watch now

Author Topic: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)  (Read 88910 times)

twelve5

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #60 on: April 30, 2012, 11:36:47 pm »
^ ganyan madalas kasi most groomers are there just for the job. Im pretty sure, very very few dyan ang petlovers talaga. Unlike us, matyaga talaga tayo. We do things for our pets with love and concern talaga.

Its one reason also why i dont leave my pets with the groomers. Todo bantay talaga ako. May nakikita kasi akong groomers na bwisit sila at walang patience sa ginu-groom nila pag malikot or matrabaho gawin. Minsan gusto ko ngang sigawan kaya lang may glass window eh. Hehe


abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #61 on: May 01, 2012, 01:12:57 am »
ayun nakalimutan kong sabihin yung sinabi ni sis twelve. totoo na bihira ang groomer na talagang dog lover. may isa pa nga akong nakausap, dati daw tao ginugupitan niya, pero naboringan na sya sa buhok ng tao kaya aso naman daw kasi mas may challenge ;D Kaya wag na wag nyong iiwanan mga alaga nyo sa kanila. Ibilin nyo na lahat ng gusto nyo bago nyo sila ibigay, at explain mabuti yung ipapagawa kasi may groomers na matigas ang ulo at ang gusto ay yung gusto lang nila. tapos minsan di ka na makaimik kasi di mo naman kabisado yung galaw nila, kala mo trim lang yun pala dinedesign-an na! Hanap din kayo ng magaan ang kamay at pasensyoso. makikita naman yun just by observing kaya hintayin nyo from start to finish para mahanap nyo yung mga okay na groomers.

Hindi ko na matandaan kung nabasa ko ito sa blog or mismong staff ang nagsabi sakin na na isa lang ang groomer nila sa DATC Trinoma, at yung iba eh assistant lang, I think last December ko ito nalaman. Bathing and blow dry lang daw yung 2 at under training pa lang sila. So baka yun yung natyempuhan nyo. Hindi pa siguro sanay kaya takot pa at puro kalbo pa lang ang alam gawin haha! Pero kung ganyan nga sila, magsara na sila joke! ayoko nga magpagroom sa hindi professional sayang lang pera tse!

cocoysmom

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #62 on: May 01, 2012, 08:13:12 am »
We're extremely pleased with the way our fur baby was groomed at Vets In Practice (Mandaluyong) yesterday. Got the full grooming package for about P600. When Aldo came home from his pampering session, we were so happy!

me too! who does it for you sis? my fave now is their kuya arnel. :) it's my first time to see such gentle hands on my shih tzu. ang saya!

Frozen Toes

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #63 on: May 06, 2012, 12:09:47 am »
Ayaw maligo nung isang dog ko. He gets really aggressive pag nag attempt kami paliguan sya. It started nung January lang. So 5 months na sya hindi naliligo. Nangagat na sya twice so syempre natatakot din kami pilitin sya.

Anyway, may marerecommend ba kayo na vet/grooming na pwede maghome service? Yung mga natanungan kasi namin dito sa area, ayaw nila tanggapin yung job kasi nga nangangagat yung dog ko. Kailangan na rin maupdate yung shots nya.

Naisip na rin namin i-sedate para lang mapaliguan sya kaya lang against daw ang mga vets sa ganun. So I don't know what else to do. :(

twelve5

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #64 on: May 06, 2012, 10:41:55 am »
^ have you tried using a muzzle for biting?

Siguro update mo muna shots nya esp anti rabies kasi biter pala sya.

I feel sad for you sis. Bakit kaya aggressive sya? Sana ma correct pa.

cocoysmom

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #65 on: May 06, 2012, 06:55:59 pm »
Ayaw maligo nung isang dog ko. He gets really aggressive pag nag attempt kami paliguan sya. It started nung January lang. So 5 months na sya hindi naliligo. Nangagat na sya twice so syempre natatakot din kami pilitin sya.


what kind of dog do you have? small or large sized? mahirap din ata paliguan kung naka-sedate ang dog sis. no idea whatsover why he started getting aggressive during bath time? kung bakit sya na-traumatize? :(

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #66 on: May 06, 2012, 07:25:04 pm »
frozentoes..during bath time lang ba sya aggressive? ako rin nagtataka pano nagstart yung ganyan. wag din isedate habang naliligo, kalimutan nyo na yun dahil hindi yan ang sagot sa problema, understanding and training ang kailangan nya.

Frozen Toes

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #67 on: May 06, 2012, 10:27:36 pm »
Medium-sized siya. He gets aggressive lang pag alam nya na mag aattempt kami paliguan sya. Natatakot din kami i-muzzle sya kasi baka mangagat din. Di ko rin alam kung natraumatize sya sa paliligo kasi kami naman nagpapaligo sa kanya dati and wala naman akong naaalala na nagkaron sya ng bad experience.

Gusto ko sya ipasok ng obedience school pero kailangan din talaga muna maupdate yung shots nya. I've sent out inquiries sa mga vets so sana this week, makakuha na kami ng advice from them kung ano dapat gawin sa kanya.

We really, really love him and it's just sad that we can't cuddle him like before kasi takot na kami na masyado lumapit sa kanya. :(
« Last Edit: June 03, 2013, 01:42:57 pm by Frozen Toes »

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #68 on: May 07, 2012, 01:18:27 am »
^nakakapagexercise ba? alam nyo naman ang mga whippets, milya milya kaya ng mga yan, baka kulang lang sa exercise kaya naiipon ang energy kaya napupunta sa pagiging aggressive.

kung during bath time lang sya aggressive, bakit takot na kayo icuddle sya to the point takot na kayo lumapit? ibig sabihin ba, hindi lang during bath time ito? ilang months/year na sya? kaya pa yan sis, hanap lang kayo ng okay na trainer, madali naman itrain mga aso basta consistent sa training. wag din kayo masyado magexpect sa isasagot ng vets, hindi kasi sila expert sa dog behavior, aside sa shots nya, dog trainer talaga ang kailangan nyo sa ngayon.

crystal_gale

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #69 on: May 11, 2012, 08:17:53 pm »
Mga sis (or bros), who were clients of Dr. James Tagnia or wants to be his clients, he already have a clinic at Unit 12 Cuevasville Commercial Complex, Bldg. 3, Daang Hari Rd., 4102 Molino.

He lost his phone and so are all his contacts here at GT. He asked for my help to spread the good news and also about his new number (0999-990-2109/0932-835-1365) :)

I am a long time client because my babies and my dad all loves him. He's very nice, friendly and gentle to my dogs and cats and he's really great. I also love the fact that he is not a hard sell like other vets who always offer new stuff for you even if you don't need it.

SO yeah, I just want to share the good news with everyone :)

twelve5

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #70 on: July 10, 2012, 01:33:14 pm »
Any clients of pendragon here?

Curious ako sa mobile vet clinic nila.

http://pendragonvetclinic.info/index.php?option=com_fireboard&Itemid=10&func=view&catid=33&id=360

jhenpretty

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #71 on: July 10, 2012, 04:54:29 pm »
We usually have our fur babies groomed sa Pet Solution Near Walter Mart in Plaridel Bulacan. For those na taga-bulacan, Magaling yung groomer nila dun. For vaccines and veterinary consultation, I highly recommend Dr Francis Pangilinan and his wife Dr. Jennifer Pangiinan of Philippinans Vet Clinic in Sta. Barbara Baliuag, Bulacan. Very approachable sila and mabait sa fur babies namin.

purrple

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #72 on: July 18, 2012, 10:01:41 pm »
Any suggestions sa Vet and grooming center in Makati or Mandaluyong?

I used to trust VIP but not anymore due to:
1) after grooming, nagka kuto yung baby ko
2) suggested pro heart vaccine which is supposedly not safe pala!

I also tried Animal House along Jupiter St. But I think that is one of the worse branches ever. Yung branch along Meralco ave. naman, that's where my Marley died a few years ago.

Huntress Krystle

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #73 on: August 22, 2012, 02:52:04 am »
I highly recommend VIP (Vets in Practice) and its sister clinic ACS (Animal Care Specialists) for their amazing vets.

As for grooming salon naman...well, unless kasi natututukan natin ang mga alaga natin the whole session eh mahirap sabihin kung sino talaga yung very patient at mabait sa mga alaga natin. :( So far, sa "Pet Span (tiendesitas)" ako nagpapa groom. They're definitely not perfect, kasi minsan may onteng sugat yung mga alaga ko (on rare occasions lang naman) dahil siguro sa razor/shaving. Pero I really like yung pag-gupit nila (pantay na pantay, smooth at wala talagang buhol) at long-lasting yung scent afterwards. Sa kanila ko na pina pa groom dogs ko since 2006.

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #74 on: August 22, 2012, 03:31:54 am »
^sis san banda ang pet span? kami naman sa pet one station and animals and things tiende din nagpapagroom. sa pet one mas magaan ang kamay nung walang nunal sa face na kuya. sa a&t naman, look for ate meng, magaling sya humawak ng dogs, pantay na pantay din gumupit at di mabigat ang kamay. pero ang ayoko yung mga nagpapaligo kasi twice na nagkaron ng problema shih tzu ko. nung una nagkaubo, kala namin nanibago lang sa summer cut pero last time nagkaron ng ear infection. pinagroom ko aso ko para luminis pero pinagastos pa ako para sa mga gamot. sana pala ako na lang naggroom. so if ever mapunta kayo sa animals and things sabihan nyo yung magpapaligo na ingatan mga dogs nyo. tinatapat kasi nila yung shower sa mukha :P tapos yung ears ewan ko panong linis ginagawa para magkaron ng ear discharge alaga ko.

kami ng family ko mas gusto namin sa tiende magpagroom than sa malls since open area at pwedeng gumala kahit san na walang sisita samin. hate na hate ko pag may nakalagay na "no pets allowed, parang sinabi na rin kasi na "bawal ang anak mo dito" che!

jhenpretty

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #75 on: August 22, 2012, 02:06:23 pm »
We tried na magpagroom dito sa Baliuag, bulacan. Petville ang name ng vet and grooming center. Ang galing na make over niya ang baby namin si Jackpot. Poging-pogi. Lalo ko tuloy siyang naging crush sa new hair style niya.. tee hee! ^_^

Huntress Krystle

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #76 on: August 22, 2012, 07:52:03 pm »
^sis san banda ang pet span? kami naman sa pet one station and animals and things tiende din nagpapagroom. sa pet one mas magaan ang kamay nung walang nunal sa face na kuya. sa a&t naman, look for ate meng, magaling sya humawak ng dogs, pantay na pantay din gumupit at di mabigat ang kamay. pero ang ayoko yung mga nagpapaligo kasi twice na nagkaron ng problema shih tzu ko. nung una nagkaubo, kala namin nanibago lang sa summer cut pero last time nagkaron ng ear infection. pinagroom ko aso ko para luminis pero pinagastos pa ako para sa mga gamot. sana pala ako na lang naggroom. so if ever mapunta kayo sa animals and things sabihan nyo yung magpapaligo na ingatan mga dogs nyo. tinatapat kasi nila yung shower sa mukha :P tapos yung ears ewan ko panong linis ginagawa para magkaron ng ear discharge alaga ko.

kami ng family ko mas gusto namin sa tiende magpagroom than sa malls since open area at pwedeng gumala kahit san na walang sisita samin. hate na hate ko pag may nakalagay na "no pets allowed, parang sinabi na rin kasi na "bawal ang anak mo dito" che!
Ako din sa tiende nagpapa-groom for that same reason. Tsaka para maipasyal yung mga alaga ko at maisama kumain afterwards. ^_^ Yung Pet Span andun sya sa tabi nung malaking pet store na 'Love Me.' 2 actually yung pwesto nila dun pero magkatapat lang (to accommodate more customers). Di ko pa na try sa A&T tsaka Pet One. Kapag nasanay kana kasi sa isang grooming salon, nakaka-ilang na mag try ng iba.  ;D Nagka ear infection din tong 2 sa puppies ko recently dun sa pet span. Nasobrahan ata sa hatak ng buhok sa tenga kasi first time palang nila. Fortunately gumaling agad. Pero sa susunod na punta ko dun, papagalitan ko talaga sila...  :-\

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #77 on: August 23, 2012, 01:33:11 am »
^kahit gusto namin itry sa iba, sa tiende pa rin kami bumabalik kasi di hassle magsama ng pets. pagkain pa naman hanap namin pagtapos kaya di na kami lumilipat.

nagkaron ba sila ng oa na discharge? Buti gumaling agad, yung sakin lintek pinavet ko pa at bumili pa ako ng ilium ear drops ng wala sa oras. pinagroom na nga lang para umayos nadagdagan pa gastos ko dahil sa pagiging careless nila. sabi ng vet namin baka daw sa ear cleaner yun, either matapang or nasobrahan tapos di nilinis pagtapos. muntik na nga ako himatayin nung nakita ko yung tenga nya, kinabukasan lang after igroom pagtingin ko grabe umaapaw yung dumi tapos kahit linisin ang dami ulit.

Kaya mas gusto kong ako na lang ang maggroom kasi pag sakin relax lang sya at di nasasaktan. thrice na kami nakaexperience ng problema sa groomer, una sa pet passion macapagal, sanitary trim lang pinagawa ko pero pagbalik sakin sugat-sugat yung tyan at balls nya :P tapos ito ngang sa a&t, naku sarap talaga sapakin nung mga groomer na ganyan. naiinggit ata sa mga alaga natin kaya pinagdidiskitahan ;D

hanapin ko yung pet span next time, yung love me parang nakikita ko, tabi-tabi kasi shops dun nakakalito

cocoysmom

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #78 on: August 23, 2012, 11:27:49 pm »
incidentally, petspan has an ongoing promo rate of php 300 for full grooming. ok naman sila, pansin ko parang assembly line ang style nila. may taong nagpapaligo lang, may nagsusuklay/gupit/shave, may nagtutuyo...parang ganun. minsan nakakatakot baka magkapalit ng dog. hehe. ;)

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #79 on: August 24, 2012, 12:21:13 am »
for those with short-coated dogs, dinadala nyo pa ba sa groomer mga alaga nyo? or kayo na lang nagpapaligo since madali sila paliguan? one time may nakasabay kaming beagle and chihuahua, pero nung natapos, sabi ko, yun na yun? pansin ko matagal pa ako magpaligo dahil binababad kong mabuti yung shampoo to get rid of stubborn stains. tingin ko parang di worth it yung ibabayad kasi same lang sa long coat eh di hamak na mas mahirap pag mahaba ang buhok, kailangan pang suklayan, idemat at gupitan yun eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close