watch now

Author Topic: 2011 BRIDES XIX NA!!!  (Read 78691 times)

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #460 on: September 20, 2011, 07:29:04 am »
@ karmi -- relax sis! at least nakaraos ka na.. sa binyag ng bebe mo sa cainta na ang handaan tapos wag mo sya paupuin :)

@ rio -- join ako jan! kahit sa january oh daliiiiiiiiii!! gusto ko naman kayong makita..

@ kaice - sige, hahabol kame sa baby shower,, nyahaha!


about RSVP:sana pala ganyan nilagay ko when we printed out the invites.. hehe!

about rant sa mga in laws:
mabait naman at maasikaso ang MIL ko, sya nga ang kasama ko magplan ng wedding at magpunta sa mga supplier gaya nung bading na laging delayed kaya ok naman sya..
ang rant lang namin ni h2b sa kanila, kung makapagdemand at makapaginvite ng bisita akala mo kasal nila at may ambag, eh wala naman!
kagabi hiniritan pa daw ni MIL si h2b ng pangtuition si SIL (college) at magopen ng savings account kay BIL (elementary)
kalowkaaaaaaa!!!

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #461 on: September 20, 2011, 07:40:59 am »
magandang umaga... naexcite s paparating na PARTY! PARTY! ;)

chelle peachy - iba iba naman ang levels ng MIL haha! may EASY hanggang SUPER DIFFICULT haha! saang level ko ba ilalagay si MIL ko!? :P

periwinkle - welcome! kaya nga helpful ang forum like this kasi yung mga needs mo, needs din ng iba, kahit di ka magtanong minsan, the answer just lands in your hands. don't be too stresed. remember dapat blooming bride ka pa din :)

check your accomplishments
-venue (function hall) OK
-catering  OK
-invites (DIY invitation na boarding pass inspired ) - tagging na lang sa FB
-PV - OK
-gown -OK
-cake - sponsor
-flower- sponsor
-souvenir -
-rings - OK

just make sure that the sponsored items are well taken cared of, minsan yung ang nakaka-stress haha! (based on true to life experience;D) dahil wala kang OTD, you badly need to delegate tasks to close friends and relatives. better kung may checklist sila ng things to do para di ka ma-stress on the day itself.

Some things na baka na-overlook:-church & church requirements - wala kasing church sa mga posts mo, i hope ok ka na with marriage banns, documents, etc unless kasama sila sa aasikasuhin mo sa 2 weeks kasi 3 weeks ang banns sa catholic church.
-wedding music /entertainer- though may sound system ang function hall, enough ba siya? may lsit of songs ka na ba? may DJ/controller ba sa function hall or you need to delegate someone for the sounds?
-emcee
-prenup?! if ever you will have one, dapat naka-sked na rin before ka pa dumating. medyo stressful din ang paghahanap ng costumes at props haha! :)
-hotel for preps, unless sa respective house kayo manggagaling dahil traditional si papa pero mahirap para sa p/v nyo

so far, doable in two weeks ang minor things that you need. basta remember to RELAX ha.. wag masyado ma-stress. just post any concerns here :)


serendipity - kayang kaya humabol nyan haha! speaking of MIL, meron talagang ganyan minsan pero h2b needs to explain na di naman sila kakalimutan pero since magpapakasal kayo, you will be building life on your own at di birong gastos yun. ok lang naman magbigay pero ang sa kin, sana lang wag maghingi at magdemand ng sobra. excited na rin kaming ma-meet ka at last :)

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #462 on: September 20, 2011, 07:50:03 am »
good morning!!!

wow kaice ang aga natin ah.. at ang aga ng long post mo... hehe

alam ko na kung san level mag-ffall ang mga MIL natin, SEVERE level ika nga ni vice ganda! ;D mga unkabogable ang mga lola mo...  ;D

seren - gusto ko yang idea mo...  ;D gusto ko nga sa montalban pa gawin eh.. haha!!! para tumambling siya ng bongga!!! kasi isa lang si hubby kaya sinabi niya, wala ng ibang chance na maimbita yung mga kamag-anak nila sa kasalan, eh pag nagka-baby kami, baka yun na naman linya niya, hindi na ako papayag no.. hehe

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #463 on: September 20, 2011, 08:48:26 am »
@ sis carmi -- solong anak din ako pero hinde lahat inimbita namin, my family would want a small gathering eh kaso tatakbo yatang mayor at governor mga in laws ko eh.. biniro ko nga si h2b, sabi ko sa kanya na, "mama mo nalang kaya ang magmarch sa aisle?" natawa na lang si h2b.. yung binyag ng anak mo, gawin mo sa tanay, yung bandang may mga NPA.. hahahahah! ang bad ko talaga eh noh.. para pag naghakot ng bisita ang MIL mo, eh di maraming hostage ang mga NPA.. jowking ownly! ;D

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #464 on: September 20, 2011, 08:51:52 am »
karmie - alam mo naman ang ginagawak o pag ayaw ko pa harapin ang trabaho ko haha! nakakainis, ang daming magandang deals pero takot akong mag-travel ng preggy. basta pag labas ni baby, jetsetter na kami haha! :) ayaw na ko patuluyin mag out of the conutry eh, may trip sana ko ng november pero wag na daw tumuloy...

tama SEVERE haha! pinag iisipan na nga namin ang binyag ni baby, malamang MAYNILA yun kasi dito kami nakatira haha! bahal na kung paano sila dadayo at ang mga kamag anak nya. walang handaan sa bahay namin, di sila kasya. kaya pag di imbitado, di pwede pumunta. parang ang weird ng binyag na for 200 pax haha! sana kung may regalong matatanggap ang anak ko sa kanila eh puro pintas lang ang nakukuha ko sa kanila.

Question sa mga kasal na at ikakasal pa lang...

malamang sa christmas ay mga in laws na tayong lahat, will you give gifts to MIL, [textspeak!], SIL, BIL? ako kasi for the past years hanggang cousins and nephews and nieces ni mister / h2b then eh binibigyan ko ng gifts. with the recent events, nagdadalawang isip na ko haha! bad ba ko or im just being practical?!

**Warning! :o

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #465 on: September 20, 2011, 08:58:45 am »
^ your just being so practical.  ako nga wala ng ibibigay na gift eh.  hahahahaha!

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #466 on: September 20, 2011, 09:02:37 am »
huwaw!! at naging aktibo kayo ngayon ha?  ;D DI KAYA NABIBILAUKAN MGA MIL NYO NGAYON?  ;D

si MIL ko naman sobrang bait. wala akong masabi. kung pwede pa nga daw dun na ako manganak at aalagaan naman daw nya ako. ako lang kasi ang umentradang gurlaloo sa pamilya dahil solong lalake si hubby. since di ako makaluwas ng laguna, hala! panay ang padala ng tulingang isda, tinapa at itlog na maalat sa akin. kaya yung MIL ko SEVERE din.. SEVERE SA KABAITAN.  ;D

parang ang tagal pa kung january yang party party na yan  ;D eh kung october na lang kaya? sino sino ba ikakasal ng october? si kendi lang naman ata.

kaice - with your question, balak ko silang bigyan lahat. pero yung mga bata, icacash ko na lang. bahala na yung matatanda. at oo neng...you're just being practical.  ;D

seren -  o dalian mo na gumawa ng bebeh. nakikita na kita sa trying to conceive thread eh  ;D

carmi - kaya maiintindihan namin kung ang binyag eh sa cainta.  ;D

periwinkle - wag ka mastress. isa lang ang motto ng mga tao dito lagi.. LET GO AND LET GOD.  ;)

GOOD MORNING WARNING!! You're back dito sa 2011 brides!  ;D

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #467 on: September 20, 2011, 09:19:04 am »
Good morning!!

Medyo di ko matandaan ang binackread ko, tulog pa yata haha.

@kaice yep reregaluhan ko sila, pero depende kung may makita akong gift. Kung wala isang gift na lang for the family. Etong last christmas ang ginawa namin ni h2b kami ang sagot sa isang pagkain sa noche buena hihi. Ganun lang para salo salo kami :)

Usapang MIL, buti mabait si FMIL ko. :) wala akong reklamo sa kanya kaya sya ay EASY to MODERATE siguro.

Usapang party, naku di ko sure ang october, pero mukhang wala na kami masyado aasikasuhin yung mga decors na lang namin kaya baka makarating din ako ng october :D

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #468 on: September 20, 2011, 09:31:48 am »
rio - haha! depende nga yata eh... sabi ko naman di sila ganyan dati... pero malay natin paglabas ni baby :)

4g - naku baka ganun na lang din, sa relatives ko last year, per family christmas basket ang binigay namin ni hubby. sa close cousins na lang ako magbibigay ng individual gifts. mahilig kasi ako mag-effort magbigay ng regalo pero nakakasama ng loob na ganun ang maririnig mo.

pressure, gusto ng in-laws ko na babae daw sana nag anak namin. ang gusto namin ni hubby eh boy at feeling ko talaga ay boy ang baby namin kahit gusto ko siyang bilihan ng hello kitty na gamit haha!  yung pamangkin kasi ni hubby eh boy, tapos may youngest cousin sya na boy at may ipapanganak pa na boy this november. anticipating disappointment lang pag nalaman nilang boy kaya feeling ko di ko muna sasabihn ang gender pati ng gusto naming name. at please ayaw ko talaga ng hand me downs, baka ipilit na naman nila sa kin...  :(


princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #469 on: September 20, 2011, 09:45:50 am »
haha.. isip ako ng isip ng october party eh manganganak nga pala si tin! ;D

naku kaice! di mo naman hawak ang gender ng anak mo. biyaya yan ng Dyos. siguro sabi ni Lord, para daw magkasundo kayo, twins ibibigay sa inyo, isang girl at isang boy.  ;D

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #470 on: September 20, 2011, 10:01:47 am »
rio - kung normal si tin. keri na ng end of october haha! :) tama ka, di ko hawak ang gender ni baby... basta healthy ok naman sa min :) we have names for both, nursery them in mind for both kaya excited na ko to know the gender haha! :)

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #471 on: September 20, 2011, 11:19:00 am »
^ sis kaice -- pwede ba wag na silang choosy! ang assiiimmm naman kung ippressure ka pa sa gender ng anak mo noh.. pero pag nadisappoint sila, gawa na lang ulit diba? sarap kaya! hihi!

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #472 on: September 20, 2011, 01:02:34 pm »
seren - natawa naman ako dito hihi!  ;D family planing muna :) mahal magpalaki ng baby haha! at gusto ko eh super ma-baby muna bago masundan sana... kung paano di kaagad masusundan.. yun ang medyo mahirpa yata... haha!  :P kaya ikaw, wag ka magsayang ng oras ha... at least maka-isa agad :)

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #473 on: September 20, 2011, 01:50:08 pm »
^ at dahil masunurin ako, gagawin ko yan, haha!

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #474 on: September 20, 2011, 02:02:13 pm »
^neng kahit hindi namin sabihin, talagang ginagawa nyo na yan  ;D

stameygirl

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #475 on: September 20, 2011, 02:02:40 pm »
^ me too!

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #476 on: September 20, 2011, 02:55:51 pm »
hola chicas! long time no read... salamat sa opis, at midshift na naman ako. 130am na ako umuwi kaninang umaga, at nandito na naman ako, sana hanggang 11 lang.

anyway, usapang MIL: cool lang kami ni Nanay. Ever since naman, wala naman kaming naging issue, minsan mas kampi pa sa akin yun pag nagtatampuhan kami ni h2b. sa preps naman, wala rin kaming issue sa kung anong gusto nila. hindi naman sila nakikialam kung anong gagawin. may mga feedback lang from her na kesyo bakit daw maghohotel, kesyo magsama na lang daw kami ni h2b sa isang room on the night before para isang room na lang, kesyo bakit daw kaylangan pa nila matulog sa hotel etc., pero yun na yun. sa guest number naman, she wacked almost half of the guest list na binigay ko sa kanya for her approval. wag na daw kami masyadong maginvite ng kamag-anak nila kasi magulo daw. 3 seats lang ang hiningi nya for their clients. hindi man sila nakakatulong financially sa preps, ever supportive naman sila sa mga plans namin ni h2b. sya pa nga taga kalembang kay tatay para ayusin yung mga papers ni h2b eh... luv ko talaga sya :)

usapang xmas party: basta po magsabi lang po ng maaga nang mablock ang date. ayon sa aming counter, 12 weekends na lang kami... so ngaragan mode na kami ni h2b. magsabi lang din po if you guys need another helping hand ha.

update:
 - got our prenup pics yesterday. raw jpegs pa lang, maghahanap lang naman kami ng pwedeng gamitin sa invites. hindi ko pa sila nasscan lahat, pero in fairness... keri!
 - little by little ginagawa na ang STD. natigil lang this week kasi anong pecha na ako nakakauwi. si h2b naman may project din. sana lang maging normal na ulet ang schedule para magawa na ang dapat magawa.
 - wedsite is almost up. updated na po ang suppliers with HMUA and hotel. will soon update the gallery and the ento. hindi pa kasi complete yung pictures nila.
 - nistart nang idesign ni h2b yung invite namin - wala pa nga lang final output dahil sumingit yung boss nya.

mushroom mode on ulet :)

RiaLity

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #477 on: September 20, 2011, 04:44:05 pm »
makiki-join lang ako...

about MIL ko: ok naman siya dahil mga titos and titas lang talaga invited sa side ni h2b. Meron siyang dinagdag na 3 guests pero carry pa rin naman. Mabait si MIL ko, yun nga lang kabado lang ako sa sobrang bait kasi di ba sabi nila mag-iiba daw yan pag nag-asawa na. Solong lalaki kasi si h2b at peborit ni mader! So I am wishing for the best!

Update: mamumudmod na kami ng invites (mamumudmod talaga??!) starting this weekend! sa wakas! DIY lang ang invites katulong ang mga SIL ko at family ko. Simple pero carry na kasi mura lang naman ang nagastos namin although super stressed lang sa process ng paggawa! haaay

53 days to go na lang kami! Feeling ko inaatake na ako ng anxiety attack kapag iniisip ko yung mga gagawin pa namin. Lahat ng DIY na kulang pa ako lang gagawa kasi walang talent dyan si h2b pati sister ko ng MOH! Waaahhhh Lord, give me strength!

partee: sama kami ni h2b basta may extra time..na I hope meron pa kasi need rin namin mag unwind
« Last Edit: September 20, 2011, 04:46:28 pm by RiaLity »

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #478 on: September 20, 2011, 05:13:10 pm »
mafia - mabait naman si MIL mo, na-meet ko na sila ni father in law mo :) keri yan..

ria - naku, sana di tulad ng MIL ko hehe! though mejo mas MODERATE na siya kesa SEVERE ngayon haha! bunsong anak si mister at una pang nag asawa haha! feeling ko kulang na lang sabihin sa kin na naubos ang kabuhayan nila sa pagdodoktor ng asawa ko :) pero wala akong pakialam if bigyan ni hubby ng pera ang parents nya, wala pa rin kaming ganun siguro comon fund na lang as long as may savings kami at may pang-araw araw at konting luho, keri na kung saan man mapunta yung ibang money nya (nyak parang ang laki ng stipend ng doctor in training haha!)
ria, di ka pa rin nagpapakita sa min haha! kaya dapat sumama ka pag natuloy ito :)

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #479 on: September 20, 2011, 05:20:05 pm »
@riality naku sis ibig sabihin 52 days na lang kami!! andami pa rin naming DIYs! goodluck sa atin, kaya natin to! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close