watch now

Author Topic: Davao City and Samal Island thread 7  (Read 91755 times)

mama squeak!

  • Guest
Davao City and Samal Island thread 7
« on: July 11, 2011, 12:13:21 pm »
New thread, ladies!

Reminder please, keep to the topic. No attendance posts and PM call outs.

Link to thread 6.

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,233854.0.html

Post away!

 :)

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #1 on: July 11, 2011, 12:57:02 pm »
shegothim, nakapag-Hagimit at Bat Cave kame nila mars13. sila lakwatsa, nagstay na lang sa PF. pagdating namin sa PF, pumunta kame sa Front Office para magsign ng waiver at paiwan yung bags namin since di pa available yung rooms namin. tapos dinala kame ng shuttle service sa back door near aqua sports. may guard dun na kukunin ang name nung lalabas for samal tour. tapos may mga habal na dun sa labas ng gate, P1,000 ang unang bigay samin. syempre nakipag-haggle ako kaya binigay na lang ng P600. mejo mahal pa din since 2 lang naman ang pinuntahan namin. pero habang nasa habal kame saka namin naisip na kung tutuusin kulang pa yung P600 sa hirap ng drivers dahil sobrang mabato, malubak at nakakatakot magdrive papuntang main road. yun lang naman ang magiging problem, the rest ok naman.

beauregarde

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #2 on: July 11, 2011, 01:39:48 pm »
hello mga sis,

ask ko lang kasi po aug 18-21 po kami pupuntang davao, and since kadayawan festival yun we expect na madami tao. Makakapagtour pa kaya kami? Or may maisusuggest po ba kayo na magandang itinerary.
Time of arrival pa naman namin sa davao is 2pm na so malamang di na kami makakapuntang eden park hayz T_T. Tapos Time of departure naman is 12:30pm. So parang 2 full days lang talaga kami nasa Davao. Help naman mga sis!!!
« Last Edit: July 11, 2011, 01:47:33 pm by beauregarde »

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #3 on: July 11, 2011, 01:47:33 pm »
^ano yung mga gusto nyo puntahan? davao city tour lang ba o kasama samal tour? saka what time departure nyo from davao?

beauregarde

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #4 on: July 11, 2011, 01:50:51 pm »
thanks sis ayionick, mas mahilig kami mag-beach ni hubby. So kaya ba kung mag-talikud island kami saka samal island? yung philippine eagle center saka yung bat cave ba tawag dun, possible din kaya? pasensya na sis ha di ko pa kasi napuntahan yun.

lakwatsa

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #5 on: July 11, 2011, 01:58:32 pm »
^aug19-22 naman ako andun hehe. wala pa iti. manonood lang siguro kami ng parade ni mother bear. gusto ko sya dalhin dun sa crocodile park pero iisipin ko muna kung pano ko isisingit. hmmm.

mga sis na tiga davao, may list/programme na ba ang kadayawan festival? saka anong mga accommodations ang madadaanan (or super lapit) sa parade? :D

@ayi, di masyado matamis yun suha na nabili namin dun sa PEC. :( mas matamis pa rin yun unang nabili natin. sana next month mura na lang para makapag hoard ng marami. hehe :D

piglet24

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #6 on: July 11, 2011, 02:03:57 pm »
^^ sis, kung kadayawan festival ang period ng dating niyo and kinda late na, you can go to the malls kasi
maraming mga bazaar sa mga malls ng mga local products. so pampasalubong na agad ang nasa agenda
niyo.  tapos, dinner kayo jack's ridge. the following day na lang ang eden niyo. check niyo website ng eden
baka may promo sila for kadayawan. :)

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #7 on: July 11, 2011, 02:08:46 pm »
^lakwatsa, oo masarap yung sa PEC pero mas gusto yung may kilig factor na pomelo sa una nating binilhan. tama lang na P700/box of 7-9pcs kasi masarap sya. pero ok na din yung P280 sa PEC. eh teka lahat ba nung nasa box kalasa nung pinatikim? o yung pinatikim lang ang masarap? nga pala, nabasa ko dito sa My Hotel daw dumadaan yung parade.

^^beauregarde, yung talikud island ay nasa samal island. hanap ka ng map para mas ma-picture mo kung saan sya banda. not sure kung hanggang anong oras ang ferry from davao to samal. pero kung mas prefer nyo ang beach, gawin nyo na lang sa day 1 diretso na kayo samal (kung may resort sa talikud dun na lang kayo mag-overnight). kinabukasan na kayo mag-samal tour (hagimit falls, maxima, bat cave, moncado house, etc) either sa umaga o after you checkout from resort. after that pwede kayo bumalik sa city. nasa bandang Davao city kasi ang Philippine Eagle Center, Eden, Malagos Garden. naisip kong ihuli nyo ang Davao tour para diretso bili kayo ng pasalubong at kasi nasa Davao din ang airport, wala sa Samal.

beauregarde

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #8 on: July 11, 2011, 02:20:44 pm »
Thank you sis! Sige po search ko din kasi ang intindi ko from city to samal malapit lang mga 15minutes. Pero pag talikud island sa sta. ana wharf sasakay saka mas malayo mga 1 hour? tama ba LOL sorry

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #9 on: July 11, 2011, 02:31:59 pm »
^not sure kung gaano kalayo o katagal ang byahe from sta.ana wharf to talikud. pero from Pearl Farm parang mas malapit. yung airport to sasa/sta.ana wharf mas malapit ata. kasi kame airport to davao marina wharf nasa 10-15 minutes siguro.

lakwatsa

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #10 on: July 11, 2011, 02:33:53 pm »
@ayi, oo nga e. natatabangan nga ako dun sa nabili sa PEC. di bale babawi na lang ako next month sana bonggang bongga na ang dami ng suha at super tamis na sana nila hehe.  ;D

beauregarde

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #11 on: July 11, 2011, 02:37:38 pm »
^^ thank you sis. Sana di naman sobrang dami ng tao sa beach kaya lang mukang malabo yun kasi kadayawan festival hahaha. Good luck to us. Thank you ulet!

letters_to_cleo

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #12 on: July 11, 2011, 02:42:52 pm »
Asa Davao din ako sa Kadayawan :-) :-) Anyhoo sa mga pupunta ng Davao sa Kadayawan, punta kayo sa Kadayawan Bazaar and Trade Fair sa Davao Con ha! Trade fair for local retailers/ manufacturers of Davao ito so perfect bilihan ng pasalubong (and mga pampakikay! lol)


^Ang Samal island kasi sis napapalibutan ng resorts so depende sa resort  from 15 - 45 minutes
from the city, i.e. kung yung resort ba eh nasa likod pa ng Samal island or yung location nya is facing lang the city (tatawid lang ng dagat.).Yung Paradise Resort yung nearest, just 15 mins kasi tapat na tapat lang naman sya ng city, magcross ka lang talaga ng dagat.

Note na yung 15 mins, eh travel yan by boat. Most resorts sa Lanang (northern part ng city) ang pier.

Yung Talicud mga 1 hour ang travel time and yes sa Sta. Ana Wharf ka sasakay ng pa-Talicud
or Babu Santa(ibang part ito, not sa Lanang, sa may center
 na ito ng city). Iba yung Sasa, Sta. Ana Wharf at mga pier ng kanya kanyang resorts.  Sasa at Paradise/Pearl Farm/ Costa Marina/Chemas piers magkakalapit, sa Lanang/Sasa lahat yan. Sta. Ana Wharf is sa Magsaysay, sa city center na ito.  Ibang island  ang Talicud sa Samal Island, but isang City lang sila~  part sila ng Samal Garden City.
« Last Edit: July 11, 2011, 02:47:50 pm by letters_to_cleo »

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #13 on: July 11, 2011, 02:45:06 pm »
oo nga pala babalik ka! wala ka pang plans kung ano gagawin nyo dun? pero nasa plan mo siguro ang lachi's? hehe!

piglet24

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #14 on: July 11, 2011, 03:24:08 pm »
beauregarde:  sis, if you are planning to go to talikud island from sta. ana wharf nasa 45-60 minutes ang
boat ride.  pero if you are going to cross the island via the barge ang tawid is 10-20  minutes lang then
ikutin niyo yung island.  kung during kadayawan punta mo, the exact day siguro konti pa mga tao after the
parade and all festivities, sakay pa pupunta mga tourist sa beach.

beauregarde

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #15 on: July 11, 2011, 03:54:31 pm »
@letters_to_cleo
thank you sis ill take note of it!

@piglet24
uu nga sis iniisip ko pa naman beach kami ng august 19 tapos sa 20 kami magcity tour para makapunta din sa kadayawan festival... hayz bahala na lolz! pagiisipan ko muna at research ng matindi!

Thank you sa mga inputs nyo sis!!!

kikay iska

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #16 on: July 11, 2011, 04:19:53 pm »
Mga sis, ano ano ba bang magandang pagsamahin sa iti pag may 1-5-2 days ang ia-allot ko sa mga ito. Iniisip ko kasi baka di kayanin ng mga kids and parents ko yung pagod pag pinagsama ko ito sa 1 day lang.

Eden Nature Park
Malagos Garden
Phil Eagle Center
Croc Park
Davao Museum/other city spots 


Another question for Kadayawan week naman ito:  Meron bang nakapag-try na ng day tour or overnight sa PF and then from PF nagpunta sa ibang parts ng Samal like Talikud Island at doon nag-overnight? I'm looking for boat rental for Samal tour sana from near PF kasi ang plan ko is day tour sa PF then from there, diretso sa Talikud para di na pabalik-bali [textspeak!] Davao mainland. 

Tia!



Yung Talicud mga 1 hour ang travel time and yes sa Sta. Ana Wharf ka sasakay ng pa-Talicud
or Babu Santa(ibang part ito, not sa Lanang, sa may center
 na ito ng city). Iba yung Sasa, Sta. Ana Wharf at mga pier ng kanya kanyang resorts.  Sasa at Paradise/Pearl Farm/ Costa Marina/Chemas piers magkakalapit, sa Lanang/Sasa lahat yan. Sta. Ana Wharf is sa Magsaysay, sa city center na ito.  Ibang island  ang Talicud sa Samal Island, but isang City lang sila~  part sila ng Samal Garden City.

^ sis, would u know kung anogn tawag sa wharf ng pa-PF? Ang naalala ko lang, malapit sa Waterfront Hotel kami binaba. But this was 5 yrs ago. Tapos yung pa-Paradise Resort, anong wharf ito?  5 yrs ago na rin ako nagpunta dun kaya di ko na maalala. And sa work yun dati kaya wala akong research noon, puro asa sa admin namin noon.

Tia!

ayionick

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #17 on: July 11, 2011, 05:03:08 pm »
^sis, Davao Marina Wharf or Pearl Farm Jetty. Sasa naman yung sa Paradise. nung nasa PF kame, nag-Samal tour kame. lumabas kame sa backdoor, tapos nung pabalik na kame sa PF nadaan kame sa isang overlooking at tanaw ang talikud island. sabi nung habal driver need nga daw mag-boat para makapunta dun. not sure if it can help but maybe you can try to call Kuya Alvin Yee and ask if he knows someone from their barangay who can lend a boat and bring you to talikud. konsehal kasi sya sa barangay sa labas ng PF, he was very proud in showing us his banner outside PF na sya nga ang konsehal. in fairness, mabait at helpful sya.

yung sa davao tour nyo, dapat half day ang i-allot nyo sa eden kasi kahit dumating kayo on-time pwedeng di kayo makasakay sa guided tour lalo kung may nauna na sa inyong dumating at nakapagpa-reserve ng slot. like kame, dumating kame ng 1:30pm pwede sana kame sa 2pm schedule pero since may nauna samin 4pm na ang next available guided tour slot. para hindi masayang ang time nyo, sa PEC -> Malagos -> Eden -> Croc Park.

update din pala sa rates, entrance sa Malagos is P125/pax. meron din silang may kasamang buffet lunch and entrance fee na worth P275/pax.

piglet24

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #18 on: July 11, 2011, 06:20:42 pm »
^^another suggestion po sa iti niyo. pwede kayong mag davao museum first then diretso na eden para
timing na lang din lunch time while waiting for your turn sa tour sa resort. tapos after sa eden
so you can go to croc farm.

yung sa malagos and phil eagle. iisang way lang kasi sila. sa dulo ng road ng malagos ang phli. eagle para
di sayang yung time sa biyahe. hope this helps. :)

lakwatsa

  • Guest
Re: Davao City and Samal Island thread 7
« Reply #19 on: July 11, 2011, 06:28:51 pm »
oo nga pala babalik ka! wala ka pang plans kung ano gagawin nyo dun? pero nasa plan mo siguro ang lachi's? hehe!

korek! sarap dun e :D croc park at lachi's pa nga lang ang nasa itinerary ko for Aug. haha! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close