watch now

Author Topic: Davao City and Samal Island thread 7  (Read 92144 times)

lakwatsa

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #180 on: July 30, 2011, 11:24:04 pm »
^korek kelangan nga i-clarify ang presyo lalo na kung iba pala yun magddrive. nangyari din yan sa min. yun alam ng nag drive sa min e 2500 8hrs then 300/excess hr while yun alam namin e 3k 12hrs. buti na lang naayos ni ayi. ;D

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #181 on: July 30, 2011, 11:41:06 pm »
^maayos naman sila pag kinausap nyo ng maayos din syempre. siguro madami nga kausap si kuya joey at lito na kung sino kayo dun. :)

bk

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #182 on: July 31, 2011, 12:02:14 am »
@letters_to_cleo - inisip ko na nga lang nun "beauty is in the eye of the beholder" siguro para sa kanya mas maganda victoria mall kaysa sa abreeza. kahit na by manila standards para lang syang gotesco o baka mas pangit pa sa gotesco. hehe!

@silverlilac - kung si mang joey kukunin nyo tell him not to be late at wag kayo madaliin gaya ng nangyari sa min. dapat van yung gagamitin namin na service pero dahil nga gamit ng iba, 2 taxis na lang ginamit namin. baka yun din yung car na sinasabi nya.

@lakwatsa - 2500 lang rate sa min ni mang jeremel for bat cave, hagimit falls, maxima. baka naman typo lang yung 3500. hehe! 2500 kung multicab, 4000 kung aircon van.
ok lang naman na late na sinabi ni mang joey na iba driver namin, kaya lang sana yung matino naman. hindi yung nagdadabog, ni hindi ngumingiti, tinging ng tingin sa relos tapos nung binigay ko na yung bayad at sinabi kong hindi kami satisfied sa service nila nag bisaya sya na hindi ko naman naintindihan. feeling ko minumura nya na ko, clueless pa ko. hahaha!

@danda - ang swerte nyo. ok lang kahit tahimik yung driver basta wag lang rude. :))

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #183 on: July 31, 2011, 12:09:35 am »
^nakausap din namin yung driver nila danda, he offered us na sumabay na sa kanila since iisang hotel lang kame saka magkakakilala kasi kame nila danda. ask nyo na lang si danda kung may contact number sya nung mismong driver na yun.

hindi ko din ma-recommend si kuya leo o kuya boboy kahit na naging ok naman ang davao tour namin kasi 3 out of 5 stars lang sila for me. siguro kasi we ended the tour na nagkaron ng konting ilangan dahil sa misinformed rate. bale hindi ata nainform ni kuya leo si kuya boboy about sa itinerary at rate namin. pero like lakwatsa said, naayos naman sa pag-uusap at di naman kame winalanghiya ni kuya boboy.

lakwatsa

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #184 on: July 31, 2011, 12:11:15 am »
sis bk, 3500 talaga e kaya nga gulat ako. tinatry nga tawaran ni sis ayi pero 3500 daw talaga. di na namin inavail. masyado mahal yun 3500 na multicab para sa 4hrs na rent.

unless iba si jeramil na kontak namin dun sa jeremel na kontak nyo? hehe  ;D

bk

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #185 on: July 31, 2011, 12:28:24 am »
sis bk, 3500 talaga e kaya nga gulat ako. tinatry nga tawaran ni sis ayi pero 3500 daw talaga. di na namin inavail. masyado mahal yun 3500 na multicab para sa 4hrs na rent.

unless iba si jeramil na kontak namin dun sa jeremel na kontak nyo? hehe  ;D

0939-3570271 ba yung number? yun yung number ni mang jeramel e. ilan ba kayo? 7/pax kami tapos ang gamit is multicab. saka ano-ano yung pupuntahan?

shegothim

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #186 on: July 31, 2011, 09:38:17 pm »
i think kaya 3500 ang rate na binigay kasi kasama ang tagbaobo falls at moncada sa IT nyo sis lakwatsa.

tahimik nga si kuya jeramil di pa ata sya sanay sa mga nagpapatour. oks lang naman di naman kasi sya talaga tour guide. di pa nga nya alam noon kung paano pumunta ng tagbaobo. first time din daw nyang makapunta doon nung pumunta kami. iyong asawa nya ang nakakaalam at swerte rin dahil may bata kaming naabutan sa daan kaya sa kanila kami nagpasama pababa ng falls.
« Last Edit: July 31, 2011, 09:43:01 pm by shegothim »

peachtraveller

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #187 on: August 01, 2011, 07:19:02 am »
good morning mga sisses!!!

refer ko yung van na nirent namin when we visited davao last november... i super like him kasi sobrang makuwento and wala kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa... 2 days namin siya hinire for camp sabros and eden park, crocodile park, philippine eagle, malagos and aldevinco...

he was referred by my officemate sa davao branch namin... this is his number 0920 4188369, his name is Noel... Please tell him that Fritzie from Federal referred him to you  ;D

lakwatsa

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #188 on: August 01, 2011, 03:35:44 pm »
@sis bk, di ko sure ang number kasi si ayi yun nag aasikaso nun para sa group hehe.

sis jen, alam ko optional na lang yun sinabi ni ayi na tagbaobo at pati nga yata moncado at maxima kasi baka maubos yun time at saka nga para makadiscount sana kaso 3500 daw talaga kahit di kasama e. napa habal na lang tuloy sila tapos nag pass na kami dun sa tour na yun. :D

@peach, sis magkano rate ni kuya?

kikay iska

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #189 on: August 01, 2011, 05:35:55 pm »
^ Sis, may contact ka ba ng car na lang? Kasi sa 9 na na-book ko for the whole family, 3 lang yata kaming matutuloy. Exams kasi ng 3 batang kasama kaya goodbye Davao trip na sila. Syempre inuuna ang pag-aaral... Mukhang bonding kami ng parents ko neto; kaming 3 na lang. Kaya car na lang, ok na kami. tia!

peachtraveller

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #190 on: August 01, 2011, 06:19:15 pm »
@ sis lakwatsa - last november pa tong rate na to sis ha 7k for 2 days - camp sabros, crocodile park, eden garden, phil. eagle, malagos, aldevinco, lola abons... haggled yan sis kasi friend ni kuya noel yung offcmate ko sa davao branch nmen...  ;D

try nyo eto pang isang number 0922 8596773

@ sis kikay iska - sorry wala akong kilalang may sedan car sa DVO  :(

silverlilac

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #191 on: August 01, 2011, 06:44:38 pm »
Tomorrow na Davao trip namin...I'm so excited!!! first time namin ni hubby to ride a plane together, and my first time din to go on a flight na hindi ako alone. Super-excited na ako, feeling ko di ako makakatulog mamaya LOL  ;D

lakwatsa

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #192 on: August 01, 2011, 08:06:04 pm »
@chinggay, yehey sis! oks na yun booking ko sa royale. tinawagan ko si joy. di pa pala sya nakakapag open ng email lately hehe. next step is mag deposit na ng payment this week.  ;D

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #193 on: August 02, 2011, 10:22:07 am »
sis kikay, eto yung mga nakausap ko dati:
Baldo (taxi) - 09058674890
Joey (taxi) - 09206954333

chin66ay

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #194 on: August 02, 2011, 06:21:08 pm »
@chinggay, yehey sis! oks na yun booking ko sa royale. tinawagan ko si joy. di pa pala sya nakakapag open ng email lately hehe. next step is mag deposit na ng payment this week.  ;D


ok sis. nakakainis naman... wala ako ngayong kadayawan. im sure enjoy yan!

grabe sad naman yung experience ni sis bk. masyadong na-overwhelm si kuya at di kinaya ang bookings. nasira tuloy siya. kung ako tatanungin, dapat nga siyang iboycot. hehe. bad!

kikay iska

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #195 on: August 03, 2011, 10:39:42 pm »
sis, magkano ang entrance fee sa malagos garden?  and pwede bang walk-in dito?
ang nakikita ko lang kasi sa site nila, packaged tours eh.

tama ba, malapit ito sa PEC?

tia! :)

javazcript

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #196 on: August 03, 2011, 11:10:32 pm »
Hi, My friend and I will be going to Davao this September. Here’s my itinerary: (patulong naman po)

Day 1:

Check in at Sampaguita Inn
Eden Nature Park (morning)
Deca wakepark(afternoon)
Dinner at Penongs
People’s Park

Question: How to get there from Davao airport to Sampaguita Inn? via commute? mura lang ba pag cab? parang mas gusto namin kasi commute via jeep para tipid?
anong mall ang pwede naming puntahan sa araw na ito na malapit sa Peoples Park?
San san merong branch ng Blugre’s coffee shop?
Paano magcommute from Eden Nature Park to Deca Wakepark?

Day2:

Day tour at Pearl Farm
Malling, strolling the city…

Question: any buffet resto where we can have dinner,suggestion na mura lang pero ok naman...mga tipong 200-400 price range?

Day 3:

Probinsya resto (breakfast buffet)
Aldevinco (buy pasalubong)
Ateneo de Manila University (papicture lang)
Philippine Eagle Center

(ano pa pwedeng isingit na pwedeng puntahan pa dito)

Question: Possible ba ang day 3 from morning till 1130 am tas check out na sa Sampaguita Inn tas punta na sa airport kasi may flight pa 1400 frm Davao to Manila? malapit lang ba ang Aldevinco and Ateneo sa Phil Eagle Center?
San banda yung probinsya resto where we can have the breakfast buffet?

Thanks po! (pasensya na dami pongtanong) :)

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #197 on: August 03, 2011, 11:15:13 pm »
malagos tour is P125/pax. kung may kasamang buffet lunch plus P150/pax. malapit ito sa PEC.

kikay iska

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #198 on: August 04, 2011, 11:04:03 am »
^^ thanks sis ayionick. :)
Malagos kasi yung kailangan ni mother dear kasi mahilig sya sa mga orchids. :)

I'm travelling with my parents, old na sila and di masyadong active/mabilis gumalaw, madaling mapagod. Kakayanin ba namin ng 1 day ang:
1. Malagos
2. PEC
3. Eden
4. Croc Park
5. Tribu K'Minadanawan

Kung merong pwedeng ihiwalay para sa ibang araw, ano ang best na ihiwalay? Is it Croc Park?
« Last Edit: August 04, 2011, 12:47:48 pm by kikay iska »

lakwatsa

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #199 on: August 04, 2011, 12:11:28 pm »
^Sol, yun Malagos at PEC e isang way lang.. isang hilera pero mas malayo PEC so kadalasan inuuna yun tapos binabalikan na lang ang Malagos. Yun Eden andun din sa lugar na yun pero different way. so medyo may kalayuan pa rin.

yun Croc Park at Tribu ang magkasama sa isang lugar.

to give you an idea, ganito yun naging timing ng trip namin dati (based on timestamp sa pic ;D):

7:14am - umalis ng Royale house
8:14am - nasa PEC na. nagpapicture dun sa sawa bago pumasok sa PEC (then bago umuwi e bumili pa kami ng fruits dun sa nagtitinda)
9:54am - nasa Malagos na. nanood kami ng bird show then inavail namin yun may buffet lunch na package
12:23pm - umalis from Malagos
1:33pm - nasa Eden na
1:50pm - umalis ng Eden dahil 4pm pa daw yun next na shuttle tour na pwede namin i-avail
3:14pm - nasa Croc Park na

 

Latest Stories

Load More Stories
Close