watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 4*  (Read 99888 times)

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #420 on: August 09, 2011, 10:57:20 pm »
lunch time muna (este midnight meal pala. hehe).

hi sis michiness ginagabi yata ang mga post mo. :P

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #421 on: August 09, 2011, 10:57:51 pm »
sis michiness - natuwa naman ako sa checklist, talagang may graph pa. hehe. thank you so much ulit sis!  :-* Re: fairy tale themed wedding. sigh, feeling ko sis, di matutupad ang plano ko, dahil ang bet ni h2b, vintage! at mga taong nakapaligid sakin.  pero isisisngit ko parin sya sa 1st dance, dahil gusto ko talaga nung SO close sa enchanted. haha.  minsan lang nakakainis kasi nung mga ideas ko pag sinasabi ko sa mga kaibigan ko dito work, puro 'i object' sila. parang sila ang ikakasal. kaya minsan dito nalang talaga ako sa GT nag she-share ng ideas ko and gusto manyari sa wedding. tutal wedding naman namin ito diba, hindi nila. nung gusto ko daw kasi, parang pambata ang dating. puro pink.  ;D sis, balittan nyo ko sa lakad nyo sa Abbylyn's ha?

mawchan - sis, etong August na bridal fair na ba kayo mag attend?

parang bet ko narin ata mag hanap ng wedding shoes. hahah. wala pa nga akong gown eh. kahit design. pero may naiiisp na ako.  ;D

blushing.margarita

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #422 on: August 09, 2011, 11:26:40 pm »
update lang mga sis.

nag-inquire ako kanina kay Atty. Fortun thru email, and sadly, di na sya available for the whole month of December(2012), huhu. sayang talaga.  :(

since more than a year pa naman before our wedding, siguro magsearch na muna ko ng mga suppliers till the end of this year. then attend ng bridal fairs.

mga sis may question ako. kasi overseas si h2b. sa May uuwi sya pero 1 month lang vacation nya. you think sakto lang yung 1 month para iprepare yung church requirements? like yung sa wedding bans, seminars, etc. and okay lang ba iprocess na yung church requirements kahit wala pang marriage license? kasi December pa yung wedding namin, eh 4 months lang validity ng license di ba po.. nagwoworry tuloy ako, kasi 1 month before our wedding tsaka pa lang uuwi si h2b, so parang kapos na sa oras if 1 month lang namin aaasikasuhin yung church requirements at mga documents. huhu.  :'(

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #423 on: August 09, 2011, 11:32:37 pm »
sis kat correct ka dyan. :D only b2bs can understand b2bs. hehe.

sis blushing ang alam ko pwede yun iprocess even w/o marriage license. and i guess 1 month is enough for as long as wala prob sa birth certs and baptismal certs nyo. :)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #424 on: August 09, 2011, 11:33:36 pm »
hehe... Puyat na naman ako dahil sa Pure Love na koreanovela. Nagkataon na ginagamit pa ng kapatid ko ang pc sa bahay kaya nakiki-wifi. Buti nga at umayos na ang connection namin. Kundi, aawayin ko na ang SkyBroadband.

Sis katrinac, ang cute cute nga ng fairytale eh. Di lang talaga bagay sa akin mag-ballgown. hehe... Pero nice at classy din yung vintage. Kami kasi, basta modern romance chorva. Halo halo na pati Filipiniana dahil naka-Barong ang mga boys. hehe. Di kasi keriboom-boom ng budget if ka-careerin namin ang theme. Basta ma-feel lang ng guests ang month of love, okay na. At super love ko din yang song na yan from Enchanted. Okay sana kung masusunod nyo yung ganun diba. Tapos may animation na caricature nyo sa invitations. Bongga! Enchanted wedding! ;) Balitaan namin kayo ni sis blueflame about sa Abbylyn's.

Sleeplalu na ako gurls. Have a good night! :)

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #425 on: August 09, 2011, 11:46:11 pm »
michiness- night night sis  :-*. hamot i pursue ko talaga yang dream ko na yan. :) si h2b kasi, first dance namin, gusto nya nung Fresh Feeling by Eels. iniisip ko pa kung pano ko maisingit nung So Close. Gawin nalang namin medley. haha.

ez4gotten - tama!!! kaya minsan naku, minsan na buburyo nalang ako sa mga comments nila. kesho ganto, kesho ganyan. ang puro suggest sila, kaso ang mamahal naman! sila ba mag babayad? eh tipid tipid ang wedding namin. pero syempre na appreciate ko din naman kahit papano. ultimo flowers and concept ng prenup namin eh, disagree sila sa gusto ko. lol. di naman ata pangit ang taste ko? haha

blushing.margarita - yup tama si sis ez4gotten, kaya yan so long na walang problema sa documents nyo ni h2b mo :) habang wala pa si h2b, asikasuhin mo na nung mga baptismal and confirmation cert nyo. then pag dito naman sya pinanganak, mag request kanarin ng NSo birth certificates nyo :) or mas maigi, tawag ka na dun sa church, and ask mo sa kanila, kung kaya ba nila i sched ang magiging seminar nyo and interview, pag bigay ng banns sa loob ng isang buwan, para mas sure  ;) nung ibang churches kasi, may sched sila for seminars eh. tulad ng samin, every Tuesday lang ang seminar  & interviews.

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #426 on: August 10, 2011, 12:01:03 am »
sis michiness aaaawww di ko na mapapanood pure love. :(

sis katrinac may mga tao talagang excited maki-plan sa wedding. :D na-appreciate ko din naman, wag lang sasabihin na pangit ang pinili ko. LOL! ang sagot ko lang sa mga nag-ooverboard sa pag-susuggest into pagiging pakialamera is "sige sa wedding mo gagawin natin lahat yang suggestion mo". LOL. ako na ang bad. :P iba naman kasi ang suggestion sa pakikialam di ba? :P and btw, cute naman yung mga STD mo. i love yung may brown heart at yung 1st. :D
« Last Edit: August 10, 2011, 12:04:52 am by ez4gotten »

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #427 on: August 10, 2011, 12:07:41 am »
^ thank you sis. ayan tulad nyan, alam mo ba na sinabihan ako na parang children's party daw ang gusto ko? dahil daw sa design na yan. thank you so much sis, at nagustuhan mo din. hehe :)  :-* kaya nga minsan, di nalang ako nagsasabi sa kanila ng plans eh. dahil naloloka ako sa mga suggestions nila. LOL. ang plano ko sa STD ko sis, i print ko nalang sa specialty paper, and yun nalang pamigay ko. libre kasi ang pag print dito sa office eh. unlimited. kaya makakatipid talaga ako. may pinagtanungan kasi ako dati na pagawaan ng STD, 15 pesos each and 100 ang minimum nila. namahalan ako  ;D

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #428 on: August 10, 2011, 04:40:18 am »
^wala naman party hats kaya di yun pang children's party. hehe. kidding aside, that kind of pink naman is not pang-debut or children's party plus may brown pa. tsaka kanya kanya talagang trip yan. :P i remember one time may nagpipilit sakin ng gown design, i just told her na maganda nga yun but i don't think it will reflect my personality. ;) mahal nga ang 15/pc. kami ni h2b via email na lang. tipid pa, wala ng print print. hihi. tsaka yung STD video namin.

morning everyone! uwi na din ako sa wakas. :D

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #429 on: August 10, 2011, 04:49:38 am »
ez4gotten - ingat sa paguwi sis! ;) salamat, at na tuwa naman talaga ako sa wedding motif namin. hihi

carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #430 on: August 10, 2011, 06:15:04 am »
good morning!!

eksakto 1 buwan na lang!!! weeeeeee!!! ambilis pa naman ng araw, baka next week wedding ko na..  ;D 

mawchan: baka po saturday nga kami magpunta, kasi may precana part 2 kami ng sunday eh.. need din namin kunin pa sa divi yung barong ni h2b, for pick up na kasi...

my b2b na nagpost sa kabilang thread na pumunta siya sa mananahi ko, kasi nagpa quote siya.. nakita daw niya gown ko..at ang ganda daw!!! weeeeeeee!!! excited na ang lola mo!!! dun na din yung sis magpapagawa..

yung mga wala pa pong modista, you can also try Ate Fe Diaz, she's from pasig... pulido ang gawa.. kung 1-2k lang naman difference sa divi, eh keri na sa tingin ko..

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #431 on: August 10, 2011, 06:26:23 am »
^^ sis karmie how much labor ni Ate Fe for the entourage and bridal gown?

TIA!

carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #432 on: August 10, 2011, 07:10:22 am »
^ not sure po eh.. dpende siguro sa design.. pero yung kumpleto tela and labor sa entou 1500, yung gown ko 10k lang.. may bride na nagpa-quote sa kanya, (ako ngdala ng design sa kanya..) labor 8k po...

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #433 on: August 10, 2011, 09:27:10 am »
Good morning everyone! Wednesday na naman. My dreaded day. :o Busiest day of the week dahil daming need i-submit na reports. Daan muna ako dito before gumulong. ;)

Ipagpatuloy nga ang chikahan kagabi:
tama!!! kaya minsan naku, minsan na buburyo nalang ako sa mga comments nila. kesho ganto, kesho ganyan. ang puro suggest sila, kaso ang mamahal naman! sila ba mag babayad? eh tipid tipid ang wedding namin. pero syempre na appreciate ko din naman kahit papano. ultimo flowers and concept ng prenup namin eh, disagree sila sa gusto ko. lol. di naman ata pangit ang taste ko? haha

Kainis talaga pag may mga taong nagmamagaling. Pero wala tayong magagawa, may mga ganun talaga. LOL! But don't you ever think na pangit ang taste mo sis. Kasi naman, magkakaiba ang bawat isa sa atin. May kanya kanya tayong preference. Hope other people respects that. Ang mahalaga, yung happiness at satisfaction nyo ni h2b. ;)

sis michiness aaaawww di ko na mapapanood pure love. :(

sis katrinac may mga tao talagang excited maki-plan sa wedding. :D na-appreciate ko din naman, wag lang sasabihin na pangit ang pinili ko. LOL! ang sagot ko lang sa mga nag-ooverboard sa pag-susuggest into pagiging pakialamera is "sige sa wedding mo gagawin natin lahat yang suggestion mo". LOL. ako na ang bad. :P iba naman kasi ang suggestion sa pakikialam di ba? :P and btw, cute naman yung mga STD mo. i love yung may brown heart at yung 1st. :D

Sis ez4gotten, grabe adik na adik na ako sa Pure Love. I love Dave. LOL. Pero I love Denmark more. hehe... Chos lang. Naku sis, nakakarelate ako jan. Lumalabas lahat ng sungay ko. Okay lang naman mag-suggest eh. Pero to the point na lalaitin yung mga naipa-book ko, ibang usapan na yan. Respeto lang diba. I agree, may iba-iba tayong personalities. So definitely, we have different choices. Minsan kasi, pag nakaka-offend na, ibang usapan na yun. Tsuk! ;) Pero buti na lang, nailabas ko na yung feelings ko sa mga taong ganun. Gaan sa loob. Ako na ang prangka. Hindi lang kasi makatarungan minsan. LOL!

Sis blushing.margarita, agree with sis ez and sis katrinac regarding document processing. Keribels yan, so don't stress yourself too much hehe... :)

Happy preps to all! :) Work, work, work na muna.

ylronchar

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #434 on: August 10, 2011, 11:17:00 am »
bro ylronchar ganda ng wedding topper nyo! pricey nga sa hearts and bells pero according to them the client may provide their own topper, meron ba dun bro yung mga nakaupo na dolls?

thanks, sis mawchan! :) parang wala ata sila ng nakaupo na dolls. default kasi nila yung nakatayo. pero baka meron sila nung parang mga figurine. marami din kasi sila designs nun. medyo mas mahal nga lang compared sa dolls.

juice406

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #435 on: August 10, 2011, 02:00:39 pm »
bro ylronchar sent you a pm. hehe..

sis katrinac, wow may kaparehas na ko ng trip na theme. yung fairytale ko nihaluan ko ng enchanted forest. para di magmukhang debut. hehe.. feeling ko ok lang naman kasi isip bata din ako.

naku meron din akong friend na ganyan. pinapalipat ba naman yung reception ko kasi qc manila malayo daw. e isang tumbling lang sa lrt yun. naku talaga! ahahaha..

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #436 on: August 10, 2011, 02:53:49 pm »
late na naman ako today! sinamahan ko kasi rumampa si h2b. kamusta mga sisses & bros?! busy ang bahay!  ;D

ladyblossoms_14 - welcome back sis! noted yang change of wedding date.  ;)

sis ez4gotten - tell papa P, pagbigyan ka na sa shoes. shoes is one of girls' bff!

katrinac - cool ni h2b mo! i like the idea ng barong na nakataas yun kwelyo!  ;)  si h2b naman, ang gusto nya, piƱa yun tela pero yun cut parang suit. ang gulo nya! mas maarte pa sya sa akin pagdating sa isusuot nya. re opinion ng mga officemates nakakainis talaga yung ganun! minsan gusto kong sagutin - "kayo ba ikakasal?!" "kayo ba gagastos?!"  :P  para di na lang ma-hurt yun feelings ko sa sasabihin ng iba, i have my MOH lang na hihingan ko ng opinion aside sa mom ko and kay h2b.

mawchan   - goodluck naman sa exercise sa arms! may dumbles din ako dito pero di ko ginagamit. wala talaga sa vocabulary ko ang salitang exercise! hahaha!

michiness - i love you shoes sis! ikaw ba nag-draw? magulo pa design ng shoes ko, dami kong gustong mangyari. hahaha! anyway, thanks for leaving a message sa wedsite namin! pati kila shooting_star & katrinac

Can't wait for the weekend! Measurement-taking ko na sa Saturday!  :-* Finalize na menu sa caterer!  ;D Kulang pa rin kami ng 1 ninang!  :-[

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #437 on: August 10, 2011, 05:18:34 pm »
Sis blueflame, tenchuness. Yep, ako nag-draw nun. hehe... Sa kagustuhan kong mapagsama yung 2 design. LOL! Saan pala ang meeting place natin sis sa Saturday? Di kasi kami familiar sa Abbylyn's. hehe... :) Re ninang, kaya yan sis. For sure makakahanap din kayo. ;)

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #438 on: August 10, 2011, 07:51:13 pm »
wow! ikaw na magaling mag-drawing sis michiness. :D clap clap for you. ;) o yes ang cute ni dave. sayang lang at di ko na napapanood. :(

sis blueflame oo sanay na sya sa ka-adikan ko sa shoes. haha. buti nga diet na ko sa shopping galore ng shoes ngayon para sa wedding. :P

sis karmie wow lapit na talaga. goodluck sa pag-aayos ng lahat ng kulang. :)

super duper good vibes ako today. :D monthsary namin ni h2b. lol. 7 months na lang!!!! weee!!!

mawchan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 4*
« Reply #439 on: August 10, 2011, 08:03:56 pm »
hello girls! active na active ang mga 2012 brides and groom! ;)

sis ez4gotten pm sent, pwede ako rin pa pm ng quote sayo ni ms. inah  :D

sis karmie sat afternoon pa kame siguro nandun, sana maabutan ka namin ni h2b! katuwa ka sis every day may countdown talaga! :D

sis katrinac drop by lang kame megamall to meet sis karmie, yan eh kung magkikita kame dun!hehe kunin namin kasi syang emcee! :) very affordable!

re fairytale themed wedding, gusto ko din nyan! kaso di yata bagay sakin ang ballgown..  :P
isa pa our guests mostly sa side ni h2b taga province mahirap na at baka magcomment pa ng di maganda!

re shoes san ba sis michiness and blueflame ang abbylyn's? how much range ng prices? :)

question kung ang groom naka coat and tie, ok lang ba na ang bestman and groomsmen eh naka barong?

good eve to all! :D



 

Latest Stories

Load More Stories
Close