watch now

Author Topic: Bohol Thread 17  (Read 111247 times)

mama squeak!

  • Guest
Bohol Thread 17
« on: August 15, 2011, 05:07:44 pm »
New thread! Just a reminder to please keep to the topic. No joining/like/wish posts nor PM call outs.

Thanks!

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,245656.0.html

 :)

angelice_08

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #1 on: August 15, 2011, 09:14:47 pm »
sis nalock na yung thread 16, baka pwedeng palagay din ng link dun nitong bagong thread, mejo hinanap ko pero di ko makita sa page 29 at 30 e. buti na lang may google, nahanap ko din.. hehe thanks :)

sisses, pahelp naman, dito na kami bohol ulet today, may nabasa ako somewhere na grocery store na pinakamura daw yung peanut kisses, papost naman ng name ng grocery store please?xenxa na di na ko makapagbackread ulet.. or kung may alam kayo na lugar na mas mura o pinakamura.. so far kasi yung pinakamurang alam namin e lumalabas na 8.25 isa.. sana yung sa panglao or yung madadaanan papuntang airport.. :) thanks! :)

saya ng snorkeling sa balicasag :D someday makakapagdive din ako.. hehe :)

« Last Edit: August 15, 2011, 09:21:32 pm by angelice_08 »

angelice_08

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #2 on: August 15, 2011, 09:19:57 pm »
@tough_chic: number ni kuya tatsky - 09157945556

please pray nga po pala mga sisses kay kuya tatz, naospital siya e, nabundol siya habang nagdadrive ng motor kasi lasing yung nakabunggo :( mejo ok na daw siya ngayon pero di pwedeng magdrive ng ilang days..

ninevangelista

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #3 on: August 15, 2011, 10:22:43 pm »
New thread. Locked na kasi [textspeak!] T16 - http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,245656.0.html

Anyway, who's going to Bohol this long weekend (Aug 27-30)? :) Sino mas ok sa tour -- Kuya Tatsky or Kuya RJ?

TIA. :)

katriane018

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #4 on: August 16, 2011, 06:47:46 am »
we're going this sept 7-14 :) excited na!

christinep_111187

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #5 on: August 16, 2011, 09:59:09 am »
sis nalock na yung thread 16, baka pwedeng palagay din ng link dun nitong bagong thread, mejo hinanap ko pero di ko makita sa page 29 at 30 e. buti na lang may google, nahanap ko din.. hehe thanks :)

sisses, pahelp naman, dito na kami bohol ulet today, may nabasa ako somewhere na grocery store na pinakamura daw yung peanut kisses, papost naman ng name ng grocery store please?xenxa na di na ko makapagbackread ulet.. or kung may alam kayo na lugar na mas mura o pinakamura.. so far kasi yung pinakamurang alam namin e lumalabas na 8.25 isa.. sana yung sa panglao or yung madadaanan papuntang airport.. :) thanks! :)

saya ng snorkeling sa balicasag :D someday makakapagdive din ako.. hehe :)




Sis, nung nagbohol kami nung feb.
Ang pinakamurang peanut kisses ay sa Prony. yung biggest phyton dun.
Sa entrance nun may peanut kisses store. dun pinakamura :)
Sisi nga ako nun kase nakabili nako eh.
Bumili na lang ako ulet.

danda

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #6 on: August 16, 2011, 10:24:38 am »
mga sis, any feedbacks on panglao island nature? tia!  ;)
ako sis nagandahan sa PINR. If babalik akong Bohol, gusto ko ulit magday tour doon. sulit pa bayad. ;)

mcmcmacky

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #7 on: August 16, 2011, 10:49:12 am »
I'd like to recommend lang yung nag-tour samin when we were there. His name is Mang Jun - 09176905627 and Mang Viao para sa dolphin watching - 09164645214. Sana di pa sila nagpalit ng number. :) They are very accommodating.

vuzhia

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #8 on: August 16, 2011, 11:37:58 am »
Day Tour lang kami ni hubby sa Bohol last August 12 from Cebu nag Ocean Jet kami ng 6:00 am schedule then balik din sa hapon sa Cebu, Php 820.00 each ang fare, roundtrip na yun.

 c/o kuya Tatsky ang tour namin, si Ricric ang driver namin, na appreciate ni hubby si Ricric kase tamang-tama lang daw, pag medyo pagod na kami tahimik lang at hindi naman sobrang daldal. Sya rin kumukuha ng pictures sa amin, bago pumasok sa bawat site explain nya yung mga kalakaran sa loob, then sasamahan nya muna kami para kuhanan ng pictures then iwan nya na kami to explre the place. Kase may nakasabay kaming car sa hanging bridge, may 2 girls na bumaba sa kotse then sabi nung driver nila “ingat po kayo ma’am” hindi na sila sinasamahan, kaya aliw kami kay RicRic.

-butterfly garden – (20.00 each) – very informative nung place, galing ng tour guide namin si Peter, dami kong natutunan about butterflies, syempre may shot din ako na may pakpak ng butterfly

- man made forest – ang ganda talaga dito, feel na feel mo ang nature, nagustuhan ni hubby yung lugar…profile pics nya ngayun ito sa FB, lolz

-chocolate hills – (50.00 each)  syempre institusyon na ito sa Bohol…ganda ng view

- hanging bridge – (10.00 each) mas kinabahan pa ako dito kesa sa Skywalk adventure naming sa Cebu, syempre walang harness at umuuga-uga yung bridge na feeling ko tataob kase puro malalaking foreigners yung kasabay naming dumadaan

- loboc river cruise – (300.00 each yung meal & 100.00 each entrance) enjoy din dito, madami yung food kaya pwede ka talagang bumalik-balik, pero ordinary lang yung lasa, binalikan ko lang yung mga kakanin kase gusto ko talaga matikman yung mga native delicacies nila

- tarsier watching – (donation only) sabi ni Ricric isa na lang daw ngayun yung lugar for tarsier watching, before daw kase merong lugar na parang naka kulong yung mga tarsier, ngayun nasa parang mini forest na lahat sila, medyo maputik yung lugar kaya may naka ready na timba & tubig sa baba para hugasan yung mga slippers & shoes

-shiphaus –(20.00 each) ito yung na feature sa Korina Show dati, along the way na rin kase sya ng mga tourist spot kaya kasama na sya sa tour, maganda rin mag pa picture, sa loob ordinaryong bahay, pero sa labas barko yung harapan

- blood compact monument – monument lang talaga sya

- Prony python – (10.00 entrance fee nung sasakyan, kase parang makikidaan yung sasakyan sa lupa ng may lupa kaya naniningil sila, 10.00 each entrance fee kay Prony) – dito pinaka mura ang peanut kisses 120.00/16 pcs pareho, si Prony ang laki talaga, feeling ko obese sya kaya hindi masyado maka galaw, lolz!

- baclayon church and museum – (50.00 each for museum) hindi na kami pumasok ni hubby sa museum, tiningnan naming yung images ni Padre Pio and Mother & child sa wall, then may kinakasl sa church, foreigner yung guy siguro European, then inabangan lahat ng mga turista yung bride, kakatuwa kase talagang pinucturan pa ng mga koreanong turista yung paglalakad ng bride, aliw kaming lahat, feeling guest din kami

- hinagdanan cave & bohol bee farm – hindi na kami nakapunta dito, kase hinabol naming yung 4:10 pm na ferry ng Ocean Jet pabalik ng Cebu, gusto ko pa naman matikman ang malunggay ice cream

May isa pa kaming tinigilan na may ostrich, phyton at iba-ibang hayop, donation rin lang.

Enjoy yung tour, sabi ko kay hubby pag balik namin ng Bohol, Sea & Island tour na lang kami & stay naman sa resort.

angelice_08

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #9 on: August 16, 2011, 05:20:36 pm »
New thread. Locked na kasi [textspeak!] T16 - http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,245656.0.html

Anyway, who's going to Bohol this long weekend (Aug 27-30)? :) Sino mas ok sa tour -- Kuya Tatsky or Kuya RJ?

TIA. :)

based sa mga feedback dito sis pareho namang ok si kuya tatsky at rj.. kadalasan naman hindi na sila ang nagdadrive, sila lang mayari ng mga sasakyan.. kay kuya tatsky ngayon asawa niya nagaasikaso (dahil may sakit pa siya) and ok naman experience namin sa driver na inassign nila.. last month nauna samin kaofis ko with family niya, kay kuya tatsky sila ang ok din daw.. yung driver namin ngayon so-so lang naman, hindi machika, si melbert, pero kahit ginabi kami walang problema o "dabog effect".. yung last time sa kaofis namin si erik machika daw, kahit saan daw nila gusto ok at ginabi din daw sila, wala ding "dabog effect" :) pwede naman ata kayo magrequest kung gusto  natural naman atang mababait mga taga bohol.. :) suggest ko lang sis inquire ka sa pareho kung sino papayag sa itinerary mo at kung sino ang mas mura :)

2nd time ko to sa bohol at nagbabalak pa ko mag3rd time :) di kasi nakapagdanao ngayon, Anda at PINR e... tsaka masaya talaga bumalik balik sa beach ng bohol.. :)
« Last Edit: August 16, 2011, 05:26:36 pm by angelice_08 »

angelice_08

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #10 on: August 16, 2011, 05:24:41 pm »

Sis, nung nagbohol kami nung feb.
Ang pinakamurang peanut kisses ay sa Prony. yung biggest phyton dun.
Sa entrance nun may peanut kisses store. dun pinakamura :)
Sisi nga ako nun kase nakabili nako eh.
Bumili na lang ako ulet.

thanks sis :) may grocery store kasi na nabanggit last time, di ko na mahanap kung anong thread :( pero oks lang.. di na kasi kami magtour ulet, tsaka di na kami pumunta sa phyton ulet, last time kasi na pumunta kami di naman kami natuwa dun.. hehe :)

christinep_111187

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #11 on: August 16, 2011, 05:56:06 pm »
yun lang. may grocery dun sis. sa alona ba kyo?
sa may unahan ng BPI. Dun meron din nga.

ayanlanz

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #12 on: August 16, 2011, 06:31:42 pm »
 ::) ilan po ba sites sa countryside tour ang ini-offer ni Kuya Tatsky at Kuya RJ?

TIA

tough_chic

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #13 on: August 16, 2011, 08:19:08 pm »
per my research, si paul incon and tatsky they offer car rental. 2k. tapos ishoulder 600/pax for entrance fees and buffet lunch.
kay rj naman yun package nya all in na.  pero kay paul at tatsky kasama sa itinerary yun bohol bee farm and hinagdanan cave. kay rj wala ito, pero
pwede irequest, add lang ng 50/pax.

for danao, ang mahal ng rent ng car. better kung may makakasabay. i'll be on bohol oct 28-30.

ninevangelista

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #14 on: August 16, 2011, 10:03:22 pm »
based sa mga feedback dito sis pareho namang ok si kuya tatsky at rj.. kadalasan naman hindi na sila ang nagdadrive, sila lang mayari ng mga sasakyan.. kay kuya tatsky ngayon asawa niya nagaasikaso (dahil may sakit pa siya) and ok naman experience namin sa driver na inassign nila.. last month nauna samin kaofis ko with family niya, kay kuya tatsky sila ang ok din daw.. yung driver namin ngayon so-so lang naman, hindi machika, si melbert, pero kahit ginabi kami walang problema o "dabog effect".. yung last time sa kaofis namin si erik machika daw, kahit saan daw nila gusto ok at ginabi din daw sila, wala ding "dabog effect" :) pwede naman ata kayo magrequest kung gusto  natural naman atang mababait mga taga bohol.. :) suggest ko lang sis inquire ka sa pareho kung sino papayag sa itinerary mo at kung sino ang mas mura :)

2nd time ko to sa bohol at nagbabalak pa ko mag3rd time :) di kasi nakapagdanao ngayon, Anda at PINR e... tsaka masaya talaga bumalik balik sa beach ng bohol.. :)

Thanks sis. Pareho ko tinext si Kuya Tatsky & Kuya Rj. Mag-dedecide na lang kami ng family ko kung sino ang i-aavail namin. :)

riandrew

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #15 on: August 17, 2011, 08:13:34 am »
share ko lang..

RJ went here in Manila with his GF 2 weeks ago. Payback time! I toured him around. Ang hirap pala maging guide kung ikaw mismo hindi familiar sa Manila. Hehe  ;D

But it was fun. Sinamahan ko sila sa MoA, Ocean Park, Luneta, Intramuros, Araneta Coliseum (oo, kasama to), at Eastwood City Walk. Nag-enjoy naman sila, lalo na ang GF nya.

This couple is really nice. Not just by words ha. I was RJ's guest 3 years ago but whenever I go back in Bohol, or kahit my kasama pa ako, he tours me around for FREE.

..sa mga pupunta ng Bohol, please tell RJ nai-share ko dito yung pagtour ko sa kanya dito sa Manila. hehe



danda

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #16 on: August 17, 2011, 09:07:14 am »
^pwede ka na din maging tour guide ng Manila! ;)

Nakakatuwa talaga kayo ni RJ. Hindi lang tour guide ang turingan, friends na! Pagbalik ko sa Bohol si RJ naman kukunin namin. :)

riandrew

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #17 on: August 17, 2011, 09:44:39 am »
^ haha go!
naloka ka sa Araneta Coliseum no?
And isa pa nilang gusto puntahan ay SUBIC. Ay nako, kinontra ko talaga. Ano ba meron dun? haha!

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #18 on: August 17, 2011, 02:38:34 pm »
ask ko lang po, yung Kuya RJ po na tinutukoy niyo, siya rin po ba ang RJ ng http://www.boholdaytour.com/? kasi kinontak ko sila tapos RJ yung sumagot eh. hehe

riandrew

  • Guest
Re: Bohol Thread 17
« Reply #19 on: August 17, 2011, 03:04:11 pm »
^ yes sya yan!
pero nagbibigay sya ng discount sa published rates pag nagpareserve ka agad.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close