watch now

Author Topic: Davao City and Samal Island thread 7  (Read 92249 times)

danda

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #300 on: August 22, 2011, 05:25:37 pm »
^^ naexcite naman ako sa kwento mo fhel! At gusto ko na din bumalik sa Davao at magjeep!

kikay iska - every 3rd Week of August. :)

kikay iska

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #301 on: August 22, 2011, 05:30:09 pm »
^ hehe thanks, sis! Aug 18-19, 2012 then. :)


danda

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #302 on: August 22, 2011, 05:34:16 pm »
^abang na tayo! :D

kikay iska

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #303 on: August 22, 2011, 05:39:27 pm »
^ Haha korek, sis! at maraming dasal para payagang mag-leave.  halos 1 yr advance ang booking ko ng Kadayawan 2011 pero di naman nagamit dahil sa work.

danda

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #304 on: August 22, 2011, 05:42:28 pm »
^aww sayang naman. hindi bale nect year! :D

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #305 on: August 22, 2011, 06:00:06 pm »
oi sama ako sa 2012 kadayawan!

lakwatsa

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #306 on: August 22, 2011, 06:06:09 pm »
Mga sis, i know parang masyadong maaga itong tanong ko... Pero ano kaya ang dates ng Kadayawan 2012? Yung Indak-indak Saturday sana :)

uy, mag aabang na agad ng ticket! haha! :D palagi naman Sat yun indak indak tapos Sun yun floral float parade. every 3rd wk daw so baka Aug18-19 yun main events hehe. mga sis na tiga Davao paconfirm na lang hehe ;)

eto na yun continuation ng kwento ko:

Aug 20 (Sat)
free breakfast c/o Royale house. Ok ang mga staff nila, Mababait pero halatang aligaga dahil sa dami ng tao. fully booked e. Nasira yun shower dun sa room namin tapos nagrerequest ako palipat sa ibang room kaso nga lang fully booked so inayos na lang nila yun sira.
Yun bangus sa breakfast, maliit. hehe. sana lakihan ng konti. haha! at sana pala may option din for tea. kasi either coffee or juice lang ang option for drinks e. nag request ako ng hot water na lang kaso yun cup may lipstick mark.  :o pinapalitan ko kay kuya. nakita ko naman chinecheck na nya yun cups bago lagyan ng laman. hehe

after magbreakfast, naglakad na kami papuntang marco polo. dun kami sa tapat naghintay para sa parade. ang saya ng parade! tapos since nasa tapat na kami ng aldevinco, diretso shopping na ng souvenir items. then taxi to lachi's para maglunch. tapos taxi ulit pa-SM. bumili na kami ng mga halaman para mai empake na. kumain din kami ng durian tapos nag jeep pauwi sa Royale. then pahinga konti tapos nag jeep pa-bangkerohan para bumili ng suha. RVR yun binili namin. 80/kilo pero nakuha namin 70. bago lang daw sya sa market at mas ok kesa golden (100/kilo sa golden). nanghingi kami dagdag, binigyan kami nenita. pag uwi sa hotel, inopen namin, ok yun RVR kaso yun nenita, tuyot. for dinner, naglakad lakad kami pero di magustuhan ni mother ang mga eat all u can at medyo busog pa rin kaya sa chowking kami pinulot hehe.

Aug21 (Sun)
breakfast ult. tocino naman inorder ko. pero lasang tapa. ok na rin masarap naman. then 7am mass sa san pedro church kaso patapos na yun misa. yun next na mass inantay na lang namin mga 8am na nagstart so 9am na kami nakalabas para makanood ng pamulak. dami na agad tao dun sa San Pedro St. may mga nagpparade nang mga naka motor. so para di namin mamiss, binaybay namin yun route ng parade pakonti konti hanggang makarating kami sa Magsaysay haha! ;D in short sinalubong na namin yun parade para matapos na namin agad at makabalik kami sa Royale para makapag check out. umabot naman kami. di nga lang namin nakita si Marian dun sa float ng Amaya cast.
after check out iniwan muna namin yun mga gamit tapos nag jeep kami pa-Abreeza. sa Dimsum Diner kami kumain. di masarap yun hakaw at siopao lasang usok! tapos nag starbucks na lang kami. na avail ko na yun new store invite na coupon ko. kaso palpak sila. di nakuha yun name ko so antay ako ng antay wala yun drinks na order ko. tapos nun nag follow up ako at nagawa na yun drinks ko. matubig naman yun frap! naalala ko tuloy nun nag happy hour sila, ganun ang quality. naisip ko na lang baka sadyang ganun talaga ang ginagawa nila pag "promo" hehe.

ikot ikot kami sa abreeza. dun sa exhibit may nagtitinda ng golden pomelo, bumili kami ng ilang piraso kasi wala nang nakalabas na kinikilo. puro naka box na yun meron dun. naalala ko sa bankerohan meron so nag jeep kami pa bangkerohan kaso sarado yun store ng golden dun. huhu. diretso dapat kami sa SM pero we decided bumalik muna sa Royale para magrest. Tapos nag jeep to SM para bumili ng golden pomelo tapos yun durian pinalagay namin sa microwaveable. Kumain ulit kami ng durian hehe. then nag jeep pauwi sa Royale. Tapos taxi pa-airport. mas mura na yun binayaran dito 170 na lang.

nameet ko na rin si Joy. mabait nga sya. yun mga staff nila dun mababait naman. talagang kukunin yun mga gamit mo para di ka magbitbit. natawa lang ako kasi nun Day 2 sinabit ko sa door yun do not disturb. pag uwi namin, may nag make up pa rin ng room haha! ;)

lakwatsa

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #307 on: August 22, 2011, 06:33:03 pm »
kwento ko pala yun sa airport. 7pm andun na kami para sa 9:05 na flight. tinimbang timbang ko muna sa counter ng PAL yun mga gamit namin dahil cancelled yun flight nila, walang pila.

then may 3 counters ang APX. pumila ako dun sa isa. tapos napagtanto ko pang 9:50pm flight pala yun so lipat ako dun sa nag iisang counter para sa 9:05. tapos after a few minutes, yun pila dun sa pang 9:05 e abot na hanggang sa tourism na desk (kami andun lang sa firearms area na desk) ganun kahaba! samantalang yun pila para sa 9:50 parehas maiksi. di na ko nakatiis nagtanong ako dun sa counter "sabi ko talaga po bang 2 yun counter para sa 9:50 tapos isa lang yun sa 9:05 na mauuna pa?". sagot sa kin, kasi daw sa PAL daw yun 9:50. ni-lease daw yun plane dahil cancelled yun flight. ok fine. pero weird pa rin na past 7pm na tapos 1 lang counter para sa 9:05 na flight nila. i think may mga iba na rin na nag complain so after a few minutes, ginawa nilang pang 9:05 lahat nung 3 counters hehe.  ;D

delayed yun flight namin. lahat yata ng airlines delayed. tapos biglang may dumating na APX plane. kainis di pala para sa min kasi after a few minutes, tinawag na yun mga passengers from PAL. para sa kanila pala yun. flight 2P 9984. ok lang sige mauna na sila tutal 6pm pa yun orig flight nila tapos nacancel lang kaya ginabi na sila ng husto kaya kawawa naman sila. maya maya nag final call na sila lampas 5 times yata. nakakatawang "final and last call" paulit ulit pa. gusto kong sagutin "iwanan nyo na yan mga pasaway na pasaherong yan" hehe.

finally, kami naman yun magb-board. nakapila na kami nang may biglang lumapit na mag bf/gf o mag asawa na tinatanong dun sa attendant kung nasan daw yun 2P 9984 kasi iba na yun sa gate 6. sows! sila pala yun pina final call ng paulit ulit! di na nakatiis yun isang pasaherong matanda, sya na sumagot na kanina pa nakaalis at paulit ulit nang nag final call yun. nainis yata yun lalaki kasi sumagot sya "sya ho ang kinakausap ko". napatahimik yun matanda hehe. tapos yun lalaki pa yun galit ha. kasi sabi nya mahina daw yun speaker/ paging system nila. andun lang daw sila sa may hallway sa tapat ng kainan hindi nila narinig yun mga final call. malapit lang daw sila sa gate 6. tapos binagsak pa nya yun bitbit nya sabi nya sa attendant "pano na yan" sabi nun attendant, sa check in counter na lang daw pumunta. tapos tinanong nya pano yun mga baggage nila. inoffload na daw.

sobrang frustrated yun lalaki pero gusto kong sabihin. "e kasalanan mo yan kuya. alam mo na ngang ganitong oras ang boarding time mo di ka pa nagtaka na wala kang naririnig nagtatawag ng flight mo. dapat ikaw na mismo nag take ng initiative to check. hindi ka naman VIP na ikaw pa susunduin kung san ka man nakaupo no" hehe. pero syempre quiet lang ako baka masigawan din nya ako tulad ng ginawa nya dun sa matandang babae hehe. ;D usap usapan tuloy sya habang naglalakad kami papunta sa plane :D

chin66ay

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #308 on: August 22, 2011, 08:01:51 pm »
sis lakwatsa, bigo rin ako dyan sa dimsum diner... dati kasi masarap dyan pero ewan ko kung dahil kadayawan lang nun (2009) at dapat pa naman handa sila ... aba lahat ba naman ng inorder namin sa menu ay wala sila??? di rin masyado masarap. dun kami sa may Damosa (galing/papuntang airport) kumain.

sis peachtraveller bakit 2 na lang kayong tumuloy? sayang! sana sumabit na lang ako. hehe

prish

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #309 on: August 22, 2011, 08:19:29 pm »
hi girls!  i tried booking agoda for pearl farm, 3 pax, walang additional person charge lumabas.  does it mean good for 3 na yung room? is P7652.85 (including taxes) for samal house for 3 persons with free bfast sulit na? how do we avail free transfer to the island? :) hoping for your helpful responses :)

magkano yung lets crab eat? buffet pa yun?

peachtraveller

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #310 on: August 22, 2011, 08:22:38 pm »

sis peachtraveller bakit 2 na lang kayong tumuloy? sayang! sana sumabit na lang ako. hehe

kasi ngkaron ng emergency yung isa kong friend, yung isa naman namatay yung nephew  :( hindi na kita naisip, sayang din ang tickets nila... tuloy dalawa na lang kami sa room...

feedback sa royale house : ok ang room especially the extra bed and I was surprised na included ang breakfast and kahit na small ang bangus ok na din kasi free hehe... mABAIT ang staff and mabilis sila mgrespond sa mga request namin...Nakachikahan ko pa si Ms. Joy and ngbeso-beso pa kami before we left...

thanks you and sis Ayi  ;D

sis relative mo pala si former Speaker Nograles  ;D

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #311 on: August 22, 2011, 10:29:33 pm »
^sayang sana ako na lang sinama mo. :)

chin66ay, sana ma-meet din kita next time.

peachtraveller

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #312 on: August 23, 2011, 07:45:17 am »
^sayang sana ako na lang sinama mo. :)

chin66ay, sana ma-meet din kita next time.

naku sis last minute back out kasi, sayang nga, if i only knew na ganun sana pinamigay ko na lang tickets nila...

prish

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #313 on: August 23, 2011, 06:08:51 pm »
hi girls!  i tried booking agoda for pearl farm, 3 pax, walang additional person charge lumabas.  does it mean good for 3 na yung room? is P7652.85 (including taxes) for samal house for 3 persons with free bfast sulit na? how do we avail free transfer to the island?  hoping for your helpful responses

magkano yung lets crab eat? buffet pa yun?

chin66ay

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #314 on: August 23, 2011, 06:25:46 pm »
how do we avail free transfer to the island?  hoping for your helpful responses

sis free na yung transfer going to pearl farm pag nakabook ka.
 

mga sis lakwatsa, peachtraveller,ayionick - i'm sure magkikitakita rin tayo sa ibang thread. mga makakati ang paa natin e!

peachtraveller, oo relative namin. siya may ari ng RH... kaya mga tito/tita ko nagma-manage ng hotel. thanks for the feedback. 
 

prish

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #315 on: August 23, 2011, 07:39:33 pm »
^thanks sis. so wala na ako ififill for the transfer, right? yung special request nalang for the time of boat transfer isesend ko?

letters_to_cleo

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #316 on: August 23, 2011, 09:49:48 pm »
Am in Davao now :-) Home Sweet Home :-) went to Abreeza kanina, (Moooon Cafe) for lunch. Sarap ng baby back ribs! Mura pati 225 PHP and the meal good for two na.

Nag-Lachi's din kami for desserts. Naubusan na sila ng Durian Cheesecake haha, kaya back to my favorite : Dulce De Leche cheesecake plus a mug of hot choco.  My brother ordered Apple Pie and Dark Chocolate Cake,  My cousins ordered the Regal Torte and coffee plus iced tea.  Our total bill for four cakes and four drinks:  PHP 335.00!! Only in Davao! :-) One reason why I love Davao :-) Indulgence here does not mean you have to spend lots of moolah :-)

purpleish

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #317 on: August 24, 2011, 10:13:46 am »
sis letters_to_cleo ...kaiingit naman sissy ;D buti pa diyan kahit sosyalan ang foodie can afford pa den... sayang nung nag punta kame diyan hindi namen na try mag Lachi's, next punta passby kame diyan... favorite ko pa naman ang mga cheesecakes :) kagutom naman yan post mo sis hahaha

cartman

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #318 on: August 24, 2011, 12:47:25 pm »
wala pa din kame iti sa october na davao trip namen. baka naman pede mangopya iti hehe 4days and 3 nights gusto namen ma experience yun rafting na nasa gulong, nag papareserve kaya sa ganun? wala ako makita blog na may ganung iti.thanks

danda

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #319 on: August 24, 2011, 01:31:28 pm »
^sis share ko ang iti namin "dapat". Change plan 2 days before kami pumunta sa Davao dahil sa mga landslide at ulan na nababalita. Wala lang iyang Eden.  ;)

Day 1         
02:25 AM                   Check-in at NAIA Terminal 3 Fee            
04:25 AM   06:10 AM   ETD Cebu Pacific Manila to Davao            
06:00 AM   07:00 AM   Breakfast            
07:00 AM   08:00 AM   To Malagos – Van Rental ( 12 hrs )            
08:00 AM   11:30 AM   River Tubing            
11:30 AM   12:00 AM   Back to Lakay Outdoor Shop and Washing up            
12:00 AM   01:30 PM   Lunch            
                           Philippine Eagle Center            
                 Malagos Garden Resort (Bird Show)            
01:30 PM   02:30 PM   To City Proper            
02:30 PM   04:00 PM   Tribu, k'mindanawan, Zorb            
                  Butterfly Garden            
04:00 PM   05:30 PM   Crocodile Park Show            
05:30 PM   06:00 PM   Jack's Ridge             
07:00 PM              Accommodation - Royale House            
                 Dinner @ Lachi's            
                 Free Time            
Day 2                     
06:00 AM   07:00 AM   Breakfast/Check-Out            
07:00 AM   08:00 AM   Taxi fare to Davao Marina Wharf            
08:00 AM   09:00 AM   Ferry ride to Pearl Farm            
09:00 AM   09:30 AM   Arrival at Pearl Farm / Brief orientation from PF’s staff            
09:30 AM   02:00 PM   Samal Tour – Habal-habal            
                          Lunch            
02:00 PM              CheckIn – Pearl Farm            
                 Dinner            
                 Free Time            
Day 3                     
06:00 AM   12:00 PM   Sulitin ang pagStay sa Pearl Farm            
                         HEAVY Brunch            
04:00 PM                   CheckOut PF            
04:00 PM   05:00 PM   PF to Marina Wharf            
05:00 PM   05:30 PM   Whaft to Airport            
                     Dinner            

 

Latest Stories

Load More Stories
Close