eku mekasilip napun. plakda! umaga palang nagbebake na ako. infairness, natouch ako ng konti. last minute, naisipan ni mil ipagbake ng choco cake si jay. so, naudlot ang special birthday cake sana na gagawin ko. di bale, next time nalang daw yun sabi ni hubby. kaya blueberry cheesecake nalang tuloy ang ginawa ko, pandagdag dessert. tapos cupcakes pambaon at meryenda dito sa house. tapos pansit bihon. :-)
^ate joyz, mommy, ging, kaye, ay tungkol dun sa ginawang eksena ni mil. ang sinasabi kong nagkampihan, as usual, si mil at sil.
ganito kasi yun. saturday morning, may pasok sila jay ng halfday, so kami kami lang dito sa house. e siguro nangati paa ni mil at sil, lumayas sila nung umaga kasama si mr muscle. hindi kumain, dahil wala akong nadinig na nagluluto sa kitchen, paniguradong kakain sa ikea yun.
nung nadinig ko silang lumabas ng pinto, tsaka lang ako lumabas ng kwarto. breakfast kami sandwich ng mga bata. tapos lunch, nagluto ako ng sinigang na baboy para saming 4 lang dahil nasa galaan pa naman sila. nagsaing din ako ng konti kasi yung sinaing ni sil nung gabi na pagkadamidami, panis na. hinayaan ko lang sa rice cooker.
nakaluto na ako at nakasaing, hinihintay nalang namin si jay, biglang dumating sila mil kasama si f i l, tapos yung mag asawang burara. nagsikain sila, nagluto sila ng ulam nila. ang sama, yung sinaing ko para samin ang kinain nila. edi nagsaing nalang ako ulit ng para samin ni jay. pinauna ko ng pinakain si jing at sinabihan kong hugasan pinagkainan.
pagkatapos nilang kumain, nanganak nanaman yung iniwan nilang dumi sa lababo, nung gabi pa yun. tapos nadinig ko si mil, sabi kay sil, "ika nang manos pinggan ne", "wa", sabi naman ning metung a tamad.
dumating si jay, kumain kaming dalawa, hinugasan ko pinagkainan namin, andun pa rin yung isang tambak na kalat nila. peburen kemu.
hapon nung lumabas ulit si mil, andun pa rin yung mga kalat. wala siyang nagawa kundi siya na rin ang naghugas nun. si sil na tamad, tulog. dabog to the max nanaman siya. keber.
aba! nung kinagabihan na, lumabas ako sa sala kumuha ako ng tubig, biglang tayo si mil sa sofa at sabi, "tumun ku pin sagli" (datidati ako pinagsasaing nun, "anak ikaw na magsaing ha" sasabihin sakin). may pahabol pa, sabi kay sil na halatang nagpaparinig, "sali katang rice cooker ta ne". nung pumasok ako sa kitchen, kasabisabi ba naman sakin:
mil: joyce, manibat ngeni, emu na kami paki kalkula keng sasaing mu ne. yung para sa inyo nalang ang isaing mo, gusto ata ng mga bata fresh na kanin. bang e masisira deng nasi. magsaing na kami mu ng para kekami.
ako: sige po
nakita ko sil nakataas pamo ang kilay. kaya lalo kung mebusit.
pagpasok ko sa kwarto, sinabi ko kagad kay jay:
ako: akala ata nung mommy mo e nagseselan ako. (sinabi ko yung sinabi sakin). alanganan namang ipakain ko sa inyo yung panis na sinaing nila. (kung tutuusin, sila din naman hindi kinain yung sinaing nila, naamoy siguro na panis, ewan kung ano ginawa nila sa kanin na yun).
jay: hayaan mo na, magsaing ka nalang ng para satin, dun sa maliit. (ha? ganun lang reaction niya?)
ako: wala nanamang nakita yung dalawa na yan kundi ako. plato natin bibili na din ba ako?
jay: may sinabi ba silang ganun?!
ako: parang hindi mo naman kilala nanay mo!
ayun lumabas ng kwarto. hindi ko alam kung ano sinabi o tinanong sa nanay niya. hindi ko nga siya pinansin simula nun.
tapos mayamaya, kumatok si mil sa kwarto:
mil: mangan tana. ena kayu man mimimwa, ala naku man rugung marok a sinabi. magsaing na kayu mu ng para kekayu banta bayung lutu deng kanan yu. aku rugu buri ku sinangag ya marakal ku lulutu, tsaka pakikalkula ku kayu rugu. (sabay alis, may kausap ba siya? hindi sumagot si jay sa sinabi niya, ako naman nakatalikod sa kanila)
ay rugo! napaka thoughtful naman ng taong ito. pekikalkula na kami rugu. tse! sinong niloko niya? e hindi nga nila pinansin yung isang rice cooker na kanin, pinagpyestahan nilang kainin yung bagong luto na kanin kahit konti lang yun.
sunod na kumatok si f i l. "mangan tana". (ala pa rin kikimut.)
bumalik si mil, "nananu ko pa? manaya i dady yu" (ano ba? guilty ba? paimpress? kunwari concern?)
inaaya ako kumain ni jay, "edi kumain ka!" sabi ko nga. lumabas siya, kumain. ako hindi ako kumain. nawalan ako ng gana. buti nalang marami akong kinain nung lunch. natulog nalang ako, hindi ko sila pinagpapansin.
nung umaga ganun pa din, hindi ko sila pinapansin. hanggang maghapon. pinansin ko lang sila kahapon, kasi nagpeprepare ako ng handa ni jay. sumaup ya kanu i mil, sabi ku, konti lang naman kaya ako nalang. tapos nung nagsasaing ako e, sabi ba naman ni mil, "pakidagdagan mo nga anak, konti lang. bisa kung mangan rice". sabi naman ni jay, "wa sige ma". hindi kasi pumasok si jay kahapon, kaya nakabantay sakin. pasweet ang nanay niya!
yun lang naman.
^hi jam! hahaba ang backread mo sa kwento ko. :-)