re suppliers and deadlines, korak ka jan sis karmie... syempre depende sa urgency. lalo na kami, ewan ko ba naman pero parang kasama kami dun sa mga laging nirrush, mapabox man or missalette. ang sa akin naman, kung kaya naman, why not. parang last year, merong mga nagbook sa akin may pa lang pero dec yung wedding tapos nung sumali kami sa fair nung august, may mga nagbook na tamang 3 weeks na lang. eh hindi pa naman final si dec, so inuna ko na si 3 weeks. tapos may mga pahabol pa... windang nun nagsabay sabay sila. eto pa, may nagpagawa sa amin ng missalette, 5 days to go na lang wedding na nya. kamusta naman diba, walang tulugan kami ni h2b. sabi namin hindi na kami uulit nang ganun, kung hindi lang talaga matindi ang pangangailangan :p
re naiwang wallet, ewan ko ba... parang lately ang dami kong nakakalimutan. patay na yata yung mga brain neurons ko madalas pa yung magiinarte ng legs ko (may restless leg syndrome po kasi ako). hindi naman ako nasstress, pero sabi ng kaoffice mate ko parang mommy ko sa opis, nasstress daw ako, hindi ko lang pinapansin pero nararamdaman daw ng katawan ko. hindi naman ako naaaning or what. chill lang naman ako.. oh well... at least, nabalikan ko yung wallet ko. ang bait nga nung nakasakay ko sa fx kanina, binibigyan ako ng pamasahe. hindi ko na kinuha kasi malapit lang naman yung bahay namin.
sis lenie, thanks sa info. hindi ko lang alam kung ano sa amin.

re your monogram, depende kasi kung paano nyo sya gagamitin. bet ko yung may parang watermark sa likod, pero konting lighten up pa, kasi hindi sya masyadong pansin.
sis seren personally, i appreciate it when my clients give me feedback. syempre, para rin alam ko kung ano yung mga areas for improvement. nahihiya lang ako sa client and i feel bad pag may not-so-good feedback kasi hindi ko na mapapalitan yung product nya, pero i take note of it para i can improve our future projects. just like in my recent projects, sa mga watchbox, may client akong nagsabi na the slots are small for his watches. dun ko naisip na may mga uber laking face ng watch na pala ngayon. so nilakihan ko na ng konti yung slots tapos pinadagdagan ko na yung height ng cover. i would prefer that my clients will let me know first kung sakaling may negative feedback, kesa naman yung malalaman ko pa sa iba na may booboo na pala ako. pero kung maliit na bagay lang, okay lang, penguin lang po.

re kay waley na mananahi, hayaan mo muna sya. baka hindi pa nagsisink in sa kanya. like what i said, he may not be aware of these feedback because no one told him about. so siguro (but am not saying na tama sya) he though it was okay. just leave him a message itext ka nya when he reads the note. i would agree with sis lenie, hanap ka na ng alternative mo, just in case things get out of hand.