we have a funny experience sa recent trip namin - CDO-Bukidnon-Camiguin.

I hope member din dito sa GT yung silent group na kasama namin.

First stop namin nung Sunday is Bukidnon. We went to Benedictine Monastery Church of Transfiguration sa Malaybalay. Picture-picture then off to Dahilayan. We tried the 3 ziplines. Masyado yata akong adventurous kasi first time kong mag-zipline at yung pinakamahaba pa sa Asia ang sinubukan.

Ok naman ang experience. Feel ko nawala yung spirit ko sa body ko at that time

Nag-ala KC din kami sa ropes course though yung first part lang kami kasi natakot na ako sa pinakamataas. May nakasabay kami 2 girls and 1 guy na magtra-try din sa zipline around 3pm yun. Nauna lang kami sa kanila. Then we went back sa CDO nung gabi. Rest ng konti then hanap ng makakainan sa market. Pagsakay namin sa jeep sa Limketkai around 8pm, we didn't notice na katabi pala namin ulit yung group nila.

Napapangiti din sila kasi napansin din pala kami nila sa Dahilayan nung pagdating nila.
Then Monday, we went off to Camiguin. Nag-overnight kami at around Tuesday morning, nag-check-out na kami sa BBC. Pagdating namin sa Benoni port at kukuha ng ticket, nasa likod pala namin ang group nila.

hehe...coincident? i'm not sure. Pareho pala ng roro yung sasakyan namin.

we stayed sa labas ng roof deck kahit malakas ang ulan at alon para hindi kami mahilo. Pagbaba namin di ko na sila nakita.
After bumaba ng port around 11:30am at bumalik ng CDO, we went to mall, market at Divine Shrine pa. Around 3:30pm, nag-check-in na kami sa airport. Pagkapasok sa boarding area, nag-restroom lang ako, paglabas ko, sila ulit tatlo ang nakatayo sa search at x-ray area ng airport.

tapos na ang pagkikita namin? hindi pa po...

kasi iisa pala yung plane na sasakyan namin!

at lastly, sila pa yung katapat namin sa upuan pagsakay sa plane!

haha...from Bukidnon to CDO to Camiguin at pati going back to Manila! what a coincidence! so kung nababasa nyo po ito...kami po yung 4 na silent na kasama nyo sa inyong recent trip.

Ika nga sa PA system ng plane:
Thank you for flying with us! Until your next trip!
(ooopss, sorry medyo napahaba ang story...) 