watch now

Author Topic: ALL ABOUT BINYAG IV  (Read 247407 times)

Proud mommy and wifey

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #220 on: October 22, 2011, 09:20:28 pm »
Hi there, newbie here..:) I'm a first time mom. And Im planning to have my son's christening on Nov.26. and til now wala pa Ko nasisimulan. So far these are my plans:

Church: St. Michael here in Taguig. - does anyone from you na try na po magpabinyag  dito? [textspeak!] po mga requirements?
Reception: armed forces of the phils.events hall
Caterer: center table catering - I've heard a lot of good feedback. But have no idea of their packages.sent an email na perp no response p din.

Please help naman mga sissies..( feeling Ko I'm running out of time na.

kathon

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #221 on: October 22, 2011, 09:24:36 pm »
Sis, better kung ifinalize mo na mga yan.. Tapos if you want to have souvenirs, magcheck ka na din kung anong mga gusto mo.. If you want na may theme, pag isipan mo na.. :) yung invitations din baka makalimutan mo.. Alamin mo kung ilan ang mga guests mo.. :)

Proud mommy and wifey

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #222 on: October 23, 2011, 11:27:25 am »
Sis Thanks ha!:) super ngarag Lang tlaga ko kasi I'm a working mom then my hubby is based in abroad so wala talaga idea how to start.buti nlang nagregister ako and its helping me a lot. Nagback read ako and buti ok ang feedback sa center table.Kai I want them aside from nice ang food, ok sila sa theme ba gusto Ko [textspeak!] bears and blocks.limited budget Lang kasi. Ok na ba ang 50k for 80 pax?:(

mae_s

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #223 on: October 24, 2011, 02:38:53 am »
Mga sis, my baby is baptized na yesterday, Oct. 23. Successful naman ang outcome..hehe. Thanks sa mga tips and reviews ng mga sis natin dito. Great help talaga. All of my guests and relatives natuwa sa baptism ni baby. :) I'll post my supplier ratings, stories, and pics soon. Rest muna. Kapagod din pala mag asikaso..haha. :D

pompz

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #224 on: October 24, 2011, 12:56:34 pm »
congrats sis mae_s - parang sira gt ang lalaki ng font sa reviews , lapit na ko Nov. 19 na, papatapusin ko muna ang undas before ako pasyal divilandia kasi naman madami akong kasabay dahil sa bilihan ng candle, about sa balak ko giveaways rosary at hand sanitizer lang naman, [textspeak!] una ko plan na papagawa rosary bracelet baka humanap na lang ako ng yari na medyo maganda naman, magagahol na ko talaga sa oras,...

kathon

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #225 on: October 24, 2011, 02:07:41 pm »
Proud mommy and wifey:
Sis, ok na 50k for 80pax.. Kami nga 55k for 120pax eh! :)

Proud mommy and wifey

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #226 on: October 24, 2011, 09:47:16 pm »
Sis kathon, buti ka pa..cater ka din ba? Kasi un rates ng center table medyo higher sa normal rates nila sa venue namen..sa Phil army officers club kasi. Ang pinaka mababa nila ngayon 420 pesos. Sa food palang ubos na budget Ko..hehe.. Parang di Ko na afford mag pa photo..:(

kathon

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #227 on: October 25, 2011, 04:23:12 pm »
Sis, sa maxs kami nagcelebrate. May package naman sila dun. Madami silang set menu, yung kinuha namin menu 5, consists of lechon kawali, maxs fried chix, lumiang ubod, fish fillet with tausi, buko pandan, nachos with dip.. Sa kanila na balloons, centerpiece, may giveaways din silang cookies, binigay ko sa mga kids since may tumbler akong ginawa for guests. Yung guestbook naman, nagpagawa na lang ako tapos pinaikot ko sa lahat ng tables.
Napagod na lang ako sa pag entertain ng guests at paghawak kay baby, hindi na sa pag asikaso ng event.. :) yung photobooth nakatulong to entertain ibang bagets na guests. :) for pics naman, hindi na kami kumuha ng professional photog since madami naman may cam sa amin, inipon ko na lang mga kuha nila then save ko sa laptop para i have a copy din. :)

ystine_07

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #228 on: October 25, 2011, 05:31:22 pm »
mga sis,

nakapag ocular na kami ni hubby sa st. therese ... ok namann sya free parking pa. [textspeak!] multi-purpose hall naman eh ok [textspeak!] din. high ceiling sya at overlooking... I think it could accomodate 100-120 pax.. mura na din un for 2K ...  ang hindi ko lang nagustuhan eh:
1. hindi pwede advance reservation
2. masyadong malaki [textspeak!] place for 50 pax
3. [textspeak!] entrance door medyo creepy [textspeak!] dating for me..
plus:
umiyak agad si baby pagpasok namin sa hall :(
bad sign db?

hay... here i go again looking for a venue. nauna pa ko magbook ng caterer ...

kathon

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #229 on: October 25, 2011, 05:52:19 pm »
Ok lang yan sis, hanap ka na lang ng iba pa.. :)

mae_s

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #230 on: October 26, 2011, 06:50:01 pm »
congrats sis mae_s - parang sira gt ang lalaki ng font sa reviews , lapit na ko Nov. 19 na, papatapusin ko muna ang undas before ako pasyal divilandia kasi naman madami akong kasabay dahil sa bilihan ng candle, about sa balak ko giveaways rosary at hand sanitizer lang naman, [textspeak!] una ko plan na papagawa rosary bracelet baka humanap na lang ako ng yari na medyo maganda naman, magagahol na ko talaga sa oras,...

Sis pompz, thanks! :) Lapit na rin yung sayo..goodluck sis! :)

Mga sis, here are my supplier reviews and ratings na. :)

1. Church - St. Alphonsus Mary de Ligouri Parish (Magallanes Church)

Requirements: photocopy of birth cert ni baby, parish permit, and photocopy of marriage contract (if applicable)
Contact person: Ms. Kathy 852-2750
Fee: P2000 special baptism and unlimited sponsors
Rating: 4/5

I gave them 4 lang kasi may konting glitches eh. Una, si father parang nagmamadali, kasi tuloy tuloy yung salita nya. Walang pause pause. Haha. Though memorize nya yung baptismal rites and kwela si father. :D Sabi tuloy ng mga godparents may lakad daw ba si father? Hihi. Second, medyo nanginginig yung kamay ni father kaya nung binuhusan ng holy water si baby sa ulo, nalagyan sa mata si baby, ayan tuloy umiyak bigla. :( Pero i would recommend this church pa din kasi ang ganda daw ng ambiance sabi ng guests ko and very private. :)

2. Venue - Residences at Greenbelt (requires sponsorship)

Fee: P6000 4hours use of function hall + 1hour free; P1200/hour additional hour
Rating: 5/5

Here I paid P8400 all in all kasi I need 2 hours more pa para sa pagseset up ng caterer ko. But it's all worth it! Super nice kasi ng place. :) The comfort rooms are clean, di nauubusan ng tissue. Hehe. Malakas yung aircon and may guard on duty na laging paikot ikot sa place, kaya everytime may kailangan kami, andyan si kuya guard para maghelp. :) Ganda din ng view sa labas ng function hall kaya ang dami naming photo ops sa labas. :)

3. Food - Centertable 

Contact person: Rina 824-5179
Theme: Bear and baby blocks
Fee: Lunch and dinner buffet starts at 350 to 475/head + 12% vat
additional P5000 for the photo corner/ stage
Menu:
Appetizer - Crispy shrimp fritters with vinegar and garlic dip
Main course - Roast beef with beans, carrots, and marble potatoes in rosemary butter
- Boneless chicken barbecue
- Parmesan crusted baked cream dory
- Pasta Carbonara
- Steamed rice
- Soft pan rolls
Dessert - cream puff
Drinks - bottomless fruit juice
Rating: 4/5

Service is good. Mababait and very prompt yung mga waiters. Yung head waiter pinagtabi pa kami ni hubby ng food kasi malapit na daw maubos yung ibang viands. Di kasi kami makakain kaka entertain sa mga guests.
Yung food is really masarap. I like yung roast beef and cream dory. And yung cream puff nila super sarap din! :) Yung mga guests ko nagpabalik balik sa buffet table kasi nasarapan talaga sila. :)
Yung set up, napa wow talaga yung guests ko. Akala tuloy nila sobrang mahal nung binyag ni baby. Ang sosyal daw ng mga decors! Haha! Kaya lang ang diko lang nagustuhan is bakit sa mismong event place pa sila magpipintura nung mga blocks?? Ang akala ko kasi yung mga decors is ok na, as in iseset up na lang sa venue. Pero nung nag drop by kami ni hubby para ihatid dun yung souvenirs, guestsheets, and our 2 helpers, nakita ko na nagpapaint pa si kuya nung mga blocks.  :o eh mga 1:30 pm na yun. 2 pm binyag ni baby tapos 3pm yung reception. Nagworry tuloy ako na baka pagdating namin with the guests after ng binyag, nagsesetup pa rin sila. Sinabihan ko na lang yung helpers namin na sabihin sa mga nagsesetup pakibilisan ng konti kasi 3pm nga yung reception. 3PM came, and true, di pa nga sila halos tapos magsetup sa place. Pati nga yung 2 helpers namin tumulong na sa kanila sa pagkabit ng balloons, letters, etc. Hay naloka ako dun mga sis! Buti yung ibang guests ko natagalan sa paghanap ng parking sa greenbelt. And yung ibang maaga, pinag wait ko na lang muna outside ng function hall. Buti maganda yung view sa Residences, nagpicture picture na lang muna sila. :) Siguro mga sis kung di na sila nagpaint ng blocks sa venue, kung lahat ready na at isesetup na lang, baka di sila natagalan. 

4. Cake - Box of sweets

Contact person: Punky Porca http://boxofsweets.multiply.com/
Fee: 3500 (cake, 30pcs. cupcakes (with packaging), and delivery fee)
Rating: 5/5

Ito ang pinaka love ko sa lahat ng suppliers ko! :) Punky is super nice kasi. And the cake pati cupcakes nya is yummy. Ang ganda pa ng designs. :) Nag inquire ako kay Punky last 2010 pa, as in preggy pa lang ako. Nagbook ako sa kanya 2011 na, pero yung rate na binigay nya sakin is yung rates nya nung 2010. Hehe. Nag increase kasi sya pero minimal lang naman. Nagulat lang ako kasi akala ko yung 2011 rates na ang ibibigay nya sakin since 2011 ako nagbook sa kanya. Kaya satisfied talaga ko kay Punky. Even my friends, natuwa sa cake and cupcakes ni baby. :) Will definitely get her again  for my next events! :)

5. Photographer - Sophia Photography

Contact person: Win
Fee: P4000 (2 photographer, 4 hours coverage, unlimited shots in dvd)
Rating: 5/5

Yung rating ko is for their service muna ha, kasi wala pa yung photos eh. 7 days pa daw after ng event sabi ni Win. Anyway, I got JC and Zaldy. Super bait nilang dalawa! Picture lang sila ng picture, ayaw paawat. Hehe. Kahit pinapakain ko na, picture pa din. And my brother na nagphophotography class ngayon says na ang gaganda daw ng gadgets nila. So hopefully maganda nga yung mga shots. :) Ang aga din nila sa church. 1 pm pa lang nandun na sila. :)

6. Souvenirs - Clayland Gift Shop (personalized memo/picture holder)

Contact person: Ms. Lanie
Fee: P90/each + P7/each box packaging + shipping fee
Rating: 4/5

Ms. Lanie is easy to transact with. Sa facebook ko lang sya nakita, ang cute ng mga designs nya kaya i gave it a try. Im not giving her perfect rating though, kasi pagdating sakin nung souvenirs, yung ibang nameplate tanggal tanggal. I have to put mighty bond pa para makabit. Yung isang baby souvenir tanggal yung pacifier. :( Siguro dahil na rin sa pagship. Thank god kasi walang nabasag. Ako na rin nag ayos ng ribbon sa packaging kasi di ko like yung pag ribbon nila. Hehe.

7. Candles - DIY

Ribbons lang and candle bought at SM Makati

8. Guestsheets - DIY

I bought hard paper lang sa NBS then print sa house. :)

9. Baptism outfit - Rustans (around P1000/set)
Baptism shoes - Rustans (P400)
Reception outfit - Mothercare and Big & Small Co. (around P2000)
Mommy's outfit - Forever21 dress and cardigan from SM Dept. store
Daddy's outfit - F&H Poloshirt and Lacoste pants

There you go mga sis! I hope makatulong sa mga nag peprepare pa lang ng binyag ng mga babies nila.:)

For the pics, ito muna galing sa cam ng guests and my bro's cam. :) Thanks mga sis!

 http://www.facebook.com/#!/media/set/?set=a.2246754486737.2111403.1184421615&type=3






Proud mommy and wifey

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #231 on: October 27, 2011, 01:48:06 pm »
hi sis mae! :) ang gnda nman ng binyag ni baby mo. center table din kinuha ko and bears nad blocks theme din. ask ko lang, nung ngupgrade ka ba ng photo corner sa center table [textspeak!] kna kumuha ng stylist sa venue? liek additional baloons, [textspeak!] set up sa entrance and then sa cake na baloon arc? :) thanks sis.

pompz

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #232 on: October 27, 2011, 05:10:33 pm »
ay di ko maview dito pa ko sa office :) naku iniisip ko gagahulin na ko talaga, pag uwi ko silipin ko pix mo sis :)

mae_s

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #233 on: October 27, 2011, 05:20:28 pm »
hi sis mae! :) ang gnda nman ng binyag ni baby mo. center table din kinuha ko and bears nad blocks theme din. ask ko lang, nung ngupgrade ka ba ng photo corner sa center table [textspeak!] kna kumuha ng stylist sa venue? liek additional baloons, [textspeak!] set up sa entrance and then sa cake na baloon arc? :) thanks sis.

thank you sis! :) di na ko kumuha ng venue stylist sis, wala na rin additional balloons. Kasi yung venue itself maganda na. May light effect yung ceiling, eh sabi ni hubby kung lalagyan ng swags, ceiling balloons, etc. baka magmukang crowded na daw and matatakpan yung ceiling na maganda. hehe. tip lang sis, sabihin mo na sa AE mo sa Centertable na kung pwede all set na yung kukuning mong props, like yung mga blocks. kasi nung ako, dun pa sila nagpaint sa venue. Diko na inask AE ko after ng event kung ganun ba talaga sila sa lahat ng event nila, pero diba mas maganda yata if ok na lahat ng props pagdating nila sa venue, tapos isesetup na lang. Kung baga lagay dito, lagay doon na lang. goodluck sis! :)

mae_s

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #234 on: October 27, 2011, 05:40:30 pm »
ay di ko maview dito pa ko sa office :) naku iniisip ko gagahulin na ko talaga, pag uwi ko silipin ko pix mo sis :)

sis pompz, kaya yan. wag masyado ma stress. hehe. :)

proud mommy and wifey: sis, di na rin ako kumuha ng balloons for cake arch tsaka entrance arch, kasi yung decors naman ng centertable is maganda. yung venue ko di nagmukang bare. in a way nakatipid na rin. :) siguro dahil tamang tama lang din sa number ng guests ko yung size ng venue. pero if sobrang laki ng venue mo, baka you will need to add more balloons nga to spice up the venue a little bit pa. :)

ana mimi

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #235 on: October 27, 2011, 05:55:49 pm »
cute naman ng binyag mo sis. sa may st. alphonsus din ang church na kinuha ko sa binyag ni baby.

sa shakey's ang reception ni baby, medyo naiinis lang ako kase naman strict sila when it comes sa mga suppliers nila. ayun. di ko maipilit yung mga suppliers na gusto ko

mae_s

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #236 on: October 27, 2011, 06:35:56 pm »
sis ana mimi, thank you! :) maganda sa st. alphonsus sis. though si father parang nagmamadali. hehe. pero mabait naman sya and sya pa nagiinstruct samin ni hubby kung san kami ppwesto para daw kita face namin sa camera. haha! funny talaga si father! anyway, sang shakeys yun sis? sa paseo de magallanes? baka you can make lambing na lang sa manager para payagan yung ibang supplier na gusto mo sis. :) goodluck, lapit na rin yung sayo. :) ako start na mag plan for 1st bday party naman ni baby. haha! walang katapusan ang gastos!

Proud mommy and wifey

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #237 on: October 27, 2011, 07:00:51 pm »
thanks sis mae.. sorry maraming tanong ha..  ;) sis, [textspeak!] food ba nila hindi nagkulang? ilan ang guests mo? may number ka ba nung gumawa ng cake? I tried to pm her in multiply pero wala ako reply pa e. gusto ko kasi ng ok pero super budgeted lang, e since maganda yung review mo sa kanya, i want to give it a try also. :) thanks sis! :)

ana mimi

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #238 on: October 27, 2011, 07:06:31 pm »
you're welcome sis. i hope i could make lambing nga sa kanila. sa may paseo magallanes na shakeys kunin  namin. sana maging OK kundi lipat kami sa may makati cinema square

mae_s

  • Guest
Re: ALL ABOUT BINYAG IV
« Reply #239 on: November 04, 2011, 02:44:06 pm »
thanks sis mae.. sorry maraming tanong ha..  ;) sis, [textspeak!] food ba nila hindi nagkulang? ilan ang guests mo? may number ka ba nung gumawa ng cake? I tried to pm her in multiply pero wala ako reply pa e. gusto ko kasi ng ok pero super budgeted lang, e since maganda yung review mo sa kanya, i want to give it a try also. :) thanks sis! :)

sis, for 50 pax pinareserve ko. di naman nagkulang. may na take home pa kami. :) nauna lang naubos yung chicken barbecue kasi super sarap daw sabi ng guests ko. sige pm ko sayo number ni Punky. :)

btw, mga sis here na yung official photos ng baptism ni baby from sophiaphotography.

http://www.facebook.com/media/set/?set=a.2283197437788.2112484.1184421615&type=3

 

Latest Stories

Load More Stories
Close