^ging, dapat talaga todo bantay mga bata. si jing nga ang lakilaki na, itinatawid ko pa sa daan. tsaka inaabangan ko pagdating ng school bus niya. pag andito na sa loob ng bahay, dun lang ako parang nakakahinga ng maluwag. praning din ako e.
nung minsan naman si jade, muntik na akong gawing luka luka. naglalakad siya sa paikot ng table namin sa starbucks, kasama namin mga friends (all girls lang, sila jay at other boys nasa parking lot pa) namin ni jay. sumipsip lang ako sa kape ko e biglang nawala. hindi ko makita. yung tayo ko na yun, punta ako sa labas ng starbucks (open kasi yung shop), hinahanap ko siya, wala! gusto kong sumigaw ng "jade!!!!" pinatayo ko si jing pinahanap ko sa loob loob ng katabing stores dun. tapos nakita ko si jay baka kako kasama niya, ay naku, walang bitbit na bata. nanlamig na ako nun gusto kong umiyak. pagtingin ko sa table namin, nakakandong pala dun sa isang friend namin, katabi ko lang, nagpapapicture ang bruha. ay josko! bala ku sa mate naku kanita. eku na sinabi kang jay, tatawa yun na magagalit sakin. ayoko yung feeling na yun, bwisit! nung gabi na yun gusto ko na talaga umuwi. :-)
ano dinner mo? sopas tapos 1/4cup rice + 1 pandesal? hehe. ayos! ako naman pinaghahandaan ko yung bulalo na lulutin ko, nakabili kasi ako nung may utak. hehe. baka sa thursday night yun ang dinner namin or friday lunch nalang para may pang soup pa sa gabi. hindi pwede ang 1cup rice dun. lalo na pag may toyo/mansi/sili. :-)
^shane, ako kasi hindi talaga tabain. lahi namin, pwera si jing, nagmana kila hubby (tho hindi gaano mataba si jay, yung mil at sils ko, matataba). yung mga kinakain ko, napupunta sa legs ko, yun ang lumalaki. hehe. siguro puno na ang legs ko, kaya umakyat na sa bilbil ang storage ng taba. hehe. yung inlaws ko kapag tumaba, napupuno ang braso, tsaka malaki ang built nila, lalo na sa likod, kaya hirap na papayatin yung mga yun kahit mag diet.
ikaw ba payat ka dati na biglang tumaba? o may lahi din kayo na tabain? yung ex-gf ng bro inlaw ko, medyo mataba dati yun. tapos nag diet, rice and veggies lang ang kinakain, i dont know kung may fish siya, pero pork & beef wala yata. mas napayatan pa ako. talagang naging skinny siya. hehe.
yun naman isang friend ko, talagang mataba siya parang si mil na. hehe. tapos nag diet din, matagal kami hindi nagkita. nung nagkita kami, mas payat pa sa akin. kahit nanganak na siya namaintain pa rin niya. hindi niya ni-share sakin kung ano ginawa niya e. hindi ko rin natanong dahil nahiya ako. :-)
yung nasagasaan na chinese, girl ata yun e. pero yun nga yung pinag uusapan natin. kaya daw pala hindi pinapansin na ganun, may law pala dun na yung nakaaksidente lang ang may karapatan na gumalaw dun. kapag daw kasi may nakialam na ibang tao, baka mapagbintangan siya. kaya parang natural sa kanila na kahit may nangingisay sa kalsada, wapakels sila, iwas abala nga naman.