watch now

Author Topic: Baby Due on July, August, September 2011 V  (Read 71510 times)

pompz

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #260 on: August 09, 2011, 11:22:52 am »
congrats sis, grabe experienced mo kay baby di bale worth it naman. pero nakaktakot talaga pag may bleeding, ako kahit normal at nasa room na panay check ng nurses sa puson ko kung malambot o matigas, mas maganda pala matigas noh, kasi pag malambot nilalagyan nila ako ice. anyway congrats sis and to your baby God bless!

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #261 on: August 09, 2011, 11:28:10 am »
Mejo late na ang labor and birth story ko pero share ko parin (alam ko kasi hinihintay ni sis cmc101883 ito.. tagal na nya inaabangan..hehe).. pasensha nalang kasi hindi ako marunong magkwento, pero try ko parin.. haha

July 25, nagpaadmit ako sa hospital, 4cm nako and inadvise sakin ng OB ko na pede padaliin ang pagbukas ng cervix ko.. nalimutan ko yung term pero parang "augmentation" ba yun.. hehe.. nagbigay na ng instructions sa hospital kung anong gagawin ng mga resident doctors dun, and 5pm derecho nako sa ER. 7pm dinala nako sa labor room.. hindi pako nilagyan ng anesthesia, so i suffered the pain of labor for almost 4 hours! buti nalang at nakakaya ko ang pain.. after nun ni-rapture na ni OB ang bag of water ko, saka pa lang ako nilagyan ng epidural... hindi ko na naramdaman yung pain simula nun pero ang cervix ko, last minute hindi nakisama.. hindi nagprogress ang opening ng cervix ko, na-stuck lang sa 6cm! waaah.. nauubusan nako ng tubig and si baby nakasiksik na.. pero nakatingala sha.. which is hindi ok for a normal delivery.. dapat una ang bumbunan nya.. kaya kinausap nako ni OB na kelangan na ilabas si baby, so meaning CS procedure na, no choice na.. kinausap din nya si hubby at mommy ko to inform na ma-CS nako.. so past 2am July 26, dinala nako sa Operating room para ilabas na si baby, sinaksakan na naman ako ng anesthesia for the CS operation..(kumusta naman dami ko na anesthesia!) nakatulog ako then naalimpungatan lang ako nung narinig ko na ang iyak ni baby... tinabi nila sakin sabay sabi "eto na si baby mommy.." shempre ako naman tumango lang pero sobrang blurred ang paningin ko, parang shadow lang ang pagkakakita ko kay baby then natulog na ulit ako.. hehe.. 250am lumabas si baby.. siguro around 330am to 4am ako dinala sa recovery room.. sabi nila sakin 2 to 3 hours lang ako dun then dadalhin nako sa room ko.. ayun, si matris naman ang hindi nakisama, ayaw tumigas, nagbleeding ako ng bongga.. sobrang tagal ko na daw kasi nagcocontract kaya si matris ayun overwork na, lumalambot na.. kelangan kasi daw tumigas ang matris para tumigil ang bleeding.. kinailangan pa nilang bigyan ako ng gamot para lang tumigil ang bleeding.. meron silang nilagay na parang suppository to stop the bleeding.. inabot ako ng mga 5 to 6 hours sa recovery room.. grabe! ako na ang suki ng labor at recovery room! waaaaaah... sobrang diko malilimutan yung time na yun... iniisip ko, sobrang hirap pala, pero tama nga ang sinasabi nila na mawawala lahat ng pain na naranasan mo pag nahawakan mo na ang baby mo.. tsaka malilimutan ko ba yun eh yun yung time na lumindol ng madaling araw, bumabagyo pa... nako, nasa kalagitnaan ako ng paglalabor nung lumindol.. musta naman?? iwanan ba naman ako mag isa ng nurse at doctor sa loob ng labor room dahil nashock sila sa lindol? waaah..almost 2 minutes din yun no.. hindi ko alam ang iisipin ko nung panahon na yun.. Muntinlupa pa naman yung hospital which is nasa fault line!! waaaah... kaloka! :)

Well, i thank God talaga because despite sa mga naranasan ko during labor and everything, hindi nya ako pinabayaan, madali akong nakarecover at si baby Migs ok na lumabas...very fulfilling talaga ang naramdaman ko nung nahawakan ko for the first time si baby Migs... hindi ako makapaniwala na last month lang sumisipa sipa sha sa tummy ko, ngayon, sinisipa na nya ako pag pinapalitan ko ng diaper.. hehe.. sarap ng feeling maging mommy.. :)

sis di ko alam gagawin ko if in the middle of my delivery eh iniwan ako ng hospital staff!!! wow!!!! magwawala ako! haha

pompz

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #262 on: August 09, 2011, 12:24:41 pm »
hahaha mga pasaway yung mag doctor at nurse hehe di man lang naisip pasyente... baka kung ako napatakbo na din non hehe

vianney04_boo

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #263 on: August 09, 2011, 12:57:34 pm »
hindi ko nga alam kung maiinis ako or matatawa sa kanila nun eh.. hahaha... pero nagpray nalang ako.. tapos sabay tinulugan ko.. hehe.. pero kaloka talaga.. binagyo at nilindol ang birthdate ng baby ko.. waaaaaah.. unforgettable talaga.. hahaha

pompz

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #264 on: August 09, 2011, 02:13:33 pm »
sis parang pelikula lang noh hehe bumabagyo at may lindol pa pero kakaibang experienced na makwekwento mo kay baby paglaki nya hehe baka pati sya matawa e

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #265 on: August 09, 2011, 10:41:25 pm »
Suddenly, bigla ako natakot manganak..is this normal? :(

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #266 on: August 09, 2011, 10:51:29 pm »
^same here. normal lang yun. when i tell babydaddy, ang sagot lang naman nya eh 'wag kang matakot, manganganak ka nga eh' which i totally dont get!  ::)

kaya nga ako takot eh, manganganak ako! it doesnt mean that because natatakot ako eh i love my baby less- di naman ako sa baby natatakot eh. sa whole process lang na pagdadaanan namen during birth. im not only scared for me, but also for my baby. naiinis ako kasi i cant talk to the babydaddy about it kasi ang sarcastic lang ng replies nya. di ako natatawa because di naman joke yung fears ko.

and i di porket i have those fears eh ayaw ko na manganak. of course gusto ko manganak. i want to see my baby na! i dont think im any less a parent just because i have fears like that. pffft. inis tuloy ako.

i want to give birth. i WILL give birth. i dont want to wiggle out of giving birth. but, yes, it scares me. who wouldnt get scared at one point or another di ba? it's not like it's a minor thing.

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #267 on: August 09, 2011, 11:33:30 pm »
re mens: di ko alam e, ang alam ko lang e hindi na lochia to. nawala na kase yung dark red na discharge ko, nag lighten na sya til naging almost clear na tapos biglang nagkaron na ulet ako, ang lakas pa, nung 2nd day na naging malaks sya, ginamit ko pa yung diaper ni baby, ayun. tinatagusan kase ako sa regular na napkin,

di ko na makapa yung tahi ko, 1 day lang ako nagbanlaw nung sa bayabas kase yun ang inadvise nung OB nung bumalik ako sa clinic nya after 2 weeks. maayos na yung pagdumi ko, hindi na ako takot mag poop.

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #268 on: August 10, 2011, 11:55:48 am »
Suddenly, bigla ako natakot manganak..is this normal? :(

sis, ako din.. habang palapit na e parang nakakatakot.. pero ang iniisip ko lang "I trust the Lord"...  ;D

pompz

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #269 on: August 10, 2011, 12:25:39 pm »
alam nyo mga sisses based sa experienced ko sa 1st pregnancy ko wala akong katakot tako I was 2 then, naka epidural ako ang payat ko pa, pero hindi ako natakot talaga sa panganganak, natakot lang ako sa second and third habang dumadami anak mo mas natatakot ka, lalo na yung last 2 ko ay normal labor pain at wala anes talaga... tapos dahil may edad na din ako naiisip ko kung ano anong nega, lalo na nung inaantay ng ob lumabas yung bahay bata ba un, iniisip ko pano kung di lumabas maooperahan ako, etc etc basta may hawak akong rosary while giving birth, pero sa nauna ko wala pa akong rosary , now na lang kasi sa sobrang takot ko... wag kayong matakot always pray mga sisses :)

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #270 on: August 10, 2011, 12:44:48 pm »
Normal lang na matakot, kasi we will under go to something na hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari.. plus ipagkakatiwala natin sa isang tao ang buhay natin at ng baby natin. Naalala ko few days before my operation bigla akong nakaramdam ng takot, naisip ko paano kung di na ako magising o di maging successful o magkamali ang doktor. Pero nagpray lang ako ng ng pray, nag-iisip ako ng magandang bagay na makakapag divert ng attention ko.

fatgirlslim

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #271 on: August 10, 2011, 04:36:37 pm »
ako mga sis dati takot ako because of labor, eh kung lahat naman eh nakayanan nila bakit ako hindi. excited na kami ni hubby makita si baby kaso mag 36 weeks palang ako sa sabado. gusto nya na daw makita hitsura kung sino kamukha, baka daw kamukha ng ate nya hehe. male version kase sya ng ate nya eh medyo kamukha nya si baby based sa 3d kaya excited narin.

i always pray for our baby every night kahit paulit ulit lang yun sinasabi ko. na mailabas ko sya ng walang complications, very healthy sya and on a perfect day - na kasama ko si hubby at walang aberya sa hospital.

vianney04_boo

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #272 on: August 10, 2011, 11:25:32 pm »
normal lang siguro yung makaramdam ng takot.. depende lang yan kung pano mo ihhandle para maging relaxed ka the moment ng labor mo.. tsaka case to case basis naman yan.. may mga mommies na sobrang bilis na magopen ang cervix.. nagkataon lang na sakin nagstuck at tumingala si baby kaya na-emergency CS ako.. sa case ko nun hindi ako nakaramdam ng takot dahil manganganak ako eh.. buo ang loob ko na kakayanin ko ang pain ng labor at ng delivery.. pero nang icheck ang BP ko nung nasa ER ako, tumataginting na 150! wahahaha... dahilan?? kasi 1st time kong humiga sa stretcher sa ER, 1st time ko na macoconfine sa hospital at higit sa lahat 1st time kong makakabutan ng suero!! hahaha.. pero nagstable naman na yung BP ko after ako dalhin sa labor room.. :D

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #273 on: August 11, 2011, 12:48:30 pm »
Thanks sissies, I feel better na...sabagay, ngayon pa tayo matatakot eh nakayanan nga natin ng 9 months lahat :)

Turning 34 weeks na ko tomorrow and super excited na lahat, ang laki laki na rin ng tyan ko, kahit si OB nagulat kahapon bat ganun kalaki, sana wag naman ako ma CS gosh!

Nakabili na ko ng Medela freestyle sa US, eto talaga nilulook forward ko sa lahat ng binili ko stuff eh, 25 na friends ko dito sa Pinas at sa US nagattest kung gano ka powerful tong pump na to, lahat sila nakapag exclusive breastfeeding in 1 year grabe :)


ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #274 on: August 11, 2011, 01:43:10 pm »
ako naramdaman ko lang yung fear na manganak nung pumutok na yung water bag ko. dun lang talaga ako biglang kinabahan.

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #275 on: August 11, 2011, 05:50:44 pm »
hi sisses!!

nagpacheckup kami kanina sa bagong OB. one from Bulacan, actually from our house, less than 5minutes away lang yung hospital na pinapagawa nya (her own, not yet finished pero dun na sya nagchecheckup) and ganun din yung layo (give or take a few meters) yung current hospital na pinapaganakan nya ng patients nya.

we did an ultrasound to check our baby and wow! kung dati ang problem eh behind sa size si baby, aba ngayon humahabol indeed! i think the eggs, hot tsokolate, and champorado really helped palakihin si baby! tapos napansin ko din kasi na lately, tuwing 4.30-5.30pm, gutom ako. and not just for light meryenda, im talking rice and ulam! usually id cook eggs pa nga eh hehe!! so yun, lumaki si baby, at narewind ang aming due date.

from september 26-27, naging september 20-22 ;D pero we can give birth daw as early as 2 weeks before that. nakakawindang!! binisita ko yung gagawing nursery (currently bodega/plantsahan) and nakakaoverwhelm na wala pang naaayos.

what's more disconcerting is yung flight ni babydaddy. september 25 arrival nya :( he really wants to be there sa delivery. he filed na his leave sa work na ang last day nya eh september 23. so ngayon di ko alam if maaabutan pa nya ang delivery or not. 3 weeks lang ang approved leave nya. haaay...

tapos i dont want to give birth before sya dumating. dala pa nya yung ibang gamit ni baby like the nailcutter and breast pump ko na manual and other stuff. sabi ko pagisipan din nya and check nya again with HR nila. if he gets here early pero full term na ko, im planning magpainduce na lang para masulit din nya si baby.

according sa ultrasound, kulang pa daw ako sa water. not extremely na kelangan maconfine, but i need to go on water therapy. i told her na i was already told that last month and have been downing mga 3 liters of water a day, plus prune juice (1-2glasses) plus anmum (2 glasses). so apparently, i'm not retaining the fluids. eh dapat 2-3liters of water a day na yung water therapy. so she told me to add Gatorade. feeling ko lalaki ako ng sobra haha!

she added calcium sa mga iniinom kong gamot now, told me i can now start walking exercises (lumitaw sa ultrasound eh 35weeker na si baby, pero upon computation with the first ultrasound, 33-34weeker daw), and that if i feel na ang dami kong gamot na iiniinom, the one thing i can opt not to continue is the Obimin (prenatal multivitamins). pwede ko daw ubusin supply ko nun and stop na if i want. pero everything else, tuloy pa din, plus the calcium. pati anmum ko, 2 glasses a day pa din daw.

as for the OB we saw, she was very kind! and she explained every little thing talaga, my mom and i liked there. so if ever, pwedeng pwede akong abutan ng labor dito sa Bulacan haha!

PS: OMG the rate difference ng delivery (normal) dito at sa ob ko sa st lukes is heartstopping lol! 13-15k basic Normal delivery pero hindi painless epidural. will add daw 5k for painless tapos continuous and pag add sa bill depende sa mauubus na gamot at length ng labor. sa st lukes naman, 70k ang quote samen ni ob. although yung dito sa bulacan, di ko pala natanong if private hehe. will ask her again next time. she wants to see me in 2 weeks for another ultrasound.

mafee

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #276 on: August 12, 2011, 01:44:09 am »
sis ilang pounds na nagain niyo from the start ng pregnancy? mejo worried ako kasi ang laki na ng nagagain ko

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #277 on: August 12, 2011, 10:07:33 am »
^ako sis, 8.5 kgs lang na gain ko sa buong pregnancy ko.

aybori

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #278 on: August 12, 2011, 06:19:34 pm »
ask ko lang mga sis sa mga schedule for CS ba dito, nag request ba ulit ng ultrasound and OB nyo nung nag 8 or 9mons na kayo? TIA

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #279 on: August 12, 2011, 07:13:03 pm »
8months sis nagpaultrasound ako. Check kung ano na position ni baby and yung bps ko. Yun eh dahil high risk ako, not sure sa ibang sissies natin dito. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close