watch now

Author Topic: annoyed/irritated to a person  (Read 6168 times)

twinnie

  • Guest
annoyed/irritated to a person
« on: August 03, 2011, 03:33:03 pm »
hi guys...
i don't know kung dahil sa umaandar lang talaga ang pagiging masungit ko minsan. pero lately naiirita ko sa tao na wala namang directly ginagawang masama sa akin.

baka we could use this space to release our angst towards someone kahit hindi naman tayo inaaway...

naiinis lang ako kasi masayado niyang i-brag yung gadgets na naa-acquire nya yung mga skills na kaya nyang gawin. yung places na naka schedule na pupuntahan nya, yung idealism nila ng bf nya, yung excitement nya to wear 2-pc again because she loves water daw and she's good in swimming daw. yung mga naka-inan nyang places (na for me pang karaniwan lang naman)... and marami pa shang ibinibida... sakin ok lang sana e. kaya lang may instances na nakakainis din dahil may gadgets nga sha na nabibili pero katulad lang minasan mapag trip-an namin na magpadeliver ng food tapos iask sha kung magpapasabay sha hindi sha mag join. then pag anjan na yung food manghihingi sha. nung nasa isang van lang kami mag drive thru tapos sha lang hindi bibili then pag nakuha na yung order sasabihin nya "patikim naman" so mahihiya kang hindi alukin di ba.
mahusay daw sha mag lay out ng posters na pwedeng gawin tarp as in forte daw nya yun so inako na nya yung task na yun. tapos the day na ipe present na yung output namin yung tarp ang pinaka pangit as in wrong choice of colors, ang labo ng pictures in short sayang yung perang ginastos sa ginawa nya kasi talagang reject.
she heard sa kwentuhan na i have a friend who lives in puerto princesa. tapos ibinida nya na pupunta raw sila dun ng bf nya baka raw pwede ko sabihin na makiki stay sila dun sa house ng friend ko. "Hello" nung kami kaya nagpunta dun i did not bother my friend for free accomodation at her house tapos sha na ni hindi man lang nya kilala e ipapaki usap ko? Kapal ng face. ::)
tapos bigla niyang ihihirit ng hindi naman pinag uusapan yung isang bagay, like she misses the food she ate daw ina a "so so" restaurant as in sobrang sarap daw. trying hard naman magpaka sosyal nito. e wala namang outstanding dun sa restaurant na yun e in my opinion (even the others in the group did not comment on her statement e.

nakaka inis lang talaga. i don't know how others could get along with her pero ako hirap ko i-plastic yung tao na yun... makikita mo pa nga may bagong damit minsan tapos simpleng pandesal hihingin pa sayo e kakasabi mo lang na hindi ka nakapag breakfast sa house... hindi ako madamot pero "naman!" hindi mo pa inaalok e humihingi na agad. madalas yun! hindi marunong mahiya...
eto pa yung huli hindi man daw sha mapera pero kaya niyang hamunin ng english-an kahit sino... kasi she's cum laude daw in research and communication in the best university here in the phils.
(naku ha kung hindi ka mapera wag ka maging trying hard! na as if techy ka and lagi kang nasa uso)

yun lang ang kwento ko!  >:( hehe... whew! now i feel lighter...  :D ;D
 

twiist

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #1 on: August 05, 2011, 11:34:12 am »
Haha sis sent you a pm :))

sexy_maldita0089

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #2 on: August 05, 2011, 02:17:38 pm »
Hay naku sis twinnie, may ganyan din akong officemate. Take note lalake pa sya, sobrang yabang as in daming  hangin sa katawan. Lage nyang binibida gadgets nya. Ito nakakairita sobra, ang lakas ng boses kapag may kausap sa phone kahit yung tipong personal calls na as if gusto iparinig usapan nila ng kausap nya. And as if naman interested kami. Isa syang Mr. Know-It-All, parang alam lahat at kahit di siya kausap bigla na lang sisingit sa usapan. hehe Nainis talaga ako ang sarap barahin..  >:(

twiist

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #3 on: August 05, 2011, 04:44:26 pm »
HAHAHA ang mga taong ganyan, insecure lang. They feel the need to cover up their inferiorities by hiding behind the latest gadgets or by pretending that they're financially privileged, or by (at naasar talaga ako dito sis Twinnie) flaunting their so-called academic skills. Aanhin naman ang katalinuhan kung masama naman ugali diba? :P

Hayaan niyo lang sila. Eventually makikita nila na isolated na sila sa lahat at wala na silang magagawa kasi kasalanan rin nila. (Although if you feel particularly mean, pwede niyo rin namang loko-lokohin sila >:D haha peace)

showermist

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #4 on: August 06, 2011, 11:08:13 am »
^hahahha ginagawa ko yan sa isa kong kaibigan  ;D

medyo naiinis na rin ako sa isa kong kaibigan na ultimate gaya gaya puto maya.  lahat ng sapatos yata nya ni-post. pati ba naman underwear isa-isang piniktyuran! as in! basta lahat ng gamit nya merong picture sa FB hehe

and she brags too much na hindi naman kayang suportahan. meaning wala ka namang makita from that bragging. ay ewan.  dati dedma lang kami. pero sometimes,  the irritation/inis gets into me (us) kaya nababara bara namin nyahahah

whitelady17

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #5 on: August 06, 2011, 11:22:57 am »
sis, maybe kasi wala talaga siyang special talent, or walang connection sa tao, for the sake of may mai kuwento ayan na binibida niya.

Ako rin may ganyang kinaiinisan parang social climber na hindi maintindihan out of topic na ito pero balahura pa eh. Basta pag nag poop sa c.r. walang paki alam kung may tao pa sa c.r. or wala eh buti sana kung walang smell, napa takbo ako palabas eh, kaya ngayon nagbabantay ako pag wala siya sa table niya, hindi ako mag c.r.

Deadma na lang ako sa ginagawa niya, kapag andoon siya lalayas ako. or binabara na minsan, kaya mo palang bumili ng ganyan bakit sky flakes hindi k pa makabili.

twinnie

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #6 on: August 08, 2011, 08:44:08 am »
^twiist
iba yung description mo sa taong kinaiisan ko e... pero kung ganyan din ang ugali di kaya mag bestfriend sila? nasisira imahe ng UP sa kanila e alma mater ko rin un... tsk! tsk! i agree marami shang insecurity sa buhay kaya siguro mayabang sha ng wala namang iyayabang... >:(

^sexy_maldita0089
naku at meron din me ganyang kakilala superyabang pati sa pag may kausap din sa phone ganyang ganyan... mainam at nagresign na sha. hehe... ano ba yan andami na nila sa mundo!  >:(

^showermist
mabuti pa nga kung nababara... bait-baitan kasi sha at tali talinuhan sha sa supervisors at manager... ewan ko ba ako lang yata ang hindi nya mabulag dito e... hindi ko kasi matanggap asal niya talaga. god knows im trying to like her ilang beses ko na sinusubukan kaya lang bumabanat din kasi sha ng alanganin...
minsan nababara ko pero hindi ko alam ako kasi nagmumukang masama. yung ibang kasamahan kasi namin mukang ok sa kanya kasi kaya niyang lambingin. pero sinubukan nya sakin kasi lumambing dati binara ko lang e pano hiritn ba naman akong pagkatapos na ilibre sha ng mcdo fries

^whitelady17
natawa ko sa shinare mo.... dugyot pa pala ang isang yan...  :-[

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #7 on: August 08, 2011, 09:29:00 am »
Previous boss ko ganyan. Feeling sosyal,tatambay tambay sa Starbucks mag fra frappe tapos, walang pambayad sa parking! Nangungutang para sa pam park! Pag mag papadeliver kami sa labas kasi di kami makakalabas.. kami lahat sa isang lugar papa deliver, siya sa Mcdo mcspaghetti forever more. Ang di ko ma take sa sinabi niya yung isang beses na on shift ako. "Hindi ako nakikipag friends sa poor!" The nerve!! sabi pa niya sa kasama niya. " si ano jollibee planner LOL! AKO, STARBUCKS PLANNER!" sus! a planner is a planner is a planner.Di naman iba ang purpose ng planner ng Jollibee sa planner ng Starbucks.Tapos nung bibili siya ng kotse pina alam sa lahat na Lexus ang bibilhing kotse! Naka bili naman in fairness, pero, di niya na maintain kasi  hirap sa pag papa GAS! malakas ata lumaklak ng gas.Kaya binenta rin. He wasnt able to maintain the " susyal" lifestyle that he has been trying hard to be! Mas nagmumukha tuloy siyang cheapipay kesa sa taong sinasabihan niya ng cheap kasi jollibee ang planner.


may mga ibang girls naman sa ibang dept na lahat na lang ata ng kinain mula agahan hanggang hapunan eh, pinost na!Lahat ng niluto sa boyfriend,sa pamilya, ineksperimentuhan, pati pagkain ng aso.. pinaskil na!OA!Lahat ng gadgets pinagpapapaskil. Nag comment ako once " well, mabuti naman at kumakain ka 3x a day." Hello! para naman sila lang ang nakaka afford.
« Last Edit: August 08, 2011, 09:40:58 am by hazelbrown_eyes27 »

whitelady17

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #8 on: August 08, 2011, 10:51:10 am »
sobrang funny ng mga social climber na ito, tapos lakas pala mang hiram ng pera in the end kasi puro kapos sa budget lol

twinnie

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #9 on: August 08, 2011, 11:01:38 am »
^ whitelady17
korek ka jan! eto at nanghihiram nga ngayon ng pera dahil mag out of town sila ng bf nya at baka magkulang daw yung budget na da2lin nya... the nerve talaga! lakas makainis!  >:(

whitelady17

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #10 on: August 08, 2011, 01:54:05 pm »
^ whitelady17
korek ka jan! eto at nanghihiram nga ngayon ng pera dahil mag out of town sila ng bf nya at baka magkulang daw yung budget na da2lin nya... the nerve talaga! lakas makainis!  >:(

sis, huwag na ninyong pahiramin  ;D ako kasi dito sa office hindi nila malapitan pagdating sa kautangan kasi in the first place hindi ako nanghihiram ng pera dito sa office, once in a while naki ride sa mga cc nila sa mga groupon sites na card lang ang kailangan, pero babayaran ko rin agad ng cash right away para walang problema

tennisgirl

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #11 on: August 08, 2011, 02:14:38 pm »
naku, ganyan din yung college classmate ko. nag-debut pero nakiki-text dun sa isa naming classmate or hinihiram cel ng sister nya. yung dati rin naming neighbor mahilig maghanda pero lagi naman umuutang sa mom ko.  >:(

chicafabulosa

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #12 on: August 08, 2011, 02:26:30 pm »
honestly why bother? di ba pwede na deadma ka na lang. i have been surrounded before with people like those pero never ako nainis. kasi for me more on inggit lang yun pag nainis ako.. di kaya sis naiinggit ka nga sa kanya? just a thought.

kasi kahit anong sabihin nya sayo if deadma ka lang di ka naman dapat affected. but it seems like you are. eh di ba may kasabihan nga, naiinis tayo sa isang tao kasi nakikita natin ang ayaw natin sa sarili natin. and besides kanya-kanyang trip yan eh. eh trip nya maging mahangin eh di hayaan mo na lang. bakit mo kukunsumihin sarili mo sa kanila di ba.

what i did before is I just keep my mouth shut, deadma ako and most of the time, i excuse myself from talking to them. wala akong panahon sa mga kahanginan nila. lalo na alam ko naman sa sarili ko wala sila sa kalahati ng kaya ko at ng financial capabilities ko. eh since dun sila masaya, hinahayaan ko na lang. let karma be your friend. kasi kung di naman totoo pinagsasabi nya eh di makakarma rin yun sa mga kasinungalingan nya di ba. so if i were you, wag mo ubusin energy mo sa kanya.

twinnie

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #13 on: August 08, 2011, 03:44:06 pm »
^chicafabulosa
actually minsan naisip ko na rin yan kung bakit ba ako naiinis sa kanya? pero talagang opposite kasi ng ugali ko at yung mga ayaw ko na ugali ng tao ang meron sha... siguro there are times lang talaga na you need to release it para gumaan pakiramdam mo and i found an outlet here in GT. mainam din kasi may maririnig ka ring stories ng ibang tao para at least maisip mo na marami rin katulad ko na may tinatagong (?) inis sa ibang tao dahil ang ironic di ba walang directly ginagawang masama sayo pero naiinis ka pa rin nya... pero wala namang kainggit inggit sa kanya... yun ang talent! husay nyang mang inis no?!? hehe  :o

qt_ben17

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #14 on: August 09, 2011, 02:20:21 am »
opposite ba talaga o baka you're in denial?  i don't mean to be rude sis ha, but looks like kelangang
kilalanin mo rin muna ang sarili mo, dahil sayo na rin nanggaling na hindi mo alam ang concrete reason ng
pagkainis mo sa kanya..

sabi ni Dr. Camille Garcia (resident psychologist of face to face tv show) na kapag may common traits ang 2 tao, yun ang maguugnay sa kanila.  i remember one episode ng show na galit na galit yung mother sa anak niya.  pinagdidiskitahan daw parati at laging mainit ang dugo, kaya feeling ng anak eh ayaw sa kaniya nito at mas pinapaboran ang kapatid niya. tapos yun nga, inexplain ni Dr Garcia na hindi dapat kainisan ng mother ang anak niya dahil reflection lang ng sarili niya yun.  i believe nagaaply ito
sa iba't ibang social relationships, hindi lang sa parent-child role.

so i have to agree sa sinabi ni chicafabulosa, na kapag ang isang tao eh galit sa kapwa, yan ay dahil reflection ng sarili niya yung mga kapintasan na meron ang kinagagalitan niya.  it  works kasi on the subconscious level of our minds, kaya we may or may not be aware of it.

kaya imbis na magalit ka sis, unawain mo nalng. may kanya kanya tayong attitude that makes us unique diba, learn how to deal with it para maging fully productive ka sa work imbes na lagi kang nagagalit  na bawat kibot niya eh nega sayo.  and most important, lawakan ang pagiisip, wag ma confine sa kung anong alam mo lang. learn something new everyday ika nga. good luck to you sis!
« Last Edit: August 09, 2011, 09:01:23 am by qt_ben17 »

chicafabulosa

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #15 on: August 09, 2011, 04:33:33 am »
^chicafabulosa
actually minsan naisip ko na rin yan kung bakit ba ako naiinis sa kanya? pero talagang opposite kasi ng ugali ko at yung mga ayaw ko na ugali ng tao ang meron sha... siguro there are times lang talaga na you need to release it para gumaan pakiramdam mo and i found an outlet here in GT. mainam din kasi may maririnig ka ring stories ng ibang tao para at least maisip mo na marami rin katulad ko na may tinatagong (?) inis sa ibang tao dahil ang ironic di ba walang directly ginagawang masama sayo pero naiinis ka pa rin nya... pero wala namang kainggit inggit sa kanya... yun ang talent! husay nyang mang inis no?!? hehe  :o

the reason why I said na reflection mo yung trait ng taong kinaiinisan mo coz I have a lot of friends na psychologists, yun ang nakikita namin na logical na reason why ka naiinis sa tao kasi nakikita mo yung trait na ayaw mo sa sarili mo. so I suggest try to ignore this person or much better confront this person and tell that person how you feel. kasi with what you're doin now its more like you're backstabbing her. and i dont think you want that. so to avoid i suggest do something productive na lang
« Last Edit: August 09, 2011, 04:37:21 am by chicafabulosa »

twinnie

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #16 on: August 09, 2011, 10:38:20 am »
^ qt_ben17 and chicafabulosa
hi sisses. yeah thanks, i got your point... pero actually i really don't let her get into my system naman like when i get home hindi ko naman dinadala sa bahay yung irritation ko sa kanya. naiirita lang ako kapag dito sa work ay may banat sha na alanganin. we are exact opposite. but im still productive as a person and my annoyance to her does not prevent me from performing my duties. i hope you get also my point. para lang yang si mariel rodriquez na nakakainis pag nagsalita na sha sa mga interviews nya sa tv..

chicafabulosa

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #17 on: August 09, 2011, 06:34:51 pm »
^ qt_ben17 and chicafabulosa
hi sisses. yeah thanks, i got your point... pero actually i really don't let her get into my system naman like when i get home hindi ko naman dinadala sa bahay yung irritation ko sa kanya. naiirita lang ako kapag dito sa work ay may banat sha na alanganin. we are exact opposite. but im still productive as a person and my annoyance to her does not prevent me from performing my duties. i hope you get also my point. para lang yang si mariel rodriquez na nakakainis pag nagsalita na sha sa mga interviews nya sa tv..

yah we do get your point. but i dont think ranting more about her will do any help. just ignore her.

rics

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #18 on: August 09, 2011, 07:11:42 pm »
maybe its just good to vent out, to hear other people share similar stories.
i've had encounters with people of that same kind, naiinis at naiirita din ako, mostly i dont mind them, pero medyo humihirit din ako ng resbak paminsan minsan  ;D

sweetyashie

  • Guest
Re: annoyed/irritated to a person
« Reply #19 on: August 30, 2012, 02:07:55 pm »
meron din akong 'friend' but now i don't consider her as one anymore, dahil irita lang talga ako sa ginawa niya sakin non, at di ko makalimutan. so everytime na may text sya sakin, "delete" agad..  >:(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close