watch now

Author Topic: my dad is jobless and don`t want to do anything about it  (Read 4767 times)

brattybrat01

  • Guest
my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« on: August 12, 2011, 03:08:22 pm »
Naayus na po naman kung ano man ang problema nuon.
« Last Edit: May 08, 2012, 09:23:10 pm by brattybrat01 »

17arci

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #1 on: August 12, 2011, 03:17:45 pm »
siguro kausapin mo din yung kapatid mo na tumulong. or sabihin mo sa mama mo kausapin yung kapatid mo :) tingin ko naman naiintindihan ng mama mo na kelangan mo na din mag-ipon para sa pamilya mo, pero hindi nya din naman kasi kaya lahat. konting tiis na lang, gagraduate na din naman kapatid mo. pagtapos nun magkakatrabaho na din sya. siguro sabihan mo na din yung bunso ngayon na pag may trabaho na sya, kung pwede sya na magsuporta sa pamilya nyo, tutal hindi naman pa siguro sya mag-aasawa agad diba?

sa dad mo naman, wala ka nang magagawa kung ganun sya. at least hindi sya yung tipo na wala talagang ginagawa as in. tumutulong naman sya sa mama mo.

Superjoie

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #2 on: August 12, 2011, 03:27:31 pm »
ganyan din ang tatay ko... buong araw nag iinternet.. as in. pag ka gising, hindi pa naghihilamos. dun na kumakain s harap ng internet. at itong si mama, kakayamot kasi sunod sunuran.im 23.. at  saken sila umaasa lahat.. though nakaktulong ng konti ang kapati dko nateacher.. kaso patutor tutor lang sya kaya kulang pa para s sarili nia sinisweldo nia.

ako rin nagbabaya dng tuition ng kapatid ko na hangang ngaun di n nakaalis sa 1st year college.. wala nang pakielam tatay ko kung makatapos  kapatid ko basta sya ay nagiinternet na lang.

Si mama naman pag nagalit samen si papa, galit din sya. minsan nga gusto ko na umalis bahay kasi nakakadepress. Pag kulang yung binibgay kong pera naggaalit sila, nakakastress. parang ang pinapalabas ay madamot ako, pero ang totoo kulang  pera ko, hindi pasupervisor, normal n pang dalagang sahod lang din ang nakukuha ko. Di ko man lang ng amaramdaman na naaappreciate nila  nagagawa ko, buti pa nga ibang tao, sasabihin, buti may anak ka na nakakatulong na syao, pero nanay ko, ayun naiingit pa kasi di ko sya nabibili ng damit at di ko daw man lang sila mailabas. Hello!  kaya nagbabayad ng lahat ng bayarin dito s bahay ang ipangallabas ko sa inyo.


Hay.. di ko lam kung kelan matatapos ang ganito...

« Last Edit: April 23, 2012, 12:23:06 am by Superjoie »

Arnic

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #3 on: August 12, 2011, 05:53:55 pm »
I think all of you should sit down and talk about the problem. There is no way for you to solve the problem not unless you open the basket of rotten eggs. Somebody will get hurt, that's the way it is but if you remained silent, the problem will drag to the next year, the next year, and little did you know relationship is breaking, you know what I mean.

brattybrat01

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #4 on: August 12, 2011, 09:50:52 pm »
@17arci sis hay naku un kapatid ko sabi hindi pa nga sapat ang sahod niya para sa sarili niya kaugali niya ang papa ko ... un bunso kong kapatid ilan taon pa makakatapos ng college... un mama ko kahit anung iyak sa kapatid k na nagwowork na bale wala eh...



@superjoie hindi pala ako nagiisa hay naku sis ang hirap ng sitwasyon natin.. minsan nahihiya na ako sa asawa ko kasi ang feeling ko hindi siya kasama sa mga pangarap ko sa buhay dahil ang gusto ko nga unahin un pamilya ko pero sa isip ko paano naman ako ?!? diba?


hay ....;(

blooming

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #5 on: August 12, 2011, 10:45:54 pm »
^ yung sis mong nag-aaral - talk to her. ask her if there is a way she can cover for her allowance - like be a working student. mas magkaka experience din sya kamo, mas mapapadali din ang paghanap nya ng work after nya makagraduate.  tapos pag summer or wkends, kung anong maisipan nya. marami namang puede i-sideline. pagtutor, etc.

brattybrat01

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #6 on: August 13, 2011, 10:20:21 am »
thank you mga sis sa mga reply niyo. tama ka nga sis arnic na magharap harapan na kami once and for all at maglabas na ng sama ng loob un ang hindi maggawa ng mama ko sa papa ko kaya lahat ng reklamo niya sa papa ko sa akin niya sinasabi na ako  naman siyempre maiinis sa papa ko siguro nga kaya dumadagdag yun inis ko sa papa ko dahil everytime nalang may reklamo si mama kay papa sa akin ang sumbong may reklamo sa kapatid ko sa akin ang sumbong hindi mismo masabi ng mama ko ng harapan kaya maganda sana na once and for all sabihan na ng mga hinanakit sa isat isa para malaman naman nila kung ano ang saloobin ng bawat isa.

Superjoie

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #7 on: August 13, 2011, 07:41:12 pm »
I think all of you should sit down and talk about the problem. There is no way for you to solve the problem not unless you open the basket of rotten eggs. Somebody will get hurt, that's the way it is but if you remained silent, the problem will drag to the next year, the next year, and little did you know relationship is breaking, you know what I mean.
sasabihin nila wala aqng utang na loob at nagrereklamo ako..

snowberry

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #8 on: August 13, 2011, 08:30:36 pm »

Hay bakit kaya may magulang na ganito?

Kung malakas pa ang katawan , dapat lang na magtrabaho pa sila. I agree though that children should help kung di na kaya ng magulang mag work. Pero, di sila dapat magdemand  na akuin responsibility nila ng lahat lahat. How old are they na ba?

Minsan nag -aasawa tuloy ang mga anak ng maaga para lang makaalis sa bahay. 

brattybrat01

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #9 on: August 14, 2011, 11:41:34 am »
sis 50`s palang po sila pero ang papa simula ata 35 above hindi ko na maalala kung ilan taon na siya nun hindi na nagwork dumepende na lang sa mama ko.. ang galing galing humingi akala mo pinupulot lang ang pera pag wala ka ng pera tatanungin kung bakit wala ka ng pera san ko ba daw ginagastos? ano ba yun diba?

naiinggit ako sa mister ko kasi siya hindi na kailangan tumulong kahit magbunganga un mama niya na magbigay sila hindi parin nagbibigay kasi alam naman nila na kaya na ng magulang nila eh..

eh ako? humihiling pa sakin ng bahay dahil nga sa nangungupahan lang .. hay buti sana kung dalaga pa ako

ewan ko ba....

Superjoie

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #10 on: August 14, 2011, 11:28:09 pm »
Hay bakit kaya may magulang na ganito?

Kung malakas pa ang katawan , dapat lang na magtrabaho pa sila. I agree though that children should help kung di na kaya ng magulang mag work. Pero, di sila dapat magdemand  na akuin responsibility nila ng lahat lahat. How old are they na ba?

Minsan nag -aasawa tuloy ang mga anak ng maaga para lang makaalis sa bahay. 
yun nga nararamdaman ko.. parang gusto ko mag asawa na lang.. hehe o kaya naman kumuha na lang ng condo.. humiwalay na lang.. papadalan ko na lang sila every month.

Sabi ko s kapatid ko titigil muna sya next sem.. ayun si mama ko, masama loob, bat ko daw papatigilin, eh [kinakapos ako... :( ang hirap kaya.... wala naman tumutulong saken na iba..
« Last Edit: April 23, 2012, 12:24:48 am by Superjoie »

potpotpo

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #11 on: August 21, 2011, 05:36:13 pm »
Count me in.. Nasa abroad ako, ok fine pero hinde ko naman pinupulot ang pera dito. Malapit na din ako magasawa, naiisip ko, pano ba to? ganun pa din kaya? yung pag naisipan nila humingi parang ganun nalang kadali magbigay?

mommycute46

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #12 on: August 22, 2011, 04:13:32 pm »
sis kung nahihirapan ka pag-aralin kapatid mo, compromise with your parents and to your sis mismo, sabihin mo sa 'yo ang tuition bahala sila sa kanyang alowance, books etc. Aba hindi mo naman siya anak para obligasyon mo pag-aralin yan. If I were you, kumuha ka na lang ng condo para alam nila na may pinagkakagastusan ka. Dahil kahit hindi ka naman tumira sa condo na yon, investment mo na rin yon, pwede mo paupahan.


cecile**

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #13 on: August 25, 2011, 04:54:26 pm »
@sis brattybrat, namentioned mo na nawalan kayo ng bahay dahil inuna ng dad mo ang stock market. pwede mo ba share pano nagyari yun? ang hubby ko kasi nagfofocus din sa ngayon sa stock market and im afraid baka mauwi lang din sa wala  :(

brattybrat01

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #14 on: August 27, 2011, 10:44:25 pm »
nakuha  kasi ng papa ko inheritance niya from our lolo then ginamit niya un pangstock market tapos lumaki un money niya dahil sa stock market so nalulong siya dun kasi lumalaki nga un pera niya so ginawa niya binenta niya house namin ginamit niya iyon pera pang stock market ayun hanggang sa nangupahan nalang kami.hindi na niya nabawi un pera na ginamit niya pang stock market

cecile**

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #15 on: August 31, 2011, 09:22:07 am »
nakuha  kasi ng papa ko inheritance niya from our lolo then ginamit niya un pangstock market tapos lumaki un money niya dahil sa stock market so nalulong siya dun kasi lumalaki nga un pera niya so ginawa niya binenta niya house namin ginamit niya iyon pera pang stock market ayun hanggang sa nangupahan nalang kami.hindi na niya nabawi un pera na ginamit niya pang stock market

oh I see. Ibig mo ba sabihin, nalugi ang stock market at hindi na nya nabawi ang shares nya?? sayang naman nga kung ganun  :(

whitelady17

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #16 on: September 02, 2011, 10:04:35 am »
sis, hindi ba kayo nag oppose noong time na nag decide ang father mo na ibenta ang bahay ninyo? Since siya ang nag benta siya ang gumawa ng paraan, hindi naman obligasyon ng anak ang magbigay ng bahay sa parents, kung mismong parents nga hindi nakapag provide ng maayos na bahay / shelter sa mga anak nila.

N.

  • Guest
Re: my dad is jobless and don`t want to do anything about it
« Reply #17 on: April 22, 2012, 08:42:02 pm »
Same situation. Haaaay. Kawawa yung nanay ko eh, lagi nalang sinisigawan at hinihingian ng pera ng tatay ko. Kala mo naman kung sino siya kung maka sigaw,  wala naman siyang gingagawa dito sa bahay na to kungdi kumain, matulog, at mag sayang ng kuryente. Pero, feeling ko naman wala pa akong karapatang pagsabihan yung nanay ko dahil na sa college pa ako. Pero, hindi ko na kaya yung ganitong sistema. Paconsuelo de bobo ko na nga lang sa sarili ko, I only have two years left sa college. Konting tiis nalang and I can finally move out of this house.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close