Hi sa mga sisses and bro. Feeling ko tagal ko nang hindi nakapost dito ha. I just needed to hibernate for a few days, pero lagi akong online at nagbabasa.

Sis
Michiness, ganda ng shoes mo, at tuwang tuwa ako sa drawing. Sino nagdrawing? Ikaw ba or supplier? Kung ikaw, baka pwede mo rin ako ipagdrawing on your free time.

At saka, thanks for quoting my name sa checklist. Haha. May kulang pa kaya ako na hindi naisama dun, except for the music flow?
Sis
Blueflame, cute naman, pati Ninangs ninyo naka cocktail dress. Naiimagine ko na, parang napaka light and happy ang magiging mood sa wedding ninyo. Re sa shoes, ang laki ng binagsak ng price nung Cole Haan shoes! Pero mahal pa rin. Measurement-taking mo na pala sa Saturday, send my regards to
Rei.
Sis
Prettymamie – same date tayo. Ganda ng reception venue niyo ha, sa Oceana

Bro
Ylonchar, ang cute nung dolls. Thanks for sharing the link. At saka, pare-pareho kayo ni
Bebe Karl ni sis blueflame at ni H2B ko, on the creative side. Natatawa nga ako eh, kasi mas pihikan pa siya sa akin pagdating sa kaartehan.
Sis
Katrinac – hay naku, dami talagang ganyan sa mundo, nagmamagaling masyado. Hayaan mo lang sila, wedding mo yan, ikaw masusunod. Minsan nga pag nahaharap ako sa mga ganyang tao, iniisip ko na lang “kawawa naman itong taong ito, dami na ngang issues sa buhay, mukhang psychologically ill pa”, sabay smile lang habang salita sila ng salita. Hehe. Plastic ko ba? Sometimes, it’s the only way to achieve peace and harmony. Ay, alam mo ba, may friend ako na fairytale pink ang kanyang wedding gown, at bumagay sa kanya, ang ganda niya tignan.

Sis
Ez4gotten – belated happy monthsary.

Sis
Mawchan – I’ve seen several weddings (kasama na yung sa pinsan ko) na ang groom ay naka coat-and-tie, tapos naka-barong ang male ento. Okay naman tignan.
Sis
karmie - lapit na wedding. Yihiiii

Sis
Aiyayil – happy for you for the proposal. Keep the kilig feeling alive.
Welcome Sis
Blushing.Margarita,
08Joan08,
Mawchan, and
Prettymamie. Happy preps! Welcome back sis
aiyayil and
sansai.
Share ko pala, isa lang ito sa mga ginawan ni H2B ng layout, our DIY bottled water labels:
http://mydreamplanner.blogspot.com/2011/08/diy-sneak-peak-water-bottles.html(wag niyo pansinin spelling ng “peak” sa link ha na dapat “peek”, hehe. Nagkamali lang po, my bad, hindi ko mabago yung sa link, pero naicorrect ko na yung sa blog mismo.
Regarding shoes, peep toe ang gusto kong style. Pero hanggang mga 3” heels lang kaya ko. Wedge sana, pero ayaw ng mga tao dito sa amin. Yung hay H2B naman, hindi siya pwedeng mag heels for men kasi matangkad na siya compared to my height. 5’10” siya at 5’2” ako. So, kailangan ko talaga mag heels, pero sa Church lang. Palit na para sa reception.
Parang 4 pa lang friends ko dito sa FB. Hehe. Sana mahanap ko kayo.
Stay beautiful and in-love everyone!
