Author Topic: Hubby doesn't want to get married sa church (already civil wed). what to do?  (Read 13013 times)

FayeP

  • Guest
Hi sisses,

My husband and I will be celebrating our 3nd wedding anniv this Nov.  When we first got married, sa civil lang kasi di kami umabot sa cut-off nun church.  kasi ganito po ang nangyari.  un gusto namin date talaga is Nov 26, so nagprepare po kami ng papers etc, tapos pagdating sa church na gusto namin ( kasi lagi kami nagsisimba dun), kelangan pa ng kumpil so the following sunday, kumpil kami...that was Oct 2008.

tapos after the kumpil, nakuha na un certificate, we tried to pass it to the church office, un pala kelangan, at least 2 months before the wedding date nakapass na ng requirements. so we had civil wedding instead dahil di kami umabot...

ngaun mag 3 years na po kami and I want to get married sana sa anniv namin sa church na un kahit po un wedding rites lang at simplent simple lang talaga kahit family lang ang andun (parang style civil wedding cya ang difference lang eh pari un magkakasal)...

eh ayaw na po ni hubby, tama na daw po un isang kasal lang, ok na daw un civil wedding...

sumama po ata ang loob ko.. tama bang sumama loob ko at kelangan ko na lang tanggapin un sinabi nya???

napahaba po ata...


whitelady17

  • Guest
sis, at sa mga sis natin paki correct me if I'm wrong, ang alam ko kasi eh hindi tanggap ng church ang civil rites or something, kasi hindi ba may separation ang ating Law at Church. I explain mo na lang na mas maigi na may basbas kayo mismo ng Church in a lambing way mo, para mapa oo mo si mister mo.

FayeP

  • Guest
sis whitelady17, i tried to make lambing na nga eh para pumayag, wa epek hehe o baka kulang alindog k...

kasi parang sa pakiramdam ko, mas ok talaga kun kasal sa church...

ewan ko ba dun, sumasama tuloy loob ko sa kanya

fegloria1954

  • Guest
FayeP,

Palagay ko ang nasa isip ni hubby mo is the gastusin.  Pero kung tutuusin mo, puede rin naman kayong solemnize your marriage in church with just your immediate families present - hindi na kailangang engrande.

Tama si whitelady17, palambing ang hingi niyan - suspetsa ko yun ang ginawa niya kaya may plano na silang pakasal in church next year - yun ang intindi ko ha.

Pero you know nung ako - we got married in a Philippine embassy in Europe kasi that time in the mid 1970s (hindi ka pa siguro pinapanganak that time ano?), so ayun tapos na yung civil wedding.  I wanted to get married in church too, pero vehement no ang sagot ng asawa ko that time.  Lahat ng friends naming priests and nuns who were in that university town doing their PhDs would visit us and remind us about the importance of getting married in church, and me I would just stare while my husband engaged in debate with them (medyo matinik sa theology ang asawa ko, kasi dating seminarian din naman).  Result:  we did not get married in church.  That year nor the next year.  Feelings ko:  Sad.  Very, very sad.  Guilty.  Parang I was living in sin.

Then we got done with graduate school and came back to the Philippines.  Ask na naman ako sa kanya if puede na ba we do a church wedding.  Ganun pa rin.  Loud NO ang sagot.  So ganun pa rin din feelings ko.  Very very sad.  Very very guilty.  Until one day, hindi ko na talaga makayanan yung guilt-feeling.  Nagsumbong ako sa dad niya - na hindi pa kami kasal sa simbahan.  E yung dad and mom niya were the couple head nung ministry for family life dun sa kanila, at sila pa nga ang nagbibigay ng pre-cana.  So, you can just imagine how incredulous my dad-in-law felt.  Sabi niya, hayaan mo, iha, I will talk with him.

One month later, my hubby told me na uuwi kami sa province at dun na ikakasal.  Dinagdagan pa niya ng salita na bahala raw ako mamroblema kung saan ako hahagilap ng pera para sa baro, sa singsing (we did not have rings for our civil wedding, we could not afford it, mababa lang naman kasi ang scholarship grant allowances namin), pati na rin pambili ng air ticket namin papunta sa kanila.  Buti na lang I was already working that time, and eligible to take out a loan from our office.  I took out that loan and bought our tickets.  I did not buy us any clothes anymore - I just picked out one of my dresses that matched one of his shirts - light blue sila pareho - and then I discovered that di na kakasya ang pera para sa rings, so I did not buy rings na. I did not tell hubby na hindi ako nakabili ng wedding rings.

Pagdating namin sa province, sa interview pa lang with the priest, we were told to prepare the rings, and my hubby said yes meron na, and I said no wala pa, kinulang ang pera ko.  The priest told my husband, you prepare that - not your wife.  Si hubby naman, naguluhan na, so lapit kay MIL.  MIL told us to go to her alahera and pick out a set.  We got a set at 2 thousand pesos; 12 karats yun.

Then kinasal na kami in church - with just my hubby's family and close family friends.  I did not tell my family about it.  Kasi alam kong pihado, katakot-takot na lecture ang aabutin ko.  May konting handaan where nag-bake ng cake ang MIL ko, and nagpahanda pa ng lechon.  Then our toddler daughter, on seeing the cake, sang "happy birthday to you" and everyone laughed and had a jolly time.

Yun.

Mommy Fe
« Last Edit: August 20, 2011, 02:56:45 pm by fegloria1954 »

FayeP

  • Guest
Mommy fe,

actually ang balak po talaga namin nun una kami nagplano is un ngang very simple wedding lang na family lang ang present, nothing fancy.  saka sa Sta Cruz church po kasi namin gusto, eh sabi nun madre na mas gusto ng simabahan nila na simple lang ang kasal at di magarbo kasi nga iba't ibang tao ang pumapasok sa Sta. Cruz church to pray, parang di nagiging solemn un kasal..

so plan po talaga is simple na damit lang, may rings naman na kami (sa ongpin lang binili, 10K white gold) tapos handa na po un papers pati kumpil, un nga lang kinapos po kami ng time, ang gusto kasi namin na date, Nov 26, eh Oct third week na po kami nakapag pakumpil so di pede, gusto ng madre, december na lang para sakto sa 2 months, kasi nga mag pre-cana pa...tapos un banns pa dapat ata 3 sundays na iaannounce un...

kaya napilitan kami mag civil wedding... tapos ayun po ayaw na nya ngaun...

sna maconvince ko cya na makapagpakasal kami, totoo po na di talaga need ng bonggang wedding, basta may church basbas pasok sakin un....



 

Cheesecak3

  • Guest
Yon din ang tingin ko, baka nag alala lang sya sa gastos pero try mo pa rin lambingin sya sis at ipaliwanag mo sa kanya kung bakit gusto mo ng church wedding.

FayeP

  • Guest
saka isa pa pong reason, mom ko kasi at mga tita, tito ko church wedding sila, both sides ng parents ko church wedding.  sa generation namin, ala pa nagpapakasal (although karamihan ng mga pinsan ko may asawa't anak na nauna pa sakin), kami pa lang ni husband ang kasal...kaya mejo hiya ako ke mother...

sana maconvince ko talaga.  pag nagsisimba nga kami tuwing sunday, tlagang out loud na sinasabi ko, parang masarap ikasal dito (iba ibang simbahan po kasi kami nagsisimba these days, last week sa Divine Mercy sa marilao, the week before that, sa Our Lady of Grace sa caloocan), para malaman nya na gusto ko magpakasal sa simbahan..


snowflakes

  • Guest
same here sis. problem ko ngayon ayaw binyagan anak ko sa church kase di daw kami kasal sa pari. so nakikiusap pa ko ng maigi, mahigpit dito sa US sa catholic eh.

aquacharly

  • Guest
Baka nasuya sa experience nyo noon, dami ekek tapos wala ding nangyari.

What you can  do is to  find out very clearly  and completely ano ang requirements and time line for a simple church wedding.  .  That way, walang bulagaan. 

FayeP

  • Guest
siguro pero malamang tinatamad lang un si husband na magpakasal ulit..

@sis snowflakes, dito din sa church sa malapit samin, hinihingi un marriage certificate ng magulang pag magpaparegister para sa binyag, pero ok lang naman kahit civil wed lang.  kasi nun kumuha ako ng baptismal cert ko, may kasabay akong tatay na magpaparegister sana, binigyan ng church secretary ng list of requirements, ayun,,kasama un marriage cert, eh di ata kasal un tatay at un mother...kaya ask nun tatay, kelangan ba talaga un marriage cert? sagot ng secretary, opo naman... kahit civil...

ayun umalis na lang un tatay....

fegloria1954

  • Guest
FayeP, iha,

Pray tayo kay St. Rita de Cascia, patroness of the Impossible.  Look for the novena prayers na lang se internet.  Mejo mahaba eh.

Write him a letter kaya, asking him again, then tell him how you feel (sad? guilty? ??) and describe that feeling in terms of color (gray? grayish black?), taste (mapait?), magnitude (what number in a scale of 1 to 10 with 10 as the highest?), weather (nagbabadyang bagyo? maulap na parang uulan?), physical sensation (nakatayo ang balahibo? hindi mapakali parang gaya ng pusang malapit ng manganak? nagsisikip ang dibdib at hirap huminga?), etc.  Confine the contents of your letter in terms of how YOU feel, write about yourself and how you feel and do not mention him at all (mali na ilagay mo doon something like "kasi ikaw ayaw mo, kaya tuloy ganito ako, etc. etc.)

Mommy Fe

FayeP

  • Guest
thanks po mommy fe, nahanap ko po un novena ke St. Rita.

[textspeak!] po gawa ako ng letter, maya gabi pag uwi ko....

para malaman nya din na talagang seryoso ako dun sa pagpapakasal sa church...

thanks much

fegloria1954

  • Guest
You are welcome, FayeP!

Mommy Fe

FayeP

  • Guest
Mommy, hello po..

alam nyo po ba ang sagot nya dun sa madamdamin kong sulat??? iisipin daw nya...

pakipot pa tong asawa ko talaga naman...


whitelady17

  • Guest


sis may pag-asa ka pa, pag iisipan eh, i co consider niya ang letter mo.. good luck

FayeP

  • Guest
hehe sis whitelady17, heheh thanks sana nga i-consider nya un mga arguments na pinagsusulat ko dun sa letter hehe

kahit next year na lang magpakasal kun may cold feet cya ngaun ok pa din un sakin..


whitelady17

  • Guest
meron ba noon? cold feet pa siya eh kasal na kayo sa civil hihi

FayeP

  • Guest
kaya nga eh hehe cold feet eh kasal na nga sa civil mag 3 years na tapos manganganak nako sa oct hehe

kinabahan ata cya ngaun...

mistiqshannen

  • Guest
sana matuloy na yan iba parin ang me basbas ng Diyos..

FayeP

  • Guest
sana nga sis mistiqshannen, matuloy kahit next year..basta matuloy at kahit sobrang simple lang...

iba pa din un sa simbahan kinasal eh, mas panatag feeling


 

Latest Stories

Load More Stories
Close