watch now

Author Topic: Kathryn Bernardo  (Read 148221 times)

fleur_de_liz

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #520 on: December 10, 2014, 10:18:21 am »
gusto ko rin bumili ng CD ni kath.. sabi nung sis ko cute daw ng voice nya dun..very relaxing. stop na muna sa birit mode ng ibang singers.
im also wondering kung si AP ay si claudia, at si JS ang amor powers, sino kaya gaganap sa role ni tonton?

zelda

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #521 on: December 18, 2014, 05:17:39 am »
^ Sis, yan nga ang inaabangan din. Also yun gaganap ni Tatay Isko.  :) Chismis lang na baka raw si Diether si Eduardo.

May MMK sya!  ;D 1st day of taping today. Kaloka! Sana nakapag-prepare si Kath since after ASAP parang walang sightings sa kanya maliban sa gym. Nakakaloka ang workouts nya. Burn talaga ng calories at mukhang may gustong patunayan sa pagform ng abs. LOL

Re her album, nagkakaubusan. Yun ibang FCs nya kasi naka-pre-order na last month pa. They asked around members and non-members (abroad) kung sino gusto magpa-reserve na. So, sila talaga nakauna sa album. Then yun napupunta sa music store, kwento ng ilan minsan dala-dalawa binibili.

Out na pala yun Bench mag na featured ang KN. Just for a single receipt worth 1500 Bench items, libre na yun mag. Maganda raw mga kuha. Same photographer na kumuha nun debut ni Kath and sa MEGA S. Africa. :)
« Last Edit: December 18, 2014, 06:30:00 am by zelda »

zelda

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #522 on: December 18, 2014, 07:22:56 am »
MMK with Assunta :)

assuntaledesma
7 hours ago
I know this is totally last-minute, but what the hell. Eh, 'di opening salvo na naman ako sa 2015! 😜Hihi! And I'm excited to work with Kathryn Bernardo. Goodnight, world. #raket #mmk #suki 🙏

fleur_de_liz

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #523 on: December 18, 2014, 09:28:39 am »
wow..kakaexcite naman.. sino nga kaya si tatay isko?

angel0607

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #524 on: December 18, 2014, 12:28:59 pm »
Kakabasa ko lang sa twitter may MMK nga daw si Kath. May aabangan na naman ako. Regarding her album, nagpabili ako sa sis ko sabi niya nga sabi daw ng sales lady masyadong mabenta ang album ni Kath. I was afraid for her when she decided to have an album kasi nga di naman siya singer baka hindi bumenta but after seeing the results I am glad that she took the risk.  She is really fearless and a go-getter. Platinum na agad ang album niya in just a week, ibang klase. So happy for her.

fleur_de_liz

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #525 on: December 18, 2014, 03:57:40 pm »
kay kath naman work lang naman ang habol nya.. sino ba naman ang tatanggi sa ganyang offer.. kugn hindi man singer si kath, ang dapat sisihin dyan is yung producer not kath.. but im happy for her na parang in a few weeks platinum agad.

zelda

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #526 on: December 29, 2014, 06:49:46 am »
Salamat at kinuha sya ulit ng MMK after so many years. :)

https://www.youtube.com/watch?v=aUZ7W22ViLA

icee_star

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #527 on: January 04, 2015, 11:55:50 am »
hindi ko pa rin bet ang acting ni Kath. Same attack, pati ang pagsasalita niya hindi pa rin convincing. Parang pacute pa rin hehe.. at ang cosmo mag, jusme, ang payat tapos ang laki ng ulo. hindi pa siya ready for cosmo mag, IMO. tsaka more acting workshop please.

abbmg

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #528 on: January 04, 2015, 01:01:52 pm »
^agree, pare pareho lang ang pag arte niya.

alice_alice

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #529 on: January 04, 2015, 02:51:43 pm »
okay naman sa aktingan si Kath IMO ang ayaw ko lang sa kanya is iyong the way siya magsalita parang may sipon na di mo mawari. yung kaLT niya NVM kung magsosolo si Kath keri niya naman at mas maganda na wag na siya magLT noh. Ayaw ko na lang basahin yung mga negang BI ni FP sa kanya.

One thing I also noticed is sa mga pics nga malaki ulo liit ng katawan esp yung pic niya with iya hahaha natawa talaga ako dun di photoshopped yun ah.

zelda

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #530 on: January 04, 2015, 03:41:10 pm »
Kath last night was decent, imo. It was not over the top, hysterical way of acting. Mas may timing na ang pag-iyak nya. The story itself was sooo tragic kaya obviously bumaha ng luha. :)

RE cosmo mag, oh well ganun talaga ang physique nya as of now but she regularly works out with a trainer para matulungan syang magbuild ng laman sa tamang areas. Epic fail lang talaga ang photoshop.

swim_fatale

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #531 on: January 05, 2015, 07:46:09 pm »
I liked her acting sa MMK naman. Naiyak ako kahit hindi ako iyakin na tao. Plus, yung story din naman kasi sobrang tragic, hehe.

Pansin ko lang lately sa mga pics nila ni DJ parang pilit na pilit na lang si guy na magpaka-sweet sa kanya tapos in most pics si Kath pa ang kapit-tuko kay DJ. Sana wag ganun. She looks desperate to hang on to the LT when in fact she doesn't need DJ. Mas gusto ko si Kath pag si DJ yung naghahabol at dumidikit sa kanya, not the other way around. Feeling ko si DJ may gusto na talaga na ibang girl, di lang siya pwede kumalas sa LT kasi milking it muna for all it's worth.

Re her Cosmo cover, I ran to the nearest 7-11 to grab a copy nung Dec. 30 pa lang. The next day, wala nang copies sa area namin. GRABE. :D

abbmg

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #532 on: January 06, 2015, 12:56:02 am »
just read sa FP yung complaint ng fan ng kathniel from abroad regarding s show nila. ang mahal din pala ng ticket grabe kaya mag eexpect talaga siya..

zelda

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #533 on: January 06, 2015, 04:51:49 am »
@swim_fatale: Yes, finally other pips have noticed. Kath is always all smiles in pics, kahit pagod yan. I know she easily gets shy pero para sa fans she'll step out of her comfort zone. Kaya medyo bad trip ako when I saw lots of pics na yun guy mismo ang poker face. Even in their Meet & Greet, yun guy napakatipid ng smile. Not helping ang ginawa nya sa Italy. Kung real or reel man sila, sana makisama si DJ sa events ng LT nila. He doesn't need magpa-sweet kung nagbago na feelings nya but be as pleasant as his ka-LT.

Re the post of a certain Kathniel Kadreamer member, wala na akong masabi. May problema raw yan sa organizer. Dunno. Ganun din pala ang nangyari nun pumunta si DJ at Yeng nun. Di rin nakatulong na panay simangot sa Milan tong lalaki.

Anyway, masaya lang ako sa MMK nya at sales ng Cosmo nya. Yun na lang. Chos!
« Last Edit: January 06, 2015, 05:07:44 am by zelda »

angel0607

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #534 on: January 06, 2015, 07:00:52 am »
Ako din nakita ko iyong pic nila Kath and DJ and I was also disappointed but honestly sa tingin ko si Kath talaga ang mas in love kay Daniel so siya talaga ang dapat mag-adjust. Although, dapat sana nakisama si Daniel whether he is feeling sick or not kahit konting ngiti  man lang sana for the sake of their LT na lang esp since they have a show coming up.  Baka naman din he is unhappy kasi iyong kita ng MMFF movie nila is not good plus I read na wala siya concert this year and honestly pagod na pagod din sila kaka travel.  We really don't know what's going on his mind plus ayoko ng mag ask masyado baka nasasakal na siya sa demand ng fans although parte ng trabaho niya yan.

Nabasa ko din yong complain about their concert. I have to admit na mahal nga ng ticket dapat sana pag may VIP ticket ka puwede kang makapag one on one with them. Sana maayos ng organizer or management to sa susunod kasi nasisira ang mga artista kahit di nila kasalanan.

And, I am happy to know that her magazine cover are selling fast. I like her photos dun sa Cosmo ang sexy niya malaki lang talaga head niya pero [textspeak!] na tayong magagawa dun namana nya yan sa father niya.

zelda

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #535 on: January 06, 2015, 07:28:58 am »
hi sis! Ayoko na makialam sa lovelife nya. LOL Kung san sya masaya, dun sya. Trip nya yun eh. But yun anyway, if masama man ang pakiramdam ni Daniel, sana he tried kahit unti lang. Everyone's tired, ganun din si K but she tried. Anyway, mas sakitin lang talaga tong si guy kaya ang sabi nila madalas si Kath & Mommy nya nag-aasikaso.

Naglabas ang Kadreamers Italy ng statement re the issue. Management and producers daw ang nagdecide na icut short and Meet & Greet dahil super di nakikicooperate ang audience. They claimed na madaming pumila sa VIP kahit walang VIP tickets. Inako raw ng producer and staff yun nangyari.

Ang akin lang, walang issues sa Meet & Greet nun mall shows ni Kath. The solo pic for 5 albums sold ay policy daw ng Star kahit sa kaninong artist. Anyway, basta maganda ang MMK ep nya! LOL

angel0607

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #536 on: January 06, 2015, 09:23:35 am »
OO nga sis wala tayong magagawa sa love life niya. Hindi ko din siya masisisi masyadong pa fall si guy tsaka malakas din talaga appeal ni Daniel. Tsaka normal na iyan sa mga love teams most of the time talaga merong feelings na nadedevelop esp since they have been working together for a few years now. Siguro nga lang madaling magsawa si guy kasi I saw sa interview niya he already had 4 gf at the age of 19. So, ibig sabihin mabilis siyang magpalit?

So, ganun pala nangyari sa meet and greet nila. Sana man lang ni-resolve ng producer in a better way. Kasi nga naman ang mahal ng ticket tapos di ka nakapag one on one plus iyong time and effort mo para makapunta at makita sila tapos ganun lang ang mangyayari. Nakakadisappoint nga naman. But, as usual FP took advantage of that again para tirahin si Kath. Almost every other day na lang meron siyang BI or article about Kathryn. Kala ko ako lang obsess kay Kath pati pala si FP, siya na lang yata ang di nakakaalam. lol

As far as her MMK, okey naman ang acting niya pero same attack pa rin at kulang pa rin talaga. Tsaka iyong narration niya parang walang feelings? Also, I want more because I know she is capable of it based on her previous performance when she was a kid. Kailangan niya lang ng workshop talaga kaso mukhang wlang balak ang management.

zelda

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #537 on: January 06, 2015, 09:49:07 am »
^ amen sa narration! Matagal ko nang nasabi yan na sana makapag-speech workshop sya. May problem sa intonation, imo. Anyway, makukuha yan pag pinag-workshop sya. Parang I heard she said sa isang interviews na need nya ng madaming workshops for PSY. Who knows, pauwi na ata sila sa Pinas so baka eto na yun. Ang hirap pag milking cow ng ABS. LOL But ayoko naman sabihin na same attack. Better ang pinakita nya sa MMK kaysa sa G2B. Or, natutuwa talaga ako sa not-so-hysterical, not-begging-an-award way of acting nya?  Natural lang, may pinis na base sa character nya. Sometimes I feel gusto ko na sya makatrabaho ng veterans talaga para mapagalitan, ma-inspire sya. At, sana tigilan na ang always Ms. Sunshine roles. CHos lang! Just take her time.

Yan si FP, milking cow din nya si Kath. Chos! Anyway, I just consider it na lang as publicity. Kahit papaano relevant si Kath. Hahaha


sportygurl

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #538 on: January 06, 2015, 10:35:27 am »
ako lang ba nakakapansin na mukhang palaos na ang loveteam nila ni dj?

sportygurl

  • Guest
Re: Kathryn Bernardo
« Reply #539 on: January 06, 2015, 10:37:05 am »
ako lang ba nakakapansin na mukhang palaos na ang loveteam nila ni dj?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close