watch now

Author Topic: Coron [Thread 8]  (Read 106734 times)

rocky

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #520 on: March 12, 2012, 07:07:09 pm »
@tsarisa_mey

Ummm...mahal ba food sa Coron? 2 lang rin kase kame and basing sa breakdown mo parang mahal ang food. or marami lang kayo inorder? hehe
ang mahal sis, usually nasa 100 yong breakfast then 150-200 yong lunch/dinner sa mga carinderia/resto. :-\

sweet_vanilla

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #521 on: March 12, 2012, 07:57:20 pm »
Kumusta kaya ang weather sa Coron? Sana maaraw na & calm ang dagat. Excited na kami ni hubby. :)

hakunamatata

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #522 on: March 12, 2012, 08:55:11 pm »
what activities sa coron can you recommend para po sa honeymooners?

sublime1

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #523 on: March 12, 2012, 09:19:19 pm »
Sis chin66ay and cristyles, thank you sa info. :) sana may available pa sa shirlbay or sa pierhouse. :) Hm. if sa mga tours kaya? Given na 30 persons kami, mas ok din na magpabook na kami ng tours?

chin66ay

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #524 on: March 12, 2012, 11:25:01 pm »
^sis madiday and ^cristyles you think mas mura sa coron galeri kaysa mag DIY?  San kayo nagstay? Hows the food na included sa package?

Sino nakatry ng rudys place?

tsarisa_mey

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #525 on: March 13, 2012, 12:34:06 am »
Quote
@tsarisa_mey

Ummm...mahal ba food sa Coron? 2 lang rin kase kame and basing sa breakdown mo parang mahal ang food. or marami lang kayo inorder? hehe

sis huit, yung breakfast kasi namin c/o islands view inn, 150/meal. tapos sa lunch/dinner naman namin, usually dalawang order ng food + shakes so medyo napapamahal.

hakunamatata

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #526 on: March 13, 2012, 09:09:26 am »
^chin66ay compare ko lang yung kanilang packages sa corongaleri Tour B-1 650, Tour B-2 750 = P1400 two days tour, sa D.I.Y coron island loop tour costs P1800 one day nga lang. nakausap ko si corongaleri tinanong ko kung possible combine yung B1 & B2 in one day ang sagot niya sa akin masyado daw madami sa isang araw if pagsasamahin, parang ang gusto nila ma-experience at appreciate ng husto yung mga places.

cristyles

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #527 on: March 13, 2012, 09:31:00 am »
Yup sis mukhang sasakit katawan natin pag Tour B1 at Tour B-2 sa iisang araw lang. Kasi sa unang araw ko sa Tour B-1 sumasakit lower extremities ko sa sobrang enjoy ko sa pag langoy  ;D . Puro langoy kasi sa Tour B-1. Nung lunch time lang ata kami hindi masyadong gumalaw dahil nag stop over kami sa isang island to eat lunch :P .

Naku! sis pag pupunta kayo ng Coron, dapat talaga protected ka sa sun by using sunblocks. Kahit na nag sunblock ako, ay pag uwi ko eh naging tan skintone na ako  ;D .

Pag pupunta kau sa malcapuya medyo malayo ng unti, i think parang almost one hour ang papunta ng Malcapuya.

hakunamatata

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #528 on: March 13, 2012, 09:52:47 am »
^cristyles pinagiisipan nga din namin na mag malcapuya island nalang beach bum lang ang dating. ayaw kasi ng kasama ko ng maraming activities...honeymoon kasi ^_^ hehe

cristyles

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #529 on: March 13, 2012, 10:34:44 am »
Sis sa Malcapuya island relax talaga dun, pansin ko dumami yung pagkain namin sa Tour-C sa corongaleri like maraming crabs and fish. Then pwede rin kayo mag diving and fish feeding sa Malcapuya island at meron rin nag mamassage doon :). Kung mag fish feeding kayo dapat may dala kayong tinapay para lumapit yung mga fish.

Sa malcapuya Island meron doong cute na asong dachshund. Nung una akala ko disabled siya dahil gumagapang sa sand, yun pala trick niya yun. Gulat ako tumayo siya haha ;D . Then pwede rin kayo sis bumili ng buko doon fresh from the tree. If i'm not mistaken that was around 30php :)

cristyles

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #530 on: March 13, 2012, 10:55:13 am »
Sis hakunamatata - Medyo nakakapagod rin umakyat sa Mt.Tapyas. Nanginig legs namin ng Bf ko nung umakyat kami dun, kaya pla advisable pumunta ng Maquinit Hot spring para marelax muscles ninyo sa pag akyat. Yun nga lang sis nakakapagod talaga siya, rewarding pag nakita mo yung magandang view ng Coron :) . May nagbebenta doon ng tubig, mas okat umakyat doon pag hapon na like 4pm or 4:30p para hindi masakit sa balat.

Naalala ko sa Maquinit Hotsping walang shower sa CR nila. Kaya literal na may mga sumakit ang ulo dahil nag stay sila ng matagal sa hotspring at nag buhos na lang sila ng running water sa head nila para mabawasan [textspeak!] body temperature.

Enjoy sis sa honeymoon ^_^

hakunamatata

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #531 on: March 13, 2012, 11:09:23 am »
^cristyles thank you sa advice na excite tuloy ako sa coron. naku crabs deadly pa naman kami sa crabs at mukhang ma eenjoy namin ang malcapuya island. parang ang hirap iwanan hehe. masarap ba sis ang food ng corongaleri?

hakunamatata

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #532 on: March 13, 2012, 11:18:17 am »
^cristyles sis nagpunta ba kayo kay Ate Lita Escardes sa cashew producer? ba ang pier from coron town?

cristyles

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #533 on: March 13, 2012, 11:25:43 am »
sis yung binigay na food namin sa Tour B-1 ay parang lechon kawali na nasa ibabaw ng rice (individual yung rice top with lechon kawali) with matching fresh seaweed na may kamatis, sibuyas :D, 2 inihaw na fish and banana na pang himagas.

Sa Tour-C naman sis ay magseserve sila mamang boatman/tourguide ng maraming crabs, dalawang fish, seaweed salad at 1.5L coke. Kami ni BF nagcocontest na paramihan ng kinain na crabs dahil medyo pricey dito sa Manila ang crabs  :P .

Dalawa yung nag assist sa amin sis sa tour, yung isa lang naalala ko na name dahil may kapangalan siyang kakilala ko. Ang name ay kuya Juniel then yung isa hindi ko na maalala  :D . Sila ang tour guide namin for two days.

cristyles

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #534 on: March 13, 2012, 11:32:48 am »
^cristyles sis nagpunta ba kayo kay Ate Lita Escardes sa cashew producer? ba ang pier from coron town?

Sis hindi na kami pumunta doon dahil medyo mahal yung cashew kaya di na kami bumili ni BF. Napagastos kasi kami sa foodtrips namin dun sa Coron. Isa rin atang specialty ng Coron is danggit. Sis sa coron walang public beach dun sa city. Yung beaches talaga ay sasakay ka pa sa boat on tours :) .

madiday

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #535 on: March 13, 2012, 01:27:34 pm »
sis advice ko lang kung sa coron galeri ka kukuha ng tour alisin mo sa day 1 yung cyc beach palitan mo nalang ng siete pecados.. pero kung mag dive kayo ok lang may dive spot kase dun sa may cyc beach.. sa day 2 naman alisin mo na yung calachuchi reef palitan mo nalang ng iba magsusuggest naman sila ng pwede ipalit :) dont miss sunset beach! ang ganda nun sa picture saka sarap magswimming para ka lang nasa pool :)

re. hotel naman.. before kase sa CVL kami, ok yung atmosphere kase para ka lang nasa bahay, may wifi, sarap ng food, pwede paluto saka affordable yung food and drinks mas ok pa kesa dun sa merong bilyaran nakalimutan ko yung name ng place.. yung sikat sa pizza saka kinilaw, di ko naman naappreciate pareho. hehe. nawindang lang ako sa CVL kase nung nakita ko yung receipt from 2 yrs ago, 850 lang yung room tapos ngayon 1850 na.. kalurky! kaya sa islands view inn kmi magstay mas bago pa. pero punta parin kami CVL para kumain :)

hakunamatata

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #536 on: March 13, 2012, 01:58:39 pm »
^cristyles nakita ko lang yung cashew harvest sa kris tv...na enganyo ako kay kris at dahil cashew adik ako isinama ko siya sa pupuntahan. ilang days kayo dun sis? at saan kayo ng stay?

cristyles

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #537 on: March 13, 2012, 02:11:19 pm »
Sis hakunamatata, mga 4D/3N kami sa Coron. Ay nakita ko yung commercial ng Kris TV pero di ko napanuod. Pero nakwento rin sa akin ni BF na na feature sa Kris TV ang Coron :) . Na miss ko tuloy ang Coron.

Bitin pa rin ang 4D/3N doon sis,i think next time babalik kami ulit dun para ma-experience ang diving sa shipwreck :) . Sis may shoe and snorkeling rent rin sa corongaleri.

 Sa shirlbay Pension kami nag stay sis. Nagpa-reserve kami sa shirlbay pension dun mismo sa 2nd floor room na over viewing ang coron mountains.

Yung nakilala namin sa swiss at Israeli tourist na kasabay namin sa Corongaleri tour ay nag stay in sa Busuanga Seadive resort. Maybe kasi mura talaga like 800php. Nililibot rin kasi nila ang buong Pinas in just one vacation.

hakunamatata

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #538 on: March 13, 2012, 02:40:54 pm »
^magkano rental ng shoe sis? grabe nalibot na in one vacation lang. astig naman yun, mantalang tayong mga pinoy ilang vacation na ang dumaan hindi pa natin hehe.

huit

  • Guest
Re: Coron [Thread 8]
« Reply #539 on: March 13, 2012, 02:48:11 pm »
sis huit, yung breakfast kasi namin c/o islands view inn, 150/meal. tapos sa lunch/dinner naman namin, usually dalawang order ng food + shakes so medyo napapamahal.

Ah okay, san pinaka okay food sa Coron? Yung nilagay mo na mga resto balak din namin puntahan kase.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close