just got back from our bohol-cebu vacation. we stayed at DBR2 and BBF. on our 1st night we stayed at DBR2, ok naman ang deluxe room kaya lang yung bathroom medyo madulas pati yung bathtub. mababait din yung mga staff nila, siguro nga tyempuhan lang talaga sa matatapat na mga rude na staff... buffet breakfast pero konti lang ang food, nung nag breakfast kami ham, hard boiled egg, veggies, rice and bread and butter lang ang food choices. may store din sila bilihan ng mga pasalubong and souvenirs. mas mura kesa dun sa bilihan sa chocolate hills, yung kasing bili namin ng peanut kisses sa choco hills 150 pero sa DBR2 130 lang... sa baba ng choco hills may bilihan din ng mga shirts, 150 bigay sa amin, 180 daw eh natawaran namin. pero sa DBR2 meron din sila tinda mga shirts mas makakapal ng konti dun sa nabili namin sa choco hills, 165 yung nabili kong colored shirt. sayang nga at sa choco hills na kami nakabili ng ibang pasalubong dahil wala kami time maglibot pa, di ko alam na meron pala sa DBR2. yung mga wallet at tarsier keychains sa blood compact kami bumili, dun yung 1st stop namin from airport and sabi ni kuya ric2 mura daw dun kaya dun na kami bumili, mas mura nga sya compare sa choco hills. mga 2pm kami nag start ng tour kasi 1:30 kami dumating sa tagbilaran airport, si kuya ric2 ang driver namin and mabait nman sya, medyo tahimik lang. after blood compact, baclayon church kami di na kami pumasok sa may museum nila, then ship house (20php entrance), tarsier (donation) and chocolate hills (50entrance). buti nakababa na kami sa chocolate hills nung umulan. sa loboc river kami nag dinner, 250 yung buffet dinner nila plus 200 cruise, kapag pala sa gabi hindi sinasabay ang cruise habang kumakain, bale 6:30pm ang start ng dinner then 7:30pm yung cruise, mag ta-transfer ng balsa (tama ba? hehe, di ko alam tawag) kapag mag cruise na. sa mga plan mag night cruise dala kayo sweater/jacket kasi maginaw sobra. 1 byahe lang sila sa gabi, depende na lang daw kung madami talaga guest, kaya be there before 6:30 kung plan nyo talaga dinner and night cruise.
on our 2nd day, nag day tour kami sa BBC. ganda ng shore ng BBC. for me sulit na sya for 350php entrance kasi consumable naman yung 200 for food. not bad kasi na-compare ko dun sa entrance ng swimming pool sa DBR2 for non guest 150 yata entrance nila eh di naman kagandahan ang pool, sa BBC 3 pool nila tapos ganda pa ng beach. strict pala sila sa swimming attire, hehe. mom ko kasi di naka swimsuit kaya di sya naka-swim sa pool. 12pm nag check out na kami sa DBR2, then sinundo na kami nung driver ng BBF. sa beehive 3 kami nag stay, ganda ng room nila. 4pax kami so binuksan yung extension room. originally ang plan ko check in lang kami then pahatid sa PINR, kaso di natuloy dahil yung baby ko medyo nilagnat dahil sa ubo’t sipon. plan ko sana sa PINR kami lunch then dinner sa BBF, so sa BBF na kami nag lunch. wala na pala silang buffet. di ako sure sa rinig ko kung since last month or last week yung sinabi nila na inalis na nila yung refillable/buffet nila. ang buffet daw nila is for reservation na lang and dapat min of 11pax. pero pwede parin yung katulad ng food sa buffet, yun nga lang one time serving lang. since 4 kami, 500 each yung bayad namin, 550 kapag 2pax lang… masarap yung food, especially yung seafood lasagna and yung spread nila. di na kami nag swim kasi di kagandahan yung pool nila and parang may lamok lamok pa. hehe. kaya nag libot na lang kami sa BBF then uminom sa room. 70 yung san mig light nila and 60 yung pilsen. if gusto magpa-massage (hilot), pwede room service, 500php for 1 hour.
8:30am next day hinatid na kami sa pier kasi 10:30 alis namin papunta cebu. 8:30 kasi sched ng hatid ng BBF sa mga guests na 9-10:30 ang schedule sa ferry. 30-45 minutes daw ang travel from BBF to pier. bitin ang stay namin sa bohol kaya babalik talaga kami for sure kasi gusto ko talagang puntahan ang PINR at Peacock Garden. sensya na mga sis, napahaba sharing ko.