watch now

Author Topic: Facebook/twitter pet peeves  (Read 99143 times)

miloo

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #400 on: October 25, 2012, 10:56:39 pm »
-I also hate seeing quotes and prayers, I don't read them at all.
-Hate ko din yung mga papansin posts like - "sad", "excited", "happy", etc. tapos pag may nag comment ng "why?" - hindi sasagutin.
-Kainis din yung photos of themselves na nakaharap sa mirror using their phones/ iPads.
-Mga nagpaparinig sa Facebook pag may kaaway.
-Photos with pouty lips na exaggerated  ::)


FieryAngel027

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #401 on: October 26, 2012, 05:47:03 am »
1. Narcissists, post ng post ng pix nila na puro mukha, iisang angle, ibang damit lang, araw araw, nakaka ilang album na puro mukha nya laman.

2. Babe babe babe - sa fb at insta palagi puro ka cheesyhan. Kaka inis. Nakaka tamad na mag open ng fb at . 4 mos pa lang naman kala mo naman sila na talaga magkakatuluyan. Sarap pag untugin.

3. Share ng share ng mga pix, flooding my wall.

Purple_Power

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #402 on: October 26, 2012, 02:55:09 pm »
Yung mga notifications ng games though hindi ko pa kasi naaasikaso yung settings on how to block applications.

brandi

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #403 on: October 26, 2012, 03:21:05 pm »
ako, i admit, i do post motivational/inspirational quotes at times to vent out my positivism but not at ALL times.

-naiinis ako sa mga nagppic ng naka pout na solo, buti sana kung wacky tolerable pa

-yung mga post nila sila mismo nag like

-yung i-like o mag comment sa picture na matagal na para iressurect ulit sa wall nila at lumabas sa news feed ng mga friends nila

-yung bilang ata niya kung ilan ang nag like at kung sino sino ang mga nag comment sa mga pictures niya. i have a friend, may comment ako sa isang picture niya from last year, dinelete ko yung comment ko para wag na lumabas sa notif ko pag comment niya ulit, after a few minutes nag pm sakin, may binura daw akong comment, syempre deny ako. pero di na siya nag reply. BIG deal?  :o

-yung ita tag yung sarili niya at jowa niya para again, mag resurrect ulit from the baul sa news feed ng friends nila hanggang sa marami na naman mag like at comment

-yung ginagawang diary yung fb nila. so what kung nasa presentation ka or meeting or whatever? mag check in ka na lang sa place wag na mag status pa na kesyo nasa meeting etc etc, pwede naman simple check in na lang kung saang lupalop o building ka man di ba?

-yung lahat ng galaw at kakainin pinipicturan. guilty naman ako na pinipituran ko mga kinakain ko minsan, esp pag fine dining, pero duh? ultimo prutas, ulam na niluto ng nanay (buti sana kung siya mismo nagluto ok lang), binandera na

-yung pag nag post sa twitter at plurk ba yun at foursquare mag appear lahat dahil lahat ng gamit niyang social networking site ay naka link sa fb!

-yung nagstatus na nag work out daw siya pati kung saan siya tumakbo at kung ano ginagawa after mag work out naka upload sa intsagram

-yung nag english pa mali mali naman. kung alam mo o di ka sure sa grammar mo, kung gusto mo mag post ng english, google mo muna [textspeak!] tama spelling, subject verb agreement etc. kasi kung hindi, tagalugin mo na lang jusko po!!!

-yung mag post ng eklavu niya sa jowa niya tapos break na kuno, then after a few days puro pa tweetums at cheesy na naman mga post na naka tag pa sa jowa

-yung nagta-tag ng solo picture nila sa jowa nila.  :o

-yung paulit ulit shina share yung engagement nila ng jowa niya. i know proud siya pero naman?! kelangan paulit ulit i share at i-tag sarili niya atpos untag at tag ulit para lumabas na naman sa news feed??? OMG!  :o

na high blood ako sa pag post ko dito hahaha!  ;D

sweetashoney

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #404 on: October 26, 2012, 04:03:49 pm »
^haha natawa naman ako sayo sis sa nahighblood ka sa pag post dito hehe :D lahat ng mga nasulat niyo bet ko din. May friend ako mahilig mag post ng mga prayers pero kasi magpapapari naman siya ;D

Purple_Power

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #405 on: October 26, 2012, 04:07:49 pm »
Another thing that I don't like

Yung sinisiraan ang ibang tao tapos sabay pupurihin ang sarili. Tama yung post ng iba rito yung nagsasabi ng mga Narcissistic post.

Madalas mag tag ng mga ibebenta.

sweetashoney

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #406 on: October 26, 2012, 04:28:25 pm »
I don't like to see photos ng mga kids na naked kasi naliligo or taking a bubble bath, or nasa hospital naka-confine. I mean sobra naman na sa pagpost ng photos, pati mga cute kids wala na rin privacy dahil panay ang pag-upload ng photos nila ng magulang (mostly mga nanay eh) nila. Di ko maintindihan kung bakit kelangan pang i-upload sa fb yung mga ganitong pictures eh  ::)

spacemonkey

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #407 on: October 26, 2012, 06:10:08 pm »
^ i post a shiitload of my niece's photos and videos because i have relatives AND my dad and my sister who are away and are happy every time we share her photos.

probably for the same reason as i do, why they share those. i'd be happy to see a friend/family member doing okay at a hospital too.


Purple_Power

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #408 on: October 26, 2012, 07:04:12 pm »
I don't like to see photos ng mga kids na naked kasi naliligo or taking a bubble bath, or nasa hospital naka-confine. I mean sobra naman na sa pagpost ng photos, pati mga cute kids wala na rin privacy dahil panay ang pag-upload ng photos nila ng magulang (mostly mga nanay eh) nila. Di ko maintindihan kung bakit kelangan pang i-upload sa fb yung mga ganitong pictures eh  ::)

My bro told me bawal magpost ng naked na kids lalo na kung kita yung private part. Kahit nga yung naka blur lang yun bawal eh! If wearing diaper or underwear pwede pa ata.

spring_snow

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #409 on: October 27, 2012, 03:52:02 am »
braggarts - may unveling album for every newly acquired gadget/bag!

Mahilig magparinig sa kinakainisan nila but when confronted, they would completely deny it at akala mo kung sinong inosente.  Sa facebook lang pala matapang.  ;D

Posting multiple solo pictures na iba-iba lang ang angle IN A SINGLE ALBUM. merong naka flying kiss, naka side view, naka pout ang lips, naka sad face, etc..etc..  parang teenage jejemon lang ang peg! :P



snowflakes

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #410 on: October 27, 2012, 04:26:48 am »
My bro told me bawal magpost ng naked na kids lalo na kung kita yung private part. Kahit nga yung naka blur lang yun bawal eh! If wearing diaper or underwear pwede pa ata.
kahit nga wearing of diaper nakakahiya. paano kung lumaki na yung anak mo makikita nya yun, mahihiya yun at magagalit pa sayo. tsaka baka tuksuhin sha ng iba pag malaki na sila.

miloo

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #411 on: October 27, 2012, 06:39:06 am »
-yung ita tag yung sarili niya at jowa niya para again, mag resurrect ulit from the baul sa news feed ng friends nila hanggang sa marami na naman mag like at comment

Lol sis brandi! Dami ko Facebook pet peeve na same sayo  :)
May friend din ako na ganito, like after a week i-tag naman si hubby/bf niya para lumabas ulit sa news feed, eh pwede naman niya i-tag the same time na in-upload niya yung photo diba? obvious lang na nag-iipon ng "likes"  ::)
« Last Edit: October 27, 2012, 06:40:42 am by miloo »

Chantzy

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #412 on: October 27, 2012, 06:43:33 am »
yung tipong parang laging sinasanto ang asawa kesyo nagluto ng ganito ngayon, kesyo naglaba ngayon or kung ano anong papuri sa asawa nya at ipaalam sa buong mundo na ang asawa nya ang pinakasanto sa lahat ng asawa, pero sa totoong buhay, di naman di sya masaya at away sila lagi, kakapraning!

snowflakes

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #413 on: October 27, 2012, 07:42:16 am »
^ay oo nakakairita din yan. yun para bang prinsesa sha sa asawa nya. yung mga ganyang tao daw ang sawi in real life. hahaha

Purple_Power

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #414 on: October 27, 2012, 11:14:15 am »
^May kilala rin akong ganyan yung sasabihin niya perfect romance nila sabay malalaman rin naman namin galing sa lalake mismo na nambabae siya tapos parati silang away ng away. 

Mahilig magparinig sa kinakainisan nila but when confronted, they would completely deny it at akala mo kung sinong inosente.  Sa facebook lang pala matapang.  ;D

So true sabay maghahanap ng kakampi.

I don't like it when same person posting rants almost everyday.

airish_2

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #415 on: October 27, 2012, 11:27:52 am »
siguro ang facebook ay salamin lang ng nararamdaman natin o minsan kabaligtaran.

slickchick

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #416 on: October 28, 2012, 02:18:00 pm »
these are not really something na kinaiinisan ko.. but they're surely something that makes me laugh/smile -  ;D

(a) mga taong nagpo-post ng pics or status updates, tapos sila mismo magla-like ng sarili nilang post and magco-comment (1st comment) on how they like/hate whatever is on the pic or status..

(b) isa pa is yung mahilig mag-"micro status" - giving a blow-by-blow account of whatever they're doing at the moment - updating by the hour, or worse, by the minute..


sweetashoney

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #417 on: October 28, 2012, 04:43:24 pm »
^ i post a shiitload of my niece's photos and videos because i have relatives AND my dad and my sister who are away and are happy every time we share her photos.

probably for the same reason as i do, why they share those. i'd be happy to see a friend/family member doing okay at a hospital too.


kahit nga wearing of diaper nakakahiya. paano kung lumaki na yung anak mo makikita nya yun, mahihiya yun at magagalit pa sayo. tsaka baka tuksuhin sha ng iba pag malaki na sila.

My point exactly sis snowflakes..sobra ng naeexpose ang baby for me kasi. Don't get me wrong sis spacemonkey, wala me against sa mga parents, especially new ones, sa pagpost ng sangkatutak na photos ng babies nila, as long as hindi naman naeexpose yung bata di ba. I mean wag naman yung nakahubad yung bata kasi bath time na daw, or yung pic na nasa hospital at naka-confine, hirap na nga yung kalagayan ng baby, iniexpose pa. For me kasi, yang ganyang mga situations, dapat private naman.
« Last Edit: October 28, 2012, 04:49:37 pm by sweetashoney »

wannabepreggy

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #418 on: October 28, 2012, 05:29:46 pm »
Kakarelate ako sa inyo mga sis....i-add ko lang, naasiwa din ako sa mga sexy photos ng mga girls sa fb, at worst, gagawin pang profile pic, haist! parang nakakabastos, oh well, consevative lang ang peg  :D

ayami

  • Guest
Re: Facebook/twitter pet peeves
« Reply #419 on: October 28, 2012, 07:05:58 pm »
andami nang nasabi baka maulit ko :)

ayoko yung mga PLS LIKE THIS ganun ganunan
yung mga magsyota rin kakainis kala mo forever kayo bukas break na kayo lol
mga Jesus freak posts, anything religious feeling mo naman kabubuting Katoliko/Born Again/Whatever (kaloka)
ayoko rin yung mga nagbebenta online lalo na kung tinatag nila ako
nakakabanas din yung mga adik na kinokonekta ang Twitter sa Facebook nila tapos flooded updates na
ayoko rin yung mga matapang sa Facebook mang-away ng kung sino sa friends nila (though minsan entertaining basahin)
yung mga English ang gamit sa status pero mali ang grammar tapos mayabang pa.
Pinaka ayoko yung mga alam mo namang walang kaya tapos magpapanggap na mayaman aka nagsisinungaling

pag ako tinotopak or badtrip, nagcocomment ako ng katotohanan (kung mali man yung nilagay nila), in short binabasag ko ang trip nila. minsan sarcasm gamit ko, nakakatawa sila di nagegets (ay, nakakaawa pala)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close