watch now

Author Topic: 2011 BRIDES XIX NA!!!  (Read 78796 times)

gullible

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #320 on: September 02, 2011, 08:55:06 pm »
hello mga sis!!! september na at gaya ng karamihan satin nagsisimula na rin akong magpanic...parang ang dami ko pa kulang...

@rjaye & carmi: ang lapiiit nyo na...good luck! good luck and God bless!!!

anyway, prenup namin yesterday pero since umulan, medyo naiba ang setting ng prenup...sa UP lang kami nakapagshoot...2 sets of clothes lang nagamit namin kaya sabi ng photographer namin magshoot ulit kami next weekend kaya may part 2 pa kami...here's the link:

http://www.flickr.com/photos/gianvc/sets/72157627574670494/with/6105656776/

sana okay na weather by next week para matapos na ang prenup at makapagfocus na ako sa ibang wedding preps...


rjaye_2000

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #321 on: September 02, 2011, 10:29:20 pm »
sis gullible - thanks sis! haggard queen na talaga me kasi monday pasok pa sa office. tuesday pa ko mapapahinga.  ::) buti may part 2 iyong prenup nyo sis sayang naman kung konti lang pics nyo di ba. sana maging maganda na talaga panahon next weekend.  ;D


kendicute

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #322 on: September 04, 2011, 06:56:40 am »
hi mga sis.. ok na yung invites namin ,.. pwede na magdistribute later :) kaso may mali pala mga sis.. magrant nalang ako ha?

while checking ni father in law. yung friend niya na PS kulang ng last name, de leon lang nailgay dapat may ponce :( ayun hindi man lang inappreciate yung invite,.. kung hindi nagalit pa.. kung ano ano na sinabi na, nagpatahi pa daw un ng coat and tie.. etc.. tahimik lang ako pero sobrang nanghina ako and naiiyak na.. knowing na oo nga mali na eh, let go and explain nalang diba.. sabi ba naman ang mali daw yung nagpprint..sabi talga ni h2b kami ang nglayout.. nung una nagtitimpi pa si h2b..umalis kami papuntang national bookstore pagdating namin.. ayun di pa din kami tinigalan,hindi na daw kami nagpatest print ng lahat ng page,(knowing na samin ang layout so alam namin na ok lahat and to save na din ang gas papunta sa printing,dahil free delivery. go na kami sa print na) i know mga sis mali kami pero lagi nalang may side comment c father in law 1st nung bakit oasis dapat daw quezon city sports complex yung function room dun, bakit daw wedding today dapat ibahin eh gawa na nga.. ngaun yung invite na hindi naman biro din ang ginastos and pagod dun..

nung umalis na c father in law naiyak na talaga ako kay h2b yun pala super badtrip na siya kc nga naman mga sis kami lang talaga gumastos ng kasal, yung pagod nalang diba? sana man lang sa dad niya eh makarinig na wow ang ganda naman. or ok to ah..ok yung venue niyo maganda wala eh :(
« Last Edit: September 04, 2011, 06:59:31 am by kendicute »

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #323 on: September 04, 2011, 08:20:15 pm »
haller girls! busy ang weekend ah.. tahimik.. 5 days to go!!! woot woot!!!

kendi: awwww.. sorry about that.. nakakasad talaga na yung mga tao eh hindi maka-appreciate ng effort natin.. aminado kayo at sa tingin ko naman eh maieexplain niyo ng maayos kay PS kaya don't worry... everything will be okay...

eto repost ko na lang ang mga kaganapan...

kagabi, eh nagbridal shower kuno ako... yung bestfriend ko at high school friends mga kasama.. nakakaloka, nag GAY BAR kami!!! nung una nainis talaga ako sa bestfriend ko kasi ang layo sa timog pa kami napunta eh puro kami taga rizal, tapos may mga kasama kaming asawa ng mga friends ko.. para akong na culture shock! I mean hindi naman ako conservative, pero naloka pa rin ako!!! wahaha!!! nakaka-awa, na nakakatawa na nakaka-hehe yung mga guys.. 90% gwapo kaso haller?!!!

anong ngyari, yun na!!! nakita na lahat ng hindi dapat makita.. wahaha!!! nakakailang tumingin actually, pag hindi nakahubad, napapanuod ko pero yung mga all the way, hindi keri ng powers ko.. wahaha!!

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #324 on: September 04, 2011, 10:44:40 pm »
@kendi aww sis *hugs*...don't worry magiging ayos din ang lahat. Ganyan talaga minsan, di naaappreciate ang ginagawa naten. Ako e dumaan na rin sa point na yan with my mom naman pero keri lang. Kahit super iyak ako nun, di ko sinabi kay h2b kung bat ako umiiyak. Ewan ko ba, ganun lang talaga ko, ayaw ko kasi magkaron ng nega na impressions ang mga taong mahal ko sa isa't isa kaya di ko kinukwento pag nahhurt ako..pero ayun napahaba na kwento ko at napalayo, pero sa dulo nyan e magiging ayos lang din yan lahat :) *hugs* ganda ganda kaya ng invites nyo! :D

@carmi naku sis! Hahaa natawa ko sa kwento mo! As in di ba keri ng powers mo? Hahaha super memorable moment mo na yan! :D

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #325 on: September 05, 2011, 09:00:03 am »
hola mga sis... long time no read. hindi na ako magtatangkang magbackread dahil, malamang, sa 2 weeks kong absent, hindi na ako makakahabol.

anyway, hugs muna kay sis kendi. nakakaloka yang si FFIL. sa lahat pa naman ang hindi ko bet eh yung marami pang sinasabi wala naman silang ambag. kung walang contribution, i dont think they have any right to be nosey about. besides, nagbigay ba sila ng list with the complete names? pinaalala ba nila yun? malay ba naman natin na may last name pa pala yung last name nun... ang arti naman kasi name, pwede naman isa lang eh, may keme-keme pang nalalaman.  >:( at eno naman ngayon kung nagpatahi pa sya ng coat and tie - how j-low naman of him, ngayon lang magccoat and tie (maldita mode lang  ;D ) (teka, required ba sila ninong na magcoat, o pwede na naman ang barong?). kilala nyo ba yun, oh baka naman endorsement lang ni papa yun? hay joskez... nakakaloka yan. kaya cheer up na lang sis. pagdating sa mga ganyang bagay, heads up high lang, because what you will always be proud of, eh, you made everything happen yourselves, at wala silang masusumbat sa inyo, dahil you did everything on your own. nakiki-wedding lang sila, kaya tumigil sila noh!  ;)

sis karmie, nakita ko nga sa facebook mo kagabi yung bridal shower status mo with matching trip sa gay bar... kamusta naman? parang hindi ko ata kakayanin yung ganun... kung sa pegasus pa yan, siguro ma-aappreciate ko pa  ;D

tapos na yung pagkahaba-habang doc na ineedit ko - sa wakas. after almost two weeks, lang ya, parang ako na rin ang gumawa ng lahat. ang hirap magedit ng gawang paa, yung tipong may maipasa lang. walang coherence, process doc pa man din yun. pasalamat na lang ako at kumpleto yung details, kaya kahit papaano  eh may sense na, so irereorganise na lang. so, i guess, i'll be back online sa GT, for today at least, habang naghihintay ng approval ng mga ginawa namin last week, and mga bagong docs na ipapakatay.

updates sa wedding: ganun pa rin. wala naman masyado. though i was able to update our blog last night. dun na ako nakapag run down ng to-do list namin. latest po nakapagbook na kami hotel room namin... updated na rin ang list of suppliers sa wedsite.

oh sya, magbbreakfast lang muna, at hinihila na ako ng resident bully namin. see yah later, girls!

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #326 on: September 05, 2011, 09:13:23 am »
kendi - awws.. hugs for you! ganyan talaga pero dont let them ruin your excitement. kami, we really appreciate the unique invites! :)

karmie - ikaw na! haha! lapit na kayo ni rjaye! at ng tunay mong RJ haha! (coincidence bayun?!)

karmi & h2b, ima & h2b at doc chris & sis tintin! nice seeing you kahapon! :)

im done with my first maternity shoot! nakakailang pala kasi show off some skin haha! :)

have a great week ahead!

gullible

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #327 on: September 05, 2011, 09:44:46 am »
hello mga sis!

@karmi: waah...kaloka ang bridal shower mo sis...hindi ko yata kakayanin kung ganyan ang bridal shower ko...hehe...oblation run nga sa UP hindi ako nanonood, pano pa kaya kung ganun...happy for you kasi kinaya mo...haha :D

@kendi: nakaka-sad naman kwento mo sis...pero wag ka na lang masyado magpaapekto sis...ang mahalaga okay kayo ni h2b sa invites nyo! cheer up sis!:)

and speaking of invites, sinubukan ko gumawa ng invites namin gamit ang aming prenup photos:)
http://www.mywedding.com/reahjr/photo_510411_19440776.html

sa tingin nyo sis, okay lang kaya kung sa photopaper ko ipa-print? may masa-suggest ba kayong ibang paper? 7x5 ang size ng invites ko...thanks in advance:D

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #328 on: September 05, 2011, 10:43:32 am »
i guess sis, okay lang ang photopaper, but i think mas okay ang matte finish para hindi masyadong makintab :)

ima_821

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #329 on: September 05, 2011, 11:04:34 am »
Sis gullible, ang cute! Pati font! Bagay! :)

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #330 on: September 05, 2011, 11:08:20 am »
@gullible magkasunod lang pala tayo sis ng wedding date!  ;D yep mukhang ok lang kung photo paper pero yun nga matte finish wag glossy.

updates:
nagfit na kami ng rings ni h2b nung weekend sa marry me and nagdown ulit kami, konti na lang matatapos na namin ang bayad sa rings weeee! ok naman ang fit sakin, kay h2b medyo maluwag (pero sakto lang kasi dun sa mabuto na part e lol) pero inadjust na rin nila..mga after a week daw baka pwede na namin mapick-up or kahit daw october na tutal naman november pa ang wedding namin. sooo happy kasi nakuha nila yung gusto namin ni h2b na simple lang...nung ni-fit ko nga ayaw ko na hubarin e  ;D nakakatuwa lang kasi di kami sapilitan na pinapabayad, yung tipong kada kilos bayad kami. super nice din ni ms. joanne
...at wala akong nagawa na DIY nung weekend. pero nagstart na kami mamigay ng invites :)

at syempre seryoso na talaga to, start na talaga ng exercise ko lol...try ko ngayon yung zumba na lessons, so far ok naman :D

gullible

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #331 on: September 05, 2011, 12:18:46 pm »
@ima: thanks sis!  :)

@mafiapenguins: mas okay nga siguro ang matte...excited na ako magpa-test print...magiging happy talaga ako pag okay kalabasan nito kasi mas makakamura ako sa ganitong invites :D thanks, sis:)

@gogreengorgeous: oo sis, magkasunod lang tayo pero compared sa'yo ang dami ko pang kulang:( kaya sana okay ang invites ko pag na-print para minus na sa mga dapat ko ma-accomplish:) thanks, sis!

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #332 on: September 05, 2011, 01:06:36 pm »
gullible - tama si miah, matte dapat. sa True Colors, parang 5 pesos per picture lang. maganda na yung paper lalagyan mo na lang ribbon or ilalagay sa envelope. :) unless, ikaw na ang magpri-print. aja na sa preps!

4g- clap! clap sa invites! para maaga makapag-RSVP :) go go go na sa DIY! ganyan din ako, lagi ko binabalik balikan haha! nung nakuha na namin, tinago ko kasi baka maisuot ko na agad :) wee! excited na :)

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #333 on: September 05, 2011, 01:36:11 pm »
gullible: nice ng invites niyo!!! aja sa mga DIYs!!!

mafia: ay teh ako rin parang mas keri ko kung sa pegasus.. pero hay ang dami kongnayosi at pinaspasan ko yung free na 2 bottles kasi para akong aatakihin sa mga nakikita ko.. wahaha!!!

4G: oi, ano namang iddiet mo girl.. sexy ka na eh.. :)

kaice and ida: it was also nice seeing you yesterday. sorry we had to leave early..

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #334 on: September 05, 2011, 01:40:57 pm »
usapang diet na ba ito? so far, buhay pa naman ako with 1 cup of rice daily... may mga araw na nagccheat, pero okay lang...

ima_821

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #335 on: September 05, 2011, 01:55:38 pm »
Kaice at karmi: kayo din! Saludo ako sayo kami, 1 week before the wedding nakakalabas pa. Sana ganyan din ako, walang halong pqngngarag a Week before my wedding. :)

Sino nga napangakuan ko ng 3-day diet? Nakuha kona sya kaso di ko pa nasisimulan. Wal pa kong panggrocery e  ;D in the meantime, ang diet ko e walan makain dahil walang panggrocery!  ;D

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #336 on: September 05, 2011, 01:58:48 pm »
@kaice onga e, pero sa totoo lang, tinatanong ko muna kung makakapunta sila bago namin bigyan ng invites haha..para medyo tipid sa effort na.  ;D

@carmi kasi anlaki ng braso ko at tummy ko, saka medyo ambilis ko na mapagod e, kailangan maging healthy teehee!

@gullible kaya yan sis! basta go lang ng go :D

gullible

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #337 on: September 05, 2011, 02:46:36 pm »
@kaice: san merong True Colors sis?

@carmi: thanks sis...dahil sa GT nagkalakas ako ng loob mag-DIY...mas okay na sa budget mas type ko pa ang design:)

@ima: sis...gusto ko rin ng 3-day diet...pa-email na lang to gullible15@yahoo.com...tia:)

kendicute

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #338 on: September 05, 2011, 04:57:02 pm »
hi mga sis :) thanks sa inyong lahat.. si ate ni h2b kinausap si FFIL.. inexplain na kung may mga onting glitch na ganyan, ok lang.. suppport nalang kami kasi super pagod and hirap na din kami.. ayun nanahimik na si FFIL. mukhang nagets na niya.. tama kayo lahat sis.. dibale sana kung sila gumastos eh diba? kaso kami naman..eto pa pala sabi pati sa mga apo. dapat daw yung mga names ng bearer may middle name. kunwari cruz-santos... ganyan para malaman na apo daw niya..

napamigay na namin yung ibang invites.. napressure ako sayo sis 4g haha.. parang ang late ko na nagbigay, although aware na naman mga guests.. congrats sa rings hehe

sis karmie.. malapit na yehey :D beauty rest lang lagi.. na experience ko na din yang gay bar.. grabe talaga. haha.. sang gay bar kayo? hehe..

« Last Edit: September 05, 2011, 06:55:11 pm by kendicute »

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #339 on: September 06, 2011, 07:17:45 am »
@ sis kendi -- matanong ko lang, may ambag ba FFIL mo? hehe.. kung wala, eh di wala sya karapatan magcomment..(maldita mode)
dedma mo na lang sis, kasama talaga yung mga ganyang comments. 

@ sis carmi -- panalo yung bridal shower mo sister!! superlike ko yung mga ganyang  eksena! haha!

@ 4g - ganda ng invites! apir!

@ carmi and rjaye -- woooooooooo!! ang lapiittt naaaaaaaaa! ;D

updates:
nakaleave ako from mon-wed..
for now kukuha kame ng invites sa divisoria tapos market market for wedding ring sa marry me..sana may kumasya sa budget na 20k.
kahapon pumunta kame sa BA studio kung saan sila nagsshoot ng mga prenup vid at pix nila, tapos nagpunta din kame sa cristina villa sa antipolo.
ngayon, hinde ko alam kung sa ba studio ba kame o outdoor prenup sa cristina villa antipolo.
Please help us decide sis, oct 3 ang prenup date.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close