haller!!!
hindi pa ako nakapag-back read ha.. ang haba.. hehe weee 11 days na lang tayo rjaye!!! nakaka-excite na nakakakaba, sabi nga ni h2b..

eto nag mga kaganapan sa akin last week at nung weekend...
- done with 2nd fitting ng gown ko --- waaaa ang luwag naman!!! totoo nga I lost 1 inch sa bewang, tapos yung hips hindi na ganon ka fit, pero komportable naman ako at hindi rin naman siya yung maluwag na lousy tignan si keribells
- na fit na rin ni MOH ko yung gown niya - satisfied naman si ate - ate ko naman ang tumaba kaya luluwagan din gown niya
- at salamat kay ate fe, may free barong si papa ko!!! gift daw niya sa akin, kasi dami ko ni-refer sa kanya na brides..

tuwang tuwa din papa ko.. ayun dinala ko na kahapon kay ate fe yung barong na susukatan niya...
- nabigay ko na 95% ng invites.. yung iba naman kasi friends ko lang na hindi namin talaga dapat bibigyan ng invites, pero dahil may sobra sinama na namin sila
- nakuha ko na "something borrowed" kong bridal shoes! ang ganda!!! o baka dahil bagong pedicure lang ako nung sinukat ko yun.. hehe
- done with misalette nagsample printing si h2b, at success naman! na-aning daw siya pag-arrange ng pages.. wahaha
- done with driving directions para sa mga suppliers namin
- done with seating arrangements - inorient ko na rin family ko na walang pasaway - lagot kayo sa akin pag-uwi haha!!
- will order cake tomorrow after work, kasi binigay na ni ate yung pera
- will send emails today sa mga suppliers... and inform them about their call time.. tapos repeat email na lang ako the day before ng wedding
- will do full payment sa church and venue on thursday with my papa - para daw i recon niya kung anong pinakamalapit na daan pupuntang malate
at si papa, sinermunan ng mga kapatid ko, kaya ayun, hindi na raw siya aatend ng convention.. hehe yan ang mga nilagare ko last week, hindi naman masyadong marami no? hehe
post ko later pics ng fitting

happy morning everyone!