watch now

Author Topic: Facebook/twitter pet peeves  (Read 98770 times)

scents01

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #80 on: April 09, 2012, 08:42:13 pm »
pag tinatag ako sa pics na pangit ako lol


aquacharly

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #81 on: April 10, 2012, 01:04:12 am »
Yung ang daming You Tube songs pino-post.
Yung ang daming gory or freakish photos post (kahit na ba seeking charity)
Mga post ng Magnum commercials, commercials naman yon di ba?
Yung sangkaterban mag post  ng "vanity" photos
Yung post nang pole dancing nya, some naka bukangkang,  susko.
     Mga yan: delete.

Vera

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #82 on: April 10, 2012, 01:14:25 am »
I have an FB friend who shows off the .46 and other guns of her father. as in pa pose pose pa ha. take note, 32 years old na ang babaeng ito. parang nakakaloka.

FOURever

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #83 on: April 10, 2012, 06:40:33 am »
yung mga babae na maganda, may itsura, or maganda dun sa shot, tapos iuupload nila yung picture nila tapos sasabihin "ang panget ko" or "ang taba ko"..

Fishing lang sa comments.. Syempre may mga tao na magrereact na ang ganda mo nga eh, ang payat mo nga eh.. Tuwang tuwa naman. Hehe! Then pag may babaeng nagsabi na "oo ang panget mo" sa serious tone ng comment, magagalit. Hahaha!

hot_chili

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #84 on: April 10, 2012, 01:56:25 pm »
-pics ng magnum
-documented lahat ng resto na kinainan, complete with pictures ng kinain
-paulit ulit na picture ng fez
-pic na may hawak na gadget specially CASH
-check in sa church...  ???
-away mag-asawa

I have an FB friend who shows off the .46 and other guns of her father. as in pa pose pose pa ha. take note, 32 years old na ang babaeng ito. parang nakakaloka.

naku sis yung friend ko nga nagpopost din silang magasawa ng mga pics ng baril and ang ikinaloka ko may pic pa na pinahawak nya sa 7yr old daughter nila yung baril muntik na ko himatayin sa trip nila. Loaded or not i dont think its proper

mameejhy

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #85 on: April 10, 2012, 02:05:54 pm »
Nakakainis yun nag popost ng pics ng LV bag/s at sasabihin wala na syang pera kelangan mag tipid... then kinabukasan mag post ng picture ng 1 doz na Belo Essentials/ Obagi products... sasabihin na worth 9k daw yun hahaha... kalurkey!

scents01

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #86 on: April 10, 2012, 02:08:47 pm »
mga chain messages na may kasamang curse kapag hindi nilike or shinare, akala ko sa emails lang meron nun, sa fb ang dami na rin..

ecnarfoj

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #87 on: April 11, 2012, 09:51:29 am »
Sa totoo lang pet peeve ko sa fb yung nag-po-post ng mga nasagasan, sugat, dugo, ng may mga mga sakit tapos hihingi pa ng like to show support. Bakit sa like ba nakikita yung support? Pwedeng naman i-abot na mismo or kung gusto ng support pwede sa PM di ba?

I feel bad kasi lalo na yung mga bata, patay na nga ipapakalat pa yung picture na ang maalala mo eh sugatan siya?

Tapos picture ng mga grand parents nila na nasa hospital. Sana maging sensitive lang di ba? May mga taong ayaw makita sila na mahina sila. I feel bad for them lang.
Tapos picture sa lamay, naka-ngiti at puro pics ng mga mukha nila.

Ewan ko ba, may mga events kasi na kung hindi naman ikaw yung involved, wag mo ng ipakalat yung litrato. Kung gusto mong malaman ng mga kamag-anak mo, sa kamag-anak mo sabihin.


Also, please wag na mag-check in sa LayBare.

khymmmm

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #88 on: April 11, 2012, 01:00:36 pm »
Pet peeve ko yung mga albums na "When vanity/boredom/shutter strikes", tapos puro mukha na aattend ng Foundation day kung makapag-apply lang ng foundation,abuso.. ::)
Saka yung makapag-upload lang, may fb friend ako na kung anong kulay ng suot nya ngayon, yun din ang album title tapos mga 50 photos ang laman nun..
Ngayon "blue", kahapon "red", last week "blue and black".. Consistent ka 'teh!

Nag-status pa nung New Year: "Lord, thank you po sa bagong laptop, DSLR, digicam, Iphone, etc this year..ang saya ng 2011 ko.. Trip to HK naman sana sa bday ko"---Duh! After 2 weeks birthday na nya.. kaloka! eh taga-hingi lang sya ng pera sa stepdad nya..

Maraming feeling mayaman sa FB, na nakikitira pa rin sa bahay ng mga magulang nila.. Nakakahiya!

hisana

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #89 on: April 12, 2012, 12:54:00 pm »
Tapos picture ng mga grand parents nila na nasa hospital. Sana maging sensitive lang di ba? May mga taong ayaw makita sila na mahina sila. I feel bad for them lang.
Tapos picture sa lamay, naka-ngiti at puro pics ng mga mukha nila.

Agree! I mean, for example, your mom is fighting for her life, bakit kailangan i-post pa. If you want relatives to see how your mom is doing, pwede naman ayusin yung settings para hindi naman makita ng lahat ng 500+ friends mo. Jeez. May nakita pa nga ako na pati yung used dressings eh kinuhanan pa. Why?!

Also yung lamay...baka kasi yung iba iniisip na ang daming relatives dun na parang reunion na rin yung dating kaya it's a perfect photo op, but I find it really weird. Nagmumukhang sobrang excited na makuhanan at i-post sa facebook ang bawat activity nila sa buhay, pati yung pagpunta sa lamay eh hindi pinatawad. LOL

istarlet

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #90 on: April 12, 2012, 01:09:26 pm »
My cousin's wife posted the picture of her dead mom inside the casket. Nawindang ako!

FOURever

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #91 on: April 12, 2012, 01:09:26 pm »
-iisang anggulo, mga 200 pictures sa photo album na siya lang nandun. Hehe
-may hinide ako, alam nyo yung sa 9gag meron kasi dun kapag nag sasariling sikap yung lalaki or yung girl may *fap* na nakasulat.. Yung isa kong classmate from long time ago, nagpost ba naman ng maraming ganun tapos sa dulo: "haaay.. Sarap".. ay nako. Ambastos lang. Hide ko agad lahat ng posts nya!

ohcmon

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #92 on: April 12, 2012, 02:25:52 pm »
^ Tawang tawa ako sa classmate mo sis hahahahahahaha

May isa ako friend post ng post ng music videos ni Sarah G., kulang na lang maging Sarah G. fan page na 'yung account niya. Hide!

FOURever

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #93 on: April 12, 2012, 03:09:25 pm »
^buti di ko sinabi sa kanya na "hindi kita kilala!", nakakahiya lang sya. Haha

guilleanne

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #94 on: April 12, 2012, 09:00:15 pm »
pinaka asar ako dun sa nag la-like ng sarili nilang post at pictures. ayaw ko rin nung mga papansin post like mga one word na vague;

asar!

sad :(

kinikilig....

yung mga post na waiting for someone to ask them why? hehe

May friend din ako na hindi mo na need i-stalk kasi kahit saan sya pinopost nya, pag lumabas sya ng bahay kung saang mall sya nandun kung saan sya kumakain at ano ang kinakain nya, kulang na lang pati pag punta nya ng CR. one time she posted she was at the supermarket, a common friend commented kung pwede daw makipabili ng butter at bread crumbs. siguro yun ang purpose nya kaya nya lagi sinasabi location nya. hehe


tiggerlily

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #95 on: April 12, 2012, 10:03:24 pm »
^sis baka friend ko rin yan friend mo? ayus yun a. makapagpabili nga rin ng kahit ano. hahaha! pabili ng ketchup! LOL

naiinis ako sa mga invite ng games. wala akong care sa mga kung ano anong post kasi gusto ko makibalita. atsaka yan mga kung ano anong pasosyal ang nipopost sa fb, hinding hindi makakautang sa kin yan. LOL

may isa pa akong friend lasing yata nung nagpost. habang nakikipag-away sa gf/wife nya - di ko kasi sure. pinag-aawayan nila ang bilang ng buwan na ipinagbuntis nya yung anak nila. pero parang ang lumalabas, hindi nya anak yung bata. ayun, the next day, ni-delete nya na ang fb account nya.

hot_chili

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #96 on: April 12, 2012, 10:44:10 pm »
just saw these today
-pic ng gasgas sa braso
-pics ng anak habang nakahiga sa hospital bed and nakaconfine sa hospital, as in 1 album (magagawa mo pa ba to kung mabuti kang ina? kung ako yon baka natataranta na ko eh sya nakuha pang magupload ng pictures  ::))
-pic ng loob ng wallet (its not a plus factor na marami kang credit card, more cc=more utang)
-and same as sis guilleanne hate ko din mga one liner "bwisit" "leche" etc... bakit naman kasi lagi pang may magcocomment at magtatanong ng bakit? kaya nawiwili eh

mameejhy

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #97 on: April 15, 2012, 01:40:05 pm »
-pic ng loob ng wallet (its not a plus factor na marami kang credit card, more cc=more utang)

Kaya marami ninanakawan eh

tiggerlily

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #98 on: April 15, 2012, 02:48:47 pm »
may isa pa pala akong pet peeve. pasensya na sa matatamaan pero meron kasing parents na ginagawaan ng fb ang anak nila. tapos sila rin ang naga-update. yung mga status update na:

-"thanks mama for this <toy>" >>> e alam ko naman na yung mama nya rin ang nag-update
-"sarap ng ice cream!"
-"kala mo buntis kasama ko..naghahanap ng kung ano2x"
*tapos ang mga pics ng toys e may kasamang picture ng price tag nung toy.

ok lang kung ang reason nung fb account is to update relatives na malayo. pero puros material na bagay naman ang inilalagay at hindi yung milestone ng bata. tsk... tsk...

chefron

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #99 on: April 15, 2012, 04:30:43 pm »
natatawa lang ako sa nagpopost ng pics na kumain sila sa mga fast food chain, may album bawat store at di lang 2 pics kundi 20 shots imagine that!

self pictures that are fishing for comments

 

Latest Stories

Load More Stories
Close