^kaye, nakakasama talaga ng loob kapag alamong totoo yung sinasabi sayo. bakit hindi nalang niya kasi sang ayunan yung mga sinabi ko. ngayon nakikipagmatigasan siya sakin, edi lalo na ko. alangan namang ako pa magsorry sa kanila.
ganun pa din ayos namin pag matutulog. hindi ko siya sinasabayan kumain. hindi ko ginigising sa umaga. pero nagreready ako ng almusal at baon, iniiwan ko sa lamesa, buti dinadala naman niya. ay nuko, pagpati naman yung mga niluluto ko e hindi niya pinansin OA na OA na siya!
^mommy, ay talaga! dahil sa kakapakialam niya, pati kami ni jay nag aaway. marunong kasi magpaawa epek si mil e. konting drama niya kay f i l at jay, patay na ko nun. isipin niyo yun, pinapalabas akong marok sa ibang tao, sa asawa ko pa. sinisiraan niya ako sa anak niya.
ito namang si jay, first reaction niya kapag gumaganun si mil, maniniwala agad siya sa nanay niya kahit hindi pa siya sigurado na ako nga may kasalanan, magagalit siya sakin. tapos later on, kakausapin ako, at pagsasabihan na kung ano nalang gusto nila, pagbigyan ko muna. parang tinotopak lang e noh. samantalang alam naman niya ugali ng nanay niya. blood is thicker than water, sabi nga.
^ate joyz, aintinjan daka, ali ku mimwa. :-)
pero ganito kasi yun.
si jay kaya niya pinapadiaper na agad si jade, kasi natatakot siya baka maihi sa rug. kahit nung andito pa sa kwarto, pinapadiaper na niya. hindi pa kasi niya nakita na umiihi si jade sa potty chair kaya walang tiwala. (hindi dahil sa baka magsabi sabi si mil. pero yun na din ang nangyari. ang daming sinabi ni mil, nagmamarunong. gusto niya siguro siya mag train kay jade.)
ako naman, sinasanay ko na talaga si jade (ayaw ba niya yun makakamenos sa gastos? konting train lang kailangan). talagang pinanindigan ko na dun ko paiihiin sa potty chair maghapon, pag matutulog nalang idadiaper. kaya nga nung lumabas si jade, isinunod ko pa yung potty chair para dun uupo si jade. e ang sama, pag nasa labas talaga ng kwarto si jade, nalilibang, napakalikot, hindi kamuka dito sa kwarto na naglalaro lang, nakaupo, palakad lakad. so, kasalanan ko nga, dapat sinuotan ko na ng diaper.
pero naman, pwede naman sabihin ng maayos bakit kailangan pa akong sigawan. dun ako nagalit e. isipin mo yung nasa bahay ka nila, tapos sisigawan ka, edi napahiya ka. napahiya talaga ako sa lakas ng boses ni jay na yun. kaya sabi ko kay jay, ni minsan kapag nasa cabanatuan kami, may times din na nag aaway kami dun, pero hindi ko siya sinigaw sigawan dun. hindi ako nagtake advantage dahil nasa bahay namin siya at ako ang may karapatan. hindi ako ganun, siyempre ayaw ko mapahiya siya. madinig akong sinisigawan ko si jay dun samin baka ako pa napagalitan e. kilala ko kasi sila, ayaw nilang may napapahiyang tao. kaya pag andun kami, ang pinaka away na namin, hindi kami nagpapansinan agad, walang salisalita, pwera nalang kung nasa kwarto na kami, nagsasagutan kami ng mahina.