hi mga sis, ngayon lang ulet ako nakadalaw dito

12 days na ngayon si baby, naeexperience ko na rin un mga story ninyo regarding puyat session. si baby rin kasi tulog pag morning at sa madaling araw tagal niya gising..
eto nga pala story namin ni baby soleil

aug 5, 10:00pm- upon wewe my blood stain na ako sa underwear. na excite na ako at medyo natakot, feel ko na eto na. sinabi ko kay husband, ayon kinabahan ata kaya nagyaya nang matulog..lol
aug 6 12mn- medyo nadami na blood na nalabas sa akin at my contraction na, pero irregular pa, tinext ko so OB kaya lang di nagreply. tinext ko rin kuya ko, siya nagsabi na punta na daw ako hospital para ma check.
aug 6 2:00am- nag decide na ako na magpunta na talaga sa hospital, nag ayos muna ako ng sarili tzka ko ginising si husband at ang inay. wala pa kasi 5 mins drive un hospital mula dito sa bahay. pag dating namin sa ER, ni IE ako, ayon 1cm pa lang.. hehe.. at false labor pa pala, pero inadvise sa akin na mag pa admit na kasi polyhydramnios ako at delikado pag nauna mabreak un water, baka daw kasi mag paikot ikot si baby.
10:00 am- medyo madalas na contractions ko, IE ulet nun resident doctor, 1-2 cm pa lang daw, need ko daw maglakad lakad sa kwarto para mapabilis.
10:45am- dumating si Ob, pinakain muna ako ng kunti para daw my energy pa ako, baka daw kasi abutin pa ako ng kinabukasan..

Tinanong din kung mag pa epidural ako, Natakot ako nun nalaman ko na morphine ang gagamitin nila sa akin, buti tumawag ulet kuya ko, nag explain pa siya sa akin about sa effects ng morphine kay baby at sa akin.. kaya we decided na kayanin ko na walang epidural, itiisin na lang ang sakit para sa kaligtasan ni baby.
1:00pm- IE ulet, ang sakit ng IE, huhu.. tapos 3-4 pa lang at mataas pa daw. pero sakit na ng contractions, as in.
3:00pm- IE na naman, 4-5 pa lang, dinala na ako sa labor room para mamonitor din si baby. buti my classmate ako dati na duty that time, siya nag cocoach sa akin kung ano dapat gawin every contractions.
4:00pm- 5-6cm na IE sa akin, kalahati na lang malapit na. feel ko na talaga un sakit, parang mahahati un katawan every contraction. nakakaiyak na talaga un sakit
5:00pm- 6-7cm na, natuwa na un mga nurse kasi mabilis na magdilate, at ang tahimik ko daw maglabor. di daw ako kagaya ng iba na super sigaw na.
5:30pm- IE na naman, sakit na rin ng pempem ko kakaIE..lol. 7-8 cm na. every contraction naiiyak na ako sa sakit. pero iniisip ko na lang na malapit na kami magkita ni baby, sinasabayan ko na lang din ng pag rorosary kahit di ko na tanda ang bawat mistery. tinawagan na nila si OB, tinanong ulet sa akin kung papaEpidural pa daw ba ako. sabi ko kakayanin ko na lang talaga ang pain. at very good naman daw sabi ni OB kasi mas madaling magpush pag alang epidural.
6:00PM- 9cm na daw. parating na rin daw si OB. di ko na alam kung panong pwesto gagawin ko dahil sobrang sakit na talaga, continue lang din ako sa pag rorosary ko, naiyak na na ako, pero in silent mode pa rin. ayaw ko rin kasi maubos ang energy ko. need ko lahat un pag magpupush na si baby. Dumating na si OB- IE na naman

, fully dilated na ako. pero di makababa si baby dahil sa bag of water ko na madami, manually niyang binutas un bag of water at mas lalong naging intense un contractions ko. pinaayos na un DR. pero di pa rin makababa si baby kasi puno naman daw ng urine ang bladder ko. try ko daw umihi, pero di ko talaga magawa kaya nag straight catheter na lang sila.
6:15pm- pinasok na ako sa DR. practice kami ni OB ng pag push. un para daw najejebs at sarado daw dapat ang bibig, wag daw ako titigil hanggang kaya at wag magpush kong wala naman contractions. After ilang ire, sinabi na kita na daw niya ulo ni baby, ang itim daw ng buhok. na excite ako at na recharge, kaya nun ng contract ulet, nagpush na ako nag mahaba, binigay ko na lahat.
6:25pm- baby out. narineg ko un iyak niya, pinatong sa tummy ko at sa my breast, si baby, nag Ot-ot agad kaya natuwa lahat ng nasa DR. galing daw ni baby dumede. nakatulog ako saglit at nagising sa sakit nun tinatahi episiotomy ko. bawat kudlit nun needle ramdam ko sakit. after ko daw malinis diretso na daw ako sa room ko, di na daw need mag recovery room kasi normal delivery naman, at makakasama ko na rin daw si baby.
6:45pm- asa room na ako at kasunod ko na rin si baby, pwede na rin daw ako kumain.

. bawat move ko sa bed feel ko un pain ng tahi.
aug 7, 11:am- may go home na daw ako sabi ni OB, nakakatayo na kasi ako at nakawewe na rin. pero need namin magwait na mag 24hours si baby para sa newborn screening niya.
7:30pm- umuwi na kami ni baby. kasama ko na ang baby girl ko..
