watch now

Author Topic: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)  (Read 88880 times)

twelve5

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #80 on: August 24, 2012, 08:08:50 am »
^ sis, kami DIY nalang. Dachshund mix. Im more concerned kasi sa stress nya pag ibang tao nag-gu-groom. And tama ka, mahal nga lumalabas kasi low maintenance ang short coat. Tapos di rin madumi doggie ko kasi indoor pet.

Yung pag trim lang ng nails talaga pinapagawa namin kasi kami mismo takot mag trim. Hehe. Sa VIP namin pinapagawa every vets visit nya.

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #81 on: August 24, 2012, 02:33:41 pm »
^naguiguilty kasi ako minsan lagi na lang yung tzu pinapagroom ko, maexperience lang sana diba, pero naisip ko nga rin baka mastress lang at magkasakit eh di sana di ko na pinagroom. Yung bulldog ko kahit ang laki-laki, super bait kaya madali igroom, nagugupitan ko ng nails yun at parati ko nililinis folds nya. Parang may nabasa pa ako na bilang lang talaga yung professional groomers sa atin, yung wife ni Sir Jojo Isorena from Betterdog Canine Center is one, pero for practical purposes, sabi ko bakit ko pa ipapagawa sa iba kung kaya ko naman diba? bili na lang ng magandang shampoo and conditioner haha!

jhenpretty

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #82 on: August 24, 2012, 04:00:42 pm »
^ oo nga sis.. Paminsan ang mahal ng binabayad natin sa groomer pero hindi naman okay ang service. Paminsan pa mabigat yung kamay nila kaya nasasaktan mga fur babies natin pero wala naman sila pakialam. Grabe nga yung nakita kong groomer dun sa Tiende binitbit yung tzu sa collar ata o sa coat mismo. Grabe talaga. Sasabihan ko nga sana yung groomer kaso pinigilan ako ni hubby..

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #83 on: August 24, 2012, 05:45:18 pm »
^saang grooming center yun sis? gawin mo next time titigan mo, lumapit ka tapos iparamdam mong tinitignan mo bawat kilos nya. tignan lang natin kung di sya mailang at magtino ;D Ako pag nadadaan sa mga grooming centers inoobserve ko ginagawa nila hehe

jhenpretty

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #84 on: August 24, 2012, 06:26:52 pm »
I can't remember kung saan grooming center yun exactly sa Tiende year 2009 ata yun. Basta nung nagroam around kami looking for a cheaper price for a Go Nat dog food napadaan kami dun. Ang lakas nga ng loob ng groomer knowing na alam naman niyang kita siya kasi transparent yung salamin nung shop nila. Basta blue yung paint nung shop nila. I also notice yung mga dogs dun for sale were not in their good condition. Kawawa tuloy mga dogs and other pets dun..
« Last Edit: August 25, 2012, 02:36:19 pm by jhenpretty »

Huntress Krystle

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #85 on: August 24, 2012, 07:21:04 pm »
Isa lang short-coated dog ko, yung Aspin ko. Hindi ko sya dinadala sa grooming salon kasi sa blower pa lang, bwisit na bwisit na sya. Ako nalang nag-gu-groom sa kanya. Ayaw nya din kasi na may magpapaligo sa kanyang iba. Abused dog kasi yun na na-rescue ko dati pa so hirap na sya magtiwala sa ibang tao.

@jhenpretty: Yan ba yung "Heavenly Blue?" Yun kasi yung naaalala kong kulay blue na grooming dun eh. Andami ng nagsarang grooming shops sa tiende. Andaming nalugi. Pati yung pet stores kakaunti na din. Kakagaling ko lang kasi dun 2 weeks ago siguro.

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #86 on: August 24, 2012, 10:57:13 pm »
yan nga ata yung heavenly blue, noon kasi sila lang naman yung kitang-kita na blue diba. actually sa Tiende namin nabili yung bulldog ko, unexpected yun kasi nadaan lang kami para mamasyal, eh since naghahanap na ako ng bulldog that time binili sakin as grad gift, tatanggi pa ba ako? haha! But sadly isa lang ball nya at ang mas masama pa hindi sinabi nung binilan namin. Sabi rin sakin nung nagbenta, may porsyento daw yung management kaya kahit kawawa mga dogs hindi sila strict sa rules kasi nga nakikinabang sila sa sales.

Sa totoo lang mukha naman talagang lugi mga petshops dun kasi sa dami ng shops imposible na kumikita pa sila. sa rental fee pa lang pati porsyento sa management baka abonado pa nga sila eh. Tingin ko sa puppies sila kumikita kasi mahal ang pricing nila. Tapos ngayon pa na naglabasan mga grooming services lalo sa malls, mauubusan talaga sila ng customer kasi mahirap din puntahan ang tiende.

paulieshultz

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #87 on: August 24, 2012, 11:18:16 pm »
I would like to warn everyone NOT TO BRING YOUR PETS TO ANY CLINIC IN CARTIMAR. Clinics there perform REALLY CHEAP AND LOW QUALITY PROCEDURES. List of the clinics that we went to and made my baby cat's life worse are the following:

ALGOVET CLINIC - DR. KRISTINE PULIDO (This girl doesn't have enough knowledge about animals)

CARLVELDON - DOC NICK (This guy is so scared of doing cathetherization so he referred another vet)

CRUZ VETERINARY - DR. CRUZ (This guy loves money and he sees your cat as piece of meat that he can disect any time and doesn't give enough information on how to take care of pets who just undergone major operations)


Please listen to me. You love your pets and you don't want them to suffer from these clinics/doctors hands. Your pets deserve high quality service.


My cat is still in the vet clinic in Makati, almost 3 weeks confinement is so expensive, yes. But money is nothing. It will come. But our pets are once in a lifetime. Let's give all our best and all we have. God loves pets/animals and he made us, humans, to take good care pets/animals and love and protect them to the best of our ability.
« Last Edit: September 07, 2012, 11:30:00 pm by paulieshultz »

Huntress Krystle

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #88 on: August 25, 2012, 12:20:36 am »
^ Yun din tingin ko sis. Sa mga puppies sila kumukuha ng pambawi. Kaya ayoko bumili ng pets sa pet shops. Mas ok sa tingin ko na kilala mo yung breeder na nagbebenta at nakikita mo yung parents at living conditions nung puppy. Yung bestfriend ng pinsan ko, may shop dun sa tiende at binibili yung isa kong shih tzu puppy para ibenta sa shop nya. Dineretsa ko eh sabi ko sorry I don't support pet shops, kahit pa kakilala ko yung may ari. Tsaka kung magbibigay/benta man ako ng tuta, gusto ko interviewhin talaga yung bibili kung maayos ba sya or mapagkakatiwalaan na maging new parent ng mga alaga ko. Kasi karamihan bumibili lang based on impulse tsaka nacu-cute-an sila. Di nila kaya gampanan responsibility that comes with it.

I'm glad na ok naman yung bulldog mo sis ngayon kahit sablay yung napag-bilhan mo at swerte sya dahil ikaw nakabili sa kanya. Sadly, I can't say the same for other poor pets sold in pet shops...  :'(

Isa pang problem tingin ko sa tiende kumbat sila nalugi is mainit/masikip. Kahit open sya, mainit. Lalo na sa pet village kasi sobrang siksikan ng shops tapos maliliit pa yung space. Kapag malakas ulan, mahirap din. Lalo na kung walang kotse yung pupunta. Kung centralized siguro, mas ok. Kaso yun nga lang, mas lalo pang mamahal expenses nila.
« Last Edit: August 25, 2012, 12:24:47 am by Huntress Krystle »

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #89 on: August 25, 2012, 02:06:25 am »
^Alala ko pa, may neighbor kami na nagsabi na lantaran daw ang bentahan ng puppies dun dati. Dalhin mo lang daw yung puppies tapos ialok mo sa mga pet shop owners, bibilin agad. instant money diba? Pero ngayon pinagbawal na daw. Onting panahon na lang tingin ko mabibilang na lang sa kamay ang petshop sa pet village.

Nakakaawa talaga yung condition ng mga dogs sa tiende yung iba pa sobrang bata pero nakadisplay na. sabi din ng ibang shop owners, namamatay daw yung mga aso lalo pag summer due to heatstroke. Madami din dun nagiimport tapos ibebenta ng super mahal or gagawing stud at maniningil ng 10k up for stud fee at feeling ko dun din sila bumabawi. Pag may nakakasabay nga akong gusto bumili ng puppy, nangangati akong sumabat, minsan hinihintay ko pa sila makalabas ng shop para sabihan na wag bumili at wag ng isupport ang mga pet shops.

Biktima din kami ng kalokohan ng mga petshop nayan kaya pinapangarap ko talagang tumigil na sila sa pagbebenta ng mga hayop. Binalak ko ngang ipakita ulit tong panganay ko sa binilhan namin pero wala na sila dun nung bumalik kami. Tapos nalaman ko na kinasuhan daw yung mayari ng estafa kasi marami na din daw niloko. As in nagkaron daw ng scene sa tiende with matching mga police at yun pahiyang pahiya yung manlolokong seller. O diba totoo nga namang "karma is a b^tch especially if you are."
« Last Edit: August 25, 2012, 02:10:12 am by abuanddiego »

jhenpretty

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #90 on: August 25, 2012, 02:52:49 pm »
Yun nga ata yun.. Heavenly blue.. Yun yung kitang kita na grooming shop dun na nakablue paint. Once lang kasi kami nakapunta dun.. hindi na kami naulit kasi mainit nga at siksikan pa. Bukod pa dun hindi namin matake yung situation nung pets dun. Madami din sigurong napapabayaang mga pet dun dahil nga wala namang care yung mga nagbebenta. Ang gusto lang nila ay makabenta. Lalo na siguro nung time na sobrang init baka maraming pets din ang hindi kinaya, nagkasakit at namamatay... tsaka kung iisipin natin, ano ba ang feeling ng nakakulong na tapos nakaenclose pa sa mga pet shop, especially kapag close na yung mga shop. Hindi na siguro sila nakakahinga at nakakainhale ng sariwang hangin.. Hayy.. =(

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #91 on: October 01, 2012, 03:22:20 pm »
^i'm not a professional groomer, but I've heard a lot of good reviews on Andis. I've seen lots of grooming centers using the brand and according to them, they are really durable. They are using the professional line, those reaching over $200. You will also be needing different sets of blades.

mikaidenise

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #92 on: October 09, 2012, 08:08:33 pm »
Hi everyone! Sa mga taga Daang Hari, Molino, Cavite... have you tried the new clinic along Daang Hari Road? KINGS ROAD VET CLINIC sa tapat ng Meadows? Thanks! :)

enitsirhc

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #93 on: October 16, 2012, 03:33:49 pm »
Hi mga Sis! Any recommended groomer/grooming salon? Yung matiyaga and gentle sa pag-handle ng dogs sana.

My female pug (Dixie) doesnt like her claws clipped. I myself do the clipping with my two other boys, among other things. May resistance at first pero after a while, okay na. Dixie wont really let me cut her claws and I'm afraid if I restrain her any further, baka masaktan sya.

I was supposed to take her sa Dogs And The City Lucky Chinatown but when I saw a male groomer handling a shih tzu like it was a non-living thing, I backed out.

Animal House in Binondo once did my male pug's claws and I was very, very disappointed.

I am gentle and protective with my dogs and I pay and tip good money. I expect the same amount of tenderness with my fur kids.

Any input will be very much appreciated.

 8)

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #94 on: October 16, 2012, 03:48:57 pm »
sis try Betterdog's grooming services. Mam Tina Isorena, the wife of the famous trainer Jojo Isorena is a professional groomer, and very nice daw sya with dogs. Need nga lang ng early booking kasi few numbers lang inaaccept nila per day.
http://www.betterdog.com.ph/index.php/the-betterdog-salon

enitsirhc

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #95 on: October 16, 2012, 04:10:16 pm »
thanks Sis! will give them a call.  :)

arizonakennel

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #96 on: October 16, 2012, 05:15:20 pm »
For me ok yung Pet Express sa may Cash & Carry. Haba din lagi ng pila doon pag Sunday. Pero di ko lang rin sure if patient sila pag dating sa mga dogs na hindi sanay naggroom, kasi yung dogs ko sanay naman and hindi malikot kapag gingroom. Pero maraming nagpapagroom kaya I guess ok naman.  :)

jhenpretty

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #97 on: October 31, 2012, 10:47:11 pm »
Ang galing ng Vet ng mga fur baby namin. Nainterview siya sa morning talk show ng TV5. Name niya Francis Pangilinan (kapangalan pa ni Senator Kiko). Vet siya dito sa Bulacan.. Mabait din siya and very approachable. Kahit late na ng gabi pupuntahan or ichecheck niya parin ang fur babies namin kapag may emergency.. ^_^

MeganDa

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #98 on: December 14, 2012, 06:27:04 pm »
^ sis san banda yung vet sa Baliuag? Dun ko na balak dalhin baby ko since yan na siguro pinakamalapit na vet samin. And may mairecommend ka ba na groomer sa Baliuag din? TIA

rjlottc

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #99 on: February 18, 2013, 01:16:30 pm »
may nag try na ba sa pet-a-holic pa groom? okay ba sila? nag close na kasi yung chairopink sa tiende.. so sad.. sanay na furbabies ko dun e :( thanks :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close