watch now

Author Topic: gusto ko nang mag give up  (Read 4917 times)

killbill

  • Guest
gusto ko nang mag give up
« on: August 04, 2011, 11:52:48 am »
im 27, single mom, living with my mom and siblings. i work in a call center and alam naman natin sa ganitong industry ang pressure and stress grabe talaga. ako lang nagsusupport sa anak ko. dagdag pa yung family ko, walang financial, or kahit moral support man lang na maibigay sakin. yung mom ko super bungangera kaya siguro sa kanya ko rin nakuha yung pagiging ganun ko. pag sila yung nangangailangan ng tulong, sakin sila humihingi / humihiram ng pera pero kadalasan thank you na. pag ako nangailangan, kamot ulo na lang. plus madami pang issue sa pera. akala ko nun pag nakapagpatayo ako ng tindahan mababawasan na yung mga issue na yan sa pera. eh kaso yung mom ko sobrang reklamador, lahat nirereklamo, as in wala na siyang ibang gawin kundi magreklamo, maghikahos sa buhay etc. instead na pag inabutan mo ng pera mag thank you ang sasabihin pa eh "san makakarating to".  tapos pag weekend expected niya na ako magbabantay ng tindahan the whole day eh hello, tao lang din naman ako na napapagod. gusto ko rin naman magpahinga pag off ko. so ayun may bago na naman siyang reklamo sa buhay. nakakasawa na. yung ibang friends ko sa colleague pag kinukwentuhan ko sila ng ganto usually sinasabi nila sakin na bumukod na nga lang daw ako kaso hindi ko pa kaya saka malaki laki yung ininvest ko sa tindahan sa harap ng bahay namin plus wala pa akong tiwala na kumuha ng katulong tapos yun lang ang magbabantay sa anak ko.

tapos itong anak ko pa. she's 7 and grade 1 na sa private school. pasok ko kasi sa office is 2-10pm kaya pag umuuwi ako tulog na sya. and mahirap mang aminin as a mom pero hindi sya ganun katalino, hirap pa syang mag spell saka magbasa. gumigising lang kami ng maaga para magawa namin yung homework niya tapos maya maya magpeprepare na ako ng pagkain/baon nya sa school. as much as i wanted na mag hire ng tutor niya. hindi talaga kaya ng budget. ang dami dami kong binabayaran ngayon. binabayaran ko yung loan ko sa pinagpagawa ng tindahan, binabayaran ko yung ref para din sa tindahan saka yung tuition fee pa ng anak ko plus yung share ko pa sa kuryente saka tubig.

sobrang frustrated nako and alam ko mali pero usually sa anak ko naibubuntong yung galit ko. naawa na ako sa kanya pero nagiging pasaway na rin sya. and i'm scared na lumaki siyang matigas ang ulo yung tipong nagrerebelde. di ko na alam gagawin ko. my best isn't good enough. nakukunsensya ako kasi less time na nga lang na spend ko sa kanya and most of the time pa napapagalitan ko siya. pati maliliit na bagay nagagalit kagad ako. ewan ko ba. pati sa mom ko wala akong maasahan sa kanya. kahit tignan man lang nya yung diary ng anak ko para turuan siya. wala.

i'm working very hard para maprovide ko yung the best para sa kanya but minsan i can't help but feel na ako naman yung nagsusuffer. wala na akong nabibili sa sarili ko,


sa mga kapatid ko ganun din, may mga kanya-kanya na rin silang mga family saka problema kaya never naman ako nag expect pa sa kanila ng tulong.

feeling ko sagad na sagad nako. hindi ko na alam kung san pa ako kukuha ng lakas ng loob. feeling ko yung ibang mga kaibigan ko iniiwasan na rin nila ako kasi wala na akong ibang bukambibig kundi yung mga problema ko. i've seriously thought about taking my own life para matapos na kaso iniisip ko kawawa naman yung daughter ko, kaya naiisip ko kaming dalawa na lang para tapos na. alam ko hindi na normal to kasi kung ano-ano nang naiisip ko na alam ko mali kaso parang wala na akong pag asa eh. hindi ko na talaga alam gagawin ko

betty

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #1 on: August 04, 2011, 12:12:25 pm »
I want to share this to you:

In every situation, there are always two stories—the story you see and the story God sees.


Sometimes life seems to be taking us down a huge detour and everything looks like it's not going our way. In those situations, our life and our story seems to be a disaster.


 
This is exactly what happened to Joseph, whose story is found in Genesis 37-50. Joseph's brothers jealously hated him and sold him into slavery. Joseph was wrongfully put in prison for raping Potifer's wife, when really he refused to compromise his integrity by sleeping with her. Then, Joseph helped get the chief cupbearer out of jail; however, when the cupbearer had an opportunity to return the favor and get Joseph out of jail, the man forgot about Joseph. Joseph ended up spending thirteen years in jail for something he didn't do.

At this point Joseph's story was going haywire, but God's story was right on track. That's because God had an amazing plan for Joseph's life; God was going to use Joseph to save Egypt and the surrounding lands for seven years of devastating famine. What looked to Joseph like a huge detour was really a great plan of God to provide food for countless people, including the very brothers that had sold Joseph into slavery.

At the end of this, Joseph realized that God had a bigger plan for his life, and after his brothers come to him for food, he tells them: "You intended to harm me, but God intended it for good to accomplish what is now being done, the saving of many lives" (Genesis 50:20).

All along, God's story was right on track.

This same principle is also true in the life of Jesus. To the disciples, it looked as those Jesus would be a great king who would rule Israel and return the nation to greatness. They hailed him as a great leader. So, when Jesus was being crucified, the story they saw looked like a major train wreck—this great leader whom they had followed for the past three years was suddenly dead. However, God's story was at its peak—God was in the process of connecting humanity to himself.

There's what you see and what God sees.

When your life seems to be a major disaster; know that God has bigger plans to use your life for great things. The story you see may not reflect the long-term story God has planned. Therefore, trust God, knowing that he works for good in all circumstances (Romans 8:28).
 from christnotes.org
« Last Edit: August 04, 2011, 12:16:53 pm by betty »

betty

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #2 on: August 04, 2011, 12:19:51 pm »
This principle is also true in your life. Even though you may be going through extremely painful times, do not fear for God will get you through the hard times you face (see Psalm 23:4). If God took you to it, He'll get you through it.

alex001

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #3 on: August 04, 2011, 12:40:27 pm »
sis killbill, kelan ka pa sa call center? usually kasi madaling maginit ang ulo ng mga nagtatrabaho sa gabi, bakit hindi mo nalang itry ng ibang work? or magbreak ka muna for a week para maimanage mo yung dapat, yung mom well wala na tayong magagawa dun, kesa naman na ganyan lage gawan mo nalang ng paraan, kausapin mo rin sya, sabihin mo kung anong gusto mo at ayaw mo sa ginawa nya, makikinig naman yung mom mo sayo, kaso kasi usually lahat naman tayo uncomfortable na hindi sila susundin, kung bubukod ka naman another expense na naman yun. about naman sa baby girl mo, maganda siguro kung ibahin mo nalang yung work mo, online store, MLM. para hawak mo yung time mo since isa ka lang nagpapalake sa baby mo, and of course pray!

mommycute46

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #4 on: August 04, 2011, 02:26:55 pm »
Sis you're just tired but you're not giving up. Ikaw din ang nagsabi, paano na ang anak mo di ba? Anyway, I salute you for surviving even if you're alone raising your child. Take a rest, focus on God more and He will give you more strength. Sometimes we feel alone and think there's no hope at all especially if we forget to ask His guidance in our life. But when we turn to Him, you'll realize sisiw pala ang problema natin.

I suggest you compute the expenses of living with your own family with your mother and siblings and compare to the expenses pag nakabukod kayo ng anak mo. Sometimes we often over estimate na di natin kaya bunukod dahil sanay na tayo sa isang set-up. Pansin ko kasi sa mga nakikitira sa parents lalo kung ikaw lang ang may trabaho or may kakayanang "magbigay" mas stressful as compared kung nakabukod ka. Mas controlado mo ang lahat kung walang nakikialam. You can get a cousin/kamag anak niyo to see your child if you're at work para mas panatag loob mo instead na kuha ka ng yaya ni di mo kaanu ano. Feeling ko parehas rin lang expenses mo pag bumukod kayo ng anak mo less stressful nga lang  :). Sa tingin ko kasi ikaw ang inaasahan nila sa bahay niyo kaya ka hirap na hirap.

And that sari-sari store you put up, if you can give that to your mother na lang as her way of making income bigay mo na lang para hindi mo na kailangang bigyan sila every pay day. That way, you can budget your salary sa inyo ng anak mo. Saka alam mo kasi naranasan ko na yang sari sari business na yan at walang mangyayari kung hindi ikaw mismo ang magbabantay. Para lumago yan you have to separate the business from yourself dapat. Meaning hindi mo dapat doon kukunin ang pang araw araw na needs niyo like soap, shampoo, canned goods , noodles etc. Pag ganyan ang set-up you'll notice, you will just add and add capital pero parang walang nangyayari. Magkano lang naman kasi ang kita sa mga groceries di ba?

cars

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #5 on: August 04, 2011, 04:15:41 pm »
hi sis! i know its hard for you, kasi ikaw ang breadwinner.. pero sis alam mo wala naman madaling way para takasan natin ang mga probs and responsibilities naten.. im worried sa sinabi mo about taking your own life.. ok kung ginawa mo yun.. na solve ba prob mo? ma sosolve ba? pano yung daughter mo? sis maswerte ka padin kesa sa ibang tao.. kasi kaya mo mag provide sa family mo.. :) read the ff:

"Kung may pagkain ka sa iyong hapag-kainan, damit na sinusuot, may bahay na tinutuluyan at kamang tutulugan, ikaw ay mas mayaman sa 75% sa mundong ito.”
 
"Kung may salapi kang naiipon sa iyong pitaka at may natitira pang pambili ng pagkain, ikaw ay isa sa 8% na may mga kabuhayan sa mundo."
 
"Kapag gumising ka sa umagang ito na walang sakit, mas pinagpala ka sa milyong tao sa mundong ito na hindi na makagising dahil sa hirap ng buhay."
 
"Kapag nakuha mo ang mensaheng ito sa iyong computer, bahagi ka ng 1% sa mundong ito na may ganyang oportunidad."
 
"Kung di mo nararanasan ang takot sa gitna ng giyera, ang kalungkutan sa loob ng piitan, ang pasakit ng mga pagsubok, at ang pangil ng pagkagutom, mas malayo ka nang milya-milya sa 700 milyong tao na nabubuhay sa mundo."
 
"Kung buhay pa ang iyong mga magulang at nananatiling magkasama sa bisa ng kasal, kakaunti lang kayo."
 
"Kung naititingala mo pa ang iyong ulo nang may ngiti sa iyong mga labi, hindi ka kasama sa karamihan. Naiiba ka kaysa sa kanila na puno ng kapighatian at mga kagulumihanan."

feels better diba :)

killbill

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #6 on: August 05, 2011, 10:44:26 am »
thanks mga sis. since 2005 pa ako sa call center, wala naman akong ibang alam na work maliban sa call center na pwede ko malipatan saka college undergraduate ako. siguro kung meron man maliit lang ang sweldo. kung bubukod ako halos ganun din ang expense ko kaya nga lang mahal ang rent dito sa manda area saka hindi naman kami pwede lumayo like sa makati or pasig kasi dito sa manda naka enroll yung anak ako. wala rin ako kamag anak na pwedeng mag alaga sa daughter ko kung bubukod kami. mommy ko na nga lang sarili niyang apo hindi naman sa ayaw niyang asikasuhin pero everytime na may ihahabilin ka or kelangan ipacheck up tapos hindi ka pwede mag absent, reklamo na naman na kesyo sawang sawa na daw siya mag alaga ng bata, pati matanda inalagaan na rin nya blah blah blah.

alam nyo yung kahit simpleng bagay na maramdaman ko na may nag aalala sakin wala eh, maliban sa daughter ko, eh ayoko namang nakikita niya ako na umiiyak, na malungkot kasi umiiyak rin siya naawa naman ako.

yung tindahan naman hindi ko kayang ibigay na lang sa mommy ko yun.  pinatayo ko yun para sa amin ng anak ko, kasi na experience ko na ring mawalan ng trabaho and ang hirap yung tipong pagkain namin pinoproblema pa. to the point na yung mommy ko nangungutang na palengke. at least ngayon pag walang pagkain yung anak ko pwede siyang kumuha na lang dun sa tindahan, pag wala akong pambayad sa service niya may makukuhanan ako, pag wala akong pamasahe dun din ako kumukuha, alam ko hindi ganun kalaki yung kita nun pero at least para samin malaking tulong na yun sobra. my daughter even gained weight. saka hanggang ngayon binabayaran ko pa rin yun. kasi pina card ko lang yung ref saka nag loan ako ng 25k pandagdag sa construction.

in fairness naman sa mga kapatid ko hindi naman ako yung sole breadwinner. kung tutuusin mas kawawa yung ate ko, kasi siya nagpapaaral sa bunso namin, sakin books lang naman saka shoes and bag yung kaya kong i-share. baon siya sa utang sa credit card, tapos nag guarantor pa siya sa office nila sabay ng awol yung tao kaya yung sweldo niya dun din halos napupunta. pareho kami ng nararamdaman towards our mom eh. at least siya yung asawa niya nasa ibang bansa, napapadalhan siya ng pera kahit papano. yung kuya ko naman hiniwalayan na ng asawa niya tapos kinuha na rin yung 2 anak nila kasi irresponsable, hindi naman maasahan talaga. pag hihingian mo ng share sa bills kesyo laging may nakahandang alibi.

at least man lang sana at the end of the day i have someone whom i can share it with eh, wala it sucks to feel na nobody cares, walang may paki kung kumain na ba ako or kung may natira pang food para sakin, kung sumugod ako sa baha or what, kung mag commute ako at alanganing oras na, nung nanakawan yung tindahan ko wala man lang nangumusta sakin o what. sa office namin puro pretty yung mga officemates ko, todo-porma, ang gaganda ng cellphone. iba-ibang style ng fitflops meron sila, tapos mga hatid sundo ng mga boyfriends nila, pag friday nakakagimik sa mga sosyal na bar. pare-pareho lang naman kami ng sweldo pero bat ako hindi ako ganun, walang sumusundo, walang fitflops, hindi maka gimik, makabili man ako ng damit for me pag uwi ko parang hinayang na hinayang ako sa pera.

killbill

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #7 on: August 05, 2011, 11:05:57 am »
share ko lang, wala lang parang itong song na to best describes kung ano nafefeel ko

"Nobody Knows"
pink

Nobody knows
Nobody knows but me
That I sometimes cry
If I could pretend that I'm asleep
When my tears start to fall
I peek out from behind these walls
I think nobody knows
Nobody knows no

Nobody likes
Nobody likes to lose their inner voice
The one I used to hear before my life
Made a choice
But I think nobody knows
No no
Nobody knows
No

Baby
Oh the secret's safe with me
There's nowhere else in the world that I could ever be
And baby don't it feel like I'm all alone
Who's gonna be there after the last angel has flown
And I've lost my way back home
I think nobody knows no
I said nobody knows
Nobody cares

It's win or lose not how you play the game
And the road to darkness has a way
Of always knowing my name
But I think nobody knows
No no
Nobody knows no no no no

Baby
Oh the secret's safe with me
There's nowhere else in the world that I could ever be
And baby don't it feel like I'm all alone
Who's gonna be there after the last angel has flown
And I've lost my way back home
And oh no no no no
Nobody knows
No no no no no no

Tomorrow I'll be there my friend
I'll wake up and start all over again
When everybody else is gone
No no no

Nobody knows
Nobody knows the rhythem of my heart
The way I do when I'm lying in the dark
And the world is asleep
I think nobody knows
Nobody knows
Nobody knows but me
Me

mommycute46

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #8 on: August 05, 2011, 11:14:12 am »
sa office namin puro pretty yung mga officemates ko, todo-porma, ang gaganda ng cellphone. iba-ibang style ng fitflops meron sila, tapos mga hatid sundo ng mga boyfriends nila, pag friday nakakagimik sa mga sosyal na bar. pare-pareho lang naman kami ng sweldo pero bat ako hindi ako ganun, walang sumusundo, walang fitflops, hindi maka gimik, makabili man ako ng damit for me pag uwi ko parang hinayang na hinayang ako sa pera.

Alam mo sis, pareho tayo ng nararamdaman...btw, I will be having a baby at an early age too although ang pinagkaiba natin tapos na ako saka board passer na rin, kakastart ko lang magwork last year at ang gusto ko mabili lahat ng mga gusto ko, mapasyalan lahat ng gusto ko puntahan na nakikita ko lang sa pictures ng mga friends ko at marami pa ako gusto gawin sana...but here I am, ready to give birth for my baby boy next mo.

Tulad mo, yong mga ka officemate ko rin mahilig sa gimikan, mga out of town, hatid sundo, updated sa mga bagong gadgets while me? ni digicam nga di ko pa mabili eh mas mataas pa nga sahod ko a kanila. Inuuna ko kasi mga needs ng baby ko. Wala naman ako aasahan sa tatay niya dahil hindi stable trabaho, kung nagsweldo man pamasahe niya rin lang papasok yong sweldo niya. Wala rin ako aasahan sa parents ko since malayo ako sa kanila at may pinapaaral ding mga kapatid ko. What makes me going on is my baby. Sabi ko sa sarili ko, di bale, in God's perfect time, mabibili ko rin yang mga gusto ko at mapapasyalan ko rin mga gusto kung puntahan at kasama pa baby ko  :)

Sis hindi ka nag-iisa...Sometimes I feel alone too, although totoo nga na mag-isa ako kasi mag-isa ako nagrerent sa kwarto  ;D (from Cavite kasi partner ko at doon din work niya). Walang nagtatanong kung kumain na ako, kung kumusta trabaho sa office, kung pano nakalusong sa baha ang buntis na katulad ko etcetera. Walang nagmamassage man lang sa paa pag-uwi kaya minsan nagseself pity ako at inaaway ko sa cp partner ko  :).  But I believe I can survive this. Minsan nasa isip lang natin na hindi natin kaya but actually hindi natin narerealize kung gaano tayo katatag.

Sana dagdagan mo pa patience mo sis, kaya mo yan, make your child as an inspiration to move on. 



 

showermist

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #9 on: August 05, 2011, 12:16:48 pm »
1st, taking your own life dahil lang sa problema mo ngayon?  Eto ang isipin mo, that will pass.  At mas madami pang tao ang mas mabigat ang problema kaysa sa iyo. I was once in a situation where we do not know kung saan namin kukunin yung susunod na isasaing namin.  Na yung isang paketeng noodles, uulamin namin sa kanin.  Ni wala kaming mahinging tulong sa lola kong maykaya (kahit papano) You know what, hindi ako nagpatalo sa problema.  Nagsumikap ako.  Sabi ko noon, hindi na ako ulit mag uulam ng noodles.  At alam ko dapat kung ano ang ulam ko sa susunod na meal.  You know what, that was almost ten years ago.  And here I am, kayang kaya ko ng bumili ng Manolo Blahnik out of whim--wait, my justification pala, i fell in love with the shoes hahah. 

Tao ka lang din, kailangan ng pahinga.  Oo.  Pero kung mas malaki ang ambisyon mo para sa kapakanan mo at kapakanan ng anak mo, para sa future mo at future ng anak mo, kulang pa ang 24 oras para kumita ng pera.  Kulang ang pitong araw sa isang linggo. Hayaan mo ang bungangera mong nanay. Huwag kang papaapekto sa mga sinasabi nya. Imbes, pagsikapan mo pang kumita ng mas malaki.  Eto ang isipin mo, pag may pera ka (o mas madaming pera) mas mababawasan yung stress mo.  Mas masaya ka kasi mas makakaya mong  i-provide yung basic needs ng anak mo at ng mga luho nya.  Isipin mo ito, kung mas amdami kang pera, mas malaki maiaabot mo sa nanay mo, mas sasaya siguro sya at mas mababawasan yung pagiging bungangera nya.  Money sure will give you the freedom and security and happiness.

Oo nakakainggit yung mga officemates mo.  You want that lifestyle too?  Improve your finances.  Umpisahan mo sa tindahan mo.  I am sure naman alam mo na siguro kung paano ka pa kikita ng mas malaki.  Kung hinde, start a topic sa entreprenuer thread  ;D For sure, maraming sasagot.  Alam mo ang napatunayan ko--karamihan, yung mga 'flambouyant' na alam mong di naman kalakihan ang sahod, malamang sa hinde, they are using plastic money  heheh.  Mas mabuting nangutang ka para sa business/pagkakakitaan mo, kesa naman umutang ka para pang gimik mo.

Cheer up, girl!

ckay

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #10 on: August 07, 2011, 12:45:22 pm »
Hello, I feel you. I actually felt better when i read your story kasi ako i think nasa depression stage. Don't get me wrong ha, i felt good kasi ikaw surviving sa problem mo eh weighing both i think mas malaki problem mo sakin. So ganun na lang din isipin mo for now. Im pretty sure mas madami malaki problema kesa syo and nakakaya nila so don't give up. I posted my problem din dito and yun reply ng mga sis natin dito baka makatulong syo.

Anyways, I'm a seperated mom. I got married and got pregnant dahil sa kakapilit ng mommy ko. She promised me she will help me since sya ang may gusto nito but now madami na ko problems, halos ako mag isa. Nandito na to so wala ako choice but to face it. Nun una nahihirapan ako kasi umaasa ako sa tulong ng iba like my mom pero minsan pala need natin tanggapin if hindi sila tutulong. If mag offer sila, thank you satin but if hindi wala tayo magagawa kahit nakakatampo. Now, hirap pa rin ako but I'm not losing hope. Iniisip ko na lang lilipas din to kung gagawan ko ng paraan. Kung mahirap at lalo pa hihirap, take it as long as alam mo mag pay off ito in the future.

Same scenario tyo, hirap ako bumukod since separated ako. Iniisip ko safety ng baby ko pag wala ako sa bahay so thinking ko na is alin mas importante safety ba ng baby ko or yun pakisamahan ko yun mga tao dito sa house namin? I know madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero kung tatanggapin mo mas madali mo maoovercome yun sadness.

Sa work naman if undergrad ka, may mga ways na ngayon to get a degree wherein less units na lang itatake mo then ma credit pa pati yun work experience mo. I'm actually reading about it last night since I'm helping someone who is undergrad but currently working to get a degree. Ito daw yun ginawa ni Boy Abunda, research mo na lang since konti pa lang alam ko about it. If makakaya mo then go for it, iba pa din talaga ang may college degree. Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) --research mo yan, sana makatulong syo.

About sa daughter mo, alam ko rin yun sinasabi mo na minsan sa kanya napupunta yun init ng ulo mo. It happened to me once pero after ko maguilty pray ko sana hindi na maulit. Iniisip ko na lang sya na lang nagpapasaya sakin, sya lang yun tao alam ko mahal ako so i will give her the love she deserves. Based on my observation, matatalino na bata ngayon about family set up, daily living etc. If hindi sya nag eexcel academically, matuturuan pa yan. Yun mga educational dvd, madami din sa youtube at free pa. Try mo maghanap then kausapin mo sya, she can watch those pag wala ka then pag may time kyo kahit sandali review na sya with you. Believe madali matuto ang bata sa mga napapanood nila. Dapat lang talaga educational at may click sa kanya para maging interested sya. Kausapin mo din sya para alam nya kung bakit lagi ka wala sa house, i know at some point maiintindihan ng bata yun. Tell her need mag work ni mommy para sa inyo 2 and pag wala sya ginagawa, mag study sya on her own. Watch, read books, colors etc.

Yun mga bago gamit, nakakainggit talaga. Bakit mas okay ang buhay ng iba compared sakin. Sana ako na lang ang may buhay na ganito and so on. Alam mo ako yun isa sa mga ganun years ago. I had all the things that i need and more. Luxuries talaga like expensive watch, bags, shoes, clothes. I can even buy a LV bag in a snap. Now wala na lang lahat yun and nun una ang hirap hirap talaga tanggapin. I came to realize na since i grew up from a well off family, konti problema pa lang, konti hirap pa lang nagrereklamo na ko. Yun akala ko dati malaki problem eh parang wala lang sa iba and always pa ko nasasabihan na maarte lang ako. No one understood until i finally ako sa sarili ko naintindihan ko na nun time na meron ako nun lahat ng yun, was I realy happy? I think hindi. Nagkaron ako ng sense of well being nun nagka baby ako. Dun ko na feel yun true happiness. Kaya nga tayo nag iisip ng future hindi talaga para sa atin kung hindi sa anak natin diba. Yun mga gamit masaya din pag meron tayo pero temporary lang yun. Pag nasira, pag sawa ka na, wala na sya value. Ako minsan iniisip ko siguro mas successful ako ngayon kung lumaki ako hindi masagana yun buhay kasi mas magsisikap ako, mas alam ko value ng pera. Mas hindi siguro ko gumastos ng sobra. True sabi nila experience is the best teacher.

Lastly, learn how to pray. Ako I'm learning pa lang din and totoo nga, nakakatulong sya. Ako nga confuse pa sa religion ko pero nagdadasal pa din ako. Yun ang isa sa mga priority ko, maging strong ang faith kay Lord. Bago ko matulog kinakausap ko sya, sinasabi ko mga gusto ko, thank Him and ask for forgiveness. Yun pa lang ang alam ko way of praying, sana mag improve ako. Baka nga mas strong ka pa sakin religiously. Don't give up, madami kami nagsasabi kaya mo yan!

Goodluck :)

victim

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #11 on: August 09, 2011, 02:26:36 pm »
It'a alright to feel that way at times sis. Just hang on. Pray. Pray. Pray. That is your strongest weapon.

Arnic

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #12 on: August 12, 2011, 06:19:35 pm »
Our pastor in the church always tells us that God will not allow any problem in our lives that we can not bear. Trials are test of faith. You may be praying everyday and it seems there is no answer. God hears all our prayers and it is His own time that He will reveal Himself.

I left home with my daughter with only P500 in my pocket. Due to emotional torture, I came to the point where leaving is the only option. My family provided for our airfare back home. Because I have no job, my family looked for money so we can leave the country and move here in Thailand. With only P4,000 as real money, we arrived here in Thailand. We stayed in my uncle's house. In less than a month, I got a teaching job and earning P33,000 a month.

I did not pray. I BEG the Lord. I surrender everything. He revealed Himself just in time I almost give up.

In a more practical advice, if you are working, perhaps you can find for an additional income. You can do buy and sell. In a call center, there are many prospective clients in the office.

Tell your family your sentiments. The feelings are boiling inside, don't wait for the time you can no longer hold it inside.

justin3

  • Guest
Re: gusto ko nang mag give up
« Reply #13 on: August 27, 2011, 02:52:47 pm »
killbill, you're such a BAD, BAD MAMA!

why think of ending your life and your baby? ha?! why not end your worries by getting rid of your mudra and your siblings instead?
poison your mother and your siblings. papaglamayan natin ng dalawang buwan para makarami sa tong ng sakla, tong-its at pusoy.
yung iba ibenta natin sa medical schools. oh, di ba? wala nang kontrabida sa buhay mo, solve pa financial problems mo?

wag mo lang kalimutan komisyon ko for giving you such advice ha? kung hindi, isusumbong kita. you murderous mama!  ;D

i should have adviced you na magbukod na rin sana, kaso sabi mo impossible eh, magasto.

alam mo sis, wag mo nang pilitin si baby maging matalino. (di ako child psychologist, pero baka malay mo, apektado sya everytime pinapagalitan mo sya. we don't know, baka form of rebelion nya na rin yan na di mag aral, walang concentration sa school, naging pasaway). let her enjoy her childhood. di bale mahina sa school. yung isang pamangkin ko kakahiya, Bobita Peron mula kinder hanggang high school, pero nung college humataw, nasa Dean's List from 1st year hanggang naka graduate, ngayon nag law proper na, samantala yung ate, palaging may honor mula't sapul, pero naka strike 2 na sa nursing board, di pa rin maipasa.

di bale kung bihira kayo mag-usap at magkaroon ka ng time para kay baby pag weekdays, basta make Sundays your Mother-Daughter Days. di bale nang mama-os nanay mo sa kadadakdak. iwan mo ang tindahan nyo. isara mo. di bale walang benta. iwan nyo ni baby ang impyerno... (house pala) pag Sundays. di bale kung pagbalik nyo tuluyan nang naging impyerno... este, nasunog pala. ;D

wag kang OA ha? na kesyo naimpluwensyahan ka nang pagiging bungangera ng mudra mo o na bawl-out ka ng clients o ng teamleader mo as a call-girl... ooooops! CALL CENTER AGENT pala.
wag mong gawing reason yan kaya napagbabalingan mo ng galit si baby ha? sabunutan kita dyan eh. kakapikon ka sis eh. wawa naman baby.
the mere fact na nai-post mo ang problem mo dito, at aware ka sa nagagawa mo kay baby. then, alam mong mali. then STOP it.

at wag ka ngang INGGITERA! kaya di umaasenso ang Pilipinas eh, daming inggitero at inggitera.
di bale mabaon sa utang at di makakain makabili lang ng flat screen TV kasi ang mga kapitbahay meron. pati mga bata may "inggit" na rin sa balat. papabili ng high-end cellphone kasi sya na lang wala sa school. kaya nung na-hold-up at ayaw ibigay ang cp, sinaksak, eh di patay ang bata.
wag kang humangad ng mga gadgets at magsuot ng mga fitflops na yan at mga alahas. sige ka, pag naaksidente ka sa EDSA, paghatid sa yo sa hospital, nakahubad ka na, ika-cannibalize lang ng mga usisero mga gamit mo. yung Guess na pants mo, huhubarin yan pag wala kang malay.
wala kang sundo? wala kang bf? gusto mo ako susundo sa yo? libre ako pag 10pm. ano?
wala rin akong gf... la,la,la,la... my cp # is 0917 8XX YYZZ ;)
kaso wala akong kotse ha? V-Tec lang ang sasakyan ko... V-Tec-leta. ;D

lastly. at 27, mashonda ka na sis ah. nanay ka na rin. sa araw-araw ba na ginawa ni Bathala na kasama mo si nanay bungangera, di ka pa ba na-immune dyan?  di ka na dapat apektado sa mga patutsada nyan eh. sakyan mo na lang ang matanda pag nag litanya. wag mapikon, wag ma-offend. rather, find humor out of it. gusto mo, saugutin mo ng pabalagbag para atakihi sa puso at mangisay... patay!

oist! next post mo dito, kwento mo ang nangyari sa date nyo ni baby ha? wag ka na mag post dito sa thread mo kung wala kang mai-kwento about your date. ipa-close na natin to.

10pm ha? libreng-libre ako nyan. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close