pasali.. eto nakita ko from my old emails
Nagkaroon ng healing power si Fr. Damaso. Tinanong niya ang isang problemadong lalaki na lumapit sa kanya,
Fr. Damaso: Ano ang gumugulo sa iyo, anak?
lalaki: Ang hearing ko, Father!
Pinaluhod ni Fr. Damaso ang lalaki. Taimtim na dinasalan niya ito habang nakalagay ang mga kamay sa dalawang taynga nito.
Fr. Damaso: Kumusta na ang hearing mo, anak?
lalaki: Ang hearing ko?! Bukas pa ho ‘yon, sa Regional Trial Court ng Quezon City!
BABAE: Hayop ka! Niloko mo ako! May asawa ka na pala!
LALAKI: Excuse me! Ang sabi mo, you need a husband. Well… I’m a husband!
TITSER: At kung panay ang salita mo at hindi ka maintindihan ng kausap mo, ikaw ay isang t****. Naiintindihan n’yo ba ako?
MGA ESTUDYANTE: Hindi po!
Umihi sa pader ang isang lalaki. Lumapit ang isang bading sa kanya at pinanood siya.
Singhal ng lalaki, “Umalis ka nga riyan! Kung hindi, ihahampas ko ‘to sa pagmumukha mo!”
Sagot ng bading, “Promise?!”
ANAK: Tatay, totoo po bang may multo?
TATAY: Anak, walang multo. Ba’t mo naitanong?
ANAK: Sabi kasi ni yaya, merong multo.
TATAY: Anak… mag-impake ka na! Wala kang yaya!
eto medyo naughty...
MGA SINAUNANG KASABIHAN
Hindi lahat ng kinakalabit, gitara.
Hindi lahat ng binobomba, poso.
Hindi lahat ng pinapasukan, eskwelahan.
Hindi lahat ng nilalabasan, exit.
Hindi lahat ng binabayo, palay.
Hindi lahat ng isinusubo, kanin.
Hindi lahat ng may ugat, puno.
Hindi lahat ng pinipisil, pisngi.
At hindi lahat ng pisngi, sa mukha.
Hindi lahat ng tumatayo, may paa.
Pero lahat ng may ulo, tumatayo.
Hindi lahat ng bola, tumatalbog.
Pero lahat ng itlog, binabati.
Hindi lahat ng binibiyak, niyog.
Pero lahat ng mani, binibiyak.
Ang GREEN-MINDED, guilty!
