mag e explain muna ako kung bakit nanaman ako na-absent.
5am gumising na ako, pinagluto ko ng baon at breakfast si hubby.
630am humiga ako ulit. dahil long day ako, may bisita si jing, solo flight nanaman ako sa kusina.
8am pinilit kong tumayo pero duling pa ako, tulog ulit.
9am tumayo na talaga ko dahil oras na. nag almusal, pinagluto yung 2girls. at nag grocery na ako agad agad sa almaya. iniwan ko na yung makukulit dito dahil natatagal ako pag kasama sila dun.
11 am luto na ang spagetti sauce at pasta.
12nn nagluto na ako ng fried chicken dahil gutom na si f i l. naglunch na din ako niyan.
1pm dumating na unang bisita. gumawa muna ako ng leche flan.
2pm dumating na yung 2 pang bisita kaya nagprito nanaman ako ng fried chicken.
3pm si hubby naman ang dumating, may tira pa, yun nalang kinain niya. nagbake na ako ng choco cupcake. at marshmallow frosting.
4pm sinalang ko naman yung baka, pinalambot ko na dahil yun daw dinner, lulutuin ni sil pagdating niya. naglaba na din ako sa washing machine.
5pm naligo ako pagtapos mapahinga ng konti. tapos nagsampay ng labada.
aba! 7pm na wala pa yung magluluto ng dinner. nakpating! kaya ako din nagluto.
hay! akala ko sa kusina na ako matutulog. yung mga bisita ni jing, pinag disposable ko nalang nung dinner. hindi ko na kaya maghugas ng pinggan. simula kaninang umaga, walang naiiwan na kalat sa kusina, lahat pagkagamit ko hugas agad. ayoko ng tambak. :-)
i deserve a friday mall talaga bukas. :-)
^mommy, ang binubully ni jade ngayon si mr muscle. pamwisit din kasi yun e, kaya pag nakikita siya ni jade inuunahan na siya. hehe.
isa pa pala, parang nagkaphobia si jade sa bata ngayon. kasi ilang beses na, sa mga laruan sa mall, yung ibang bata tinutulak siya o kaya ayaw magshare. naku gigil na gigil ako, napapa english tuloy ako. kaya sabi ko, pag tinulak ka itulak mo din.hehe. pagnakakita ng bata ngayon, titingin sakin, sabi sakin, "tulak ko mommy?". hehe. sabi ko naman, "ay, no!" pag tinulak ka lang tsaka mo siya itulak." hihi.
^lyn, kanyaman na nyan! dinan! :-) tiltil baguk neh. naglalaway tuloy ako.