watch now

Author Topic: Bohol Thread 17  (Read 111615 times)

tinmuning

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #60 on: August 23, 2011, 02:39:42 pm »
^^ we stayed at BBC. I love the shoreline. The rooms' aren't awful naman. We took Gardenside.

My cousin also recently went to Bohol and stayed at the Alona side. Napansin ko sa mga pics niya, puros nagkalat ang mga bangka sa shoreline. Parang makikipag-kumpetensya ka sa kanila at hahanap ng magandang spot mag-swim. Halos lahat yata ng time doon na lang sila nagswi-swim sa pool ng hotel nila. According doon sa napagtanungan ko na taga-Bohol, ok naman din daw sa Alona, kaso nakakatakot lang kase baka pag-ahon mo eh mabagok ka sa mga bangka doon.

here's a sample pic: http://i94.photobucket.com/albums/l93/share_a_show/misc/282128_2348252229912_1358256871_32811307_85203_n.jpg
(person is masked for confidential purposes)

Ang ayaw ko lang doon sa BBC ay kapag low-tide, naglilitawan na ang mga sea weeds. Pero if ganun sa bbc, tiyak ganun din sa other beaches na katabi ng BBC.

Yun lang ang opinyon ko.

That picture you provided--that's the beach from Alona side?

i_miss_sleep

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #61 on: August 23, 2011, 03:01:55 pm »
^i believe so. i just took a sample from cousin's pics.

pixiedust

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #62 on: August 23, 2011, 03:52:20 pm »
it looks like alona. sa bolod side, hindi ganyan yung ichura ng shore. mas paslope down yung beach and hindi naiipon ng ganyang level yung seaweeds. :D

mitch2526

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #63 on: August 23, 2011, 06:06:06 pm »
salamat sa mga sagot sisses. siguro nga BBC ako. mas madami namang reklamo sa dumaluan beach resort and white and greens na mga rooms. rooms naman kasi issue ko. no doubt gusto ko ang bolod beach.

pwede bang lakarin sa gabi ang alona? diba mas maraming food choices dun?

BTW sisses, punta ko is feb next year, thanks to 8pesos sale, mga 4 days din. natapat lang na valentine weekend. tingin niyo matao? naisip ko kasi, ibook yung weekend nun, tapos maghanap ng ibang matitirhan aside from BBC pag hindi na namin trip pag dating ng weekday :)

pixiedust

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #64 on: August 23, 2011, 06:28:13 pm »
^from bbc? mag hire ka nalang ng tricyle to alona sis. i think may napost na sa previous threads ng numbers of their trike contacts check mo nalang.

i prefer bolod too. mas peaceful pa. i think bbc din is best in terms of amenities and service sa hilera ng bolod resorts. dumaluan 1 is ok for budget travels. dbr2, biased ako. i have a personal grudge against them. lol. pero in terms of amenities 2nd siguro sila to bbc. wag, i haven't stayed there personally, naexplore ko lang yung area niya. they have their good and bad reviews too.

i don't think masyadong matao. i think considered part na ng peak season yun but definitely less than summer.

angelice_08

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #65 on: August 24, 2011, 10:42:01 am »
sisses, for w&g, bago ang mga rooms 10-16 nila :) kun dun kayo magstay, request niyo na lang siguro mga bagong rooms :)

angelice_08

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #66 on: August 24, 2011, 10:51:15 am »
^from bbc? mag hire ka nalang ng tricyle to alona sis. i think may napost na sa previous threads ng numbers of their trike contacts check mo nalang.

i prefer bolod too. mas peaceful pa. i think bbc din is best in terms of amenities and service sa hilera ng bolod resorts. dumaluan 1 is ok for budget travels. dbr2, biased ako. i have a personal grudge against them. lol. pero in terms of amenities 2nd siguro sila to bbc. wag, i haven't stayed there personally, naexplore ko lang yung area niya. they have their good and bad reviews too.

i don't think masyadong matao. i think considered part na ng peak season yun but definitely less than summer.

---

naalala ko yung grudge na yan sis ;) well, kami din may bad experience dati, kaya happy ako sa mga sisses na nagsabing ok na ngayon :) ibig sabihin siguro nagimprove na sila.. pero pansin ko lang din ngayon parang andaming tinayong mga eklavu sa resort na mukha na siyang magulo? or ako lang siguro yun.. hehe :)

We're able to speak with the owner of w&g and nasabi niya nga na sinadya nila na walang tv talaga yung mga rooms para daw mas maapreciate ng mga pupunta dun yung beach, makapagrelax at pahinga and of course to bond with the person/people you're with.. alam niya din na not applicable to all yun, so pag may special request naman daw, naglalagay din sila, pero based sa nabasa ko somewhere sa mga pangmatagalang stay lang ata yun.. may wifi naman so ok na din sa mga gusto talagang maging updated sa mga bagay bagay, kelangan nga lang talagang magdala ng netbook or other wifi enabled devices.. nagdinner kami one time (one time lang kasi most of the time asa lakwatsahan kami at nakakain na paguwi :) ) sa w&g at ansarap ng sinigang.. hehe

pink_dolphin

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #67 on: August 24, 2011, 12:44:19 pm »
hi mga sis!

we will be in Bohol on Nov. for 5D/4N.

Gusto ng mga kasama ko mag stay sa panglao for 2 nights then 2 nights sa city para makamura.

Ano ang mare-recommend nyo:

1st and 2nd night sa city or yung 3rd and 4th night?

pixiedust

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #68 on: August 24, 2011, 02:07:31 pm »
^i'd go for 3rd and 4th night. just because kung ako yan, at 1st and 2nd ako nagstay, di na ko aalis ng panglao. lol!

pero if pagtitipid lang naman habol niyo, meron naman mga budget options in panglao lalo na sa alona side. though there's nothing wrong with staying at the city. :)

^^di ba ko makaget over sis? hehe! naghahanap na nga kami ngayon ng alternative na sstayan in bolod eh. sa wag kasi baka madisturb namin yung mga tao kasi magulo kami na group. dun kasi sa dbr2 (extension1) may area sa gitna na pwedeng dun kami magingay. nag papatintero at habulan nga kami dun eh! sa wag kasi maliit lang eh. naisip na namin na kumuha nalang ng open cottage dun sa malapit sa wag at magdala ng tents. haha.

nagiging magulo na nga layout sa dbr2 sis. nageexpand kasi sila.

angelice_08

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #69 on: August 24, 2011, 02:14:08 pm »
^^magbalicasag ba kayo sis?if yes, maganda sa araw na magbalicasag kayo, sa panglao na kayo... maganda kasi maaga umalis and sundo kasi ng boat is sa panglao talaga, less hassle kung andun na kayo :) if beach lang sa panglao, isang malaking check ang advise ni sis pixiedust :)

^sabagay, marami namang mga iba pang resort pagkatapos ng w&g sis.. hehe
ang hirap magexpand kung wala ng pag eexpandan :)

pixiedust

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #70 on: August 24, 2011, 02:22:38 pm »
^oo nga pala. kailangan din iconsider yung planned activities niyo. kasi kung wala naman pala kayong balak gawin sa city, hassle lang.

korek. kaya tuloy labo labo na yung flow ng resort nila. though it' good for them to expand kasi more people can stay. sana lang inayos nila ng konti. 

pink_dolphin

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #71 on: August 24, 2011, 06:41:06 pm »
^TY sa reply sis pixiedust and angelica_08

personally, gusto ko talaga sa Panglao e since family ng BF ko ang kasama ko hindi ako maka-angal :)

kailangan ko talaga sila i-convince na mag-stay sa Panglao sa buong 5D/4N stay namin

i've been to Bohol twice na and I stayed in Alona Kew and Alona Tropical. So torn ako ngayon between Alona side or Dumaluan side kasi puro negative ang nababasa ko regarding sa DBR2 or WAG. I also don't know kung ganun pa rin kaganda ang Alona Tropical kasi 2007 pa ang huli kong punta.

pixiedust

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #72 on: August 24, 2011, 07:02:06 pm »
^siguro sis the best way to convince them is to see kung ano ba balak niyong gawin sa bohol. kasi kung sa city kayo magsstay, other than that being the jump off point for a country side tour. though pwede din naman kayo manggaling sa panglao for the tour eh. wala din naman kayo masyadong gagawin dun. pwede kayo mag mall or kumain sa labas. pero wala naman kasi masaydong touristy stuff na magagawa sa city. ako nga kung andun, either bahay or beach lang ang it ko eh. tagbilaran is small lang naman kasi.

i think meron sa alona shoreline na resort na bago na ngayon (under new management so technically new resort na din) i can't remember kung which one. alona kew, alona tropical, alona palm. diba magkakahilera lang yun? basta yun hilerang yun.

dbr2 and wag naman aren't all that bad. meron din naman ok na review sila. why don't you try bbc naman sis?

mitch2526

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #73 on: August 24, 2011, 09:01:55 pm »
thanks sa mga sagot about bbc sisses. :)

btw, sino na ang naka pag loboc/laoy cruise sa gabi? oh and ano pinagkaiba nung loboc sa loay?

thebratinella

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #74 on: August 24, 2011, 09:47:31 pm »
^^^sis, okay ba sa alona tropical? gusto kasi ng brother ko ibang hotel naman since they stayed in bohol divers last june. ayaw na daw niya doon. 

pixiedust

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #75 on: August 24, 2011, 10:01:31 pm »
^^yung loay is another place na dinadaanan ng loboc river. may mga nagooffer din ng cruise dun.

di pa ko nakatry ng gabi. mom ko natry na niya sa loay ng gabi. madami daw fireflies :D

bunso

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #76 on: August 24, 2011, 10:19:04 pm »
^sis, magkano kaya yun? anong oras start at tapos? Malayo ba yun sa BBF? Sensya na sis, dami tanong, hehe matagal na kasi ako nagre-research about dun kaso wala ako makita.

TIA :)

pixiedust

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #77 on: August 24, 2011, 11:23:23 pm »
^^malayo yun sis. sa main bohol island kasi yung loay. bbf is in panglao.
hindi na rin maalala ng mom ko yung rates and schedules. mga 2 years ago pa kasi yun eh.

pink_dolphin

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #78 on: August 24, 2011, 11:57:59 pm »
@thebratinella maganda yung beachfront ng Alona Tropical since katabi nya yung dating Alona Palm which is Hennan Resort ngayon (under new management)...mas malawak yung beachfront compared sa Alona Kew.

nung first time ko mag-Bohol sa Alona Kew kami nag stay kaso yung beachfront nila puro bangka at saka halos wala na pala kasi sinagad nila yung beachfront. Kaya ang ginawa namin is naglakad kami hanggang dulo ng alona then we found out na may first class resort dun which is yung Alona Palm nga and there's another resort na katabi nya na mas mura which is yung Alona Tropical. Decent nman ang mga rooms nila, nililinis everyday. Kaso not sure kung ganun pa rin now ha kasi Nov 2007 pa yung last punta ko ng Bohol.

thebratinella

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #79 on: August 25, 2011, 12:29:50 am »
^thanks, sis. how much yung room rate niyo before?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close