dahil sa feel ko aging na ang skin ko and i badly need sunblock na for my face and body, i got interested sa product line na to. kaya i bought:
hair heroes intense argan oil conditioner
here comes the sunblock
happy white ever after massage and bath treatment oil
snoe s skin stem cell spf30 sunblock cream
magic apple whitening s-rub
kakatry ko pa lang sa lahat ng items na ito (isang beses and ito ang masasabi ko)
hair heroes intense argan oil conditioner - creamy, mabango and malambot sa hair..regarding sa claim ng iba na nakakastraight ng hair, siguro if rebonded ka and medyo nagkakakorte na ang hair mo, magsstraight siguro, or if hindi ka talaga super wavy/buhaghag hair...pero sakin less frizz and medyo flat ang hair (medyo iwas buhaghag sa hair) and mukhang healthy ang hair. mas ok ang conditioner na to compared sa lush na gamit ko (american cream and veganese, even retread) kaya baka magstick na ko dito (mas mura kasi to). observe ko lang kung magpimple ako sa bandang forehead. i used this with lush karma komba solid shampoo kasa siguro hindi super flat ng effect saken
here comes the sunblock - ang hirap iapply, and totoong instant white (medyo hindi ok sakin ang dating nito) kasi parang nilagyan mo ng pulbos yung mga braso mo na liquid tas pag naparub ka kasi papantayin mo, magbubuo buo sya. pero hindi sya greasy and ok naman ang scent para sakin (medyo subjective kasi pag scent na ang usapan)..malamang sa ubusin ko na lang tong bottle then hanap ako ibang sunblock
stem cell spf30 sunblock cream - may tint sya and medyo mahirap iblend sa face. pero hindi sya greasy..again para syang thick cream na may kulay kaya paglagay mo at nagdry sa face mo ng hindi mo nablend ng maayos, goodluck na lang sa pagrub rub LOL..after ilang minutes ng application at medyo pinawisan ang face ko, feel ko humulas ako pero normal lang siguro kasi tanghali ako nagapply and wala na kong ibang nilagay sa face ko sya lang. hindi naman ako nangati or kung ano man, pero di ko pa masabi kung nakakapimple or whatev.
magic apple whitening s-rub - mabango sya (amoy apple talaga) and inapply ko to on dry skin (knees). again rub rub ko sya hanggang sa parang magbuo buo sya at matanggal sa skin (ganun daw ito gamitin, parang naglilibag ka

). hindi ok gamitin pag umaga kasi parang may naiiwan na white marks, di ko pa rin masabi kung nakakawhiten kasi once ko pa lang natry pero sana promising naman.
happy white ever after massage oil - amoy rose water sya and hindi super oily ang dating. hindi malagkit at mabilis maabsorb ng skin. siguro ok to kung maliligo ka (hot bath) sa gabi.
