HAPPY SUNDAY MGA GIRLS!!!
sunday na, busyness pa rin ako! kakatapos lang ng pre-cana namin kanina.. well part 1 pa lang, kasi meron pa next week...

haha bibo kid na naman kami ni RJ..
updates: - nakapagbook na kami ng hotel.. weeee!!!
- next week na lang daw ang full payment namin sa church at venue...
- sa venue namin ginawa yung pre-cana seminar kanina, at mas naapreciate ko siya, kasi malamig ang aircon (hindi maiinitan ang bisita) at medyo maluwag naman pala..

- naipasa na rin namin ang wedding banns namin.. yes!!! tapos na lahat ng docs!
- hindi kami naka-order ng cake walang masyadong pics sa catalog nung store na pinuntahan namin.. mag-eemail na lang ako ng design na gusto ko..

- yey! pwedeng ibahin yung bridal march, basta instrumental lang.. keri na sa akin yun wag lang ave maria..

- kakatapos ko lang gumawa ng lay-out ng venue, at naemail ko na sa caterer
- bumili ng boards para sa thank you cards at tags ng invites at table numbers...
- gagawa si h2b ng map papuntang hotel para sa suppliers na pupunta duon...
- mag-eemail ako sa mga suppliers, regarding requirements ng church esp sa p/v
SPEAKING OF WHICH, MAY SPECIAL MENTION ANG BA STUDIO sa seminar kanina, malapit na raw silang ma-ban sa Malate dahil sa tigas ng ulo nga mga photographers nila...

panay daw kasi kuha ng pics, kahit consecration of bread and wine.. eh yung lang naman daw request ng pari, habang gospel, consecration at communion, wag kuhaan..
hay in fairness ang dami kong nagawa!!! 34 days na lang!!! woot woot!