mawin mga peeps! friday na mga kapatid! akalain mo i survived another sa office. honestly, nabuburyot na ako kasi ayaw nilang magbaba ng project. malapit ko nang kutusan yung isa dito na nagmamaasim na parang gatekeeper... sya na ang magaling, at akuin lahat ng trabaho.

anyway, good side of it, GT galore, at browse-browse lang. nakatapos ako ng isang board para sa cousin ko, at natuwa naman ako kahit sa ppt lang (eh yun lang ang program sa pc ko eh, alangan naman sa word... oh photoshop, nasan ka...) gawa ako ulet ng isa pa para sa isa pang tone, tapos sana may makita ako pa akong pegs para dun isa pang shade. langya, ang hirap pala maghanap ng pegs nang hindi alam ang gusto nila. hindi ko naman masyadong kilala yung b2b ni cuz (last year lang sila naging sila, pero high school classmates sila). para namang aning tong pinsan ko kasi hindi rin daw nya alam kung anong mood gusto nila. ehy ayaw ko naman masyadong mangialam sa kanila - alam lang natin ang pakiramdam ng maraming nangingialam... so kung anong sabihin nya, yun ang hinahanap ko. sa ngayon p/v pa lang pinapahanap nya sa akin, ewan ko kung meron na syang ibang suppliers, pero feeling ko iniisa-isa nya... good luck talaga sa kanila.
btw, iba ba yung canonical interview sa pre-cana? si b2b nya kasi 1 month na lang before the wedding makakauwi from the US, so lahat ng papers nila malalakad lang within that month. sabi ko nga sa kanya, tignan na nya yung mga docs for possible errors, nang maayos na habang maaga.
update:
- ayos na pangalan ni h2b... corrected by na entry nya sa birth cert nya, ipapasa na lang sa NSO, pero sa registry ng Makati, solved na. kahapon nasa makati city hall sila nila tatay. akala nga namin may aberya pa kasi sa NBI ni h2b female yung gender nya (eto yung kinuha nya sa galleria two weeks ago ha) tapos iba yung name ni nanay sa birth cert (dapat kasi maiden name yun, hanggang middle initial lang, yung last name nya, married name na). eh sabi nung kakilala ni tatay sa munisipyo, okay lang daw yun, may basis naman dun sa birth cert nila ate. ibig sabihin, pwede nang kumuha ng CENOMAR... ngayon daw dadalin ni tatay yung birth cert sa parish, para naman sa baptismal. hayz... one down

- may mga std studies na kami. actually last week pa, tapos gumawa kami ulet kagabi. post ko later sa blog yung mga naunang compre.

nagagalit na yung monster sa chan ko... breakfast muna mga kafatid... :p