watch now

Author Topic: Bohol Thread 17  (Read 111779 times)

mitch2526

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #220 on: October 04, 2011, 12:14:42 am »
^sis sino contact mo for that? pwede pahingi details? :)

trip ko yan firefly watching sa  Loay.
 
sino gusto sumabay sa feb 12? :D


mitch2526

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #221 on: October 04, 2011, 12:21:06 am »
re: loboc river cruise

Pare pareho lang ba ang mga restaurant dito? o iba iba? ano ang okay?

bunso

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #222 on: October 04, 2011, 01:54:44 am »

tumawag din ako sa rio verde floating restaurant... gusto ko kasi talaga mag firefly watching... 1,800 ang isang boat na good for 15 pax daw. e dalawa lang naman kami... sayang naman kung wala kaming kasabay. P350 daw buffet dinner.


sis, gano kalaki yung boat na 15 kasya. Saka, san ba drop off point nun? Same lang ba nung sa Loboc  River Cruise? TIA :)

chin66ay

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #223 on: October 04, 2011, 12:34:38 pm »
^may dalawang route ang river cruise... yung isa sa Loay at yung isa naman sa Loboc (mas common ito). pero halos pareho lang sila. ayon sa research ko, kapag Loay di daw dadaan sa maliit na falls. Na-try ko na before ang Loboc route (twice na) kaya gusto ko naman ng ibang route. based din sa reviews, ok ang food sa rio verde floating restaurant.
ito number nila: 0385389196 pero irerefer din kayo sa naga-arrange ng tours for firefly watching.

sis mitch2526 romantic talaga ito. we've tried this in palawan and super nice lalo na kung may stars. bagay sa valentines trip niyo.

kapag natuloy kami i'll post the details here. medyo naguguluhan pa ako sa itnerary namin e. mahal kasi kung sasadyain ang dinner river cruise kaya plan kong magsimula ng 4pmish para ok lang kung late at night matapos. sana makahanap ako ng driver/car na papayag.

mitch2526

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #224 on: October 04, 2011, 05:36:02 pm »
^ ay landline! haha.

oo nga naimagine ko romantic naman nun, grabe ha todo google search ako, wala masyadong mahanap! nag advanced search nako for firefly+bohol ang lumabas lang [textspeak!] ephilippines na package tsaka yung aurora travels na package din.

sana may ibang sisses magshare ng firefly tour experience nila :)

so anyway sis, yung Rio Verde ay pangalan ng isang floating restaurant, so may iba pang may ari? iniisip ko lang baka iba iba lasa ng pagkain :D

bunso

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #225 on: October 06, 2011, 09:47:01 am »
sa mga nakapag-day tour na sa PINR, no need for reservation naman diba? and question lang reagrding sa man-made island, may bayad ba yung bangka papunta dun? Pwede ba lakarin lang yun pag low tide? hehe para kasing malapit lang eh.  TIA :)

danda

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #226 on: October 06, 2011, 10:01:41 am »
^ no need na sis ng reservation sa PINR. Nung nagpunta kami doon last year, nilakad lang namin ang papunta sa man-made island. Siguro naman free ang bangka if high tide. :) Malapit lang talaga.

~tiArA~

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #227 on: October 06, 2011, 10:08:03 am »
mga sisses masarap ba ang food nila sa floating resto? hehe sensya sa tanong winoworry ko talaga yung food ^_^ oct.9-11 kami nasa bohol :) oct.11-12 cebu, we'll be staying @ hennan resort (alona) ok naman daw yung lugar (ayaw ko ng isipin na hindi kasi naka-book na haha)

bunso

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #228 on: October 06, 2011, 10:09:33 am »
^ no need na sis ng reservation sa PINR. Nung nagpunta kami doon last year, nilakad lang namin ang papunta sa man-made island. Siguro naman free ang bangka if high tide. :) Malapit lang talaga.


Thank you sis.  :)

grasyia

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #229 on: October 06, 2011, 10:32:50 am »
mga sisses masarap ba ang food nila sa floating resto? hehe sensya sa tanong winoworry ko talaga yung food ^_^ oct.9-11 kami nasa bohol :) oct.11-12 cebu, we'll be staying @ hennan resort (alona) ok naman daw yung lugar (ayaw ko ng isipin na hindi kasi naka-book na haha)

so far okay naman yung food twice na ko kami kumain. Pero more on seafood yung nasakyan namin. So if your into fish, shrimps, crabs etc okay sya. Then 1 round of softdrink or mineral water.

~tiArA~

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #230 on: October 06, 2011, 10:43:18 am »
^thanks sis grasyia ^_^ go kami sa seafoods hehe ganun din kasi dito sa palawan bumabaha sa seafoods, yung baby boy ko lang lagi hotdog at meatloaf ang gusto LOL :) ipagbaon ko na lang siya

chin66ay

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #231 on: October 06, 2011, 01:03:35 pm »
^sis if you're particular about the food, nakita ko maganda reviews sa Prawn Farm sa island mall ba yun? We'll eat there din.

~tiArA~

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #232 on: October 06, 2011, 03:51:41 pm »
^sige sis try namin dun ^_^ thanks so much! mauna kami sa inyo hehe, di naman kami maselan sa pagkain, basta masarap at madami ang servings hahaha! sana hindi masyadong mahal yung mga food sa bohol ^_^

snowyice

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #233 on: October 06, 2011, 05:39:09 pm »
mahal sis nung nandun kami we stayed at panglao nasa 600 per meal wala pang drinks

~tiArA~

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #234 on: October 06, 2011, 09:34:40 pm »
^ay hehe dito kasi sa puerto mura lang ang food sa mga resto :D

mga ilang minutes kaya mula sa pier papunta sa hennan resort? yung transfer kasi ng hennan 500pesos :) ok lang kaya kung magtaxi na lang kami? thanks!

snowyice

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #235 on: October 06, 2011, 10:18:11 pm »
sis usually kapag sa Bohol ang magsusundo sa'yo yung tourist guide mo tapos sabay day tour na.  Mag day tour ka ba?

mitch2526

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #236 on: October 07, 2011, 02:36:32 pm »
may particular floating resto ba sa loboc na nagseserve ng meat? like beef etc? si bf kasi hindi kumakain ng seafood (corny diba!). so namomroblema ako kung sabi niyo puro seafood.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #237 on: October 07, 2011, 02:45:25 pm »
^sis yung amin riverwatch, may chicken naman tsaka pork bbq. di rin ako nagseafoods kasi mahirap na baka maallergy ako. hehe. minsan kasi nangangati ako sa crab.

side kwento lang, yung kasabay namin sa table nung pagriver cruise, mga senior citizens. naghahanap ng coke light o coke zero, eh wala naman kasi de bote lang na softdrinks serve nila. naasar yung mga guests.

bunso

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #238 on: October 07, 2011, 03:33:32 pm »
^^ sis, kami rin may mga meat rin sa nakainan namin, kaso hindi ko na matandaan kung anung restaurant yun. heheh 2008 pa kasi yun trip namin.

mitch2526

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #239 on: October 07, 2011, 08:07:35 pm »
salamat sa mga comment sisses, at least di na kailangan icancel ang river cruise.


wala pa rin bang new comments sa firefly cruise? lol  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close