after 1 month.. feeling ko water weight pa lang yung nabawas sa akin.. let's see if mabawasan pa..

whatswithjuly

  • Guest
Re: slimming/diet pills 7
« Reply #179 on: June 21, 2013, 12:49:34 am »
took pearl white din dati. naka-3 bili ko to make sure na authentic..at nun nakakuha ko ng authentic...1-2 caps lang yata nainom ko..i had bloody urine. i immediately stop and swear i won't be taking non-BFAD approved pills again.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close