watch now

Author Topic: 2011 BRIDES XIX NA!!!  (Read 78656 times)

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #80 on: August 16, 2011, 01:38:27 pm »
seren - di naman masyado mahal ang swarovski pero yun nga baka di masyadong maganda ang glittery effect sa camera kasi di makita ng husto yung face mo. magandang tela for veil is illusion tulle para kita nag face.

veil - i had this na mga 3 yards yata haha!  tapos yung front may burda sa laylayan with scattered swarovski and beads  pero sa bandang waist ko na yun, para lang di liparin kasi manipis masyado ang veil :)

gullible- sa sm moa din pinupuntahan si kuya willy :)

ima - ano naman ang ida-diet mo neng haha! :) sexiness ka na :)

4g - pagaling ka :)

rio - hayaan mo na yung naggaya ng gowns mo, ikaw pa di nag orig :)

update: i had a check with my hema because my blood levels are low, sinabo ko sa kanya ang condition ko, pinapa-retrieve nya lahat ng lab tests ko ng past 7 years kasi baka daw iba ang sakit ko kesa sa alam kong condition ko. waah!!! kaya ayoko nagpapa-check up, hubby said " malay mo, wala ka ng sakit" pero sabi ko " di ko na naman alam kung ano talaga ang sakit ko" a lot of tests is scheduled pati blood electrophoresis hanggang DNA / genetic testing para malaman kung anong blood disorder talaga meron ako... natatakot talaga ko kasi sa lahat ng sakit ko, eto yung walang symptoms kung lumalala unless magpa-blood exam. :(

rio - aside from vitamins, naka 5mg folic acid pa ko para sa blood ko

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #81 on: August 16, 2011, 01:49:54 pm »
kaice - wow bakla! you are so not healthy ha? at parang sakit ng mayaman ang meron ka eh mukhang ang mamahal ng exams mo. buti sa hospital ka nagwowork. let's pray for the best sister. sana gumaling ka na talaga sa mga sakit sakit mo kasi hindi ka basta basta mabibigyan ng gamot because of the baby (not to mention, kumusta naman ang liver mo di ba?).  siguro talagang dapat sa yo, continuous monitoring ng health and prayers, prayers, prayers for you and baby.

carmi - kung ano yung ibibigay nilang diet tips sa yo, sundin mo muna. konting tiis na lang. eh buti ka nga, hindi naman kailangan magpapayat ng bongga di ba? eh ako parang almost a year ata ako nagkukunwaring nagdidiet  ;D

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #82 on: August 16, 2011, 01:57:32 pm »
Usapang belo:
Ayoko ng mahaba feel ko kasi mahahaching ako haha...so baka parang birdcage type na lang din, di ko pa alam pano ko gagawin :)

Usapang diet:
Ida!!! Penge rin ako nyan, kelangan ko magpaliit ng arms at tummy! Yan lang naman talaga ang problema ko, ayaw ko kasi pumayat buong katawan ko baka mawala ang bubelya ko na kakatubo lang LOL

ima_821

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #83 on: August 16, 2011, 02:18:35 pm »

Usapang diet:
Ida!!! Penge rin ako nyan, kelangan ko magpaliit ng arms at tummy! Yan lang naman talaga ang problema ko, ayaw ko kasi pumayat buong katawan ko baka mawala ang bubelya ko na kakatubo lang LOL

hahaha sis!! Un ang unang papayat, pero i guess susunod din un iba hahaha! Sige iniintay ko pa yun email. ;)

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #84 on: August 16, 2011, 03:21:44 pm »
thanks sis kaice! promise konting swarovski lang talaga ang ilalagay ko.. siguro, 10 piraso lang, kalat kalat naman yun eh..from what ive heard 4-6 meters yata ang belo ko? ay hinde ko sure.. ayoko ng itext si bakla eh!si MIL ang mediator namin.. pag may itatanong ako kay bakla, si MIL tinetext ko para sya magtanong. haha!

gullible

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #85 on: August 16, 2011, 05:08:54 pm »
haay naku...nakakapagtaka...twice na ako nagpost kanina pero nawawala yung pinost ko >:( ulitin ko na lang

@kaice: thanks sis...pa-pm na lang ng number ni kuya willy kasi baka maconvince ko si h2b na pumunta sa moa

@ima: sis pwede pa-pm din ako ng 3-day diet pag available na? ;)

usapang veil: ayaw ko sana talaga magveil kasi gusto ko kita face ko sa pics ang video especially sa ceremony pero ang mga friends ko kino-convince ako na magveil kasi minsan lang daw ako ikakasal and brides lang naman daw ang nakakapag-veil...kaya until now undecided pa ako sa bagay na yan :)



gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #86 on: August 16, 2011, 05:30:33 pm »
@seren whoa! 4-6meters? Parang gang 1st-2nd flr ng building yan ah! Sis practice mo na leeg mo baka mabigatan ka sa belo mo hihi

At syempre after ko magpacheck up sa medical city nagpunta pa ko ng mega para itry yung tea bag na balak ko.

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #87 on: August 16, 2011, 08:12:11 pm »
Mga sis question! Ano ba ang nitatanong sa canonical interview? Bukas na kasi kami ni h2b e, wala kaming idea kung ano gagawin.

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #88 on: August 16, 2011, 08:19:22 pm »
naku 4g! yung sa amin kasi merong questionnaire na binigay ang san agustin tapos ang instruction sa amin eh sagutan daw. yun pala, sa harap ng pari yung sasagutan!  ;D so ang nangyari, instead na interview, binigyan na lang kami ng pari ng mga 10-minute lecture regarding marriage.

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #89 on: August 16, 2011, 08:39:48 pm »
@rio parang exam na essay?? Hahaha sana ganun na lang din samin, hindi kasi kame active na catholic ni h2b kaya baka puro sermon abutin namin dun pag interview na LOL..ano ang mga questions dun sa sinagutan nyo? Sana walang RH bill related at ayoko makipagdebate kay father LOL

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #90 on: August 16, 2011, 08:42:47 pm »
^ah hindi naman sis.. si father nga na nakausap namin eh sang-ayon sa RH bill eh.  ;D

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #91 on: August 16, 2011, 08:46:46 pm »
^ahh buti naman...naku sana di umiral pagka-pilosopo ko bukas LOL.

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #92 on: August 17, 2011, 06:11:29 am »
haller good morning!!!

hindi na ako masyadong busy.. weeee!!!

re canonical interview:
ang tanong lang naman sa questionnaire eh kung wala bang pumilit sa amin na magpakasal.. how long have we known each other, are we both catholics, how often do we go to mass, do we know the other sacraments.. parang ganon lang naalala ko.. tapos during the interview, kinonfirm lang ni father mga nakasulat dun..

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #93 on: August 17, 2011, 06:45:47 am »
gandang moning!  8)  ;D  ;)

@ 4G -- goodluck sa canonical interview mo today!

@ carmi -- buti naman te at pahinga ka. 

updates:
finafinalize namin ni h2b yung guestlist at entourage kahapon.  gusto kasi sana namin mga 2 months before the wedding eh makapagsend out na kame ng invites kasi busy at may mga trabaho yung iba. hinde kasi ako gumawa ng STD eh.


princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #94 on: August 17, 2011, 08:10:18 am »
morning engaged ladies and mums!

carmi - buti naman at hindi ka na si haggard queen! i-pampam mo na sarili mo.

seren - naku sere! maaga pa para mafinalize ang guestlist.. believe me!  ;D pero yung ento, dapat matapos nyo na talaga yun lalo na kung kasama yung list ng ento sa invites. yung STD kasi feeling ko, sa mga taga-abroad lang effective. dito sa Pinas, not much.. parang RSVP lang.  ;D

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #95 on: August 17, 2011, 08:15:55 am »
korek!!! ako nga may RSVP pa, ganon din, nung hinihingi ko kay MIL number ng mga bisita nila h2b, sabi lang sa akin, ako na bahala mag-text... haller? may RSVP nga eh.. kasi baka raw hindi magreply pag-ibang tao nagtext sa kanila.. ano ba yung excuse na yun? tapos pag hinihingi namin ng exact number ng bisita nila, hindi naman kami mabigyan ng exact figure..

bahala sila mag-hanap ng table nila, pasensyahan na lang, ayaw makipag cooperate ni MIL..  ;D

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #96 on: August 17, 2011, 08:25:17 am »
yung ibang bisita, mabilis talagang sumagot. meron na yung iba, nakupo! nuknukan talaga.. yung ibang friends ko, 3x ko tinext at nagbigay talaga ako ng deadline. minsan kasi, para bang ang hirap sa iba na magsay ng NO. eh mas maganda pa nga na mag-NO na lang sila para mapagbigyan yung waiting list.

ima_821

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #97 on: August 17, 2011, 08:35:11 am »
Gandang umaga!!

Free as a bird na naman ako today til saturday! Wala an mga bossings ko at kasama na nila ang bagong teacher!! Ayan, sa wakas makakapag ayos na ko ng wedding namin haha! ;D

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #98 on: August 17, 2011, 08:40:50 am »
huwaw ima!!! relak na relak ka na rin! wala na si headache. go go go sa preps ka na!  ;D

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #99 on: August 17, 2011, 08:49:08 am »
rio -- talaga? maaga pa ba? 150 guests kame pero 135 lang yung naoccupy, for me, ok na yun kasi nga may hila hila pa yung iba tapos syempre hinde naman lahat ng 135 eh pupunta diba!
60-70pcs lang ng invites papagawa namin, keri na yun noh!

share ko lang:
magmumukhang clash of the titans ang wedding namin ni h2b, haha! kasi diba magkapitbahay kame ni h2b, within our village, parang may "something" ang mga homeowners officers sa mga chapel organization samen.  1 ninong and ninang, are from homeowners officers, tapos si MIL eh VP naman ng chapel organization. kahapon nung gumagawa kame ng guestlist, eh ayun, tawa kame ng tawa. haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close