share ko lang yung prenup shoot namin with OM

Grabe nakakapagod pala magshoot for pre-nup! Ang hirap pa umulan, buti na lang
go pa rin ang photog namin (Osep & Mimi) at dahil di kami sanay ni h2b magpose
pose buti at matyaga sila magsuggest ng poses kaya sunod na lang kami ng sunod LOL.
And buti na lang kahit late notice na, nakakuha pa ako ng HMUA (Ten Franco)
hindi kasi available ang HMUA ko today, kaya late na last night nung nakausap ko
si Ten. Nakakatuwa lang dahil talagang alaga naman with Ten and pati minsan
nag-aassist pa sya sa photographer para hawakan ang extra camera pag nagkukuha
ng mahirap na angle sila Osep hehe.
Bad note:Sobrang disappointed kami sa UP Bonsai Garden!

Kasi nung tumawag kami last week,
sabi may charge daw for photoshoot na 1k for the whole day. Tapos biglang
pagdating namin dun, for 1hour lang pala yun, 500php per hour sa excess. Siguro
di sila masyado nagkaintindihan ni h2b, pero kahit na sobrang mahal pa rin!
Tapos may extra pa na bayad yung kuryente (electric fan lang and ilaw ng makeup,
500php ang siningil samen! Grabe talaga!! Buti na lang I called Pan de Amerikana
sa Katipunan after an hour ng shoot, and ayun dun na lang namin tinuloy. At
least dun di kami basa sa ulan, free ang photoshoot pero syempre kumain na rin
kami dun na ok lang din kasi affordable naman ang food nila.
Excited na ko makita yung shots
