watch now

Author Topic: out of control  (Read 3834 times)

mocha1209

  • Guest
out of control
« on: August 19, 2011, 06:04:57 pm »
Im having a problem to control my feelings. Like, if ever someone made a promise to me and then hindi niya tutuparin nagtatantrums ako and sobrang sumasama talaga loob ko. Because of this im having problems with the people around me specially with my mom. Hindi mom ko ang nagpalaki sakin kundi lola ko. since birth my mom is already in abroad para magtrabaho. Hindi ako lumaki sa kanya although hindi naman niya talaga ako pinabayaan. Lahat ng gusto ko binibigay niya. Lahat ng luho ko sinusunod niya. Pero iba pa rin yung feeling na mismong nanay talaga ang nagpalaki. Pag di niya nabibigay ang gusto ko kung [textspeak!] [textspeak!] masasakit na salita nasasabi ko sa kanya which i know is wrong. I told about this problem with a friend sabi niya mahalin ko daw mom ko. sabi ko naman mahal ko naman mom kaya. kaya lang may pagkakataon talaga na hindi kami magkaintindihan talaga. Minsan sobrang naguguilty ako sa ginagawa ko sa mom ko dahil sobra ko siyang inaaway. One time even na hirap na hirap siya I would still ask for money. I would throw tantrums on her kapag hindi niya binibigay. Even she's sick and at the hospital after asking her how she is i would still ask for money. This is how i grew she's just giving me money all the time. Even i have all the great things in the whole world There is only one thing that is missing which is her. I love my mom so much. I just dont know how to show it. Sobrang guilty na ako. I dont even know what to do. I need advice, I need help,.Someone save me please. cause feeling ko im already in a cliff.

aquacharly

  • Guest
Re: out of control
« Reply #1 on: August 25, 2011, 07:05:28 pm »
It is never too late to re-invent yourself into the loving and respectful daughter you want to be.
Best to do it soonest, before it is too late.

Now, you are a Big Girl now, so why don't you just implement what you know are the right actions towards your mom?  Nobody can do that for you, ikaw lang... so stop looking for someone to come to your rescue.  It is all within your power, to become a loving, considerate, mature daughter.  Even your loving lola cannot do that for you.

Tantrums are for kids, keep that in mind.  Hurtful words you think you cannot prevent from coming out of your mouth may be the manifestation of your longing for your mom when she was away while you were growing up.  Get a hold of yourself.  She had to do what was best by you.  IF it hurt you you were lonesome for her, it surely was more hurtful for her, being away from you.  Maniwala ka, 1 of the hardest burdens for a mother is to be apart from her kid... kahit na adult na her kid. 

So wizen up and look at things from her viewpoint too.  She loves you, and you do not need to test her love by being nasty to her; nor do you  have to test that love by always asking for money, even when prudence dictates you should have the sensitivity to not ask.

However, if something sinister/darkly unforgettable and regrettable happened to you while she was away...  it may be a case of misplaced aggression.  You may be convinced that were she around that dark episode would not have happened to you.  Just think that nobody wants bad things to happen to one's child.  Kung puede nga lang mangyari sa parent whatever sickness/bad experience a kid goes through.. maniwala ka, gagawin ng parent, lalo na ang mother.

If it is something you cannot talk about, you may gain relief and constructive direction by talking to a competent and non-judgmental counselor/psychiatrist.   PM me if you think you require such a person, I cannot post it here.. baka ma warning ako nang mods, eh malulungkot ako kasi madaldal ako.   hehe

cheer up, kaya mo yan.  Remember, it is never too late to re-invent yourself.  Leave in The Past that which does not work anymore. 

justin3

  • Guest
Re: out of control
« Reply #2 on: August 27, 2011, 04:44:54 pm »
kagagaling ko lang sa thread ng bad mama, ngayon BAD, BAD DAUGHTER naman. sana nagpalit na lang kayo ng mother.
wala na akong mother eh. ano kaya kung bilhin ko na lang sa yo mother mo? :D

madali lang na problema to. pipitikin lang kita sis. wag kang iilag :D

etong post mo lang ang nabasa ko. pero sa tono ng kwento mo, malamang ikaw yung klaseng anak na di pa masaway o mapagsabihan o mapakiusapan ng mahusay ng nanay mo o kahit lola mo. ikaw yung tipo ng anak na pag lumabas with the barkada, walang curfew-curfew. pag nag date with bf, di bale na pag umuwi kinabukasan. pag may new gadget ang ka-tropa, dapat meron ka rin para "in". pag umangal si mommy o si lola, away na... may natamaan ba ako sis? ;)

hmp! labs nya daw si mommy. alam mo, kahit ipagsigawan mo pa yan dun sa Padi's Point Antipolo para marinig ng buong Metro Manila, kung labas naman sa ilong ang tono, walang katuturan rin yan.

o sige na, you really love your mom yet you don't know how to show it.
for starters, umpisahan mo by shutting up your mouth.
di naman sigurong mahirap gawin yon. ayt? wag kang maniwala na ikamamatay mo pagtahimik ka, kesyo mapapanis daw ang laway mo at magiging lason, at pag nalunok mo, patay ka.
 
buti na lang nasa ACCEPTANCE stage ka na agad. the mere fact na nag post ka dito ng problem mo, aware na aware ka na mali ang ginagawa mo sa mom mo. ok yan.

you need professional help? maybe. pero wag na. mamaya hingi ka na naman ng pera sa nanay mo. pati pang Starbucks mo pagkatapos ng every session ipatong mo pa kay mommy.
ako na lang, libre pa.

your case is not something na maihantulad sa addiction na kahit anong control at kahit na sinong magsabi na itigil mo na, napakahirap gawin unless magpa-rehab ka.

out of control? ahsauce! malamang adult ka na ano? then act like one. act like a lady not a baby.

oist, gawin mo to dear ha? mag comply ka dito pag nag-post ka uli. ;)

 -  the next time na humingi ka ng datung kay mama dearest, isara mo yang matabil mong bunganga ha? isulat mo sa papel ang lahat ng hihilingin mo. i-breakdown mo ang lahat na pagkakagastusan mo. pati pangungupit mo. (kung may konsensya ka pa) pati panglibre mo sa date nyo ng barkada/bf mo, put it in writing . ;D

 - and when naibigay na ang datung, wag na wag kalimutan magpasalamat ka rin kahit na kulang pa ang naibigay ha?
kung hirap na hirap ka pa rin mag "thank you", isulat mo! kahit na sa post-it lang. idikit mo sa ref nyo o sa pintuan ng room ng "kaawa-awa" mong ina.

nahihiya ka? ma-pride ka? aba, aba, lecheng pride na yan. di ka nga nahihiya mag-alburuto sa harap ng nanay mo? mas nakakahiya kaya yon lalo na pag nakikita at naririnig ng ibang tao.
wag kang mahiya oy! nanay mo yan, di ibang tao yan. matitiis kahit anong kabulastugan ang gagawin mo, kahit na nagdudurugo na ang puso nya sa hinagpis.



if you won't mind sis, is your mom a single-mother? only child ka?
naitanong ko lang, kasi kung ako ang naging tatay mo (uncle o kuya), noon pa kita naputulan ng sungay. ;D ;D ;D

whitelady17

  • Guest
Re: out of control
« Reply #3 on: September 02, 2011, 03:22:14 pm »
sis, are you the type of person na hindi maka accept ng NO as an answer? nasanay na lahat ng gusto binibigay? Kapag hindi nakuha sa santong dasalan daanin sa santong paspasan? Kung parehong yes ang sagot mo, walang duda, ikaw ang may problema.

Suggestion ko, why don't you take a time out of your busy schedule, busy gimik what so ever, then go to a Gawad Kalinga, or other institutions na nag aalaga ng mga batang na abandona, na abuso etc. Interview a few, kung ano ang life story nila kung gaano nila ka mahal ang parents nila, kung given a chance ba gusto nila kasama ang parents nila etc.

This will help you realize, how lucky you are, you still have a mom and a grandmother, who took care and support you. Eh paano kaya kung ipinalaglag ka ng mom mo before malamang wala ka sa mundong ito, diyan pa lang super blessed ka na eh. Lastly, imagine 30 years from now, and ginagawa sa iyo ng anak mo ang ginawa mo sa mother mo, how would you feel?

How old are you na ba? Do you have work? Sana you can treat your mom naman, from your own pocket, hindi galing doon sa allowance or money that was given to you.  ;)

KrisKulit

  • Guest
Re: out of control
« Reply #4 on: September 04, 2011, 10:07:55 am »
lam mo sis nalungkot ako sa ginagawa mo sa mom mo, parang ganyan din kasi yung kapatid kong bunso.. makaaway na kaming lahat ng mom ko wag lang yung kapatid kong bunso.. at lam mo pag naguusap kami sobrang naaawa ako sa mom ko kasi minsan pag nagkkwento siya about sa kapatid kong bunso sasabihin nya na nahihirapan na siya na tipong ginagawa na siyang personal yaya ng kapatid kong bunso..  :'(

lam mo what's good with you? alam mo yung mga mistakes mo unlike my youngest sister.. pero don't wait na mawala yung mom mo sayo before you change your attitude tandaan mo sis nasa huli lagi ang pagsisisi, hindi ka na makakahingi ng sorry, hindi mo na din masasabi na bigyan ka pa nya ng last chance etc.. imagine she's giving you everything and yet ano yung ibinabalik mo sa kanya? if you really love your mom you don't have to ask her anything na alam mong mahihirapan siya.. alam mo naman palang mali ka bakit hindi ka magsorry sa mom mo.. try to serve your mom for a change, paghanda mo siya ng breakfast, lunch, snack or dinner.. and avoid asking her for material stuffs.. make her feel that she's important to you show her that you love her by respecting and appreciating her, hindi yung puro salita lang..

I know sis that you can do it..  ;)
remember that life is short and you have to act fast before it's too late..

and one more thing if you feel that you're starting to get a tantrum, why don't you count in your mind to calm you down.. ako kasi pag nagagalit nagccount ako to calm myself..  ;D

showermist

  • Guest
Re: out of control
« Reply #5 on: September 04, 2011, 10:29:29 am »
TS, alam mo palang iakw mismo ang problema.  Why not do something about it?!  Ang emosyon naku-kontrol.  Blurting out hurtful words, naku-kontrol din.

Lumaki din ako sa lola ko.  At oo, may tampo ako sa nanay ko.  May mga tanong akong hindi na kailanman masasagot kasi wala na nanay ko, kinuha na ni Lord.  If only I could turn back time, I would never ever wasted my time na nagtatampo sa nanay ko.  I should've  shown her more how much I love her and how I appreciated her despite the fact that I didn't grow up with them.

Baguhin mo ng onti yung attitude mo towards your mom.  Kasi pag nawala na sya--ibang guilt yung mararramdaman mo.  Ibang klaseng pagsisisi. Iba. 

I am sorry to say but you're so insensitive.  Hindi porke lumaki ka sa lola mo, eh pabaya na ang nanay mo.  May mga mabibigat na rason minsan.  Masakit din sa magulang yun.  Look at the bigger picture.  Huwag yung sarili mo lang ang kakawawain mo.

It wouldn't hurt siguro if you'll apologize to your mom. :)

PinKisH_23

  • Guest
Re: out of control
« Reply #6 on: September 04, 2011, 12:20:45 pm »
Sis TS, wag ka ng magsayang ng panahon, show your mom how you love her. Baka isang araw magsisi ka nalang kasi it's too late na. Kung di mo man natutuhan na magmahal ka dahil technically wala sya sa tabi mo para ituro yun, sana naman marealize mo that she had to work abroad para rin sa yo. Kung selfish syang tao, mas gugustuhin nyang magkasama sama kayo kahit wala na kayo halos makain. Ikaw lang ang iniisip nya kaya sya nag abroad.

Sana may idea ka kung paano sya nalulungkot sa tuwing naalala ka nya, pero wala syang magawa kasi asa ibang bansa sya. Di sya makakauwi kahit anong nyang gustuhin kasi naka contract sya sa abroad.

Now is the best time to show your gratitude to her. Sana naman wag mo lang sasabihing mahal mo sya, pero gawin mo. Iba kasi yung sinasabi lang sa ginagawa. Ipakita mo na mahal mo sya before it's too late.

Happy Mom

  • Guest
Re: out of control
« Reply #7 on: September 04, 2011, 12:36:04 pm »
nalungkot at natakot naman ako sa topic na ito. tulad kasi ng mother ng TS, 3 months pa lang ang baby ko naiwan na sya sa lola nya kasi kailangan ko na bumalik sa trabaho :-\
ayokong ganito rin ang gagawin sa kin ng baby ko :'(

TS, kung alam mo lang ang sakit na nararamdaman ng isang nanay pag malayo sya sa anak nya. madudurog ang puso mo. walang araw na hindi iniisip ng nanay ang anak nya pag magkalayo sila.

sana maintindihan mo at ma appreciate mo yung yung sacrifice na ginawa ng mommy mo para sa yo.

momentum

  • Guest
Re: out of control
« Reply #8 on: September 05, 2011, 03:59:03 pm »
isa lang masasabi ko:

DO NOT  DO UNTO OTHERS WHAT YOU DON'T WANT THEM TO DO UNTO YOU

sad to say but if you don't change your ways, KARMA is always there to make you realize your mistakes........

don't wait when it's already too late

WorriedB2B

  • Guest
Re: out of control
« Reply #9 on: September 27, 2011, 01:19:17 am »
To be fair, I know how you feel. Mahirap talaga lumaki ng hindi mom mo yung nagpalaki sayo. Nasanay ka na din siguro na ang role lang ng mom mo sa buhay mo is to provide for you. Kaya ngayon, ganun pa din ang ginagawa mo, asking money from her, expecting her to provide for you.

I'm here abroad. And I know how hard sa mga moms na kakilala ko kapag iniiwan nila mga anak nila sa Pinas. Not to escape from responsibilities, but to provide for her kids and to make sure na hindi naghihirap yung anak nya. And you won't know how hard it is kung hindi mo nakikita yung situation nila.

Sis, I think you have to be sympathetic of her. Isipin mo na hindi madali yung ginawa niya na iniwan ka niya. At lalong hindi madali makipagsapalaran sa ibang bansa na malayo sa pamilya. Mahirap makisama sa ibang lahi sis. At araw araw niya tinitiis yun para sayo. Nasa iyo yun sis. Since alam mo na kung anong mga mali sayo, take another step to change how you interact with her. Sa buong buhay nya na pagtatrabaho sa abroad, kapakanan mo ang iniisip nya. Why not do it the other way around? At bago ka gumawa ng isang bagay ay isipin mo muna ang kapakanan at mararamdaman ng mother mo?

darkchild

  • Guest
Re: out of control
« Reply #10 on: September 27, 2011, 02:40:28 am »
nalungkot at natakot naman ako sa topic na ito. tulad kasi ng mother ng TS, 3 months pa lang ang baby ko naiwan na sya sa lola nya kasi kailangan ko na bumalik sa trabaho :-\
ayokong ganito rin ang gagawin sa kin ng baby ko :'(

TS, kung alam mo lang ang sakit na nararamdaman ng isang nanay pag malayo sya sa anak nya. madudurog ang puso mo. walang araw na hindi iniisip ng nanay ang anak nya pag magkalayo sila.

sana maintindihan mo at ma appreciate mo yung yung sacrifice na ginawa ng mommy mo para sa yo.

sis, i too am a working mom. though i go home naman everyday to my family. hindi naman ako sa malayo working pero [textspeak!] hours ko away from my baby, lalo na he is my only baby, nakakapanlumo. tama ka, lalo na nung mga unang buwan ko that i have to go back to work, uwing uwi talaga agad ako para makarga ko na baby ko.

so sis mocha1209, mahalin mo nang lubusan ang INA mo.... the very moment na iniluwal ka nyan sa mundo, dugo, pawis, lakas at buhay ang puhunan nyan sayo. dont be mean to your mom. sabi nga ng biyenan ko, walang anak na may karapatan magalit sa magulang kung hindi naman sya pinabayaan. mali lang siguro naging diskarte ng mom mo sa pagpapalaki sayo, giving you everything you want, imagine, even sa hospital bed. ate, di lang pera ng nanay mo bumubuhay sayo. marami akong kakilalang pasaway. yung tipong itakwil na ng iba as kaibigan o kamag anak. at sino ang alang sawang sumasalo sa kanya pag buong mundo pagod na, yung nanay nya. awang awa ako sa nanay nya. pro do ko masisi. gnun daw talaga ang pagmamahal ng ina sa sa anak e.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close