watch now

Author Topic: Facebook/twitter pet peeves  (Read 98726 times)

snowflakes

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #40 on: September 02, 2011, 08:55:05 am »
^ my mistake i mean nakakatuwa. oo nga naman its our choice to delete someone na annoying. pero sa ibang nabasa ko kc dito lahat na lang inaayawan so parang naisip para ano pa nag FB diba? yun lang naman po.  ;D

airish_2

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #41 on: September 02, 2011, 09:00:13 am »
^^i agree hide lang naman ng nonsense post andun pa rin sila sa friendlist, at syempre keeping intouch sa mga friends mo talaga.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #42 on: September 02, 2011, 10:41:32 am »
nakakatawa naman kayo.... ;D ang daming hide and dinedelete dahil sa posts and pictures... eh bakit pa kayo ng FB? sorry ha, what is FB for you guys? di ako nang aaway ha. sa akin lang kase. FB is fun kase nakikita natin mga old friends and relatives posting pictures. siguro yung mga nagbebenta nakakaines yun, pero yung makita mo old friends mo sa new life nya diba ang saya? regarding sa status updates nakakaines din yung may kaaway at nag paparinig palage agree ako jan. pero malay natin kung wala shang ibang friends na makakausap kundi virtual friends lang? well, opinion ko lang naman to. wag sana magagalit kayo.  ;) peace.

kaya nga pet peeves eh. =P peace din.

snowflakes

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #43 on: September 03, 2011, 12:55:25 am »
^ exactly! kung lahat kinaiinisan nyo bakit nag fb pa kayo?  ;D peace  :)

opinion ko lang sa dami ng nilagay nyo na pet peeves nyo sa fb eh wala na kayong gustong makita. ayaw ng pictures, status updates, quotations, check ins. so ano pa gagawin ng tao sa fb? well, tama nga siguro na i delete na lang sila or hide.  ;) i have nothing against sa inyo naiisp ko lang naman dahil nga sa dami ng kinaiinisan nyo sa fb.
« Last Edit: September 03, 2011, 05:27:22 am by snowflakes »

Ysabelli

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #44 on: September 03, 2011, 01:44:36 am »
Sabi ba naman sa akin ng cousin ko "mag comment & like ka naman sa status ko" and Im like a deadma person. Ano yun pag madami nagcomment sa post mo sikat ka na?

Pet peeve ko ang mga sellers na kapag tinanggal mo ang tag nila sa iyo aba may pa threat threat pa na at parinig na burahin nyo nalang ako ek ek if you dont want to be tagged in my photos and Im like eh t****** mo pala eh profile ko yan wall ko yan pakialam mo ba! Atchaka pagkakaintindi ko pag tinag mo ako for sure naman makikita ko ang item na binebenta mo eh may karapatan ako idelete if it doesnt interest me diba! Kainis sarap sabihan ng patay gutom napaka walang pinag aralan di gumagamit ng kokote.

Di ko din ma gets why someone would post pics of their home, I mean privy dapat yun diba! Kaya madami na-aakyat bahat eh dahil may mai-post lang kahit di naman kailangan.

Di ko din ma-gets ang pag ccheckin sa kama/bed/crib. Wag mo nalang i-publish pwede!

M!ssy

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #45 on: September 03, 2011, 07:13:42 am »
Hindi ata ma-gets ng iba ano ibig sabihin ng pet peeves.

kung lahat kinaiinisan nyo bakit nag fb pa kayo?

malinaw naman reasons namin sa tanong mo. Hindi kami nag-FB for nonesense stuff.

opinion ko lang sa dami ng nilagay nyo na pet peeves nyo sa fb eh wala na kayong gustong makita. ayaw ng pictures, status updates, quotations, check ins. so ano pa gagawin ng tao sa fb?

If you will notice, napakalinaw din ng sagot dyan.. Don't get us wrong..wala kami sinabi ayaw namin sa lahat. Why else would we keep on using FB?

If you're wondering, personally YES marami pa din natitira sa friendslist ko.. not THOUSANDS but only the people with enough sense na hindi nagpopost ng mga unnecessary crap.

So yes, we still enjoy our Facebook without being annoying.

snowflakes

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #46 on: September 03, 2011, 08:05:33 am »
^ that's good to know  ;)

abbey

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #47 on: September 03, 2011, 08:31:28 am »
hehe balik tayo sa topic..  ;D
ako mga pet peeves ko parang yung mga napost na rin:

- lahat na lang ng ginagawa pinopost pa.. ultimo pagbayad ng utility bills, oras ng pagtulog at pagshoshower haha kalokah!
- yung nakikipagaway online tipong nagpopost ng mga trash talk nila sa wall na obvious namang maraming makakabasa tssss kakahiya.  :(
- those who are sooooooo full of themselves! get a life..
- mga mahilig magparinig at patama sa iba. napaka immature..

ayn lang naman..  :D

M!ssy

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #48 on: September 03, 2011, 09:51:19 am »
Andami dami rin palang ganun.. Akala ko nagkataon lang na may mga kilala akong ganun.

Mukhang ang pinakamarami pala eh yung nagpopost ng patama ekek and mga narcissistic  ;D

chinablue

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #49 on: September 04, 2011, 08:45:40 pm »
ako nag-eenjoy naman ako magbasa ng mga status updates. chismosa eh. pero eto mga kinakainisan ko:

sobrang emo-ok fine, pag malungkot ka may instinct talaga to share on fb. pero pag everyday emo naman, kakainis din. nega vibes eh.

yung add ng add kahit di kayo magkakilala ng personal. haler, sori sabihin ng suplada ako pero ignore ko talaga agad pag di ko kakilala. maski ba marami kaming mutual friends. Di bale ng konti ang friend's list ko, at least kilala ko naman lahat.

Yung gumagawa ng album specially for their newly acquired gadgets. May friend ako sa fb na ganito. Bili siya ng bagong gold, ipost nya pic. Basta lahat ng bibilhin nya ipopost niya pic. Nagpopost pa nga siya ng status na ipad 2 o galaxy tab? Malapit ko na siya ierase, hehe.

Yung mga tag ng tag, kahit wala naman ako sa pic, saka yung mga meaning ng names nila. Care ko naman?

Yan lang naman, hehe

icee_star

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #50 on: September 04, 2011, 09:14:12 pm »
Haha, funny kasi karamihan ng napost dito eh kinaiinisan ko rin. But I don't delete or hide them, I sometimes find it entertaining reading those posts.

But asar lang talaga sa mata eh mga jejemon posts, mapastatus or pictures! Asar talaga!!

mhacyful

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #51 on: September 04, 2011, 09:36:20 pm »
ako din ayoko ng mga jejemon post.kakairita basahin..pati mga name nila na ginagawa nilang jejemon like 'aquh xzci xheniorhitah' ayyy kaloka! saka yung lagi nagpaparinig sa kaaway nila minsan umaga palang yun na kagad bungad ng wall mo na mababasa mo nakakasira ng araw. hehe.piz sa tatamaan :pmaga palang yun na kagad bungad ng wall mo na mababasa mo nakakasira ng araw. hehe.piz sa tatamaan :p

abbey

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #52 on: September 05, 2011, 08:38:16 am »
'aquh xzci xheniorhitah' >> hahaha natawa naman ako dito. hindi ko pa nagets nung una.  ;D
ok fine ikaw na si seƱorita.
my friend ako tinag pa ko dun sa pakikipag parinigan niya sa isang gurlash.. ano gagawin ko makikisali ako shuckksss,,, parang gusto ko ideny na friend ko siya hehe.

zy

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #53 on: September 05, 2011, 11:34:32 am »
Haha, funny kasi karamihan ng napost dito eh kinaiinisan ko rin. But I don't delete or hide them, I sometimes find it entertaining reading those posts.

Ako din, I don't hide nor delete them. Deadma na lang ako, scroll down na lang hahaha!  ;)

izzie7

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #54 on: September 08, 2011, 01:36:31 am »
-pictures ng bagong gadgets/bags/etc parang matatanggap ko pa yung paulit ulit na muka nila
-i-like ang sariling status?
-pictures ng mga food na kakainin nila, i dont get it
-abusado sa dslr nila, ginagawang point and shoot kahit saan :)
-mga naka bikini na photos na hindi naman sexy (conservative lang, pwede naman hindi ipakita sa lahat)
-oo nga nagccheck in sa bahay? para saan ba yung app na yun?

pero ok lang, nakakatawa din makita :)


imnuttz

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #55 on: September 08, 2011, 09:36:17 am »
add ko pa:

- late for work today because ek ek.....
- bad trip ang customer ko today...
- will have my hair cut
- pinictyuran ang old email na wala lang naalala lang nya at natuwa sya and take note andun lahat ng email address, position, name, phone numbers ng taong kausap nya sa email.

kirstenchelsea

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #56 on: September 08, 2011, 11:25:02 am »
-creating an account for your pets
-creating a fan page hindi naman celebrity
-magbebenta ng stuff and then they will tag you
-sagutan ng sweet nothings ng mag-partner. we don't find it cute, ok?

pretty_in_victorian

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #57 on: September 22, 2011, 05:39:15 pm »
ayoko ng tinatag ako! at nakakaasar yung privacy settings nila!

pet peeve ko na ang new facebook..ang gulo eh!

chacha.12

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #58 on: September 28, 2011, 03:13:49 pm »
^oo nga sis kaasar! at ang bagal ha. pero siguro eventually we'll get used to it.

may friend ako nagmo-model tapos syempre may album sya ng gigs nya. tapos ipprofile pic pa nya. tapos iwawall post pa. the height eh iwall post gabi-gabi for few days? oo na maganda pero paulet-ulet?? she's nice and sweet pero ni-hide ko na lang. haha!  :P


rychel07

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves
« Reply #59 on: October 03, 2011, 12:52:27 am »
pet peeves:

yung everyday may kaaway. okay lang yun kung minsan lang, kasi ako din minsan ganun, ewan, sa sobrang pagka-addict ko na ata sa FB feeling ko it's an obligation to post anything i want, masyado kong sineseryoso yung "what's on your mind?" lol
anyway so yun nga, pag once lang or rarely lang talaga okay lang, pero i also have a friend na everyday nalang warla ang post nya may ged! hide na. pero sa bagong FB, yung mga hinide na friend updates, well they're all back! grrr... sorry napahaba.

oo super annoyed din ako dun sa liking their own status, pictures, etc. redundant much? kaya mo nga ni-post yan eh kasi you like it. duh?

jejemon posts. di talaga nakakatuwa.

about sellers naman na tina-tag ako sa pictures okay lang, kasi sobrang madalang namang mangyari. and since i'm also an online seller, i tag my friends dun sa online shop account namin, pero syempre i accept naman na they have the freedom to untag themselves kung gusto nila. kaya i also find it very inappropriate pag may mga online seller na nagagalit pag ina-untag yung pics nila, i mean hello? syempre account yun ng tao eh kung ayaw nilang andun product na binebenta mo eh bakit ba?

i also hide people na blow-by-blow talaga ang status updates. as in every hour may bagong status.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close