watch now

Author Topic: 2011 BRIDES XVIII  (Read 76290 times)

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #260 on: August 03, 2011, 10:17:41 am »
magandang maulang Wednesday mga kapatid! back to work na, wala na masyadong ulan...

best wishes to sis prunella and congrats kay sis ida (happy boitdey na rin  ;D )... kayo na ang sexy at kering mga tube :)

sorry sis seren for your loss. dear, dont forget to disinfect your place ha, lalo na kung meron pang ibang dogs.

hindi ako pumasok kahapon dahil alam kong msstranded ako sa p tuason. true enough, nakita ko sa news na grabe daw ang traffic sa edsa p tuason. ganun din, either sa baha pala ng 18th-15th ave ako mattrap o dahil sa traffic kasi hindi makalabas ng edsa yung mga sasakyan sa p tuason. either way, hindi rin kami gagalaw. so sa bahay lang ako. nihelp ko na lang si h2b gumawa ng props para sa gallery project namin, na sa isang linggo na. kamusta naman diba, we only have one week para matapos ang props, at hindi pa kami nakakabalik sa divi. tapos, habang nagpapatuyo ng mache, yung mga pillows naman ang pinaginitan ko. naka 2 bucket din ako noh... icclose na lang, and their ready to go na. sana talaga pwede ko na lang silang dalin dito sa opis.

salamat po pala sa mga bumisita sa blog namin and checked our STD's. yung last po yung gagamitin namin. sabi ni h2b ipapaprint na namin sila siguro by friday (wala pang pera pang print, sa friday pa sweldo eh)  :P

yun lang po.

lenierose928

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #261 on: August 03, 2011, 10:23:44 am »
mga sis pwede pasali dito? nakakatuwa kasi kayo, parang super close  :)

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #262 on: August 03, 2011, 10:26:21 am »
welcome sis lenie!

haberday sis ima! ;D

lenierose928

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #263 on: August 03, 2011, 10:33:08 am »
Mga sis okay lang ba kung ang gagawin ko sa entou ko eh ako nalang bibili ng tela tapos sila na magpapatahi? Kapos na kasi kami sa budget, tapos medyo mahirap pa silang madala sa iisang modista since magkakalayo sila. Papakita ko nalang design, tapos sila na bahala for some additional accent. Okay na kaya ang 3yards ng fabric para sa isang cocktail gown? I need your POV mga sisses. thanks!

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #264 on: August 03, 2011, 10:34:40 am »
welcome lenie!

^ ganyan din ginawa ko sis..  sa sukat ng tela, depende sa size ng abay mo.. sa akin, cocktail dress, yung skirt alone is 1 1/2 - 2 yards na, semi balloon, bias cut... tapos yung top nila, depende rin sa style at laki nila, mga 1/2-1 yard siguro...

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #265 on: August 03, 2011, 10:42:53 am »
happy birthday ida! :D

welcome lenierose!

di na ko masyado nakabackread, dami ginagawa sa office hehe.

@carmi congrats sa pagfinalize ng menu! nagutom ako LOL
@serendipity aww wawa naman si puppy :( naalala ko yung 10 promises to my dog.

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #266 on: August 03, 2011, 10:46:53 am »
Hi sis lenie.. tahimik dun sa atin eh :)

personally, i think okay lang yun. sa panahon ngayon, keri lang yun. parang mas maganda pa nga yung ganun kasi sila na ang bahala mag check ng design or ipersonalise yung design.

lenierose928

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #267 on: August 03, 2011, 11:03:34 am »
sis carmi: maliliit lang mga abay ko pero medyo mga chuby, hehe... satin lang ba binili mu sis?

sis gogreen: thanks sis!

sis mafia: oo nga eh, mas maaappreciate nila kung sila ang magpepersonalize ng designs. ang hirap kasi nilang pagsamasamahin sa isang lugar tapos magkakaiba pa ng mga gusto. haizzz, mga pasaway na abay hehe...

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #268 on: August 03, 2011, 11:09:40 am »
yes, satin po sa akin.. iba-iba klase yun eh, yung star satin, mas ok.. pero 70/ yard yata yun..

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #269 on: August 03, 2011, 11:10:14 am »
korak... ako nga ang plan ko, bigay ko na lang yung swatches sa kanila tapos sabihin ko sa kanila pumunta ng landmark or ng kashieca, cabrelli or karimadon at dun na mamili ng damit nila. sendan ko na lang sila ng pegs para may basis sila ng design. walang maarti... :p

lenierose928

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #270 on: August 03, 2011, 11:13:18 am »
sis carmi - anung klaseng satin un sau sis? may ibang tela ka pa ba na binili aside sa satin?

sis mafia - wow ang swerte mu naman sa mga abay mu. nagcheck na din ako sa landmark, medyo pricey sis eh mga 2000-2500.

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #271 on: August 03, 2011, 11:19:55 am »
mga sis question lang..pag bumibili ba kayo ng tela, isang klase lang? kasi parang nung bumili ang mom ko at tita ko, andami pa binili e...parang magkakaibang klase?  :o

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #272 on: August 03, 2011, 11:29:10 am »
sis 4g, depende sa mga gowns na gagawin yung tela. kung iba-ibang tela ang plan nyo gamitin, okay lang. pero usually, sa conventional ento, pare-pareho yung tela. sa case namin, di ko feel na pare-pareho sila.

sis lenie, hindi ko pa alam kung maswerte nga ako sa kanila, kasi most of them hindi ko pa nasasabihan. pero since kilala ko na sila (at kilala rin nila ako) umayos sila ng malupit.  ;D karamihan din ng abay ko yung madaling tawagan na, hindi ko na pinilit yung madalang ko macontact. one example yung friend ko na nasa CDO. eh lumipat sya dun eh. originally kasama sya sa ento, pero since lumipat sila sa CDO, ligwak ang lola mo... windangan din kasi for the both of us. hindi rin naman ako choosey sa damit nila, besides sila naman ang magsusuot nun eh, damit din nila yun. option lang naman nila yung bumili sa mall. pwede pa rin naman silang sumabay kay rei, basta magsabi lang maaga.

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #273 on: August 03, 2011, 11:34:47 am »
^ korek ka dyan sis.. depende sa style ng gown, at gusto mong bagsak.. yung satin kasi medyo matigas at makinang.. so kung hindi mo type go for matte na geena + chiffon combi... yung shantung din kasi medyo shiny...

lenie: di ko sure anong klase yung satin ko, pero sabi ni ate fe, mas okay daw ang star satin, yung gamit niya sa entou ni rio...

4G: depende kasi sis, pero lahat ng damit, sinasamahan ng geena, pang lining kasi yun.. para hindi naman kita yung mga tahi tahio masyado kahit nakabaligtad yung damit, saka pag pinawisan, hindi didikit sa balat yung fabric ng damit.. sa flower girls, usually may organza, wala lang, arte lang yun.. haha pampalaki ng skirt.. :) ganon kasi sa akin eh..

lenierose928

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #274 on: August 03, 2011, 12:19:09 pm »
iba ka talaga sis mafia! i like you na! LOL.  ;D

@ sis carmi - thanks sis, very big help. decision making na kung what ba talaga plano ko para sa mga abay ko.  ;D

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #275 on: August 03, 2011, 12:37:35 pm »
@ sis lenie -- you can go to fabric warehouse in megamall or here in libis, iassist ka nila pag naghahanap ka ng tela.. pwede naman manghingi ng swatches, hinge ka for your reference.

sana matuloy na 1st fitting ko this sat. 

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #276 on: August 03, 2011, 01:04:53 pm »
^ sis, magkano yung range ng tela sa fabric warehouse? hindi yung mga satins ha. may mga nakita kasi ako from their window na magagandang tela (though hindi ko pa nahahawakan, so hindi ko sure kung pwede) na parang sa kanila ko lang nakikita. pwedeng manghingi ng swatch sa kanila?

lenierose928

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #277 on: August 03, 2011, 01:09:11 pm »
sis seren, hindi ba mas mahal sa fabric warehouse sis?

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #278 on: August 03, 2011, 01:23:54 pm »
@ sis mafia -- oo sis. pwede hawakan at pwede manghingi ng swatch, mababait naman sila eh. inaassist pa nila ako na kung anong bagay na tela, kung matigas, kung kelangan ng lining, etc, etc. (dito ko sa may libis nanghihingi,malapit kasi sa work ko)

@ sis lenie -- hinde ko alam ang price nila eh, pumunta lang ako dun to ask for swatches tapos then yun ang ibinigay ko sa mananahi at sinabing dun ko yun nakuha sa fabric warehouse dito sa libis

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVIII
« Reply #279 on: August 03, 2011, 01:39:13 pm »
thanks mga sis! baka nga pang lining yung mga binili haha..bahala na sila tita at mama ko dun sila mas may alam nun  ;D. fitting na ng ento this august, sana ok na tutal naman sila pumili ng style nila :)

question ulit:
san ba nakakabili ng ribbons? kasi yung ribbon na ilalagay ko sa invites namin di ako makakita. puro per yard nakikita ko. brr yung ento page na lang at ribbons ang kulang ng invites namin e :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close