watch now

Author Topic: Cord Coil...  (Read 48803 times)

FayeP

  • Guest
Cord Coil...
« on: July 30, 2011, 04:23:46 pm »
Hi Sisses,

question po..un po bang cord coil pede malaman ng maaga? o pag manganganak ka na dun lang malalaman un???

how can I prevent this from happening? kasi di po ba pag na-cord coil, i-CS ka na ng doc?

first time mom po ako at I have no idea kun pano to...

Thanks much..


=)

kyrie26

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #1 on: July 30, 2011, 04:32:50 pm »
i dont think you can prevent this sis- kasi actions na ni baby and movement nya inside the womb magdedecide nun. kaya maski last minute eh pwede sya mangyare. kung kunware eh mangulit si baby sa umbilical cord nya at nagikot ikot, may chance talaga na mawrap around his/her neck. so magmamadali talaga si ob na ilabas si baby by then to avoid mishaps.

meron nagkakaron ng cordcoil in the midst of normal delivery, tapos if maaayos ni ob, gagawin nya. itutuloy pa din yung delivery. pero pag feeling nya eh di na maaayos yung pagkakacordcoil in time, CS talaga yun.

FayeP

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #2 on: July 30, 2011, 04:44:28 pm »
ay hehe ganun ba? kasi sa OCt pa naman un due ko, eh sobrang likot ng baby ngaun sa loob..

un isang officemate ko kasi na CS cya dahil nag cord coil nga daw...

sana wag naman mangyari un

rapids

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #3 on: July 30, 2011, 06:30:40 pm »
sis in my case, cord coil ang reason kaya ako na CS sa 2nd baby ko.I had my 3d/4dultrasound nung ika 7 month ko di pa nakapwesto nun si baby kaya hindi namin alam na cord coil pala si baby, naglabor pa ako, kaso hindi na nagprogress ang labor ko yun pala cord coil kaya hindi bumababa si baby.

According to my OB during the 8th month pumupwesto si baby, kaya magpapaikot-ikot pa ang baby mo.

FayeP

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #4 on: July 30, 2011, 07:08:18 pm »
naku sis sobrang likot pa man din nito as in!

gaya ngaun, galaw ng galaw ngaun moment na to, minsan nga parang nasisipa na nya un laman-loob ko eh

sana pumwesto cya ng maayos

pray pray na lang

-;-maCooLet-;-

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #5 on: July 31, 2011, 11:37:43 pm »
Worried din ako dito, nakita kasi sa 3d/4d yung cord nakapulupot, pero loose pa naman daw, pwede pa maayos ni baby. Sana alisin niya...

grumpybear

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #6 on: August 01, 2011, 01:05:19 am »
http://midwifethinking.com/2010/07/29/nuchal-cords/ - is quite informative and not fear-inducing at all

ronalene

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #7 on: August 01, 2011, 05:20:49 am »
when i was pregnant eh super akong natatakot dito sa cord coil ok lang maCS ka basta safe si baby hindi yung namatay si baby dahil sa cord coil yun ang talagang nakakatakot. nung 31 weeks ako i was admitted due to low normal amniotic fluid of 5.5cm ang normal is 5cm kung di naagapan malamang nacord coil si baby.

so drink a lot of water during your 3rd trimester and pray lang lagi kausapin din si baby na iwasang laruin ang umbilical cord niya. it helps talaga :)

retiredpartygirl00

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #8 on: August 04, 2011, 12:00:57 pm »
i had my u/s at 30weeks nakapwesto na si baby that time and maayos yung cord nya, i thought ok na lahat at magNSD. gave birth  @ 36wks. via CS due to pre-eclampsia severe and cord coil. inantay pa nung OB na magnormal [textspeak!] bp ko then had labor for 3hrs. kaya lang nacord coil na si baby, kaya nagdecide sila na iCS na ko. kasi daw yung inassist niya before eh namatay yung baby due to cord coil, natakot yung mom ko kaya pumayag siya na iCS na ako agad, thank God baby was ok and very healthy.

just pray sis and surely everything's gonna be okay.. enjoy mo din yung pregnancy mo..

michi247

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #9 on: August 04, 2011, 01:11:50 pm »
ako sis, nagpa u/s pa ko before manganak. ayaw kasi ko iadmit sa hospital kasi 1cm pa lang ako. tinanong ako ng OB ko kung gusto ko na ba manganak, sabi ko oo kasi worried ako kasi nung nagwiwi ako may blood na lumabas. so sabi ng OB ko mapa u/s daw muna ko para makita kung ok na talaga ilabas si baby so nagpainduced na ko after u/s (9 days before ng due date ko.)

di naman nakita sa u/s na cord coil ang baby ko, pero normal delivery pa rin ko. feeling ko depende din sa OB kung kaya niya ilabas yung baby kahit cord coil pa siya.

retiredpartygirl00

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #10 on: August 04, 2011, 07:19:30 pm »
^ in my case kasi sis almost an hour na bumaba yung heartbeat ni baby, nagzero pa ng ilang sandali so no choice talaga kaya CS.. 4mos. na siya at katabi ko siya maglaptop.. ;)

SnowBall

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #11 on: August 05, 2011, 09:52:39 am »
Madami naman kaming pinapaanak noong nurse ako OR/DR, na nakapulupot ang cord sa leeg, pero
healthy naman yung babies =)

May times din na hindi naman nakapulupot ang cord, pero hindi nag survive yung babies.

Tama yung article mga mommies, kung mahahawakan ninyo ang umbilical cord ni baby, para siyang
isang matigas na lubid, pero madulas. Mahirap siyang pindutin.

Nung sa panganay ko, hindi ko pa alam yan, kaya medyo praning din ako kakaisip at kakausap kay baby
na huwag niyang ipulupot ang cord niya sa leeg niya.

Ako talaga ang paniniwala ko, may cord coil o wala, ang tanging makakapag save lang sa babies natin
eh prayer, si God ang tanging nagbigay buhay sa babies natin, and si God lang din ang makakapag save sa kanila
sa anumang kapahamakan, nasa loob man ng womb natin o nasa labas na =)

this_is_me

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #12 on: August 08, 2011, 01:56:54 pm »
i think nalalaman nalang ito pag nandun ka na mismo at nanganganak na.

gelticyado

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #13 on: August 08, 2011, 02:06:49 pm »
@ sis Snowball tama ka prayers lang ang kailangan naten to save the baby...malaking tulong din daw pag lagi kinakausap si baby :)

pompz

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #14 on: August 08, 2011, 02:18:24 pm »
nung last pregnancy ko eto lang yan kinatakutan ko sa sobrang likot ni baby, tapos nagkwento pa si hubby na kaofficemate nya yung misis need daw alisin si baby kasi patay na dahil umikot na ang cord sa baby. ...

keep on telling your baby na wag masyadong malikot baka umikot [textspeak!] pusod etc etc. and syempre laging mag pray kay God :)

gelticyado

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #15 on: August 08, 2011, 03:39:40 pm »
@ sis pompz nakakasad naman un :( sabi din ng ob ko iwasan daw ang paghimas sa tummy kasi nakakapagattract daw un ng contractions which is iniiwasan...mga sis just keep on praying and be healthy and safe always :)

SnowBall

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #16 on: August 08, 2011, 04:52:50 pm »
Mga sis, makakatulong to ease your fears by reading the article above, IMO. :)

pompz

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #17 on: August 09, 2011, 08:11:02 am »
yup sis always pray to God. :) wag kayo din mag isip ng negative baka ma stress si baby. enjoy your preganancy , always talk to your baby like I did, ngayon very obedient si baby pati paglabas nya. God Bless you mga mommies.

FayeP

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #18 on: August 12, 2011, 06:42:35 pm »
sna nga mga sis na pag nanganak tayo eh maayos naman...

ayoko kasi ma CS dahil sa cord coil at parang hirap din un baby talaga sa loob pag ganun di ba

glamorosa_09

  • Guest
Re: Cord Coil...
« Reply #19 on: August 13, 2011, 05:10:31 pm »
single cord coiled yung baby ko nung nanganak ako. Pero nagawa ko naman syang ilabas ng normal. Yun nga lang mga almost 20 minutes akong umiire. Kaya pala ang tagal nyang lumabas eh cord coil pala. Nahirapan talaga ako nun umire... nainip ako nun sobra...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close